Chapter 6

2331 Words
“WOAH, I heard that,” biglang sabi ng boses ng isang lalaki.           Napakurap si Ria at napatingin sa lalaking bagong dating. He was also gorgeous, but with a princey atmosphere around him. Isang tingin pa lang niya rito ay sigurado na siyang babaero ito.           “Oy Cedric. Akala ko ba sa venue na tayo magkikita?” tanong ni Yuuji dito. Mukhang kaibigan din ng mga ito ang Cedric na ito.           Nagkibit balikat si Cedric at ngumisi pagkuwa’y tumingin kay Rhianna na umasim naman ang mukha. “Naisip ko lang dumaan,” sabi nito at umupo sa silyang katabi ng kay Rhianna na lalong sumama ang mukha. “How was your video taking doing?” tanong pa nito sa babae.           “I threw the tape. Hindi kasi papasa sa mtrcb ang nakunan ko,” malamig na sagot nito na tinawanan lang ni Cedric. Mukhang may kakaibang namamagitan sa dalawa. Hindi niya lang mawari kung maganda o hindi iyon.           “Don’t mind them. Kainin mo na iyan,” bulong ni Greg na inilapit pa ang bibig sa tainga niya. Tuloy ay naramdaman niya ang hininga nito na muling nagpabalik sa isip niya sa kanina lamang ay sinabi nito. Biglang nag-init ang mukha niya. Walang salita at hindi tumitingin ditong kumain siya.           Nakinig na lamang siya sa usapan ng mga ito. Nalaman niya na kaya pala noon lamang niya nakita si Jet at Cedric ay dahil taga ibang school ang mga ito. Naging kabarkada ang mga ito nila Greg nang makasama nila ang mga ito sa isang illegal racing na sinalihan ng mga ito. Noon niya nalaman na hindi lang pala basta chismis lang ang mga napapabalitang pagsali ng mga ito sa illegal racing. Ni hindi nga siya naniniwala dati na may ganoon sa pilipinas. But now she knew it’s true.           Marami pang kwento ang mga ito. Hanggang sa magdesisyon nang umalis ang mga ito ay tahimik lamang siya. Ayon sa usapan ng mga ito ay may karera pa raw ang mga ito at kailangan nang magpunta sa venue. Siya naman ay kailangan ng umuwi. Nang aabutin na niya ang bill nila ay inunahan siya ni Greg.           “Ako na,” sabi nito na ikinakunot ng noo niya.           “This is my treat dahil iniligtas mo ako. Bakit ikaw ang magbabayad?” takang tanong niya.           Ngumisi ito. “Dahil kapag nilibre mo ako ngayon wala na akong maidadahilan para sumama ka ulit sa akin sa susunod,” anitong inabot na ang bayad sa waiter.           Natulala na lang siya sa sinabi nito. Kung hindi pa niya narinig ang hagikhik ni Carrie ay hindi niya maiaalis ang tingin dito. “Hay, I wonder kung kailan kaya ako sasabihan ni Martin ng ganyan.”           Tumawa si Cedric. “Yeah keep on dreaming baby, libre naman iyan.”           “Correct,” segunda ni Rhianna.           Biglang humalakhak si Yuuji. “Nice, may ipinagkakasundo naman pala kayo minsan.”           Natawa na rin siya sa sinabing iyon ni Yuuji. Wow, thinking back, it was the first time she laughed so hard like this. Then, she felt Greg’s hand hold her hand. Napatingala siya rito. Mataman itong nakatingin sa kanya at may munting ngiti sa mga labi.           “Tara na mahal na prinsesa. Ihahatid na kita hanggang sa tapat ng karwahe mo,” pabirong sabi nito.           Kung kagabi ay iritang irita siya sa paraan ng pagkakasabi nito ng mahal na prinsesa, ngayon ay nakaramdam pa siya ng kilig sa sinabi nito. Kilig? Wow, so this is how it feels.           She smiled sweetly and nod at him. saglit na tila natigilan ito bago nito inilapit ang mukha sa tainga niya. “Oops, huwag masyadong ngingiti. Baka bigla kitang mahalikan.”           Awtomatiko siyang namula. Tumawa ito at hinatak na siya palabas ng pizza house pasunod kina Yuuji na nauna na sa kanilang lumakad. Nang nasa labas na sila ay nagpaalam na ang mga ito sa kanya. Sumakay na si Yuuji at Cedric sa kani-kanilang motorsiklo. Natawa pa siya nang ng ayain ni Cedric na umangkas si Rhianna ay malamig na no thanks lang ang sinagot nito at inaya si Carrie sa isang pulang Honda City.           Nagpaiwan saglit si Greg na katulad kanina ay nakipagdaldalan sandali kay Rene. Nang pumasok na si Rene sa sasakyan ay muli niyang tiningala si Greg na nakatingin sa kanya.           Napasinghap siya nang umangat ang kamay nito at bahagyang haplusin ang buhok niya. “Have a fun Christmas vacation. I’ll see you when the school starts again. At habang hindi tayo nagkikita tandaan mo ang sinabi ko kanina okay?”           “A-alin ‘don?”           Ngumiti ito. “Na hindi ka pwedeng mainlove sa iba.”           Nag-iwas siya ng tingin. “Puro ka kalokohan. Sige na. I have to go now,” sabi na lamang niya at lumigid na sa pinto ng back seat.           Isasara na niya ang pinto niyon nang pigilan nito ang pinto. Takang napatingala siya rito kasabay nang pagyuko nito sa kanya. Wala na ang ngiti sa mga labi nito. “I meant it Ria,” sabi nitong tila hindi alintana kung naririnig sila ni Rene.           Naging mailap ang mga mata niya. Her heart is beating wildly. Pakiramdam niya rin ay nagiinit ang buo niyang katawan sa hindi niya maipaliwanag na emosyong lumulukob sa kanya dahil sa titig nito.           She gasped when she felt his hand on her cheek. Pagkuwa’y magaang nitong iniharap dito ang mukha niya. “Look at me. Look carefully and see how serious I am.” Napatitig siya sa mukha nito. Her heart melts when she met his eyes. He was serious. Then he softly smiled. “Do you believe me now?” Tumango siya dahil wala siyang maapuhap na sasabihin. “Great,” anito at bumaling kay Rene na nahuli niyang nakangiti. “Mang Rene, ingat sa pagdadrive ah.”           Tumawa si Rene. “Mas maingat akong magmaneho kaysa sa iyong bata ka.”           Tatatawa tawang dumeretso na ng tayo si Greg. “See you in a few weeks princess,” sabi nito sa kanya at isinara na ang pinto.           Hanggang sa umaandar na ang sasakyan ay nakatingin pa rin siya kay Greg na tulad kagabi ay nakatayo doon at tinatanaw sila. Saka lamang siya umayos ng upo nang hindi na niya ito matanaw. Napabuntong hininga siya dahil sa kaligayahang pumupuno sa dibdib niya. Hindi niya napigilang mapangiti habang nakatingin sa labas ng bintana. Noon niya lang napansin na ang ganda ganda pala ng dinadaanan nila. Ang mga nagtataasang puno ng acacia ay matatayog at ang mga dahon ay berdeng berde. At tila napakaliwanag at makulay ng kalangitan. Samantalang dati tila black and white lamang iyon sa panignin niya at ni hindi niya pinagtutuunan ng pansin. Lalo siyang napangiti sa naisip.           “Ma’am masaya ho akong nakakangiti na kayo ng ganyan. Mukhang mabait naman ho at mapagkakatiwalaan iyong si Greg,” komento ni Rene.           Matamis niya itong nginitian. “You think so? He’s just a guy who does and say whatever he wants in my opinion.”           Tipid na ngumiti si Rene at nagmenor bago muling nagsalita. Mas seryoso na ang tinig nito. “Pero ma’am, wala ho ako sa posisyon para sabihin ito, tiyak masesesante na talaga ako kapag nalaman nila boss ito, pero dahil ipinagtanggol ninyo ako kagabi ay sasabihin ko na rin sa inyo. Ito na ang huling beses na pwede kayong magkita. Alam niyo naman na mahigpit na bilin ng mga magulang niyo na bantayan ko kayo. At kasama doon ang siguruhing walang lalaking maaring lumapit sa inyo. Pinagbigyan ko lang si Greg dahil mabait naman siya at dahil ito naman ang huling araw ng klase niyo para sa taong ito.”           Natigilan siya sa sinabi nito. Pinapabantayan siya ng mga magulang niya na huwag malapitan ng mga lalaki. “W-why would they do that?” kabadong tanong niya.           “E ma’am, hanggang doon lang ho ang pwede kong sabihin sa inyo. Pasensya na ho.”           Hindi na niya ito kinulit. What she learned bothered her. But deep inside ay alam niya ang motibo ng mga magulang niya. Muli ay nakaramdam siya ng frustration. Ngunit sa pagkakataong iyon ay may kasama na iyong pagrerebelde at kakaibang tapang na idefy ang mga ito. Noon ay para lang siyang dahon na nagpapadala sa agos ng desisyon ng mga magulang niya. But in just one night, she felt as if a big part of her has changed. And honestly, she likes herself now more than ever.             KATULAD ng inaasahan ni Ria ay planadong planado na ang bawat araw ng Christmas vacation niya. Palagi siyang isinasama ng mama niya sa mga party ng mga amiga nito. Kapag naman party ng mga kapartido ng papa niya ay kailangan kasama silang buong pamilya.           Sa tuwina ay ang mga kapatid niya lang ang nageenjoy sa party. Ang kuya Raymond niya ay abala sa pakikipagusap at pagpapalawak nito ng connections dahil hindi lingid sa kaniya na balak din nitong sumabak sa pulitika. Ang bunsong kapatid naman niyang si Ramses ay abala sa pakikipagflirt sa mga teenager na babaeng bisita rin. Mas bata lang ito ng isang taon sa kanya pero babaero na ito. Hindi naman niya ito masaway dahil paborito itong anak ng mama niya. Siguradong may kakampi kaagad ito.           At ang pinakanakakainis ay tuwing pinipilit siya ng mama at papa niya na makipagusap sa mga anak na lalaki ng mga kaibigan ng mga ito. Naiinis siya dahil pakiramdam niya ay para siyang panindang ibinibenta ng mga ito.           Isang event lang ang masasabi niyang naenjoy niya sa lahat ng pinuntahan nila. Iyon ay isang charity event ng isang foundation para sa mga bata. Taon-taon ay umaattend sila dahil palaging imbitado ang kanyang ama. Alam niyang ang main reason ng mga magulang niya sa pagpunta doon ay upang mapabango ang pangalan ng pamilya, but for her, it is heaven.           Ang totoo ay mahilig siya sa bata. At ang pangarap niya mula noon ay makapagpatayo ng sarili niyang foundation at personal na asikasuhin iyon. Ayaw niya nang gaya ng sa mga magulang niya na basta magbibigay lang ng pera at umaattend lang sa party minsan isang taon na may hidden agenda. Ngunit hindi niya naisasatinig sa kahit na kanino iyon. Wala naman kasing gustong makinig nang tungkol sa pangarap niya. Lahat ay mas inuuna pang sabihin ang expectations ng mga ito sa kaniya kaysa ang tanungin siya kung ano ba talaga ang gusto niya.           Pero noon iyon. Noong hindi pa niya nakikilala si Greg. Nang sabihin nitong see you in a few weeks, akala niya ay talagang hindi sila magkakaroon ng komunikasyon. But she was delighted when she received a call from him on the second day of their Christmas vacation. Hindi niya makalimutan ang pagtalon ng puso niya nang makitang ito ang tumatawag sa kanya noon. Mabuti na lamang din at nasa loob siya ng kwarto niya noon kaya walang nakaalam na may tumatawag sa kanya. Tiyak kasing uusyusohin ng mga ito ang bagay na iyon.           And when she heard his voice, she felt like jumping with joy and love for him. Pakiramdam niya para siyang high schooler na naghihintay ng tawag mula sa crush. Paano kasi ay hindi naman niya naranasan iyon noon. Hindi niya pa rin nga nakakalimutan ang pag-uusap nilang iyon.           “B-bakit ka tumatawag?” tanong niya na pinipigil ang excitement.           She heard him laugh heartily. His laugh sounds so beautiful. Naiimagine niya pa ang mukha nito habang pinapakinggan ang pagtawa nito. “Namiss ko iyang boses mo at ang tonong mong iyan,” sabi nito.           Tulad ng dati ay hindi na naman siya nakasagot sa sinabi nito. Muli itong tumawa sa kabilang linya. “And that too. Nami-miss ko rin ang mga speechless moments mo. I could even imagine your face now,” amused na sabi nito.           “Why do you keep on saying things like that na para bang matagal na tayong magkakilala? We were only able to talk to each other twice,” hindi niya napigilang itanong.           Saglit itong natahimik sa kabilang linya bago ito sumagot. “Kapag ba sinabi ko sa iyong napukaw mo ang interes ko… and something else, maniniwala ka?”           Siya naman ang hindi nakaimik. Pagkuwa’y lakas loob siyang nagsalita. “What do you mean by… something else?”           “Something else.Something like… having an urge to see you kahit na kakahiwalay palang natin. Wanting you to be by my side, wanting to hold your hand forever, to touch you and stare at you and listen to your voice and talk to you over the phone even though it’s not really my thing. Hey, I heard this is something romantics call love. Don’t you think so?” pabirong sabi nito. Yet she could also sense the seriousness on the edge of his tone.           “Y-yeah, I heard,” mahinang sabi niya dahil bigla siyang nakaramdam ng kakaibang saya sa sinabi nito.           “Do you feel the same way?” maingat na tanong nito.           She wanted to say yes right away. But she could not get the courage to do so. Pinangunahan siya ng hiya. Kaya sa nagiinit na mukha ay marahan siyang tumango na parang nakikita siya nito. “I-I guess so.”           He laughed. “One day, I’ll make you say it clearly.”           Pagkatapos niyon ay naging magaan na sa kanya ang lahat. Dahil sa kadaldalan nito ay napadaldal na rin siya. Nagawa niyang makipagkwentuhan dito ng normal. Ni hindi na nga niya namalayang ilang oras na pala silang naguusap kung hindi pa siya kinatok ng kasambahay nila upang kumain ng hapunan.           Mula noon ay madalas itong magtext o tumawag. At madalas ay iyon ang hinihintay niya sa araw-araw. Kahit papaano ay nawawala ang inis niya kapag galing siya sa boring na party kapag naririnig niya ang boses nito o nababasa ang mga maiiksing messages nito. Because of him, everything seems beautiful to her. Because of their conversations, staying on their house became more bearable to her than before.           Within a short period of time, she felt as if she already knows him well. At pakiramdam niya rin ay nasabi na niya rito ang halos lahat ng tungkol sa kanya, maging ang mga pangarap niya na hindi niya nasasabi sa iba. And he was always all ears and ready to give advices and encouragements. Oh, he was the best. And she fell for him all the more.           Hanggang sa matapos ang bakasyon at muling magpasukan. Ngunit hindi tulad ng nakaraang taon ay excited siyang pumasok. Dahil alam niya, sa pagpasok niya, makikita niya ulit si Greg.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD