TILA napako siya sa kinatatayuan si Ria sa nabungaran niya nang buksan niya ang pinto ng banyo. Greg was infront of a cabinet, naked and in the process of wearing jeans! Gusto niyang tumalikod ngunit hindi naman niya maialis ang pagkakatingin dito. His body was that of a Calvin Klein model. Describing him as gorgeous is an understatement. Biglang nanuyo ang lalamunan niya. Pakiramdam niya napunta lahat ng dugo sa mukha niya sa init niyon. She knew she’s blushing terribly. Ano ba ang nangyayari sa kanya?
Nasa ganoon siyang katayuan nang bigla itong tumingin sa kanya. Awtomatikong kumabog ang dibdib niya. Saglit lamang na bumakas ang pagkabigla sa mukha nito. Then his eyes suddenly changed. As if it became darker. Tumayo ito ng maayos at tuluyan ng itinaas ang zipper ng pantalon nito na para bang hindi ito nabahala kung nakita niya itong nakahubo. Pagkuwa’y muling hinawakan ang tuwalyang nakasabit sa balikat nito at muling pinunasan ang buhok ng walang pagmamadali. Napalunok siya. Why is his movement seems a bit… slow. And why can’t she take her eyes of him kahit na alam niyang dapat ay kanina pa siya tumalikod at binigyan ito ng privacy na makapagayos ng sarili?
“Sorry, itong jeans lang na ito ang nakalkal ko dito. Wala pala akong naiwang damit dito noong nakaraang magpunta ako,” anito sa kaswal na tinig. Yet, there was an edge on his words. Something that made her felt uncomfortable. Tumikhim ito at lumakad patungo sa telepono. “Tatawag ako sa baba para makuha na nila ang mga damit natin at makaorder ng pagkain.”
“O-okay,” tanging nasabi niya. Why does she felt as if something was weird in their atmosphere so suddenly? Kanina naman sa beach ay hindi ganoon ang pakiramdam niya. Lumakad siya patungo sa bintanang natatakpan ng kurtina upang mawala ang tensyong bigla niyang naramdaman. Napasinghap siya nang makitang madilim na sa labas at malakas pa rin ang buhos ng ulan. Ang weird talaga ng panahon.
Maya-maya pa ay nakarinig na sila ng doorbell. Dalang nakauniporme ang pumasok. Ang isa ay inilapag ang order nilang pagkain sa center table at ang isa ay nagpunta ng banyo upang kunin ang mga damit.
Paalis na ang mga ito nang magsalita ang may bitbit ng damit. “Oo nga ho pala sir. Pinapasabi ho ng receptionist iyong tungkol sa motor niyo.”
“s**t. Oo nga pala,” biglang usal ni Greg. Natigilan siya at napatitig dito. Greg, who loved his motorbike the most forgot about it! Hindi siya makapaniwalang nawala iyon sa isip nito.
“Huwag ho kayong mag-alala sir. Natakpan naman namin bago tuluyang mabasa.”
“Okay. Thank you. Geez kapag nasira ang makina niyon hindi kami makakauwi,” komento nito na muling nakapagpataka sa kanya. Ito ba ang lalaking nagsabing malilitikan ang mga lalaking gumasgas sa motor nito?
“E sir. Mukhang malabo hong makauwi kayo kung motor ang gagamitin niyo. Ang lakas pa ho ng ulan sa labas at mukhang hindi titila. Sige ho sir,” sabi ng bellboy at tuluyan ng lumabas.
Saglit na pumailanlang ang katahimikan bago lumingon si Greg sa kanya. “Well, you heard that.”
Huminga siya ng malalim. “It’s okay. Wala naman talaga tayong magagawa kung umuulan,” aniyang nilakasan na ang loob na lumakad palapit sa lamesa. “Bakit hindi mo pinuntahan ang motor mo? That’s the most valuable thing to you hindi ba?” hindi nakatiis na tanong niya rito.
Natigilan ito at naging matiim ang titig sa kanya. Then he slowly walked to her. Suddenly she felt her heart beat wildly. It was as if there is a magnetic wave between them that every inch that he gets closer, she feels a tingling sensation on her veins. Until he was infront of her, their bodies, mere inches away from each other.
Sinalubong nito ang mga mata niya at nagsalita. “It was the most valuable thing to me... before. Noong hindi pa kita nakikilala. But now, you are the most precious thing to me Ria, my most priceless treasure,” anitong hinaplos ang pisngi niya.
“Greg,” she whispered his name. She felt her heart swell with his sincere words. And she wanted to tell him that too. She wanted to tell him how much he means to her. How much changed he brought to her life. Yet, the warmth on her heart rendered her speechless. She was deeply touched she wanted to cry.
Naramdaman niya ang paghugot nito ng paghinga. Na para bang may kung ano itong pinipigil. Then she heard him hissed something and bent down his head to her. She had expected it, yet the feel of his warm lips on hers made her gasp still. And when she felt his lips move to hers she felt her knees turned to jelly. Awtomatiko siyang napakapit sa mga balikat nito. At tila naging hudyat ang pagkapit niya rito upang palalimin nito ang halik. She felt his tongue licked her lips then moved in between her teeth, urging her to open for him. And she did. She’s willing to do anything for him.
Then, she felt his one arm around her waist and pulled her closer to him. And kamay nitong kanina ay humahaplos sa pisngi niya ay dumausdos patungo sa batok niya, leaving a warm sensation on the part where his hand touched.
Makalipas ang mahabang sandali ay saglit nitong inilayo ang mga labi sa kanya. She felt a hollow sensation on her heart when he did that. Maang na napatitig siya sa mga mata nito, bahagya pang hinihingal.
He groaned. “Don’t look at me like that Ria. You don’t know how much I wanted you right now. If you keep on looking at me like that I might do something you might regret later on,” anito sa hirap na hirap na tinig.
Himbis na matakot sa sinabi nito ay tila pa siya hinaplos ng mainit na kamay dahil doon. She was special to him. He was resisting himself, hurting himself in the process because he cared for her. Oh he doesn’t know how much he made her happy. Iniangat niya ang palad at hinaplos ang pisngi nito. Naramdaman niya ang pag igtad nito sa ginawa niya. Mabilis na hinawakan nito ang kamay niyang iyon.
“Greg, I will never regret anything that concerns you. Never. Because you are the best thing that happened in my life,” she said just above whisper.
“Are you sure?” he asked, then kissed her hand. She smiled assuringly. Humigit ito ng hininga at muling dinampian ng halik ang mga labi niya. “God Ria, I really don’t know why I am so nervious right now,” usal nito. Itinapat nito ang kamay niyang hawak nito sa dibdib nito. Yes, she could feel his hearbeat. It was beating wildly, just like hers. Kung ibang pagkakataon lamang iyon ay parang nais niyang matawa. Funny how a fearless man like Greg could have a heart beating wildly like that. “Don’t laugh at me,” he whispered.
She smiled sweetly at him. “I’m not laughing.”
Muling lumapit ang mga labi nito sa kanya. “You are.” Hindi na siya binigyan nito nang pagkakataong sumagot. He kissed her with a more intense feeling this time. And she responded to him lovingly. Sa isang iglap ay naramdaman na niyang umangat ang mga paa niya mula sa sahig. Suddenly, all that there is outside that room faded away from her mind. It was all filled by Greg, his wet kisses, his hot touch, his warm body on top of her, his sweet nothings, and their intense feelings for each other. They made love slowly, passionately.
And she knew that whatever happens, she will never regret anything.
RIA was awakened by the smell of brewed coffee and a soft kiss on her forehead. She slowly opened her eyes and saw a face of the most gorgeous man she had ever seen in her life.
“Good morning princess,” nakangiting bati ni Greg. His voice sounded like song to her ear. Napansing niyang bihis na ito at mabango na, patunay na nakapaligo na ito.
Awtomatiko siyang napangiti at bahagyang gumalaw. Ngunit napahinto rin siya nang makaramdam ng bahagyang kirot sa ibabang bahagi ng katawan niya. Then, she realized that she was still naked. Biglang naginit ang mukha niya. They have been making love all night.
“Are you all right?” nag-aalalang tanong nito at inalalayan siyang makaupo. Ito pa mismo ang nagpulupot ng kumot da dibdib niya. He was really sweet.
Nginitian niya ito. “I’m fine. I smelled coffee.”
Muli itong ngumiti. “Oh you love coffee?” Tumango siya. Lumawak ang pagkakangiti nito. “Wow, that’s something we have in common,” anito. Tumayo ito at lumapit sa lamesa na mayroon na palang nakahaing almusal at kinuha ang tasa ng kape. Pagkuwa’y muli itong bumalik sa kanya at inabot ang tasa. “O dahan-dahan mainit,” sabi pa nito.
“Oo na,” nakangiting sabi niya at bahagyang hinipan ang kape bago sumimsim doon. Nakaramdam siya ng kaginhawaan nang maramdaman ang init sa sikmura niya. pagkuwa’y naramdaman niyang kumulo iyon. Nagkatinginan sila ni Greg at nagkatawanan.
“We forgot to eat our dinner yesterday. Inilabas ko na lang kanina at umorder ng almusal. We have to eat bago tayo bumalik ng manila,” sabi nito.
Natigilan siya nang may marealize. She spent the whole night with him! At hindi siya nagpaalam. For sure her parents are angry already. Worst they could have –
Natigil siya sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ni Greg. Saglit na inikot nito ang paningin sa paligid upang hanapin ang kinaroroonan ng cellphone at tumayo nang makita iyon sa gilid ng sofa. “Great. I totally forgot about my phone,” sabi pa nito at inabot iyon. Nakita niya ang bahagyang pakunot ng noo nito. “It’s Martin. I’ll take this call sa labas. Magayos ka na and then we will eat breakfast okay?” nakangiting sabi nito.
Tumango siya kahit na nakaramdam siya ng biglang bugso ng kaba. Nang makalabas ito ay bumangon siya at kipkip ang kumot na pumasok ng banyo. Saglit lamang siyang naligo at nakatapis ng tuwalyang lumabas ng banyo. Wala pa rin si Greg. Mukhang mahaba ang pinaguusapan nito at ni Martin. Lalo tuloy siyang hindi mapakali.
Mabilis siyang nagbihis at hinanap ang cellphone niya. Nakapatong rin iyon sa sofa. Inabot niya iyon at tiningnan. Puro missed calls iyon mula sa mama niya, sa papa niya, kay Rene at maging kay Ramses. Naipagpasalamat niyang nasa amerika ang kuya Raymond niya sa mga oras na iyon. Hindi niya narinig ang mga tawag dahil palaging nakavibrate mode ang cellphone niya. Isa pa ay talagang nawala sa isip niya ang lahat kagabi.
Tila tinakasan siya ng dugo sa mukha nang mabuksan ang mga text messages. Halos lahat ng mensahe ay tinatanong kung nasaan siya. Ang mga huling mensahe ay nagbabanta. Alam daw ng mga ito kung sino ang kasama niya.
That bastard will pay for this Ria. Go home asap or you will regret it! Iyon ang huling mensahe na galing sa papa niya. Bigla siyang nakaramdam ng panlalamig. She knew her parents. They could do anything. Oh God what did she do? Baka mapahamak si Greg nang dahil sa kanya!
Noon bumukas ang pinto at pumasok si Greg. Seryoso ang ekspresyon ng mukha nito. Kinumpirma lang niyon ang hinala niya na kaparehong balita ang dala ng pagtawag ni Martin sa mga mensaheng nasa cellphone niya. Malamang na binulabog ng mga magulang niya ang pamilya niya si Martin dahil wala na si George sa bansa. Malamang alam na rin ng mga ito na kaibigan ni Greg and magpinsan.
“Greg,” mahinang tawag niya rito.
Tumingin ito sa kanya at tipid na ngumiti kahit hindi naman iyon umabot sa mga mata nito. “Nakaayos ka na pala. Mag almusal na tayo para makabiyahe na tayo,” sabi nitong lumapit na sa kanya.
She bit her lower lip. Pakiramdam niya ay maiiyak na siya anumang oras. “Greg… I-I’m sorry,” usal niya.
“What are you saying sorry for?” tanong nitong hinawakan ang braso niya. Marahan nitong hinaplos haplos iyon na para bang kinakalma siya.
Tumingala siya rito. She could feel that the side of her eyes are already wet with contained tears. “This, this is all my fault. Tumakas ako dahil nasasakal ako sa bahay. Hindi ako nagpaalam at isang buong gabing wala. And they know I’m with you. Oh Greg, they will blame you for all of this kahit hindi ikaw ang may kasalanan. I know them, for sure they –
Hindi niya natapos ang sasabihin ng higitin siya nito at mahigpit na niyakap. “Hush princess. Everything’s going to be fine. Let’s eat our breakfast at ihahatid na kita sa inyo,” he said in a soothing voice.
Umiling siya. “Hindi ko kayang kumain ng ganito. At lalong ayokong ihatid mo ako hanggang sa amin. They could do something to you. I don’t want that,” sabi niya habang nakasubsob sa dibdib nito.
“No. Ihahatid kita. We are going to face this together. I will not allow you to face this alone understand?” pinal na sagot nito.
Bahagya siyang kumalas dito at tiningala ito. “Greg –
“Ria. You trust me right?” tanong nito. Litong tumango siya. “And you know that I love you so much right?” Suminghot siya at muling tumango. Then he soflty smiled. “Then trust me with this one. We will go there and I will talk to your parents okay? I will make them understand that we love each other. I will make them accept me okay? I will do anything for you Ria. They could do whatever they want to me as long as you will remain by my side. As long as it’s for you I can endure anything,” seryosong sabi nito.
Tuluyan na siyang napaiyak. Muli siya nitong niyakap nang mahigpit. She clings on to him. Muli ay naramdaman niya ang paghaplos nito sa buhok niya. On his touch is a promise that everything will be okay. Nararamdaman niya sa yakap nito at sa paghalik nito sa tuktok ng ulo niya na totoo ang mga sinabi nito sa kanya. And she believed him. She believed him more than anything else in this world. Because she loves him.
Kinumbinsi siya nito ulit na kumain ngunit hindi niya talaga kaya. Sa huli ay hinayaan na lamang siya nito. Saglit pa ay sakay na sila ng motorsiklo nito at nasa kalsada na. Makulimlim pa rin ang paligid at naamoy pa niya ang nakaraang ulan. The road as well as everything around them is damp. Normal lamang ang bilis ng pagpapatakbo ni Greg. As if he was taking his time riding with her.
Ngunit kahit ganoon ay mahigpit pa rin ang pagkakayakap niya rito. As if she was afraid to let him go. No, she won’t let him go.