HINDI maganda ang gising ni Greg. No, in fact, he didn’t sleep at all after that dream. Hindi tumalab ang galing ni Sylvie sa kama upang mawala sa isip niya si Ria. In fact, she never made him come even once. Dahilan para magalit ito sa kanya at layasan siya. And that angered him. Hindi dahil hindi niya ito napaligaya. Kung hindi dahil sa malakas na epekto ng alaala ng babaeng nagwasak sa puso niya.
Tuloy ay kahit wala siyang tulog ay dumeretso na lang siya sa t.v station. Marami siyang kailangang gawin sa araw na iyon bukod sa regular prime time news na isa siya sa anchor. Nakapasok na siya sa loob ng t.v station nang salubungin siya ni Del, ang Personal Assistant niya. “What’s my schedule?” walang ngiting tanong niya rito na hindi tumitigil sa paglakad.
Umagapay ito sa kanya at binuklat ang isang organizer. “Sir, brainstorming with the producers and writers para sa isang news special na ihohost niyo today. Then, you have to scan the news reports na isinabmit ng staff. And you also have an appointment with the chief of staff regarding your personal interview about the latest happening on the military. And the executive producer of “The life in Politics” is asking you to guest for their show. They want you to interview former senator Ruelito Atienza.”
Napahinto siya nang nasa bungad na sila ng tumatayong opisina niya at ng mga staff niya sa huling sinabi nito. “Ruelito Atienza?” kunot noong paniniyak niya. He tried to sound as indifferent as possible while saying his name.
Tila nahintakutan ito sa kanya. Hindi na bago sa kanya iyon. All his staff as well as the other staff on the station is afraid of him. He doesn’t care though. “Y-yes sir. They are asking for an appointment para mapag-usapan iyon.”
“Then set an appointment,” aniya at tuluyan nang pumasok sa opisina niya. Alanganin siyang binati ng staff niya na saglit lamang niyang tinapunan ng tingin.
“And the fund raising party for Future Hope next week sir. Tumawag ho si Mrs. Zapanta upang iconfirm ang pagpunta niyo,” pahabol ng assistant niya.
“I’ll go,” walang anumang sabi niya at umupo sa swivel chair niya. Hindi pa rin ito umalis sa kinatatayuan nito sa harapan niya. Kumunot ang noo niya. “Do you have anything else to say?” tanong niya rito.
Tumukhim ito. “And sir, about the indenfinite leave that I am asking you,” alanganing sabi nito.
Napahinga siya ng malalim at sumandal sa swivel chair niya. “Del, you know you can’t take a vacation right now. And dami dami nating trabaho.”
Hindi na ito nagkomento. Ngunit nabasa naman niya ang pagkadismaya sa mukha nito. Hindi naman niya ito masisi kung gusto nitong magleave. She has been with him for almost five years. At kahit kailan ay hindi pa niya ito nabibigyan ng bakasyon. Kung gaano siya kaabala at katutok sa trabaho ay ganoon din ito. But it looks like she could no longer keep up to his pace.
Marahas siyang napabuntong hininga. “Fine, if you want to take a vacation, find me someone suitable to replace you temporarily. And not just someone okay? I want him or her or whatever to be as skilled as you or else I will not let you go. Deal?” tanong niya rito.
Nagliwanag ang mukha nito. “Yes sir,” anito at umalis na ng silid.
Napailing siya. He doubts she could see a suitable replacement. And samahan nila ni Del ay pinatibay ng panahon. Bukod sa magaling ito sa trabaho ay hindi ito umaasam ng kahit anong mas personal pang relasyon mula sa kanya. Hindi iilang beses siyang nagpalit ng assistant bago niya nakuha si Del. All his past P.A’s ended up falling for him and wanting more from him. And he could not give that.
Itinutok na niya ang tingin sa tambak na script na nasa harap niya. Then he saw the proposal letter na pinadala ng “The Life in Politics”. His mind went back on the thought of interviewing Ruelito Atienza.
He suddenly had a bitter taste on his mouth. For so many years after he became a well known news anchor, he has been waiting for the time to finally stand face to face to him. Ngunit sa tuwina ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataon. Madalas kasi ay ang presidente o ang bise presidente ang ibinibigay na beat sa kanya. Kung minsan naman ay beat sa ibang bansa. Hanggang sa hindi na ito tumakbo pa sa eleksyon at tuluyang nagretiro. Ilang beses na rin kasing napabalita ang pagiging sakitin nito at nagdesisyon ang talikuran ang politika. Which is a surprise not only to him but also to the whole nation. They thought he will run for a much higher position in no time. Lalo na siya, alam niya kung gaano ito kaambisyoso. And so, he thought he will never get the chance.
But now, he already has a chance to show him who he is now. He doesn’t know if he could still remember him. But either way, he will make sure he will remember him. Kailangan iyon.
Now, maybe this is the reason why he suddenly had that dream last night. It was a premonition. Mapait siyang ngumiti. Ha! It’s payback time.
“RIA, ito ang listahan ng mga guest na iimbitahin para sa party next week. Kailangan mo silang tawagan isa isa upang iconfirm and pagpunta nila at upang i-brief na rin sila sa mangyayari sa party,” sabi sa kanya ni Mrs. Zapanta kasabay sa pagabot ng ilang pages din na papel. Malaki ang party na gagawin ng Future Hope Children’s Foundation kung saan siya ngayon nagtatrabaho na gaganapin sa susunod na linggo. Fund raiser project iyon upang makabili ng mga bagong gamit ang mga batang nasa pangagalaga nila at upang makapagbigay ng scholarship sa piling batang mahihirap.
Nginitian niya ang matandang babaeng OIC ng foundation. “Sige ho Ma’am.”
Gumanti ito ng ngiti. “Sige. Hay naku sa tingin ko talaga ay over qualified ka sa trabaho mo rito. With your qualifications ay pwede mo na nga akong palitan,” pabirong sabi nito na ikinatawa niya.
May katotohanan naman ang sinabi nito. Mataas ang posisyon niya sa Foundation na pinasukan niya sa amerika. At ang Future Hope ay affiliated sa foundation na iyon. Iyon ang dahilan kung bakit doon siya nag-apply. Sa pagkakaalam niya ay limang taon pa lamang ang foundation na iyon. Nang basahin niya ang impormasyon tungkol dito ay hindi nakalagay ang eksaktong pangalan ng founder o mga founder doon. Ang nakalagay lamang sa internet at kahit sa ibinigay sa kanya sa dati niyang pinapasukan ay isang pilantropo ang nagtatag ng Future Hope. Either way ay hindi naman mahalaga kung sino man ang mga nagtatag. Ang mahalaga ay nakakatulong iyon sa mga batang mahihirap.
“It’s okay Mrs. Zapanta. I love what I’m doing. This is all for love,” nakangiting sabi niya rito.
Ngumiti ito. “Well, good luck sa atin para sa ikatatagumpay ng party. Our special guest already confirmed na pupunta siya kaya kailangan nating magpasikat. Lalo ka na. You are single right?” anitong hindi itinago ang panunudyo.
Na-amuse siya. “Oho. Bakit niyo naman naitanong?”
Naging pilya ang ngiti nito. “Dahil binata rin ang special guest natin. At ubod ng guwapo. Bukod doon ay ubod pa ng yaman. Kung ako’y dalaga at kasing ganda mo naku magpapacute talaga ako sa kanya. Palagi na’y maraming babaeng mula sa buena familia ang tumatawag sa akin upang sabihing nais nilang umattend sa fund raiser party para lamang makita siya. Kaya tingnan mo naman ang kapal ng listahan natin,” sabi nitong humagikhik pa na parang bata.
Ngumiti na lamang siya at sinulyapan ang listahan. She scanned the name. Halos puro babae nga ang nakalista roon. Ngunit bukod sa amusement ay wala na siyang ibang naramdaman sa kaalamang may darating na guwapong lalaki sa party. Her everything only belonged to one man. Galit man ito sa kanya ay iyon pa rin ang katotohanan.
“O bakit natahimik ka na at naging tila malungkot ka?” takang tanong ng babae.
Tiningnan niya ito at pilit na ngumiti. “I just remembered something. Nothing to worry about,” aniya rito. Maya-maya pa ay nagpaalam na rin ito. Bumuntong hininga siya at sinimulang tawagan ang mga nasa listahan.
MASYADONG naging abala si Ria sa mga sumunod na araw sa preparasyon sa party. Bukod sa pagcoconfirm ng mga bisitang darating ay siya rin ang naatasan na alalayan ang mga batang under ng Future Hope na magpeperform sa araw na iyon.
She enjoyed that part greatly. Ang sarap sarap kasama ng mga bata. At natutuwa siya kapag nagsisimula na silang magpractice sumayaw at kumanta sa tulong ni Eryz na volunteer nila sa Foundation. Tuwing nariring niya ang halakhakan at tilian ng mga ito ay gumagaan ang pakiramdam niya. These children, who don’t have any family, who were not born with a silver spoon on their mouth like her, were laughing so happily, so freely. Kapag nakikita niya ang mga ito ay parang ang sarap sarap mabuhay.
Dahil doon ay naisipan niyang bigyan ng paborito raw ng mga itong chocolate cupcake ang mga ito sa araw na iyon. Kahapon ay tinanong niya si Mrs. Zapanta kung saan iyon nabibili. Kaya ngayon ay sumaglit siya sa pinakamalapit na Sweet Fantasy Cake Shop para bumili. Ipapamerienda niya sa mga bata pagkatapos ng practice.
Pumasok siya roon at saglit na iginala ang paningin niya. Maganda ang shop na iyon. Kasalukuyan niyang inililibot ang paningin sa paligid nang makarinig siya ng boses lalaki mula sa likuran niya.
“How may I help you ma’am?”
Awtomatiko siyang lumingon. Nagkagulatan pa sila nang makilala niya ito. At mukhang ganoon din ito. “Ria? Is that you?” manghang tanong nito.
Alanganin siyang ngumiti. Siguradong alam nito ang nangyari sa pagitan nila ni Greg noon. “Yeah. I am surprise to see you here Yuuji.”
“No I am surprise,” mangha pa ring sabi nito. Pagkuwa’y alanganin itong ngumiti. “Kamusta ka na? I heard you went to the states.Wow naalala mo pa pala ako.”
She suddenly felt embarrassed. Base sa reaksyon nito ay alam nito ang nangyari. “You don’t have to act so friendly to me Yuuji. I just came here to buy chocolate cupcakes.”
Tumikhim ito. “Well, this just feels awkward you know. Wait, ilan ang oorderin mo chocolate cupcakes?”
“Fifty pieces,” tipid na sagot niya.
“Fifty? Wow, may party ka ba?” kaswal na tanong nito at may sinensyasan. Lumapit ang isang lalaki. “Fifty pieces of chocolate cupcakes,” utos nito.
“Para iyan sa mga bata. Nagtatrabaho ako ngayon sa Future Hope Foundation,” imporma niya.
Muli itong napatingin sa kanya. “Sa Future Hope? Kailan pa?”
Bigla siyang nalito sa tanong nito. Lalo pa’t hindi niya inaasahan na alam nito ang Foundation na iyon. “Just last Monday. Why?”
Timikhim ito. “Well, nothing. I just know that foundation dahil madalas silang umorder ng cupcakes para sa mga bata. Wait, Ledz make it a hundred!” sabi nito sa lalaking nagaayos ng order niya.
“Yes sir.”
Tumingin ito sa kanya at ngumiti. “Treat ko na iyan para sa mga bata.”
“Naku nakakahiya naman,” tanggi niya.
Tumawa ito. “No problem. I own this place anyway and I am the one who invented those cupcakes.” Manghang napatingin siya rito. Yuuji a patessier? Tumawa ito. “You can’t believe it?” Umiling siya na lalong ikinatawa nito. “Well, life is full of surprises. Tingnan mo nga si Greg –” he stopped in midsentence. Muli itong tumikhim. “Well, tingnan mo nga ikaw. Who would have thought you will work for a foundation.”
Tipid siyang ngumiti. “I am no longer a princess now. I am living this kind of life eversince I went to the states. And honestly I prefer this life more that my life before,” aniya rito.
Tumitig ito sa kanya. Pagkuwa’y tumango tango at ngumiti. Alam niya na natetempt itong magtanong sa kanya ngunit mas piniling huwag na lamang magsalita. Naipagpasalamat niya na tapos nang ibalot ng tinawag nitong Ledz ang mga cupcakes. At least matatapos na ang awkward conversation nila. Pagkaabot niya sa dalawang malaking plastic bags ay muli niya itong tipid na nginitian. “Sige. Nice seeing you again Yuuji.”
“Same here. Ingat ha.”
Tumango siya at lumabas na ng shop. Saglit siyang huminga ng malalim upang kalmahin ang sarili. Hindi niya naisip na posibleng may makita siyang mga kabarkada ni Greg. Napakalaki naman kasi ng kamaynilaan. Was it just coincidence? Then would it be possible that she will see Greg again? Makasalubong at makita sa kung saan na tulad ng pagkakakita niya kay Yuuji?
Naipilig niya ang ulo at sinagot rin ang sariling tanong. That’s just wishful thinking. Sikat na tao na si Greg at malabong makita niya ito. Because now, she’s no longer living the life of a politician’s and business heiress’ daughter. Now, she’s just Ria. Funny how till now their world is still on opposite direction.
She wonders when the time will come that their worlds finally meet. Or will it ever meet?
TULAD ng inaasahan ay napakaraming dumalo sa Fund Raising party ng Future Hope. Lahat ay nakasuot ng mga kaswal ngunit halatang mamahaling damit lalo na ang mga babae. Si Ria at maging ang lahat ng nagtatrabaho para sa foundation ay naka maong na pantalon at t-shirt na may logo ng foundation. Ang mga bata ang inayusan talaga nila ng todo.
Bumabaha ang mga pagkain at inumin. Ayon kay Mrs. Zapanta ay lahat daw ng gastos sa party ay sagot ng special guest nila. Sa bagay na iyon ay nakaramdam siya ng curiousity dito. Sinong lalaki na ubod raw ng gwapo at yaman, na dapat ay tulad ng kapatid niyang si Ramses na walang inatupag kung hindi ang mambabae, na tumutulong sa isang foundation? She never met a man like that. Kahit tuloy ayaw niya ay hindi niya mapigilang hintayin ang pagdating nito sa party na iyon.
Maingay ang paligid dahil sa mga kwentuhan. Si Mrs. Zapanta at maging ang ibang naka assigned sa public relations ay abala sa pakikipag-usap sa mga bisita upang makakalap ng donasyon para sa proyekto nila. Para kasi iyon sa scholarship na balak nilang ibigay sa mga piling batang mahihirap. Bukod doon ay balak nilang magdagdag ng mga gamit ng mga batang inaalagaan nila. Siya naman ay assigned sa pagbabantay sa mga bata.
Tapos nang magperform ang mga bata at nasa kalagitnaan na ang party nang biglang tumahimik ang paligid. Abala si Ria sa pagbibigay ng pagkain sa mga bata sa isang panig kaya inignora na lamang niya ang biglang pagtahimik na iyon.
“Mr. Ledesma! Mabuti ho at nakarating kayo! I have told everyone na may special guest kaming darating. I’m happy na hindi niyo kami binigo,” masayang sabi ni Mrs. Zapanta.
Biglang natigilan si Ria. Her heart suddenly leaps when she heard that name. No, for sure ay magkaapelyido lamang ito at si –
“Of course I will not miss this for the world Wilma,” sagot ng buong buo at malamig na boses.
Tila may mga kung anong biglang naghabulan sa sikmura ni Ria nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Hindi siya maaring magkamali. Si Greg iyon. Bigla pakiramdam niya ay nanigas ang katawan niya at hindi siya makakilos. Si Greg ang special guest na tinutukoy ni Mrs. Zapanta? Hindi siya makapaniwala! Ganoon ba talaga kaliit ang maynila?
“Tita Ria, nauuhaw po ako,” biglang sabi ng isang cute na batang lalaki na hinatak hatak pa ang t-shirt niya.
Noon siya natauhan. Nginitian niya ito. “Okay. Wait lang ikukuha kita ng juice ha?”
“Yehey!”
Natawa siya sa reaksiyon nito. Tumalikod na siya sa mga ito upang magtungo sa buffet table. Nang gawin niya iyon ay nahagip ng tingin niya si Greg. She held her breath. He was just wearing a polo na nakatupi ang manggas hanggang siko and a straight cut black slacks. Wala na ang rugged aura nito na mayroon ito noon. He now looks formidable, powerful, intimidating, and drop dead gorgeous. His shoulders broader, his skin still tanned as always, his hair cut short. He’s more mature and larger than life now, almost out of reach.
Her heart tightened. Her eyes felt hot with contained tears. How she missed him. Labis labis na pagpipigil ang ginagawa niya upang wag itong takbuhin at yakapin ng mahigpit. Kaya naman wala siyang ibang ginawa kung hindi ang titigan ito.
Noon ito nag-angat ng tingin. Their eyes met. And that moment, when she met those dark eyes that used to look at her with so much affection and love, she really wanted to cry. Dahil ngayon ay saglit lamang bumadya ang gulat sa mga matang iyon. At pagkatapos ay naging blanko, almost cold. As if he was looking at someone he saw for the first time. And when he looked back at the one he’s talking to as if nothing happened, she felt her heart break into pieces.
Kumurap siya at tuluyan nang tumalikod. He pretended not to know her. Or was it possible that he totally forgot about her? Baka sa dami ng babaeng dumaan na sa buhay nito ay nabura na siya sa alaala nito. Ipinilig niya ang ulo at pilit hinamig ang sarili. Pagkuwa’y bigla niyang naalala ang dahilan kung bakit siya nakatayo roon.
Lumakad na siya patungo sa buffet table at nagsalin ng juice para sa batang humihingi niyon. Nasa ganoong akto siya nang may lumapit sa kanyang isang lalaki na hindi niya kilala.
“Hi! Need help?” nakangiting tanong nito. Guwapo ito, with a boyish face and a model type body. Papasa itong matinee idol. Mas makinis pa yata ang kutis nito kaysa sa ibang babae.
Tipid niya itong nginitian. “No thanks. Isang baso lang naman ito kayang kaya ko ng bitbitin,” tanggi niya at nagtangka nang lumayo sa buffet table. Ngunit mukhang wala itong balak na tigilan siya.
“Then can I just join you on your table? Kadarating ko lang kasi,” he flashed her a smile that’ssupposed to swoon any woman. Hindi nga lang siya kasama. His kind was never her type. In fact, isang lalaki lang naman ang natypan niya buong buhay niya. Alanganing ngumiti siya rito upang hindi naman ito makahalatang naiirita siya rito. After all, whoever he is, he’s still a prospective donor.