Chapter 7

2732 Words
KAHIT na ayaw ni Ria ay hindi niya maiwasang madismaya. Huling subject na niya para sa araw na iyon ay hindi pa rin niya nakikita si Greg. Ni hindi ito nagiwan ng mensahe sa kanya. Nakahiyaan naman niyang unang magtext dito. Sa huli ay naisip na lamang niya na baka abala ito. He’s a graduating student in the first place. But still, she could not restrain herself from looking at the parking lot through their classroom window every now and then in hope of seeing him. But to no avail.           Hanggang sa matapos ang klase nila. Matamlay na inayos na niya ang gamit niya. Nakatingin siya sa cellphone niya nang lumabas siya ng classroom, hoping that Greg had sent her a messahe na nakaligtaan niya lamang makita nang mapaigtad siya sa kamay na biglang humawak sa braso niya.           Marahas na napalingon siya. “Greg!” gulat na naibulalas niya dahilan upang mapahinto ang mga estudyanteng sa hula niya ay kanina pa nakatingin kay Greg. Paano naman ito hindi titingnan ay para itong phantom na sumusulpot hindi sa college nila.           Amused na ngumiti ito. Ah, she felt like she hasn’t seen him for years. Ganoon niya ito namiss kahit madalas naman silang magkausap? “Hi princess, miss me?” tanong nito. Napasinghap siya ng dumausdos ang kamay nitong nasa braso niya patungo sa kamay niya at ginagap iyon.           She swears she heard the people around them gasp.  Ngunit sa oras na iyon ay wala na siyang pakielam sa mga ito o sa iisipin ng mga ito. All that matters to her is Greg. “Why would I miss you?” tanong niya ritong hindi naman napigilang mapangiti ng matamis.           He laughed. “I know you would say that. But at least I know that’s your way of saying you miss me,” nanunudyong sabi nito. Hindi na siya nagdeny at ngumiti na lamang. She saw his expression softened. Pagkuwa’y hinatak siya nito. “Tara kain tayo.”           “Sisingilin mo na ang pizza mo?”           Tumingin ito sa kanya at ngumisi. “Hindi na. Having you is enough compensation for me.”           She smiled. Having you is enough for me too Greg. More than you think.             HINDI akalain ni Ria na darating ang araw na meenjoy niya ang buhay niya sa kolehiyo. Halos araw-araw ay inaabangan siya ni Greg. Palagi itong nakakakuha ng tiyempo na makapag-usap sila. Iyon nga lang hindi sila nagkakaroon ng maraming pagkakataon na magkasama ng matagal tuwing pagkatapos ng klase dahil palaging nakabantay si Rene. Araw-araw ay tila siya naglalakad sa ulap dahil dito. Everything seems so perfect. Everything seems so easy to do. Ganoon pala ang nagagawa kapag inlove.           Maganda pa rin ang mood niya nang makauwi siya. Ni hindi na nga niya pinagtuunan ng pansin masyado ang dalawang magarang sasakyang nasa garahe nila na alam niyang hindi sa kanila.           Nasa bungad pa lang siya ng bahay ay naririnig na niya ang malamyos na tawa ng mama niya at ng boses ng papa niya maging ang mga bisita ng mga ito. Hindi n asana niya papansinin ang mga ito nang mapadako ang tingin ng mama niya sa kanya.           “Ria hija, mabuti naman at nakauwi ka na. Come here. You remember Dustin?” sabi nitong tumayo pa at lumapit sa kanya.           Awtomatiko siyang napatingin sa lalaking tumayo. Sa pagkakaalam niya ay isa ito sa mga ipinakilala ng mga magulang niya sa kanya sa isang party na pinuntahan nila. Ngunit bukod doon ay wala na siyang natatandaan na tungkol dito. Tumango na lamang siya.           Naramdaman niya ang pagakbay ng mama niya sa kanya at pag-akay nito palapit kay Dustin at sa mag-asawang hula niya ay magulang nito. Bigla siyang nakaramdam ng kaba.           “Your unica hija is really beautiful senator,” puri ng matandang lalaki sa kanya.           Tumawa ang papa niya. “But of course, all my children are the best.”           Pinaupo siya ng mama niya at tumabi ito sa kanya. “Lovely isn’t she? Your son is also gorgeous and intelligent, don’t you think so Ria?” tanong ng mama niya.           Tiningnan niya ito. There was a sweet smile on her mother’s lips. But she could clearly see the commanding way she’s looking at her. It’s obvious, They are pairing her up with this Dustin guy. And it’s making her want to throw up. Gusto niyang magrebelde at tumayo at layasan ang mga ito. Subalit hindi pa rin inaalis ng mama niya ang pagkakaakbay sa kanya. Sa huli ay inalis na lamang niya ang tingin sa mukha nito dahil lalo lamang iyong nagpapatindi ng pagrerebeldeng nais kumawala at tumingin sa lalaking kung makatingin sa kanya ay parang nais siyang hubaran.           “I guess so,” tipid na sagot niya.           Pagkuwa’y nagsimulang mag-usap ang mga ito. Siya ay nanatili lamang na nakaupo roon at walang kibo. Hanggang sa magpaalam na ang mga ito. Nang makita niyang nakaalis na ang sasakyan ng mga ito ay mabilis siyang kumalas sa mama niya at mabilis na tinalikuran ang mga ito.           “Ria! Where do you think you’re going? Maguusap pa tayo ng papa mo!” maawtoridad na tawag nito sa kanya.           Huminto siya at marahas na nilingon ang mga ito. “There is nothing to talk about. I will not agree to whatever you will tell me anyway!” aniyang hindi na naiwasang magtaas ng boses.           “Ria! Bakit ka nagtataas ng boses?” saway sa kanya ng kanyang ama.           She looked at them. “Because I hate what you are doing mama, papa. Ayokong ang maging papel ko lang sa buhay ay magasawa ng anak ng kung anong mayamang pamilya! I want to live my own life the way I wanted it!”           “What we are doing is making sure you will have a good life in the future. And it’s not as if we are going to ask for your opinion. You will marry Dustin,” matatag na sabi ng mama niya.           Puno ng hinanakit na tiningnan niya ito. “No. I will not marry someone I don’t love mama,” aniya rito at tuluyan nang tumalikod. Pumapanhik na siya sa hagdan ang muli itong magsalita.           “At sino ang gusto mo? Ang lalaking iyon na mukhang wala namang panama kay Dustin? To a guy who doesn’t have anything but a motorcycle?” mataas ang tinig na sabi ng mama niya.           Natigilan siya at nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa mga ito. “Don’t think we know nothing Ria. We know everything we have to know about you. And believe me, a guy like that, he just wanted nothing but to play with an innocent girl like you,” sabi naman ng papa niya.           “If not that, then for sure he’s just after your money and social status,” paismid na dugtong ng mama niya.           Parang gusto na niyang maiyak sa labis na frustration at hinanakit. How could they judge the man she loves just like that? “Hindi ganyang tao si Greg. And even if you say thousands of bad things about him, I will not marry any man other than him.”           Tumiim ang bagang ng papa niya. “Ria, sinasabi ko na sa iyo. Tigilan mo ang pakikipaglapit sa lalaking iyan. He will just take advantage of you. Sundin mo ang gusto namin ng mama mo para sa iyo. Hindi pa naman kayo magpapakasal ngayon ni Dustin. Hihintayin ka niyang gumraduate. His family will be very suitable for our family.”           She gritted her teeth. Sa huli ay nadulas din ito. Hindi naman talaga siya ang iniisip ng mga ito sa mga planong ginagawa nito kung hindi ang posisyon ng pamilya nila. Puno nang hinanakit na tinignan niya ang mga ito, her parents who never really acted like parents to her. Tapos na ang mga araw na hinahayaan niyang magdesisyon ang mga ito para sa kanya. Tapos na ang panahong wala siyang sariling disposisyon. Hindi na siya magaastang puppet ng mga ito.           “I would rather die that get along with your plan,” she quietly said then headed to her room. Hindi siya lumingon sa kabila nang malakas na pagtawag ng mga ito sa kanya at sa malakas na banta ng kanyang ama na “You will regret this Ria!”           Dahil mula sa araw na iyon, hindi na siya matatakot gawin ang gusto niya para sa sarili niya. Ayaw niyang dumating ang panahong matanda na siya at pinagsisisihan ang mga panahong hindi niya sinunod ang gusto niya. And she doesn’t want to make a big mistake like marrying someone she will never love.             “YOU can stop following me already Rene,” kunot noong baling ni Ria sa body guard niya na nakasunod sa kanya hanggang sa tapat ng classroom nila.           Huminto naman ito. “E ma’am utos po ni boss,” pormal na sabi nito.           Mataman niya itong tiningnan. “Ikaw ba ang nagsusumbong sa kanila?” seryosong tanong niya.           Hindi ito tumingin sa kaniya. “Ginagawa ko lang ho ang trabaho ko ma’am.”           Nanlumo siya. Akala niya ay kakampi niya ito. Hindi pala. Hindi na niya ito kinausap at pumasok na sa loob ng classroom. Walang ganang pinilit niyang makinig sa itinuturo ng propesor nila. Kahit ang totoo ay wala siyang ibang gustong gawin kung hindi ang magpunta sa malayong lugar. Kahit saan basta makalayo siya kahit sandali lang. Kung paano ay hindi niya alam.           Hanggang sa matapos ang lahat ng klase niya nang wala siyang matandaan sa lessons. Tatlo lang kasi ang subjects niya sa araw na iyon at hanggang ala una lang ng hapon. Muli siyang napabuntong hininga nang maisip na maaga siyang uuwi sa araw na iyon. Ayaw pa niya umuwi. Matamlay na lumabas siya ng classroom.           “What’s with that face?” pukaw ng pamilyar na boses ni Greg.           Awtomatiko siyang napatingala rito. Dumeretso ito ng tayo mula sa pagkakasandal nito sa pader at lumapit sa kanya. “Are you all right?” nagaalalang tanong nito. Napatingala siya rito. Pagkuwa’y may naisip siya. “Greg, may gagawin ka?” alanganing tanong niya. Tila nagiisip ito. “Meron.” Bigla siyang nadismaya at bahagyang napayuko. Kung ganoon ay walang pag-asang makaalis siya kahit sandali lang. Pagkuwa’y napaigtad siya nang haplusin nito ang baba niya at marahan iyong iangat. She met his eyes. “I plan to spend the rest of the day with you. Kaya tingnan mo naman kahit sinabi ng bodyguard mo sa akin kani-kanina lang na kailangan mong umuwi agad pinuntahan kita,” anito na may bahagyang ngiti sa mga labi.           Napahinga siya ng maluwag at malawak na napangiti. “Then, could we go somewhere? Kahit saan na malayo?” expectant na tanong niya.           Naging mapanudyo ang ngiti nito. “Hey, are you saying na itanan kita?” pabirong sabi nito.           Awtomatikong nag-init ang mukha niya. “H-hindi no. I just want to go somewhere far, with fresh air and nice sunset, or something. Don’t laugh at me,” aniya rito nang makitang lumalawak na ang ngiti nito na para bang tatawa na ito anumang oras. Hirap na hirap na nga siyang sabihin ang gusto niyang sabihin ay balak pa siya nitong tawanan.           “I’m not laughing. Sayang, kung sinabi mong gusto mong magtanan ay itatanan talaga kita. But if you want sunset and fresh air and something far away I know a place,” anitong hinawakan na ang kamay niya at hinatak siya patungo sa entrance ng building nila. Bigla siyang naalarma. Nasa labas lang si Rene.           “Greg,” pigil niya rito. Huminto naman ito at nagtatanong ang mga matang nilingon siya. “Huwag tayong magpakita kay Rene please. This time ay hindi na siya papayag na sumama ako sa iyo. Please don’t ask questions yet. Promise I’ll tell you kapag nakalayo na tayo. Please,” pakiusap niya.           Bahagyang kumunot ang noo nito. Parang may gusto pa itong sabihin ngunit sa huli ay bumuntong hininga. “All right. If that’s what you want. I know another way out. Let’s go,” sabi nito at hinatak na siya patungo sa likod na parte ng building nila.           In an instant, they were heading somewhere. Hindi na niya tinanong kung saan sila pupunta. May tinawala naman siya rito. Kahit saan yata siya dalhin nito ay papayag siya. Basta yumakap lamang siya rito at dinama ang hanging tumatama sa kanila. Nang sa tingin niya ay magiisang oras na silang bumabiyahe ay saglit silang huminto sa isang maliit na kainan. Nagkuwentuhan, nagtawanan sa mga silly stories nito at muling bumiyahe. Hanggang sa marating nila ang isang resort.           Awtomatiko siyang napasinghap nang makita ang malawak na dagat. Napakaganda niyon at nakakalma. Iyon nga lang, wala ang inaasahan niyang makulay na kalangitan ng dapithapon. Makulimlim kasi nang makarating sila roon.  Malamig din ang simoy ng hangin at may kalakasan ang hampas ng mga alon. But it relaxed her just the same. She inhaled deeply the wet and salty scent of the sea.           “Too bad, we could not see the sunset you want,” komento ni Greg na nakalapit na sa kanya. Mukhang naipark na nito ang motorsiklo nito. At base sa paraan ng pakikipagusap nito sa receptionist kanina ay mukhang kilala ito doon.           Tiningala niya ito at nginitian. “It’s okay. I still love it here. Thank you Greg,” she said wholeheartedly.           Tumitig ito sa kanya. Then before she could think what he will do he bowed his head and planted a soft kiss on her lips. Natulala siya. It was just a soft smack, but she could feel the heat and softness of his lips. Bigla ay tila may kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya.           Nang ilayo nito ang mukha sa kanya at mapatitig sa kanya ay bigla itong ngumiti na tila amused na amused. “I told you before that whenever you smile like that, I always have the urge to kiss you right?”           Hindi pa rin siya nakapagsalita. He chuckled. “And I haven’t kissed you properly yet. Tara, let’s walk around,” aya nito at ginagap na ang kamay niya.  Saglit pa ay nagpapalakad lakad na sila sa dalampasigan ng magkahawak kamay. It was fun. In fact, she never felt so happy her entire life. It was the first time she enjoyed walking on a beach. Iyon ay sa kabila pa ng katotohanang makulimlim at mukhang uulan. Because wherever Greg is, she always feels warm.  Magkahawak kamay sila at nagtatawanan sa mga kwento nito. It was as if it was only the two of them in the world, without any worries at all. Nakakahawa ang pagiging carefree nito.  She was enjoying the walk with him na hindi na niya namalayan ang oras.           Hanggang sa biglang pumatak ang ulan. Mahinang ambon lamang iyon sa una. Pareho pa silang natigilan. “Damnit, wrong timing na ulan,” iritableng sabi ni Greg.           She laughed beside herself. Mukhang kahit ito ay ayaw pang matapos ang paglalakad nila sa dalampasigan. Magkokomento sana siya ngunit biglang lumakas ang ulan. Malutong itong nagmura at patakbo siyang hinatak patungo sa building ng resort. Ngunit dahil may kalayuan iyon sa narating nila ay basang basa na sila nang makarating sila roon.           “Basang basa ka,” baling nito sa kanya at hinawi ang basang buhok niyang tumakip na sa mukha niya. Hindi nito alintana na basa na rin ito. “We need a room where we can dry ourselves. Wait here.” Mabilis na lumapit na ito sa receptionist. Pagkuwa’y mabilis ding inabot dito ang isang susi at lumapit na sa kanya. “Let’s go.”           “I noticed that she knows you. And you seems to be so familiar with this place,” hindi nakatiis na komento niya nang nasa tapat na sila ng pinto ng isang silid sa second floor.           Binuksan muna nito ang pinto ng silid bago nagsalita. “Kila George itong resort.  Madalas kami ditong barkada mula noong nagkakilala kami kaya kilala na kami ng mga tao rito,” anito at inakay siya papasok sa silid. Lumakad ito at binuksan ang isang pinto na sigurado siyang ang banyo. May kinuha itong dalawang tuwalya at inabot sa kanya ang isa. “Mauna ka nang magbanyo. May robe ‘don. Hubarin mo ang damit mo para mapadala natin sa laundry at drier,” kaswal na utos nito.           Pero siya ay nanlaki ang mata sa mga sinabi nito. Haharap siya rito ng nakaroba lang? With nothing underneath? Ang awkward!           Nang marahil ay mapansin nitong hindi pa siya kumikilos ay muli itong tumingin sa kanya. “Hey, hurry up before you catch a cold. Or do you want me to help you?”           That made her move. Mabilis siyang pumasok ng banyo. Nadinig pa niya ang tawa nito. Saglit siyang huminga ng malalim. Tama naman ito, magkakasakit siya kapag hindi niya inalis ang damit niya. She knew he means well. Ako lang itong nahihiya na ewan. Sa huli ay mabilis na rin niyang hinubad ang damit niya at nag hot shower. Pagkuwa’y isinuot niya ang robang nakita niya roon. Saglit siyang nag inhale-exhale bago binuksan ang pinto ng banyo.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD