Chapter 10 WAYLON… NAPATINGIN ako kay Vista na wala pa ring malay na nasa tabi ko. Nag-taxi lang kami para maihatid ko siya sa bahay nila. Hindi rin kasi nagpadala man lang ng masasakyan si Sir Federico. Bagay na ipinagtataka ko talaga, dahil una sa lahat hindi siya gano’n kung sa school nangyari ang lahat. Baka nagkukumahog na sunduin na ni Sir Federico ang pamangkin niya. “Dito ba?” tanong sa akin ng taxi driver. Ang hirap makapasok sa subdivision nila Vista, ang daming kailangan na ipakita ng driver at ng pasahero. Buti na lang kasama ko si Vista ang kaso lang wala siyang malay. Itinawag pa sa loob ng bahay nila Vista kung ano ang nangyari, kanina gusto pa akong ikulong ng mga guard sap ag-aakalang sinaktan ko si Vista. “Siguro po Manong, hindi rin po ako sigurado. First time ko l