CHAPTER 8
VISTA…
I’M GETTING into computer and stuff. Nang dahil sa hindi ko mabasa ang ibang bagay na gusto kong malaman. Nagawa kong pag-aralang mabuti ang pasikot-sikot sa internet. And I want to dig deeper into it, parang masayang ang bagay na iyon lalo pa nang mabuksan ko ang websites na forbidden sa internet provider namin.
“Uncle, can I take information technology as my course?” Minsan tanong ko kay Uncle.
“Hmm, I thought that you’ll be taking up law school.” Ani Uncle.
“I don’t like being a lawyer, panay ang basa. Just like Waylon, boring.” Nanghahaba ang nguso ko habang nagsasalita.
Tumawa naman si Uncle sa naging sagot ko. Sa totoo namang ayoko ng law school panay lang basa, walang katapusan na pagbabasa at pag-aaral ang mangyayari sa akin kung mag-aabugado ako tulad ni Waylon. Nakakatamad ang magbasa nang magbasa nang magbasa, at walang hintong pag-aaral. Hindi pa nga totoong nasa law school si Waylon napaka-boring na nang buhay niya. papaano pa kaya kung abugado na talaga siya.
“You can take whatever you wanted Vista. As long as your safe,” anito habang hindi tinitigilan ang binabasa.
“I think IT is safe Uncle,” aniko.
Well may hindi ba safe sa IT kung nakaharap ka lang naman sa computer. I don’t think there’s no harm can be done in that kind of profession. I think mostly the IT professionals are just staying at offices or sometimes sa mga bahay-bahay lang nila sila nagta-trabaho. Walang pinagkaiba sa pagkukulong ko sa bahay nang ilang taon na ang nakakaraan.
Kaibahan lang may mga taong magbabahagi na nang kaalaman nila sa akin ngayon. Mas matututo na ako dahil may teacher na akong magtuturo sa akin at hindi na self-thought ang nangyayari sa akin. Feel ko talaga ang maging isang IT, doon hindi ako mapapagod, hindi ako masasaktan. Magiging masaya pa si Uncle kasi pagka-graduate ko magkukulong na ako ulit sa bahay. Which he really like to happen since I was born.
“It is, but you must take precautions about radiation too. Baka makasama sa mga mata mo,” ani Uncle na busy talaga sa binabasa nito.
Curious na tuloy ako, sabi ni Waylon lawyer din si Uncle. But since I woke up, alam ko lang talaga businessman lang ang pinagkakaabalahan ni Uncle.
“Are you really a lawyer Uncle?” tanong ko sa kanya.
That’s when he stop what he’s doing and look at me. Inalis niya na rin ang salamin sa mga mata niya.
“Yes, but I don’t like being a lawyer in the first place. That’s why I’m a businessman, as you knew it.” Ani Uncle habang nakatingin sa akin.
Ayaw niya pero iyon ang tinapos niya? ang gulo yata ni Uncle, sabagay magulo naman talaga siya.
“Then, why did you become a lawyer?”
Humingi siya nang malalim ng tatlong beses bago umiling. “Kay Waylon mo nalaman na abogado ako?” tanong naman niya kaysa sagutin ang tanong ko.
Tumango ako bilang sagot sa kanya, kay Waylon ko naman talaga nalaman ang tungkol doon. Pero hindi ko na sasabihin sa kanya na alam kong galing siya sa pamilya ng mga politician. Ako na ang bahalang umalam ng bagay na iyon kung sakali. There’s a reason why uncle is hiding something from me, and I will respect uncle in that decision.
Pero hindi ako mananahimik at hindi na aalamin ang mga bagay na hindi sinasabi sa akin ni Uncle.
“I know you Vista, and I will not stop whatever things that is running in your beautiful brain.” Ani Uncle na may kahulugan.
Ngumiti na lang ako sa kanya sabay talikod na at nagpaalam. Gusto ko lang naman sabihin kay Uncle ang plano ko na mag-IT kaya ko siya pinuntahan sa home office niya ngayon.
…………………………………………
“MAY GIRLFRIEND ka ba Waylon?” nasa favorite tambayan kaming dalawa, sa football field.
“Sa tingin mo kung may girlfriend ko ikaw ang kasama ko ngayon dito?” balik na tanong niya sa akin.
Napakamot ako sa ulo ko, “oo nga ‘no.”
Tumawa siya at muli na namang nagbasa sa hawak nitong libro. This is boring, nakikita ko pa lang na nagbabasa si Waylon nawawalan na ako ng gana or energy. Iyon ngang mga libro na inuuwi ni Uncle binabasa ko pero hindi ko naman natatapos lahat. Nagbabasa rin ako ngayon na nag-aaral na ako pero nakakatamad pa rin.
“Wala pa sa plano ko ang magka-girlfriend.” Ani Waylon makalipas ang ilang minutong pananahimik at pagbabasa nito.
Ito na naman si Kuratsa, curious na naman sa mga bagay-bagay. “Bakit naman? You’re famous in this University, lahat yata ng mga babae rito crush ka.”
Totoo naman, kasi pansin na pansin ko na ‘yon simula nang pumasok ako rito. Kasi gwapo talaga ang lalaking ito, pwede siyang ihanay sa mga tinatawag ngayon na matinee-idol. Pang-artistahin ang datingan niya kung baga mabenta sa mga babae at maging sa bading. Naalala ko bigla si Jerome, madalas na nagpapalakad sa akin ang baklang ‘yon kasama ni Irene na patay na patay daw kay Waylon.
“Study first,” ani Waylon na hindi ko pinaniwalaan.
“Shuta! Hindi ako naniniwala sa sagot mo bro!” panggagaya ko sa ibang mga naririnig ko na mga estudyante.
Ibinaba ni Waylon ang hawak niyang libro at pinakatitigan ako. Tapos bigla siyang umiling na parang disappointed sa akin kung makatingin.
“May mga rason ako Vista, una kailangan kong makatapos ng pag-aaral sa lalong madaling panahon. Kasi alam mo naman na mahirap lang ako. Pangalawa, gusto kong iahon ang nanay at kapatid ko sa hirap, at magagawa ko lang iyon kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral at makakuha ng magandang trabaho. Pangatlo, sa dami ng kailangan kong gawin sa buong maghapon hanggang gabi wala na akong oras na makipaglampungan pa sa mga babae. At utang na loob Vista, tigil-tigilan mo na ang kakagaya sa mga kung sino sa paligid mo. Hindi lahat ng mga nalalaman mo sa paligid mo ngayon ay tama, huwag mong ipakita sa kanila na nakulong ka nang matagal sa loob ng bahay at ngayon lang nakalabas.”
Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita siya, gano’n din kas siya sa akin habang nagsasalita siya.
“Ayaw mo akong maging girlfriend?” wala sa loob ko na tanong sa kanya.
Pero seryoso ako sa tanong ko, kaya naiinis akong marinig na tumawa siya ng malakas sabay gulo ng buhok ko.
“Palaki ka muna, kapag tumangkad ka pa baka pag-isipan ko.” Anito habang tumatawa.
“Animal, sa tingin mo lalaki pa ako?” naiinis na ako sa paraan ng pagtawa niya.
Pero si Waylon yata ang walang pakiramdam sa aming dalawa. Kasi naman tawa pa rin nang tawa ang gago kahit na pansin na pansin na naiinis ako sa kanya.
Hanggang sa may narinig kami nagsisigawan sa hindi kalayuan. Mga football player siguro na naglalaro o baka mga nasa P.E. na mga estudyante.
Biglang tumigil sa pagtawa si Waylon kasabay ng parang may tunog na ‘tok’ akong narinig. Pero hindi ako sigurado sa narinig ko kasi medyo mahina lang naman iyon. Parang may tumama na kung anong bagay na matigas sa isa ring matigas na bagay.
“Vista!” nanlalaki ang mata ni Waylon habang nakatingin siya sa akin.
“Bakit?” tanong ko na hindi ko maintindihan bakit parang takot na takot siya.
“s**t!... s**t!...shit!...” mura nito bago ito walang babalang tumayo inihagis ang libro na hawak nito at binuhat ako.
Gulat naman ako na napakapit sa leeg niya baka malaglag ako. Hindi pwede, magagalit si Uncle kapag may nakita na naman siyang pasa sa katawan ko.
“Waylon ibaba mo ako,” saway ko sa kanya.
“Just hang in there Vista, dadalhin kita sa ospital.” Sabi ni Waylon na ikinagulat ko.
Nang mapatingin ako sa damit na suot ko doon ko lang napagtanto na may dugo nap ala sa damit ko.
“Waylon,” nag-aalalang tawag ko sa kanya.
“Sandali lang Vista,” sabi naman nito na nagmamadaling maglakad hindi ko alam papaano niya ako dadalhin sa ospital. Malamang sa pagtakbo, wala naman kaming sasakyan na pareho.
“Nasabi ko na sa ‘yo na may sakit ako hindi ba?” tanong ko sa kanya.
Nagsisimula nang magdilim ang paningin ko, wala akong nararamdaman na kahit na akong sakit. Pero nagdidilim ang paningin ko, tanda na Malala ang pinsala na inabot ko sa kung ano mang pangyayari at nasugat ako. Tapos hindi ko rin alam kung saan ako nasugatan, kung saan parte ng katawan ko ako nagkasugat.
“Yes I know, kaya nga nagmamadali na ako.” Feeling ko natataranta na siya.
“Good, kasi may isa pa akong sakit.” Nanghihina na ang timbre ng boses ko.
Nahinto sa pagtakbo at tinignan ako, “may isa pa?” gulat na tanong niya sa akin.
“Oo, I think it’s something… about… not stopping… the… blood… flow...” alam ko ang isa ko pang sakit. Pero hindi ko maisip ano ang tawag doon.
“Sounds like hemo… but I forgot,” dagdag ko pa.
Napapikit na ako, hindi na kita ng mga mata ko nagdilim na kasi nang tuluyan at wala na akong naalala na sunod na nangyari sa paligid ko. Bukod sa narinig ko ang malulutong at sunod-sunod na mura ni Waylon at ang pagtakbo nito ulit.
……………………………………………