“Ace?” Sumalubong sa akin si Dabin nang makalabas ako sa apartment nila Archie. Halos mapatalon ako sa gulat. Nagtataka naman siyang tiningnan ako at ang apartment nila Archie. “Anong ginagawa mo diyan?” “Ha?” naiusal ko sa kaniya. Sinara ko ang pinto mula sa likod ko at tiningnan siya. “Ah, wala naman. Kailan pa kayo umuwi?” “Kayo? Kakauwi ko lang,” sagot niya. “Eh, si Eros? Hindi ba kayo sabay umuwi?” Umiling si Dabin, nagtataka pa rin kung bakit galing ako sa apartment nila Archie. “Naunang umuwi si Eros.” Tumango na lang ako at naglakad na palapit sa pinto ng apartment namin. “Ah, gano’n ba? Pasok na tayo. Malamok dito, eh,” sabi ko sa kaniya pero nanatili lang siyang nakatayo at nakatingin sa akin. “Ace… pwede ba tayong mag-usap?” mahinang saad niya matapos ang ilang sagli