Chapter 9

2866 Words
ISANG malakas na sampal ang pinadapo ni Agatha sa pingsi ni Greg pagkababang pagkababa nila sa motorsiklo nito sa harap ng bahay nila. “Mama!” malakas na sigaw niya sa ginawa nito. Awtomatiko siyang kumapit kay Greg na hindi naman tuminag, umaasang kahit papaano ay maprotektahan niya ito sa galit ng mama niya. Noon ito tumingin sa kanya, matalim ang mga mata. Pagkuwa’y napasinghap siya nang bigla siyang hatakin nito palayo kay Greg. Akmang hahawakan siya ni Greg nang may ilang mga lalaking pumalibot dito. Nahintakutan siya. They were her father’s most skilled bodyguards!  “At ikaw! Hindi kita pinalaking ganyan Ria! Spending the night with some guy somewhere! And you went without even saying a word?! Malaking kahihiyan itong ginawa mo!” sabi nitong patuloy siyang hinatak. Mariin ang kamay nito sa braso niya na para bang anumang oras ay mapagbubuhatan na siya nito ng kamay. Nagpumiglas siya. “Stop it mama!” aniya rito pagkuwa’y lumingon kay Greg na pigil pigil ng mga lalaki. “Greg!” malakas na tawag niya rito. Nakita niya ang pagpalag nito. Hindi iilang beses na muntik na itong makawala sa mga ito ngunit bigla itong inundayan ng suntok ng isa sa mga iyon. Nanlaki ang mga mata niya. “Greg! Don’t hurt him!”           “Stop making a scene Ria!” dumadagundong na boses ng kanyang ama. Napalingon siya. Nasa bukana ito ng pintuan ng bahay nila. Madilim ang mukha nito. “Hindi lang iyan ang aabutin ng lalaking iyan. Get it the house,” pautos na sabi nito at lumakad palapit kay Greg.           Napaiyak na siya. “Papa!” tawag niya rito ngunit hindi siya nilingon nito. “Please don’t hurt him! I love him papa! Papa!”           “Alam niyo na kung ano ang gagawin diyan,” sabi nito sa mga lalaki. Nanlaki ang mga mata niya nang buong pwersang hinatak ng mga ito si Greg sa kung saan.           “Greg!” tawag niya rito. He looked at her. Their eyes met. Natahimik siya. It was as if he was telling her with his eyes not to worry. That he could do it. Ngunit kilala niya ang papa niya.           Nang hindi pa rin siya kumikilos ay muli siyang hinatak ng mama niya papasok ng bahay.             “I TOLD you to stop meeting that opportunist Ria! Pero hindi ka sumunod! Gusto mo talagang ubusin ang pasensya namin ng papa mo ano?!” sigaw ng mama niya nang nasa sala na sila. Patulak na pinaupo siya nito sa sala. She could feel the eyes of their maids around her. Kahit hindi niya nakikita ang mga ito ay siguradong nakikinig at nanonood ang mga iyon. At alam niya, isa iyon sa dahilan kung bakit nagagalit ito sa kanya.           “At alam mo ba kung sino ang nagsabi sa amin kung sino ang kasama mo ha! Dustin’s cousin! She saw you ride that guy’s motorcycle! Do you know what that means?! That means alam na rin ng mga magulang niya na may kinababaliwan kang ibang lalaki and they broke your engagement!” muling tili nito.           Tiningala niya ito. “I told you I won’t marry him! Si Greg ang mahal ko!”           Nakita niya ang panlalaki ng mga mata nito. “Love him?!” manghang sabi nito. “Bubuhayin ka ba ng pagmamahal na iyan? Could he give you all the things that we were able to provide for you?! He’s a nobody! Oportunista! Patunay niyan ang pagdikit niya sa tagapagmana ng CFB at sa panganay ng mga Sebastian,” asik nito na si George at Martin ang tinutukoy.           “I told you hindi ganyang tao si Greg. Yes they are not as rich as we are but his family is fine! His parents are working in London and he will be great someday! I’m sure he will! And Greg treats George and Martin, along with everyone else on their circle as real friends okay! Wala siyang ginagamit na tao. And I told you I love him okay?! We love each other so let us be mama,” aniyang sinamahan ng pakiusap.           “Never! You will do what we ask you to do maliwanag?! Ipapadala ka namin sa amerika at hindi ka uuwi hangga’t hindi natatapos ang kabaliwan mo sa walang kwentang lalaking iyon!”           Napatayo siya. “No! I would rather die that do that!”           “Then you want him to die dahil sa katigasan ng ulo mo ganoon ba?”           Mula sa pinto ay sabi ng papa niya. Madilim ang mukha nito. Ngunit ang ikapinanlaki ng mga mata niya ay ang dugo sa kamay nito. Nahintakutan siya. Imposibleng dugo iyon ng kanyang ama! Then – Pakiramdam niya ay tinakasan siya ng dugo sa mukha sa naisip.           “A-anong ginawa niyo kay Greg?”           “I told you that bastard will pay for what he did Ria. At kung magmamatigas ka pa at hindi susunod sa amin ng mama mo ay baka mabalewala lang ang lahat. Dahil kung hindi ko pa sasabihin sa mga tauhan kong tigilan ang ginagawa sa kanya ay malabong mabuhay pa siya,” malamig na sabi nito.           Napahagulgol na siya. Knowing the Greg is just outthere suffering on the hands of her father’s bodyguards is making her lost control of her emotions. “Why are you all doing this to us? We just-we just want to be together? We love each other!”           “We’re doing what’s best for you. At hindi siya makakabuti sa iyo,” pinal na sabi ng ama niya.           Nanghihinang napaupo siya. “Please… stop hurting him already!” garalgal na sabi niya.           “Only if you tell him that’s it’s all over between you two at papayag kang magpunta ng amerika. Only then will I set him free,” malamig na sabi nito.           Hindi siya nakasagot. She doesn’t want to do that. She promised Greg they will face everything together, she promised herself that she will never let him go.           But she had no other choice. She has to let him go. Para dito. Dahil mahal na mahal niya ito.           Walang salitang tumango siya.           Saglit siyang hinayaan ng mga itong umiyak. Pagkuwa’y pinagayos ng sarili. They reminded her that if she doesn’t do it properly they will not let Greg go. Dinala siya ng papa niya sa bodega sa likod ng bahay nila kung saan dinala ng mga bodyguard nito si Greg. Her heart ached when she saw him. Nakahandusay ito sa sahig at duguan ang katawan. Halos hindi na niya makilala ito dahil sa pamamaga ng mukha. Pinapalibutan pa rin ito ng mga tauhan ng papa niya na hinihingal pa sapambubugbog ng mga ito kay Greg. She had the urge to run to him and hug and kissed him. Ngunit naramdaman niya ang kamay ng papa niya sa braso niya, silently telling her to do what she have to do.           At sa kabila ng paninikip ng dibdib niya at pagnanais umiyak para kay Greg ay bahagya siyang lumapit dito. She tried her best not to show any emotions on her face. Then he looked up to her. Tila may bumikig sa lalamunan niya nang masalubong niya ang mga mata nito. It pains her to do what she needs to do. But she had no other choice. She will do anything to let Greg live. Even if it means he has to live without her.           And despite her heart breaking, she opened her mouth and said the words that she knew would make him hate her forever. “Let’s not see each other anymore. This will not work. Besides, it’s not as if I really love you. I just want to get loose for a while. But now, it’s all over.”           She saw the shock and pain on his face. Bago pa niya maibuko ang tunay niyang damdamin ay tumalikod na siya at lumakad palayo rito. And no matter how much she wanted to turn back, she didn’t. Because at that moment her tears are already flowing like the rain that for sure will always make her remember that blissful night they shared. Na hindi niya akalaing huling pagsasama na pala nila.           Goodbye Greg. I love you so much… oh I wish I was able to tell you that before. Now, I will never get the chance.             NAPAIGTAD si Ria nang muling makarinig nang pagring ng telepono. Napakurap siya at maang na napatingin sa television screen. Teleserye na ang palabas. Ni hindi niya namalayang tapos na pala ang balita. Then she felt that her cheeks were wet. Marahan niyang pinahid iyon. It was only now that she allowed herself to remember until that moment. Madalas ay kapag dumarating na sa puntong iyon ang naalala niya ay tumitigil na siya. It was still painful after all these years.           Hindi tumitigil sa pagtunog ang telepono. Buntong hiningang tumayo siya at inangat iyon. “Yes?”           “Tuluyan ka na bang nakalipat sa apartment mo?” ani boses lalaki.           Awtomatiko siyang napangiti sa kabila ng kalungkutang nararamdaman niya. “I’m okay kuya. Naayos ko na ang mga gamit ko rito. I like it here. Naasikaso ko na rin ang mga dapat ayusin sa magiging bago kong trabaho.”           “That’s good then,” komento nito na parang may nais pang sabihin. Dahil doon ay bigla siyang nagkahinala. “Ikaw ba ang nagbigay ng numero dito kay mama?” tanong niya rito.           “She’s worried about you,” anitong hindi nagkaila.           She bitterly smiled. “Oh really.”           “Ria…”           Bumuntong hininga siya. “Kuya please let’s not talk about it okay? Whatever you say will not change anything I feel.”  Ito naman ang narinig niyang bumuntong hininga. “Fine. Then at least visit papa. Naging masasakitin na siya this past years at dalawang beses nang nagkaroon ng slight stroke. And he’s been asking for you everytime pero hindi ka umuuwi. Ngayon lang,” mahabang sabi nito.           Huminga siya ng malalim. Hindi niya alam kung kaya niyang harapin ang papa niya sa mga oras na iyon. “I will. Kapag hindi masyadong busy. Mukhang may trabaho ng ibibigay sa akin ang foundation bukas so I will be busy,” aniya rito na siyang totoo naman.           “Fine. As long as you will visit him. At kung kaya mo ay makipag-usap ka kay mama. I still believe na maaayos niyo rin ang misunderstanding ninyo Ria. Afterall, it has been so many years. There is no way you haven’t forgotten about that guy right? And I’m sure he already moved on with his life too.” Hindi siya nakasagot sa sinabi nito. May pagasa nga kayang maging maayos ang lahat sa pagitan nila? Sa kanya, kay Greg at sa mga magulang niya? A part of her is telling her that it was imposible. Hindi naman kasi basta misunderstanding lang ang namagitan sa kanya at sa mga magulang niya. Mas malalim pa roon.They left her with a deep scar that she doesn’t know if will fade someday. And they left Greg a much deeper scar than that. Kahit siya ay sinaktan ito. But on the deepest recesses of her heart, she longed for it, hoped for it, wished for it every night that someday, everything will turn out fine. Narinig niya ang pagbuntong hininga ng kuya niya sa marahil ay hindi niya pagsagot. “Then, just take care of yourself. Let’s have some lunch with Ramses kapag pare-pareho tayong libre.” “Okay. Take care of yourself too kuya. You have a very difficult job in the congress at kailangan mo rin ng pahinga paminsan minsan,” sabi niya rito. Kailan lamang ay naluklok ito bilang kongresista. Tulad ng inaasahan niya ay sumunod ito sa yapak ng papa niya. Si Ramses naman ay siya nang namamahala ng negosyo ng pamilya ng kanyang ina. Siya lang ang hindi sumunod sa plano ng mga magulang niya para sa kanilang tatlo. Dahil doon ay binansagan siya ng buong angkan nila ng black sheep. Binabalewala na lamang niya iyon. Ang katwiran niya, if doing something that will make you happy means being a black sheep, then so be it. He made a sound that could have been a yes. Iyon lang at nagpaalam na ito.           Muli siyang napabuntong hininga. Kinuha niya ang remote ng t.v at pinatay iyon. Pagkuwa’y dumeretso na sa silid niya. Maliit iyon kumpara sa napakalaking silid niya noon. Pero mas okay siya doon.           Nang tumira siya sa amerika ay hindi na siya nakipagusap sa mga magulang niya. Masama ang loob niya sa mga ito at hindi niya alam kung darating pa ang panahong mapapatawad niya ang mga ito. Hindi niya sinunod ang plano ng mga itong patirahin siya sa isang bahay nila roon sa kabila ng galit at pagbabanta ng mga ito sa kanya. Wala naman ng maitatakot ang mga ito sa kanya. Dahil wala na si Greg sa piling niya. At dahil sinabi noon ng papa niya na kapag lumayo siya rito ay hindi na nito gagalawin si Greg ay kampante siyang walang mangyayari dito. One good thing about her father is that he keeps his words. But it doesn’t mean she forgive them.           Kung akala ng mga ito ay magagawa na ng mga ito ang gusto ng mga ito para sa kanya ay nagkakamali ang mga ito. She had given up the love of her life. There is now way she would give up her dreams and freedom too. Ayaw man niyang lumabas na isang masamang anak ay hindi rin naman niya makakayang i-give up ang gusto niya at sundin na lamang ang mga ito habambuhay. Katulad ng sinabi niya noon, ayaw niyang magsisi.  Sa tulong ng kuya Raymond niya ay nakahanap siya ng isang simpleng apartment doon. Mabuti pa nga ito ay naiintindihan siya. He never asked questions, marahil ay dahil naikwento na rin naman ni Ramses dito ang lahat. Maging ang kapatid niyang iyon ay hindi nagkomento kahit kailan sa nangyari. Ang huling pangingielam nito ay noong patigilin na nito ang mama nila sa kakasermon nito sa kanya dahil ayaw niyang magtigil sa pag-iyak. Alam nito na sa kanilang magkakapatid, si Ramses lamang ang pinagbibigyan nito.  And when her mother was gone, Ramses went to her and hugged her without a word. It was that moment of her life that she really felt she has a brother. Kahit kailan ay hindi niya rin ginamit ang visa cards na binigay sa kanya ng mga magulang niya, maging ang cash na pinapadala ng mga ito. Lahat iyon ay iniipon niya pagkatapos ay ibabalik rin sa mga ito. She looked for a job and continued her studies in the process.           Paminsan minsan ay dinadalaw siya ng mga magulang niya. Ngunit sa tuwina ay civil lamang niya pakitunguhan ang mga ito. Noong una ay tinatangka pa ng mga ito na ipareha na naman siya sa kung sinong anak ng kakilala ng mga nito, often using the same commanding voice they used to her before, but she never wavered. Naimmune na siya sa galit nito at ng papa niya. Hindi na siya takot sa maaring gawin ng mga ito. Because for her, they could not do anything worst that what they did to Greg and to their love she thought would be forever. Hanggang sa tumigil nang dumalaw ang mga magulang niya sa kanya. Kung nagsawa na sa pagtatangkang manipulahin ang buhay niya o naging abala na lamang masyado sa pagpapayaman ay hindi niya alam. Siya naman ay abala na dahil nagsimula na siyang magtrabaho para sa isang international children’s foundation. Ang mga kapatid na lamang niya ang pumapasyal sa kaniya kapag napupunta ang mga ito sa amerika.           Maayos ang buhay niya sa amerika. She was free to do what she wants without her parents trying to manipulate her. Walang mga matang iba ang tingin sa kanya dahil maimpluwensiya ang pamilya niya. Sa amerika ay simpleng tao lamang siya. She tried to live as normal as possible, as if nothing painful happened to her. May mga lalaki ring nagtangkang mapalapit sa kanya ng higit pa sa pagkakaibigan, ngunit sa tuwina ay nabibigo ang mga ito. Her heart could not seem to beat to anyone anymore.           But she admits she tried to forget Greg. Alam kasi niya na malabo ng magkabalikan pa sila. Kung iyon man ang tawag roon dahil kung tutuusin ay wala silang masasabing pormal na relasyon. They just let their emotions led them to that beautiful night they shared on that room one rainy night. She had caused him a deep wound that could not be easily erased. She just wished that he could move on with his life and find someone far better that her that will treasure him for what he is. Although the thought of him having another woman by his side pained her, she knew it has to be that way. They should move on with their lives, separately. Ngunit makalipas ang maraming taon ay padalas ng padalas ang pagsingit ng mga alaala ni Greg sa kanya. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa tumatanda na siya at nalulungkot. Everytime she imagines him being with a woman, marrying in fact, ay parang pinipiga ang puso niya. She has the urge to see him. Kahit sulyap lang ay ayos na.  As long as he’s near her ay masaya na siya. Because after so many years that she spend trying to forget him, to pretend that she had moved on with her life, she realized that it was only him she wanted. Pathetic it may seem but that’s the truth. And when it was already unbearable, she decided to call her brother and asked for his help. That moment, she decided to go back to the Philippines for good. If only that way, she could get close to Greg, kahit kaunti lang.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD