Chapter 6
VISTA…
KATAKOT-TAKOT NA namang bilin ang narinig ko kay Uncle. Sa totoo lang ayaw na niya akong palabasin nang makita niya na may pasa ako sa kamay ko. Ang sabi ko naman masyado lang akong natuwa sa bagong experience ko. Sa sobrang tuwa ko napiga kong mabuti ang kamay ko. Which is wrong dahil alam kong nagsinungaling ako kay Uncle.
“Are you sure you were okay Vista?” tanong sa akin ni Uncle for the nth time today.
I smiled at him and nod my head, “yes Uncle, I’m okay. Really really really okay! Don’t worry about me po.”
Tinitigan niya ako, nasa tapat na kami ng University gate pero hanggang ngayon ayaw niya pa rin akong pababain ng sasakyan. Napalingon ako sa may labas, nakita ko si Waylon, nakaabang na siya sa may gate at alam kong ako ang hinihintay niya.
“Baba na po ako Uncle, naghihintay na po si Waylon.” Paalam ko kay Uncle.
Sumilip na rin siya sa labas ng sasakyan bago muling tumingin sa akin.
“Vista−“
“Uncle, please I want to live a normal life now. Please,” pagmamakaawa ko sa kanya.
Pinakitaan ko pa siya ng puppy eyes ko, iyong sabi ni Uncle noong nagising ako ang cute ko raw kapag gano’n ang ginagawa ko sa mata ko.
Nakita kong napa-iling si Uncle bago siya ngumiti, nilapitan niya ako at hinalikan sa noo. “Please Vista take care yourself good this time. Hindi moa lam ang panic na naramdaman ko ng makita ko ang pasa mo sa kamay kahapon. Kung hindi ka lang dalaga baka hinubaran na kita tulad noon bat aka matignan ko lang kung may sugat ka sa buong katawan mo.”
Niyakap ko naman siya, “I love you Uncle, thank you for being my sugar daddy.” Bulong ko sa kanya.
Nagulat ako nang bigla na lang siyang humiwalay sa akin. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatitig sa akin na parang may nasabi akong mali. Pero naalala ko mula nang magkamalay ako palagi ko naman sinasabi na mahal ko si Uncle which is I really do love him. Siya lang ang mayroon ako, siya lang ang pamilyang alam kong nandyan para sa akin.
“Vista! Where the hell did you learned about that word?” galit at gulat na tanong sa akin ni Uncle.
Nanghahaba ang nguso ko, “I don’t know Uncle? Palagi naman kitang sinasabihan nang ‘I love−“
“No, not that Vista! The sugar daddy. My God bibigyan mo ako ng heart attack bata ka. You’re just out in our house for one day and you learned this words? Ililipat na kita ng University.” Galit na sermon niya sa akin.
Biglang bumilis ang pintig ng puso ko, kinakaban yata ako. I’m not sure if it nervous or something, sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko para nang lalabas ng rib cage ang puso ko. So ang ginawa ko bumaba na ako ng sasakyan kahit pa ayaw ni Uncle.
“Vista come back here!” sigaw ni Uncle.
“Bye Uncle, see you later!” mabilis ang bawat kilos ko.
Actually para mas mabilis sa normal na lakad ang ginagawa ko, parang ito na yata ang tinatawag na tumatakbo? Hindi na naman ako sure.
“s**t!” ani Waylon.
“Ay!” aniko.
“Vista!” sigaw ni Uncle.
Dilat ang mga mata ko, alam ko babagsak ako sa lupa na una ang mukha ko. Kasi naman bakit nag-crisscross ang mga paa ko habang naglalakad ako nang mabilis. Ayan tuloy muntik na akong malaglag sa lupa, o madapa?
Pero ang galing, nasalo ako ni Waylon. As in siya ang nakahiga ngayon sa lupa habang nasa ibabaw niya naman ako.
Kitang-kita ko kung gaano siya kabilis na naglakad masapo lang ako. Tapos dahil sa dilat na dilat ang mga mata ko sa pagbagsak ko, nakita ko na nakapikit siya na nakalukot ang mukha. Pero kahit gano’n ang gwapo nga niyang talaga, may kakaiba siyang charisma or charm pero hindi ko alam kung paano ko naiisip ang mga bagay na ito. Siguro dahil sa mga nababasa kong mga libro, o sa mga napapanood ko sa TV at internet.
“Ang cute mo,” sabi ko kay Waylon.
Doon siya nagdilat ng mga mata at sinamaan ako nang tingin.
“Vista!” boses iyon ni Uncle.
Para akong papel na basta na lang inangat ni Uncle, just like before. Kinarga niya ako na parang bata, sa laki ba namang tao ni Uncle talagang kayang-kaya niya akong buhatin. Isa pa, my Uncle have the strongest muscle I’ve ever knew.
“Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Uncle sa akin.
Nahihiya na tumango naman ako sa kanya at itinago ko na ang mukha ko sa dibdib niya.
“Waylon, ikaw okay ka lang?” narinig kong tanong ni Uncle kay Waylon.
“Yes sir,” boses naman ni Waylon ang sunod na narinig ko.
“Good,” iyon lang ang sinabi ni Uncle at nagsimula na naman siyang maglakad.
Pag-angat ng tingin ko nakita kong naglalakad na si Uncle pabalik ng sasakyan niya habang buhat-buhat niya ako. Ito na naman ako, bumibilis na naman ang pintig ng puso ko. Nagkakawag ako at nagpumilit na bumaba sa pagkakakarga sa akin ni Uncle.
“Okay lang po ako, may class ako Uncle.” Sabi ko sa kanya para lang ibaba na niya ako sa pagkakakarga niya.
“I know, but after what I’ve seen I think you’re not yet ready for this Vista.”
I bit my lower lip, I tried to look like a puppy again but Uncle is not looking at me anymore. Kaya si Waylon ang tinignan ko na nakatingin pa rin sa amin at deretsong nakatayo mula sa kinabagsakan namin kanina.
Itinaas ko ang mga kamay ko paharap sa kanya, I’m pleading him to help me.
“Waylon help!” sigaw ko pa sa kanya.
I don’t know but he did move as I asked him for a help. Mabilis na siyang naglakad makahabol lang sa amin ni Uncle na ngayon ay nasa tapat na kami ng sasakyan.
“Sir,” tawag ni Waylon sa Uncle ko.
Tiningala ko si Uncle na ngayon ay nakatingin na rin kay Waylon. He look so serious, iyong super seryoso na nakatitig sa mga kausap nitong mga naka-black na coat and tie.
“Yes Waylon?”
Napalingon ako kay Waylon na nakatingin din pala sa kain.
“Ah, sir I think you should drop Vista down. Pinagtitingin na po kayo ng mga tao, and I think it is not good that Vista…” nakita ko na parang naging malikot ang mga mata ni Waylon.
Hindi na siya nakatingin sa akin, pansin ko rin na para siyang nauutal habang nagsasalita at lalo may tubig na lumalabas sa noo niya.
Hindi ko pa tapos na pagmasdan ang mukha ni Waylon ibinaba na ako ni Uncle. Pero kasunod nang pagkakababa niya sa akin ay ang pagbubukas nito ng pintuan ng sasakyan.
“Get in to the car, Vista.” Utos nito sa akin na ikinasimangot ko naman.
Tumingin na naman ako kay Waylon para humingi ng tulong pero hindi na siya nakatingin sa akin. Nanghahaba ang nguso ko na sumakay na nga ng sasakyan.
Pagkaupo ko, agad na nalingon ko si Uncle na isinara ang pintuan at hinarap si Waylon. Nag-usap sila na hindi ko na naririnig dahil sa nakasara na ang sasakyan. Hanggang sa matapos silang mag-usap at makasakay sa sasakyan si Uncle nakatingin lang ako kay Waylon na ngayon ay tumalikod na at nagsimulang pumasok sa loob ng University.
“Uncle,” tawag ko na may pagmamakaawa sa boses ko.
“You will just rest for today, bukas ka na lang pumasok Vista.” Iyon lang ang sinabi ni Uncle at ini-start na ang sasakyan at nagmaneho na siya pabalik sa bahay.
……………………………
“PAANO MO naging Uncle si Mister Federico Hidalgo?” tanong sa akin ni Waylon nang magkita na kami ngayon na pumasok na ako.
Napatingala ako, para pumikit dahil sa nasilaw ako sa araw. Pero sandali lang at tinignan ko na naman si Waylon na kapantay ko lang na naglalakad papunta sa corridor ng building kung saan ako papasok.
“Sabi niya kapatid niya ang Mama ko,” sagot ko sa kanya.
Hindi na ako nagtanong kung bakit kilala niya si Uncle, kasi nga nagta-trabaho siya kay Uncle para bantayan ako. Kaya malamang kilala niya talaga si Uncle sa pangalan, ang bright ko talagang mag-isip.
“Pambihira, hindi ko alam na siya pala ang amo ko.” Sabi ni Waylon na hindi ko maintindihan.
“What do you mean?” takang tanong ko sa kanya.
“Ang Uncle mo, hindi ko alam na sikat pala siya. Ni minsan hindi ko pa kasi nakilala ang Uncle mo kahapon lang. I’m become speechless because of him, he’s a best lawyer pero pinili niyang maging isang business man. And to think na galing siya sa pamilya ng mga politicians, great politician to be exact.” Ani Waylon na parang manghang-mangha habang nagsasalita.
Hindi ako nagsalit at pinakinggan ko lang siya, I didn’t know anything that Waylon is talking about. Ni minsan kasi wala naman akong nakilala o nalaman sa pamilya namin. basta kaming dalawa lang ni Uncle ang laging magkasama simula ng magising ako sa indulge come ko.
“Nakikinig ka ba Vista?” tanong sa akin ni Waylon.
Ngumiti lang ako bago tumango, “I didn’t know anything about our family being in a politician. Si Uncle lang ang alam kong kapamilya ko. Wala nang iba pa,” sagot ko sa kanya.
Sakto namang huminto na kami sa tapat ng pintuan ng classroom ko matapos akong magsalita.
“Bye Waylon, pasok na ako. Mamaya na lang ulit.” Paalam ko sa kanya at tuluyan nang pumasok sa loob ng classroom kahit na hindi pa siya sumasagot.
Pagkaupo ko, agad kong inilabas ang cellphone ko at naghanap nang tungkol sa pamilya namin ni Uncle. Na hindi ko ginagawa noon dahil wala naman akong kahit na anong ideya. Wala pa naman ang professor namin kaya makakapag-cellphone pa ako.
Pero kahit na anong research ko sa pangalan ni Uncle o ng tungkol sa pamilya niya wala akong makita. Naka-restrict ang mga information na iyon sa cellphone ko sa hindi ko malaman na dahilan.
Sa unang pagkakataon nagkaroon ako ng interest mula nang magising ako, na alamin ang tungkol sa pamilyang kinabibilangan ko. Lalo pa ngayon na ang dami kong dapat na malaman pero hindi ko magawang mag-research dahil sa hindi ibinibigay ang mga information na kailangan ko.