“A-Aray. Dahan-dahan naman. May galit ka ba sa ‘kin?” inis na sabi ko sa pinsan ni Archie. Ginagamot niya ang sugat ko sa braso na hindi ko na alam kung saan ko nakuha. Mukhang nasugat ‘yon sa pagpupumiglas ko mula sa mga lalaki kanina. Nag-angat siya ng tingin sa akin bago maingat na nilagyan ng betadine ang sugat at pagkatapos ay nilagyan niya ng band aid. Umupo siya sa tabi ko. Narito kami ngayon sa isang park at nakaupo sa bench. Mabuti na lang at hindi dala ni Eros ang guitar case niya dahil malamang ay nagkandarapa na kami sa pagtakbo kanina kung sakali man. “Bakit hindi mo siya kasama?” tanong niya habang inaayos ang sintas ng sapatos niya. Tiningnan ko siya habang hawak ang namamanhid kong pisngi. Parang hindi ko maramdaman ang sarili kong mukha dahil sa hapdi nito. Masun