Chater 7
WAYLON…
MAY USAPAN kami ni Vista na hindi ko na siya susunduin at ihahatid sa classroom niya. Hindi dahil sa nahihiya siya na ihatid at sunduin ko siya. Kung hindi dahil naiinis na raw ito sa mga kaklase nitong panay ang silay sa akin.
Kung ako sanay na ako, hindi lang dito sa Manila ganito ang nasa paligid ko maging sa probinsya namin. pero hindi ko naman ginagamit ang pagiging may itsura ko sa panloloko ng mga babae. Hindi ako pumapatol sa kanila kahit pa yata maghubad sila sa harapan ko.
Ako kasi ang tipo ng lalaki na seryoso talaga sa buhay, pangarap ko muna ang uunahin ko. Ang daming babae d’yan, madaming pwedeng makilala at pwedeng makarelasyon sa oras na maabot ko na ang pangarap ko.
“Hoy! Anong iniisip mo?” nagulat ako nang bigla na lang sumulpot si Vista sa tabi ko.
“Nagugutom ako,” palusot ko naman sa kanya.
Ang totoo ang iniisip ko ngayon ay ang mga pangarap ko sa buhay at maging sila Mama na naiwan ko sa probinsya.
“E ‘di kumain ka na,” ani Vista sa akin.
Nasa football field na naman kaming dalawa ngayon, dito kasi tahimik kapag ganitong oras. Mamayang hapon pa maglalabasan ang football player para sa practice nila. Dito ako madalas tumambay noong unang taon ko na nag-aaral dito.
“Maaga pa,” sagot ko sabay inat ng mga kamay at nahiga sa damuhan.
Nakalilim naman kami kaya walang problema, kahit pa katirikan ng araw hindi naman direct na tumatama sa amin ang sinag nito.
“Sa bagay, hindi ko pa nga rin oras ng kain.” Ani Vista.
Tinignan ko siya habang nakahiga ako, nakaupo naman siya at nakayakap sa mga tuhod nito. Kung titignan talaga ang babaeng ito mapagkakamalan mong kaka-graduate lang ng elementary sa sobrang liit niya.
“Bakit ang liit-liit mo? samantalang ang Uncle mo matangkad, buong pamilya nila matatangkad naman,” hindi ko naiwasan na sabihin sa kanya.
Napansin ko agad na ngumiti siya pero iyong malungkot na ngiti, malayo sa pagiging masaya.
“Ewan ko ba, feeling ampon lang ako. Na napulot lang ako ni Uncle kaya hindi ko rin naman sila kilala, iyong sinasabi mong pamilya ni Uncle.” Ani Vista na nakatitig sa damuhan.
Napabangon ako ng wala sa oras sa sinabi niya, “hindi mo talaga sila kilala?”
Dapat iidlip ako, may dalawang oras akong break at isang oras na lunch break kaya tatlong oras in total ang bakante ko. Pero dahil sa bantayin kong si Vista naalala ko hindi nga pala ako pwedeng matulog. Isa pa may interesting kaming pwedeng mapag-usapan na dalawa.
“Hindi, kahit itsura nila hindi ko alam.”
Naawa akong bigla para sa kanya, hindi naman siya mukhang ampon lang. Kasi makikita pa rin naman ang resemblance niya kay Federico Hidalgo.
“Hindi kaya tatay ko naman talaga si Sir Federico?” pero agad ko naman na naisip ang age gap nila Vista at Sir Federico.
Napangiti na rin naman na ako nang makita kong tumawa si Vista, iyong tawa niya hindi fake. Totoong natuwa siya sa sinabi ko, kaya iyong ngiti ko nauwi na rin sa tawa na malakas. Duet pa kami sa pagtawa nang malakas. Buti na lang walang ibang tao dito, at least walang magkakamalang mga baliw kaming dalawa.
“Tama na baka mautot ka,” saway ko sa kanya ng hindi pa rin tumigil sa pagtawa.
“Anong nakakautot sa pagtawa?” tanong nito habang pahina na ang pagtawa niya.
“Ewan ko sa ‘yo,” sabi ko na lang.
Minsan talaga may mga tanong siya dapat alam naman na niya ang sagot. Pero dahil sa hindi naman daw siya lumalabas noon marami siyang hindi alam.
“Hay! To that question of yours, hindi ko tatay si Uncle. Sure ako doon unless na nabuo ako noong twelve years old siya. Na malamang sa malamang hindi naman nangyari, dahil mabait ang Uncle ko.” Sagot ni Vista sa tanong ko kanina.
Alam ko naman iyon, namali lang talaga ako ng sinabi. But at least tumawa si Vista, okay na rin na namali ako.
“Pero hindi ka ampon, kamukha mo si Sir Federico. Kahit kaunti kamukha mo siya,” sabi ko sa kanya.
Bumalik na naman siya sa pagiging tahimik at seryoso. Malalim ang iniisip niya habang nakatitig na naman sa kawalan.
“Siguro nga, pero kasi kung hindi ako ampon bakit hindi ko kilala ang mga kamag-anak namin. bakit hindi ko nakikita ang mga magulang ko, ni hindi ko kilala ang mga magulang ko. Would you believe me? Hindi ko alam ang mga pangalan nila,” baling sa akin ni Vista makalipas ang ilang minutong pananahimik.
Mapapaisip ka talaga sa mga sinasabi ni Vista, bakit kailangan na hindi niya alam ang mga simpleng bagay tulad nito.
“Pero alam mo rin, hindi ko naman sila hinahanap. Si Uncle lang ang kailangan ko, kasi siya lang naman ang nand’yan at alam kong mahal ako.” Ani Vista at bigla na naman natawa. “shuta! Bigla kong naalala si Irene!” ani Vista.
Hindi na ako nagulat sa salitang lumabas sa bibig niya, natututo siya ng ibang mga salita at magmura sa mga kaklase niya. Iyong lagi niyang kasama kapag hindi ako ang kasama niya. hindi ko siya pinipigilan na makisama sa mga iyon, kasi wala naman ako sa lugar. Baka masabihan na naman akong boyfriend ni Vista kapag sinuway ko siya.
Isa pa maganda rin naman na may ibang kaibigan si Vista bukod sa akin. Dahil ang alam ko walang ibang kaibigan si Vista dahil ngayon lang siya nakalabas ng bahay nila.
“Akala ko talaga ang meaning ng sugar daddy, sweet na parang daddy or sweet father. Iba pala,” sabi nito sabay tawa na inilingan ko naman.
Nahiga na naman ako at tinitigan ang langit, napapikit ako ng marinig ko ang pagkalam ng tyan ko. Hindi kasi ako nakapag-agahan kanina. Tapos hihintayin ko pa ang tanghalian para sabay na ang kain. Nag-titipid ako, balak ko kasi magpadala sa Mama ko ngayong katapusan para na rin sa birthday ng kapatid ko.
“Nagugutom ka na,” sabi Vista.
“Oo pero hindi ako kakain pa, nagtitipid ako.” Sagot ko sa kanya habang nakapikit.
Itutulog ko na lang muna ang gutom ko, tapos mamayang tanghalian iinom ako ng maraming tubig before and after kong kumain nang mabusog ako. Isa kailangan ko talaga ang matulog ngayon dahil mamayang gabi may trabaho pa akong kailangan na gawin. Part-timer ako sa isang Bar bilang bartender kaya palagi rin akong puyat sa umaga. Tiyaga lang talaga ang kailangan ko para makaahon sa lintik na hirap ng buhay na ito.
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakatulog, pero nagising ako sa mabangong amoy ng pagkain. Lalo ko tuloy naramdaman ang gustom ko nang maamoy ko ang mabangong aroma ng pagkain.
Putang ina naman, bakit kailangan pa nilang ipangalandakan na kakain sila. Hindi na lang sila kumain sa cafeteria.
Pero pinilit ko na lang na itulog, pero nang-aakit talaga ang punyemas na pagkain na ito. Napadilat ako ng parang mas nang-aasar pa talaga at narinig kong nagbukas na ng food container ang hinayupak na nasa tabi ko.
“Kain ka na, binili na kita ng food. ‘di mo kailangan na magtipid kung nagugutom ka sabihin mo sa akin, ibibili kita ng food,” ani Vista nang mamulatan kong siya lang pala ang may dala ng pagkain na kanina ko pa naaamoy.
Napatingin ako sa pagkain na nasa harapan ko na inihain niya at kay Vista na busy na sa pagbabasa ngayon ng libro na hawak niya.
“Bakit mo ito ginagawa?” takang tanong ko sa kanya.
Bayad ako sa serbisyo kong bantayan siya na halos hindi ko na nga nagagawa dahil madalas naman siyang kasama ng mga kaklase niya. kapalit ng pagbabantay ko sa kanya nakakapag-aral ako ng libre sa isang mamahaling paaralan. Tapos ibibili pa niya ako ng pagkain ngayon dahil lang sa nagugutom ako at nagtitipid at the same time.
Ibinaba nito ang hawak na libro at tinignan ako, “bakit kailangan pa ba ng rason? Magkaibigan na tayo hindi ba? kung sila Irene nga naililibre ko ikaw pa kaya na bantay ko. Kumain ka na,” sagot nito at muling nagbasa ng libro.
Napangiti na lang ako at iiling-iling na inabot ang plastic spoon and pork na kasama ng pagkain na binili nito para sa akin.
“Halika ka nang kumain, sabayan mo na ako. Masyadong marami itong binili mo, anong tingin mo sa akin masiba?” sabi ko naman sa kanya.
Tumingin muna ito sa wrist watch nito bago tumingin sa pagkain at sa akin.
“Pero hindi ko pa oras para kumain,” rason nito.
“Vista hindi naman kailangan na iisang oras lang ang kain mo. pwedeng iba-iba rin, basta huwag ka lang masosobrahan ng kain o mag-skip ng pagkain.” Pangaral ko sa kanya.
Hinila ko na siya na maupo sa tabi ko at ibinigay ko na sa kanya ang kutsara na hawak ko. Iisang set lang kasi ang dala nito, kaya pagti-tyagaan ko na lang ang tinidor makakain lang.