“Oh, anong kailangan n’yong dalawa?” tanong ko kina Jade at Nathalia nang magyaya silang mag-video call. Kumaway naman si Nathalia na ngayon ay nasa kwarto niya at nasa study desk. Si Jade naman ay mukhang nasa CR at nakaupo sa bathtub na walang lamang tubig. “Hello, Ace, baby! Kumusta? Minessage kita noong Friday para pumunta tayo sa Katipunan. Bakit hindi ka sumama?” malungkot na sabi ni Nathalia. “Naghahanap ako no’n ng trabaho at saka pag-uwi ko ay may group study sila Archie kaya sumali ako,” sagot ko at dumapa sa kama ko. “Group study? Bakit hindi n’yo ako sinabihan?” nagtatampong sabi ni Thalia. “Nando’n din sina Dabin, at saka as if makakalabas ka nang basta-basta diyan sa mala-mansion n’yong bahay,” sabi ko naman at tinawanan siya. “Hoy, ikaw, Jade? Anong ganap mo? At ba