" Siguro naman ay nasabihan ka na ni Ana kung ano ang mga dapat ninyong gawin, hindi ba, Prinsesa Reann? " taning ni Reyna Ysabelle kay Reann habang kumakain sila. " Tama po kayo, Mahal na Reyna. Lahat ay nasabi na sa akin ni Ana habang naglalakbay kaming pumunta rito, " sagot ni Reann sa kanya. " Mabuti naman kung ganoon, " sabi ni Reyna Ysabelle sa kanya. " Kaya ang masasabi ko na lamang da inyong dalawa ni Cedie, kilalanin ninyong mabuti ang isa't isa. Alam kong mahirap ang ganitong kasunduhan pero kailangan niyong gawin ito, " dagdag pa ni Reyna Ysabelle. " Sa ganitong kasunduan, maaaring isa sa inyo ay hindi payag kung ano man ang gagawin ninyo pero isipin ninyo na para sa inyo ito bilang miyembro ng Mahar, para sa inyong sarili, para sa Arconia at Alora, at para sa ilalaki n