CHAPTER 9 WAYLON… HINDI ko alam papaano nakarating ng infirmary ng walang kahit na anong gamit na sasakyan. Basta ngayon nakasakay na kami ni Vista ng ambulance ng University papunta na ng hospital. “Vista please open your eyes,” kausap ko sa kanya. Sa infirmary nakita na hindi naman na hindi malaki ang naging sugat niya sa ulo. Tinamaan lang nang boomerang sa ulo si Vista, may mga estudyante kasing naglalaro sa field. Kung bakit naman kasi sa dinami-dami nang lugar na pwedeng landing-an ng boomerang na iyon sa ulo pa talaga ni Vista lumanding. At ngayon mas napatunayan ko ang sakit ni Vista. She doesn’t feel the pain in her head. May lakas pa siya kanina na sitahin ako, tapos magku-kwento pa sana kung hindi lang siya nawalan ng malay. Hanggang ngayon wala siyang malay. Kaya n