NASA kalagitnaan ng last subject niya si Ria at kasalukuyang nagbibilin ang propesor nila ng paperworks na kailangan nilang gawin habang Christmas vacation nang maramdaman niyang nagba-vibrate ang cellphone niya. Napakunot noo siya at pasimpleng dinukot ang cellphone niya sa bag niya. Sino naman kayang magtetext sa kanya habang may klase? Lalo siyang nagtaka nang makitang hindi nakaregister ang number na iyon sa phonebook niya. Tuloy, kahit hindi niya ugali ay pasimple niya pa ring binuksan ang mensahe kahit nagsasalita ang prof niya sa harapan.
Kumabog ang dibdib niya nang mabasa ang maiksing mensahe. Look outside the window… Walang nakalagay na pangalan doon ngunit parang alam na niya kung kanino galing iyon. Mabilis na lumingon siya sa labas ng bintana.
Time seemed to stop moving when she saw him. Nasa hindi kalayuang parte ng parking lot ito at nakasandal sa gilid ng motorsiklo nito habang nakatingin sa classroom nila. Kung paano nito nalaman ang numero niya ay parang ayaw na niyang alamin. She knows he’s someone who could do everything he wants.
Then, when she thought their eyes met, he smiled and simply waved at her. Her heart did a somersault. Bigla siyang nabaghan sa naramdaman niya. Tuloy simpleng tango lamang ang sinagot niya rito at muling tumingin sa harapan kung saan nagbibigay na ng last words for the year and prof nila.
Hindi nakaligtas sa kanya ang bulungan ng ilang mga kaklase niya na nakita na si Greg. Katunayan ay pasulyap-sulyap na ang mga ito sa labas ng bintana. She forced herself to focus her attention to their professor. Pagkuwa’y muling nagvibrate ang cellphone niya. Mahigit isang minuto muna ang pinalipas niya bago sinilip ang text message na natanggap niya.
Can’t I get even a single hello there?
Bahagyang naningkit ang mga mata niya. Saglit siyang nag-isip ng isasagot dito bago tumipa. You are getting too much attention. Iyon lang at muli na niyang isinilid sa bag niya ang cellphone niya. Ang balak niya ay ignorahin na lang ito. But then, she could not stop herself from glancing her way. Bahagya siyang naamuse nang makitang nagbabasa ito ng text message. Parang ang contrasting kasi sa rugged na porma nito at sa motorsiklo nito ang ginawa nito. Then, her heart felt warm when she saw him chuckle then looked her way.
Mabilis niyang inalis ang tingin dito bago pa nito makita ang munting ngiting hindi niya napigilang kumawala sa mga labi niya. Itinutok niya ang mga mata sa prof nila. Wala naman siyang naiintidihan sa mga sinasabi nito. Dahil walang ibang laman ang isip niya kung hindi ang dalanging sana ay matapos na ang klase nla.
“THAT took so long,” bungad ni Greg kay Ria nang makalabas siya ng classroom at lumapit sa parking lot.
“Not really,” she said indifferently. Kahit na sa totoo lamang ay tila sasabog na ang puso niya sa hindi niya maipaliwanag na emosyong nagsasalimbayan doon habang nakatitig siya rito. Ngayong maliwanag at malapit ito sa kanya ay mas napagtanto niya kung gaano ito kaguwapo. Noon niya nasiguro na talangang itim na itim ang kulay ng mga mata nito. Hindi niya tuloy maiwasang mapatitig doon.
“So, are you satisfied with the way I look?” biglang sabi nitong hindi itinago ang himig ng amusement. Mukhang nahalata nito ang pagbistay niya sa mukha nito.
Napakurap siya at nag-iwas ng tingin upang itago ang pagkapahiya. Hinanap niya ang kotse niya at si Rene. Ngunit wala iyon doon. Sa pagkakatanda niya ay sinabi ni Rene na doon lamang ito maghihintay sa kanya.
“Kung hinahanap mo si Rene, pinagmerienda ko muna,” biglang sabi nito.
Manghang napatingin na naman siya rito. “Pinagmerienda? Pumayag siyang iwan ako?” tanong niya.
Imposible ang sinasabi nito. Kagabi lamang, nang dumating sila ni Rene sa bahay ay agad itong napagalitan. Pinagtanggol niya ito sa mga magulang niya na nakaabang na pala sa kanila. Sinabi niya ang palusot na naisip niya. Naniwala naman ang mga ito sa labis niyang pagpapasalamat. Ngunit mahigpit na ibinilin ng mga ito kay Rene na huwag na huwag na siyang iiwan. Ano’t napaalis ito ng lalaking ito?
“Medyo nagkakwentuhan kami kanina habang hinihintay ko matapos ang klase mo. Nasabi ko sa kanya ang mga nangyari kagabi. We are friends now,” sabi nitong tila sagot sa pipi niyang mga katanungan. Kung makangiti ito ay para bang tuwang tuwa ito sa accomplishment nito. Mukhang may hidden talent sa PR ang lalaking ito at nagawa nitong mapapayag si Rene na ipagkatiwala siya rito. Hindi niya tuloy alam kung ano ang irereact niya sa sinabi nito.
Dumeretso na ito ng tayo at kinuha ang isa sa mga nakasukbit na helmet sa motor nito at inabot sa kaniya. “Tara na.”
Litong napatingin siya sa helmet pagkatapos ay dito na sinusuot na ang isa pang helmet. “Anong tara na? I need to wait for Rene.”
Sumampa ito sa motor nito at tumingin sa kanya. “I told you nagmerienda nga siya. At may utang kang pizza sa akin remember? Don’t worry I told him where we are going. Kinuha ko na rin ang cellphone number niya in case ma lowbat ulit ang cellphone mo,” sabi pa nito. Nang hindi pa rin siya tuminag ay muli itong tumingin sa kanya. “Ria, he knows that I am the one who saved you last night kaya pinagkatiwala ka niya sa akin. Besides, he’s already waiting for us sa Pizza House. And I will not do anything that will harm you okay?” he said full of assurance. His tone is soothing, just like last night when he was touching her hair and comforting her.
And weird it might be, but whenever he use that tone to her, her heart instantly believes and trusts him. Samantalang pangalawang beses pa lang naman niyang naririnig dito ang tono na iyon. Napabuntong hininga na lang siya sa mga naiisip niya at sinuot na rin ang helmet. Nakita niyang tila kumislap ang mga mata nito.
“Stop looking already,” asik niya rito at sumampa na sa motor nito. Napansin na kasi niyang nakatingin na sa kanila ang mga estudyanteng lumalabas na ng building nila. There were curious She doesn’t want to have a share of the unnecessary attention that they give to Greg. “Let’s go,” aniya rito at bahagya pang tinapik ang balikat nito.
Tumawa ito na parang balewala lamang dito ang mga tinging ipinupukol sa kanila. As expected from someone who’s used to everyone’s attention. “Yes, ma’am,” sagot nito at pinaandar na ang motorsiklo. Awtomatiko siyang napakapit sa katawan nito. Then she sighed when she inhaled his perfume free scent. Naadik yata siya sa amoy nito. Nang bahagya nitong bilisan ang pagpapatakbo ay napahigpit ang pagkakakapit niya sa katawan nito. Naadik na rin yata siya sa pagkapit dito.
It’s as if it was not only last night that they actually talked to each other for a long time. Kahit naman kasi ito ay parang matagal na silang magkakilala kung makaakto.
And honestly, she liked it.
KATULAD ng sinabi ni Greg ay naabutan na nga niya ang sasakyan niya at si Rene sa parking space ng Hot Gimmick Pizza house. At mukhang close na close na ang mga ito kung magbatian at magtapikan ng balikat. Samantalang siya ay bahagya lang niyukuran ni Rene. Ni hindi pa nga niya naririnig magsalita ng mahaba haba si Rene sa maraming taong bantay niya ito. Pero ngayon ay wagas na wagas ito makipagdaldalan kay Greg. Or maybe, his bodyguard, along with everyone else, was just simply captivated by Greg’s PR and Charm. Kahit kasi yata siya ay naaakit ng charm nitong iyon.
Bigla niyang naipilig ang ulo sa naisip. Naakit siya rito? Napailing siya. Ano ba namang mga ideya ang pumapasok sa isip niya nang dahil kay Greg. It’s so not her. No, more like, she was not brought up like that. Pinalaki siyang dapat de numero ang galaw at mga salita na kahit sa pagiisip ay naging ganoon na siya, restrained. Ngunit mula kahapon na nakausap niya si Greg ay nagagawa niyang sumigaw, mainis, at ngumiting mag-isa. Na para bang kinalas nito ang mga taling nakapulupot sa kanya, making her breathe a lot better than she ever did for the past years of her life.
Muli ay hindi niya tuloy maiwasang mapatitig kay Greg. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito kay Rene na tatango tango naman. Nakatitig pa rin siya dito nang biglang itong lumingon sa kanya. Bahagya siyang napaigtad dahil nahuli siya nitong nakatingin dito.
Ngumiti ito at bumaling kay Rene upang magpaalam. Tinanguan at tipid na nginitian naman siya ni Rene na sinuklian niya. Nakangising lumapit sa kanya si Greg. “Okay, I got two hours of your time today,” sabi nitong kumindat pa.
Bago pa siya makareact ay nahawakan na nito ang kamay niya at inakay siya papasok ng Pizza House. Then she suddenly remembered what he said last night. Noong sabihin nito sa kanya na magkikita pa sila sa araw na iyon at tinanong niya ito ng paano? Ang sabi nito ay nagagawan nito ng paraan ang lahat ng bagay lalo na kung interesado ito. Then, does that mean his interested to her? But what part of her would interest someone like him? Aside from her super rich family backing her up she’s nothing. Kahit nga siya ay naboboringan sa sarili niya. Kahit siya ay naiinis sa ugali niya. So, why does he keep on staring at her as if she’s the most interesting person in the world? He’s really weird.
Natigil siya sa pagiisip nang makapasok na sila sa loob. Bigla siyang nailang nang makitang halos lahat ng mga customer doon ay nakatingin sa kanila. No, nakatingin lang pala kay Greg. Ngunit katulad ng dati ay mukhang oblivious ito sa atensyong nakukuha nito.
“Greg, nandito sila Jet,” sabi ng waiter na napadaan sa tapat nila.
“Salamat,” nakangiting sagot naman ni Greg at tumingin sa kanya. “Tara, ipapakilala kita sa mga kaibigan ko,” sabi nito at hinatak nang muli ang kamay niya. Inignora na lang din niya ang curious na tingin ng mga tao sa kanila.
Hinatak siya ni Greg hanggang sa dulong parte ng kainan na iyon kung saan dinig na dinig nila ang tawanan ng mga tao sa isang lamesa. Nang makalapit sila doon ay agad niyang namukhaan si Yuuji at Rhianna. May kasamang isa pang babae ang mga ito at isang lalaking mukhang nakakatakot.
“Hoy Yuuji ang ingay ingay mo!” bati ni Greg sa mga ito dahilan upang mapatingin ang mga ito sa kanila, pagkuwa’y sa kamay nilang magkahugpong pa rin. Sinubukan niyang kumalas dito ngunit lalo lamang nitong hinigpitan iyon. Takang napatingala siya rito ngunit sa mga kaibigan nito ito nakatingin. Ibinalik na lang din tuloy niya ang tingin sa mga kaibigan nitong may mga ngiti na sa mga labi.
“Siya nga pala, ito si Ria. Maging mabait kayo sa kanya ha. Ria, iyan si Jet,” pakilala nito at tinuro ang nakakatakot na lalaki na bahagyang ngumiti at tumango sa kanya. “Si Yuuji, nakilala mo na kagabi iyan. And I suppose you already know Rhianna and that’s her friend Carrie. Teka, bakit nga pala kayo nandito? Lagot kayo kay Martin kapag nakita niya kayong dalawa,” pakilala nito sa dalawang babae na ngumiti sa kanya.
“Hayaan mo siyang magalit. Manonood kami ng karera kahit ayaw niya,” sagot ni Carrie. Natakpan nito ang bibig nang sikuhin ito ni Rhianna.
“Hi Ria. I didn’t expect that you know Greg,” palakaibigan namang bati ni Rhianna sa kanya.
Alanganin siyang ngumiti. “I didn’t expect that you and your brother and George knows him too,” aniya dito.
“Small world isn’t it?” nakangising sabi ni Greg at inalalayan pa siyang umupo sa isang silya na katabi ng kay Carrie. Pagkuwa’y umupo ito sa tabi niya.
Nginitian siya ni Carrie. “That’s destiny,” sabi nito.
Rhianna rolled her eyes at tumingin sa kanya. “Don’t mind her. She just has this romantic and idealistic dellusions that everything happens for a reason.”
“Ha! Don’t mind Yana’s cynical comments Ria. Sa akin ka makinig,” sabi naman ni Carrie.
Tumawa si Yuuji. “Would you believe they are bestfriends?”
Napangiti siya at nagpatuloy sa pakikinig sa kwentuhan ng mga ito. Si Greg ay umorder ng juice at pizza para sa kanilang dalawa. Ito pa ang nagaayos ng mga iyon sa harapan niya habang dinadaldal siya ni Yuuji at nila Rhianna.
“Teka, nasaan nga pala yung iba?” biglang tanong ni Carrie.
“Sus, si Martin lang naman ang tinatanong mo dinamay mo pa yung iba,” pangaalaska ni Greg dito.
Curious na napatingin siya kay Carrie na himbis na mahiya ay ngumiti pa ng tila nangangarap. “Alam mo naman pala e di sabihin mo na sa akin,” sagot nito na ikinatawa ni Yuuji.
“Hindi namin alam. May dadaanan lang daw siya sandali. Sa venue na raw siya dederetso. Baka babae,” sabi ni Yuuji na may malisyosong ngiti.
Inirapan ito ni Carrie. “That’s not funny Yuuji.
Tumawa si Yuuji at nagpatuloy magsalita. “Si George naman pinuntahan si Patricia para daw sabihang huwag munang lalabas mamayang gabi. Takot madistract. Noong nakaraang race din hindi niya pinalabas iyon eh,” natatawang sabi ni Yuuji.
“E si Aio?” tanong naman ni Rhianna.
Si Greg ang sumagot. “Ang alam ko may lakad sila ni Angelique. Sa venue na lang din siya pupunta,” anitong nilangkapan ng tawa ang sinabi.
Pumalatak si Jet. “s**t, those two already have kryptonites at this age?” sabi nitong tila suyang suya. Pagkuwa’y tumingin ito kay Greg. “And you too. Damn what’s happening here?” dugtong pa nito na tinawanan lang ni Greg.
Nakalolokong tinignan ito ni Yuuji. “Bakit Jet gusto mo na ring makita ang sa iyo?”
Umismid si Jet. “Hindi pa ipinapanganak ang taong iyon. And never in this lifetime,” anito at tumayo. “Mauna na nga ako sa inyo. I need a smoke.” Pagkasabi niyon ay dere-deretso na itong lumakad palayo.
Sumipol si Yuuji. “Mainitin talaga ang ulo ng isang iyon.”
“Hey, how could he become your friend in the first place? He’s so gloomy,” komento ni Carrie.
“As if kuya is not gloomy,” parungit naman ni Rhianna.
Inirapan ito ni Carrie. Maging siya ay napasunod ng tingin kay Jet. Somehow, she felt something familiar about him. Somehow, she felt as if she could understand him. Parang nakikita niya ang sarili niya rito. Hindi niya maipaliwanag kung bakit. “He’s lonely,” naibulalas niya bago pa niya mapigilan ang sarili.
Bigla siyang nailang nang makitang nakatitig na sa kanya ang mga ito. Si Yuuji ay biglang ngumisi. “Whoa, don’t tell me you have fallen for Jet?”
“What?!” gulat na sabi niya dahilan upang matawa ang dalawang babae.
“Hindi no. Hindi maiinlove si Ria kay Jet, o kahit na kanino,” biglang sabi ni Greg dahilan upang mapatingin siya rito. He was seriously staring at her. Biglang bumilis ang pintig ng puso niya sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya. Hinuli nito ang tingin niya at seryosong nagsalita. "I will not let you fall in love with anyone else. Sa akin lang pwede. Remember that."
Napamaang siya rito. Nahulog na yata sa sahig ang puso niya sa rebelasyon nito at sa kaseryosohan sa mukha nito. At kung hindi niya napigilan ang sarili ay baka naibuka na niya ang bibig niya at naisatinig ang nasa isip at puso niya. I already did.Matagal na.
Yes. The truth was, she has been in love with him the moment she saw him on their General Assembly. That moment when he spoke in front of them, she was already captivated by him.