CHAPTER 33 Hindi ko na lang inintindi ang napansin ko. Inisip kong mali lang ako ng akala dahil sa ngiti nilang matatamis nang pinaandar na ni Bryan ang motor. Napakasarap sa pakiramdam na yakap ko ang aking mahal. Magkadikit ang aming mga katawan. Oo nga’t matagal na kaming nagkakaangkas ngunit kakaiba ang angkas namin sa araw na ito, Huling angkas naming dalawa at yakap yakap ko siya ng mahigpit. Amoy ang bango niya kahit pa malakas ang hanging sinasalubong namin. Ramdam ko ang t***k ng kanyang puso habang hawak ko ang kanyang matigas at maumbok ng dibdib. Isang karanasan namin ito na maging matamis na alaala naming dalawa. Hanggang sa paakyat kami ng paakyat sa isang burol. Napakaluntian ng paligid. Napakapresko ng hangin. Ramdam ko ang lamig nito. Hanggang sa pakiramdam ko ay nasa al