Five

1303 Words
Chapter 5 WAYLON… KANINA PA ako naiinis sa bubwit na ‘to. Pero hindi ko magawang ipangalandakan ang pagkainis ko. Bukod sa siya ang dahilan bakit ako nakakapag-aral, ayoko rin na masira ang image ko sa school na ‘to. Hindi naman sa pagmamalaki, pero sikat ako sa University na ‘to dahil sa ‘sabi nila’ gwapo ako at matalino. Para sa Akin siguro oo gwapo ako, pero hindi ako matalino. Matiyaga lang akong mag-aral, mag-aral at mag-aral. Kasi ito na lang ang nakikita Kong sagot sa kahirapan ko. Na kapag nakapag-aral ako nakapagtapos na mah magandang grado mas mataas ang chance na mabilis akong aangat sa buhay. Lahat ito dahil sa kagustuhan Kong maiangat ang Mama at kapatid ko. Gusto kong ipatamasa sa kanila ang maginhawang buhay. “Saan ang punta natin?” tanong ni Vista na kanina ko pa hila-hila. Doon ko lang naisipan na huminto, nasa may football field na kaming dalawa. Siguro naman wala nang makakakita sa amin dito. Naiinis kasi ako, ipangalandakan ba naman ng pandak ‘to na boyfriend niya ako. “Vista,” tawag ko sa pangalan niya nang harapin ko siya. “Yes, Waylon?” anito naman na nakangiti habang nakatingala sa Akin. Tantya ko nasa four feet lang ang babae na ‘to. Kung tataas man ng four feet baka mga limang pulgada lang. Ang liit niya compare sa height ko na 6’2”. Halos tumaas lang siya ng kaunti mula sa bewang ko. “Una, hindi mo ako boyfriend para ipangalandakan mo na boyfriend mo—“ “I know, Uncle told me your my guard. Hindi ba nakakahiya na sabihin Kong body guard kita. I saw how people react when they saw you entering the cafeteria. Hindi ko man nararanasan ang maging sikat alam ko naman ang ibig sabihin no’n. At mukhang sikat ka rito, and it will ruin your image. Tama ba ako?” Napakurap-kurap ako nagulat na mukhang nag-iisip naman pala ang babaeng ito. Kasi mula kanina na magkakilala kami ang dami ko nang napansin sa kanya. Huminga na lang ako nang malalim. Napaisip ako, may point siya sa sinabi niya. Pero hindi naman ako nahihiya kung malaman ng maraming tao na isa akong guard ng babaeng ito. Kahit una sa lahat alam naman ng mga tao dito na isang mahirap na gwapo lang ako. Nagawi ang Mata ko sa may braso ni Vista. Napamura ako, mukhang napahigpit ang pagkakahawak ko sa kanya. Namumula ang pulsuhan niya na may bakat ng kamay ko. Sigurado akong magkakapasa ang marka ng kamay ko sa pulsuhan niya. “s**t!” mahinang mura ko Pa. Kabilin-bilin Pa naman na hindi dapat na masaktan ang babaeng ito. Sa hindi ko malaman na dahilan, bawal na masaktan si Vista. Iyon ang bilin ng sponsor ko, sa oras na maging guardian na ako ni Vista. Iiwas ko siya sa kahit na anonv magiging dahilan na masaktan ito. “I’m sorry,” hinging paumanhin ko. Hindi ako humihingi ng sorry dahil sa hindi ko nagawa ang trabaho ko. Nagso-sorry ako dahil sa nasaktan siya sa paraan ng paghawak ko. “Bakit ka nagso-sorry? May nagawa ka bang kasalanan? Okay mabait naman ako, pinapatawad na kita kung ano man ang kasalanan mo,” ani Vista na nakangiti na naman. Nagulat ako ng may malakas na tunog ng cellphone. Kay Vista siguro, kasi hindi naman ganoon ang tunog ng cellphone. At nagsimula na ngang kumilos si Vista para hanapin ang phone nito. “Oh! I need to eat now,” sabi nito nang makita na ang cellphone. “Hindi ka Pa kumain?” Takang tanong ko sa kanya. Tiningala na naman niya ako at umiling, “it’s not yet the time of my lunch.” Napakunot ang noo ko sa narinig ko sa kanya. “Kailangan Pa talagang naka-alarm sa cellphone na kakain ka?” Ngumito siya sa Akin, kahit maliit ang babaeng ‘to. May angkin naman siyang ganda, simple lang siyang babae. And that makes her beautiful. “Oh by the way, mukhang hindi sinabi sa ‘yo ni Uncle. I have a disease called CIPA, or Congenital insensitivity to pain with anhidrosis.” Anito. Hindi ako medical student kaya wala akong ideya sa sinasabi niya. Isa akong law student okay. “English please,” sabi ko sa kanya na tinawanan lang nito. Napakurap-kurap na naman ako. Bakit ganito? Ang tawa ng bubwit na ito Ay maganda Pa pandinig ko. “Okay, sorry. I will not explain it furthermore. Pero in the simplest explanation, hindi ako nakakaramdam ng sakit at hindi ako nagpapawis. I can’t feel hunger too, and even going to the bathroom. So I need a reminder to do thing like that,” paliwanag nito habang tumatawa Pa rin. Is she for real? Nagagawa Pa nitong tumawa sa kalagayan nito. Kahit hindi ko alam na may ganito pa lang sakit, alam ko naman na seryoso iyon. Napatingin ako sa may pulsuhan ni Vista. Hinawakan ko iyon at ipinakita sa kanya. Nakita ko na nagulat siya pero sandali lang. Tapos mangha na nakatitig na siya sa sarili nitong braso. “Whoa! May pasa na ako?” sabi Pa nitong manghang-mangha sa nakikita. Yap, naging pasa na ang kanina lang ay namumula-mula nitong pulsuhan. I don’t know what come into my mind, pero bigla ko na lang kasing pinitik sa noo si Vista. Hindi malakas, hindi rin mahina pero sapat para makaramdam ng sakit ang taong mapipitik ko. But Vista didn’t flinch a bit, o kahit man lang magtanong bakit ko siya pinitik. “Look Waylon, may pasa na talaga ako. Ang galing naman,” para siyang bata na may natuklasan na bagong bagay. Ano ba ‘tong pinasok ko? ……………….. NAKAUWI na ako sa boarding house ko si Vista Pa rin ang iniisip ko hanggang ngayon. Kung totoo nga ba ang sinabi nitong sakit nito. Kanina kasi sa library nag-research ako tungkol sa sakit na sinasabi ni Vista. Malala ang sakit na ‘yon at totoong may mga taong hindi nakakaramdam ng sakit. May iba-iba pang komplikasyon akong nabasa sa sakit ni Vista. Pero kung titignan ang dalaga parang normal lang naman siyang dalaga. “Haist! Bakit ba inaabala ko ang free time ko sa kakaisip sa bubwit na ‘yon. Marami kang for review at mga dapat basahin Waylon, sobrang dami.” Saway ko sa sarili ko at inabala na lang ang sarili sa pagbabasa. Nasa pinaka-climax na ako, iyong bang tutok na tutok na ako sa inaaral ko nang tumunog ang cellphone ko. Si mama. “Yes ma—“ “Kuya kailan ka ba uuwi?” umiiyak ang kapatid ko. Siya na naman ang may hawak ng cellphone ng Mama namin. Simula nang umalis ako sa probinsya namin para makapag-aral dito sa Manila. Hindi Pa ako nakakauwi, para bisitahin man lang ang Mama at kapatid ko. “Baby sis, huwag ka nang umiyak. Uuwi rin ako kapag may ipon na ako o kaya naman naka-graduate na ako,” pag-aalo ko sa kanya. Marami pang sinabi ang kapatid ko, maraming pakiusap na umuwi na ako. Pero kasi hindi pwedeng basta na lang umuwi. Bukod sa wala akong oras dahil sa pag-aaral ay may mga side line ako na mga trabaho. Marami akong part-time job, bukod sa trabaho ko sa pag-aalaga nang isang bubwit. Ang sinasahod ko pinapadala ko sa Mama ko. Kahit na alam Kong kinukuha lang din naman ng tatay ko para ipangsugal at ipang-inom. Ang mahalaga hindi na nababawasan ang kita ni Mama sa paghahanap buhay nito. May makukuhanan na nang panggastos ang Mama ko para sa pang-araw-araw na gastusin sa bahay. Ganito lang buhay, maraming obstacles pero kailangan na tatagan ang sarili para matapos ang obstacles na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD