Chapter 4

2795 Words
          TILA nablanko ang isip ni Ria sa suhestiyong iyon ni Greg. Spending the night with him in exchange for saving her? Ha! As if she would do that? But why does it feel as if her face is on fire? And why does her heart is beating eratically? It doesn’t make any sense. Wala tuloy siyang maisip sabihin at manghang nakatingin lang sa mukha nitong may nangaakit na ngiti pa rin sa mga labi. Ni hindi nito niluluwagan ang pagkakahawak sa kamay niya. Nang pakiramdam niya ay nagmumukha na siyang tanga habang nakatitig dito ay bigla itong tumawa na tila aliw na aliw sa sitwasyon. Lalo siyang nalito sa inaakto nito. At the same time, she was amazed by his laughing face. He was a lot more gorgeous laughing.           Nang tila mahimasmasan ay nakangisi pa rin itong tumingin sa kanya at muling pinisil ang palad niya. “Just kidding. Or did you take that seriously? I might reconsider if you did,” nanunudyong sabi nito.           Napakurap siya. Kung ganoon ay pinagtitripan lang siya nito? Ergh, this man is crazy! Asar na binawi niya ang kamay niya rito ngunit hindi nito iyon pinakawalan. “Ano ba?! Let go!” asar na angil niya rito.           “Don’t wanna. Ang lamig ng kamay mo. It needs a warm hand like mine,” nanunudyo pa ring sabi nito.           Tuluyan na siyang nainis. “Jerk!” sigaw niya. Nagecho ang boses niya. Noon niya lang uli narealize na nasa alanganing lugar sila na silang dalawa lamang ang tao. Muli niyang tinangkang hatakin ang kamay mula rito. Tumawa lang ito at mukhang hindi apektado sa sinabi niya. At tila nangaasar pang pinisil ang kamay niya himbis na bitawan. This guy really knows how to piss off a person. Inis na aniya sa isip.           “I know. But since I save you, you have to compensate this jerk okay? Come on,” sabi nito at hinatak siya palapit sa motorsiklo nito.           Bigla siyang nataranta sa ginawa nito. “W-where are we going?” kabadong tanong niya.           Huminto ito sa paglakad at binitiwan na siya. Pagkuwa’y yumuko ito upang kunin ang helmet nito at tumingin sa kanya.  “Well, since spending the night with me is not your idea of compensation, how about you treat me to a pizza? Tamang tama dahil kanina pa ako hinihintay ng mga kasama ko sa Hot Gimmick diyan lang sa labas ng campus. Let’s go,” aya nito.           Bago pa siya makapagprotesta ay naisuot na nito sa kanya ang helmet na naipagpag na nito. Pagkuwa’y sumampa na ito sa motorsiklo nito at tumingin sa kanya. “Angkas na. Pasensya na at walang wala ito sa chedeng mo,” sabi na naman nito sa nakakairitang tonong kanina pa nito ginagamit sa kanya.           Inis na tiningnan niya ito. “Will you stop using that tone on me? And it’s not as if it is my choice why I have a car like that. Kung ako lang ang masusunod ay mas gusto kong magcommute papuntang school no!” asik niya at lumapit na rito. Humawak siya sa balikat nito at sumampa sa motorsiklo nito. Napakapit siya rito ng umalog iyon. It was her first time riding a motorbike. She felt his body stiffen but she ignored it. Ngunit ng ilang sigundo na ang lumipas at hindi pa rin ito gumalaw ay bahagya niyang tinapik ang balikat nito. “O? Akala ko ba tara na? Where’s your helmet? Isuot mo na para makaalis na tayo,” aniya ritong bahagyang lumapit upang silipin ang mukha nito.           May dinukot ito mula sa kung saan. Ngunit sa halip na helmet ay baseball cap ang sinuot nito. “Wala na akong extra helmet. Magdasal ka na lang na wala tayong makasalubong na pulis na manghuhuli sa atin,” sabi nito. “Hindi ba liliparin ng hangin yang cap mo?” curious na tanong niya. Tumawa ito. “Hindi yan. Mahigpit ‘to kala mo ba,” sagot nito at binubuhay ang makita ng motor. Ngunit himbis na paandarin iyon ay hindi pa rin ito tuminag. “Oo nga pala,” anito at biglang lumingon sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang maging ilang pulgada na lamang ang layo ng mukha nila sa isa’t isa. Hindi niya inaasahan na lilingon ito. Ngunit kung kanina ay napapaatras siya sa pagkagitla, ngayon naman ay tila naestatwa siya sa pagkakatitig sa mukha nito. Lalo pa’t tila natigilan din ito habang nakatitig sa kanya.           Then, he slowly smiled while still staring at her. “This will be my first time to ride my baby na may angkas. Medyo selosa to kaya baka ihagis ka niya habang nasa kalsada tayo. Kaya kumapit ka ng mabuti sa akin. Don’t worry, I am willing to be hugged tightly,” sabi nito na ikinainit ng mukha niya.           Mabilis niyang inilayo ang mukha dito at bahagya itong hinampas sa balikat. “W-whatever. Tara na,” aniya rito.           Tumawa ito. “Kumapit ka muna.”           Himbis na makipagtalo pa rito at hindi sila makaalis ay walang imik na ipinaikot na lamang niya ang mga braso niya sa baywang nito kahit na naiilang siya. It was her first time to be this close to a man. At sa isang lalaking noong niya lang naman unang nakausap ng ganoon katagal.           At nang paharurutin na nito ang “baby” nito ay napahigpit na ang pagkakakapit niya rito. Napaikig siya sa lamig ng hangin ng disyembre. Bago pa niya mapigilan ang sarili niya ay naisubsob na niya ang mukha niya sa likod nito at lalong pinag-igi ang pagkapit sa katawan nito. She unconsciously inhaled his scent. Mabango ito. But she was sure he was not wearing any perfume. He smelled of soap and so much more. He smelled of a combination of freedom, intelligence, carefreeness and masculinity. He smelled so good and feels so good she hold on to him tighter before she could stop herself.    Naramdaman niyang tila napaigtad ito. She even felt his stomach constricted. Awtomatiko niyang niluwagan ang pagkakakapit at inilayo ang mukha rito. Baka nasaktan na niya ito. “Sorry!” malakas na hinging paumanhin niya. Malakas ang hangin at nag-aalala siyang baka hindi siya nito marinig. Tumawa ito. “What are you saying sorry for?” “Well, you... err,” hindi niya matapos ang gusto niyang sabihin. Paano ba niya ieexplain dito ang naramdaman niyang naging reaksyon nito nang mapahigpit ang yakap niya rito? Correction, it’s kapit not yakap. “It’s not what you think it is,” sabi nitong tila nabasa ang iniisip niya. “It just felt weird having someone on my back while I’m on my bike. Kung alam ko lang na masarap ka palang angkas sana matagal na kitang kinidnap at sinama sa road trip,” malakas na dugtong nito. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa sinabi nitong iyon. But she felt her face grew hot.  Napatitig na lamang siya sa gilid ng mukha nitong natatanaw niya. Hindi niya kasi alam kung seryoso ito o isa na naman iyon sa mga biro nito. Hindi na niya kinailangang sumagot sa sinabi nito dahil lumiko na ito sa tapat ng Hot Gimmik Pizza House. Huminto ito sa parking space na katabi ng isang magarang motorsiklo. Nang makababa sila ay hinubad niya ang helmet at inabot dito. “Thank you,” she said. Inabot nito ang helmet nito habang nakatingin sa kanya. There was a small smile on his lips. “May bayad iyan. Pizza remember?” pabirong sabi nito. Hindi niya napigilang mapangiti sa sinabi nito. “I know. Tara na nga,” aniya ritong pinipigilan ang matawa rito. Himbis na kumilos ay napatitig lang ito sa kanya. Titig na para bang noon lamang siya nito nakita.  Bigla siyang nailang sa paraan ng pagtitig nito. “Huy, come on. What are you standing there for?” aniyang pinakunot pa ang noo. “Hmm... I’m just starting to think that the rumors didn’t give you much justice. I think you are just misunderstood. I have this feeling that you are a much better person that what they say. And you are so pretty when you smile,” nakangiting sabi nito. Nag-iwas siya ng tingin dahil bigla na namang nag-init ang mga pisngi niya sa sinabi nito. Masyado itong maboka at hindi siya sanay na may kausap na gaya nito. “Since when did rumors give justice to anyone?” ingos niya. “So you are aware na pinagchichismisan ka sa college at maging sa buong campus?” komento na naman nito. Tiningnan niya ito. “Hangga’t may mga chismosong gaya mo hindi mauubos ang chismis. I got used to it already kaya wala na akong pakielam sa sinasabi ng mga tao tungkol sa akin. If they all think I’m all that then so be it,” mataray na sabi niya. She heard him chuckle. “But they are right with one thing. Mataray ka,” sabi na naman nito. Inirapan niya ito. “And you, are not really what the rumors say. Ang sabi nila ay nakakatakot ka at full of wisdom. Tsimoso ka naman pala,” ganti niya rito. Pero mukhang hindi naman ito naapektuhan sa sinabi niya. Ngumisi pa ito at sumipol na tila wiling wili. “Whew, you knew a lot for someone who doesn’t have friends.” Natigilan siya at napatingala dito sa sinabi nito. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. “That’s too much Ledesma.” “Greg. Call me Greg kung ayaw mong tawagin kitang mahal na prinsesa,” sabi nitong halatang nangiinis. Hindi na lang niya ito pinansin at tangkang magpapatiuna na sa paglakad palapit sa entrance ng pizza house nang matigilan siya sa tunog ng mga motorsiklo. Napalingon siya. Three big bikes are coming their way. Pagkuwa’y huminto ang mga ito sa mga bakanteng espasyo doon. Nakita niyang ngumisi si Greg at tumingin sa mga ito. Hindi niya maaninag ang mukha ng mga ito dahil sa helmet ngunit may ideya na siya kung sino ang mga ito. Sino pa ba ang kaibigan ni Greg na tulad nito ay may magagarang motor? “Hoy, langya akala ko naman nandito na kayo kanina pa. Naunahan ko pa kayo,” natatawang sabi ni Greg sa mga ito. Hinubad ng lalaking nakasakay sa motorsiklo na kulay itim at pula ang helmet nito, revealing a very gorgeous face na nakikita niya sa mga asian dramas na pinapanood ng mga katulong nila sa maid’s quarter. Madalas kasi ay doon siya nagtatago kapag ayaw niyang umattend sa party ng mga magulang niya at napapanood niya rin ang pinapanood ng mga ito.  Saglit nitong sinuklay ng palad ang buhok bago nagsalita. “Itong si George kasi sinama kami sa paghahanap sa anak ng kakilala ng erpat niya na dito rin nag-aaral. Nawawala daw e,” sabi nito. Noon hinubad ng dalawa pang lalaki ang mga helmet ng mga ito at bumaba sa motorsiklo ng mga ito. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya at napa-ah! nang makilala ang dalawa. Ang magpinsang George at Martin. Acquantiance ang mga pamilya nila at madalas niyang nakikita ang mga ito sa mga pagtitipon. Maging ang kapatid na babae ni Martin na si Rhianna na kapareho niya ng kurso at kaedad niya ay madalas niyang makausap kapag dumadalo sila sa mga pagtitipon. Pareho-pareho kasi silang hindi natutuwa sa mga party ng mga mga magulang nila. She could not believe that they are part of the infamous biker’s club of their university. Sa college kasi nila ay si Greg lang ang palaging bukambibig ng mga estudyante. Napabaling na rin sa kanya ng tingin ang mga ito na tulad niya ay tila nagulat. “Ria! We’ve been looking for you! Kanina pa natataranta ang bodyguard mo dahil hindi ka niya ma-contact. Tumawag na siya sa papa mo at pinacontact naman niya ako kay Raymond para hingan ng tulong na hanapin ka,” sabi ni George na takang pinaglipatlipat ang tingin sa kanila ni Greg.           Bigla siyang naguilty para kay Rene. May pakiramdam kasi siyang sesisantihin na ito ng papa niya kapag nakarating ditong muntik na siyang mapahamak. Kahit siya ang may kasalanan ay tiyak na sa body guard niya iyon isisisi ng mga magulang niya. “Sorry. Something happened at lowbat naman ako kaya hindi ko siya natawagan,” hinging paumanhin niya.           “Okay, tatawagan ko na siya para masundo ka na niya rito,” sabi naman ni Martin na nagdial na sa cellphone nito. “Wait, you knew each other?” magkapanabay pang tanong ni Greg at Yuuji. “Yes. Siya ang hinahanap natin Yuuji. At bakit mo nga pala siya kasama Greg?” takang tanong ni George. Nagkibit balikat si Greg. “Napadaan lang ako somewhere near the library when I heard her scream for help. Muntik na siyang bitbitin ng isang grupong halatang high sa alak at droga. Nakatakbo na ang mga hinayupak bago ko pa mapuruhan,” kwento nito na may bahid ng iritasyon. Gusto niyang sawayin ang sarili niya dahil nakaramdam siya ng saya na parang gusto pa nitong balikan ang mga lalaking nagtangkang gawan siya ng masama kanina. As if… as if he really cares for her. Sumipol si Yuuji. “Buti na lang pala at nag-short cut ka Greg, kung hindi… Teka, okay ka na ba… Ria tama?” tanong sa kanya ni Yuuji. Tipid siyang tumango. “Yes,” aniya at nakikiusap na tumingin kay George. “Please huwag na sanang makarating kina papa ang nangyari. Sasabihin ko na lang na may hindi ako natanggihang imbitasyon mula sa mga kaklase ko at nalowbat ako kaya hindi ko na napasunod si Rene.” Tiningnan siya ni George at tipid na ngumiti. “Fine. You’re still compassionate as usual Ria. Alam kong ayaw mo lang masesante ang bodyguard mo.” “Wala naman siyang kasalanan,” aniya na lang dito. Isa pa ay matagal na sa kanya si Rene at alam niyang kahit ang mga magulang niya ang nagpapasweldo rito ay loyal ito sa kanya. But then hindi dapat mapalampas ang ginawa ng mga lalaking iyon sa iyo,” maawtoridad na sabi nito at bumaling kay Greg. Maging siya ay napatingin dito. Natigilan siya nang makitang sa kanya ito nakatingin. “Do you remember them?” tanong ni George. Ilang sigundo muna ang lumipas bago ito bumaling kay George. Ngumisi ito. “Of course. In fact, sigurado akong nakita ko na sila dati. Hindi tayo mahihirapang mahanap ang mga iyon.” “Good. Kayo na ni Martin ang bahalang alamin ang identity nila. Ako na ang bahala sa parusa nila.  Hindi sapat ang makick out lang sila,” sabi nito. Base sa paraan ng pagsasalita ni George ay mukhang ito ang lider ng mga ito. Noon naman ibinaba ni Martin ang cellphone nito at tumingin sa kanya. “Papunta na rito ang sundo mo. Within five minutes daw ay makakarating na siya rito.” She smiled gratefully. “Thank you Martin.” Tipid itong gumanti ng ngiti. “No problem.” Maya-maya pa ay huminto na ang itim niyang mercedez sa tapat nila. Mabilis na lumabas mula roon si Rene na kulay suka na ang mukha. “Ma’am. Mabuti naman ho at ayos lang kayo,” anitong halatang nakahinga ng maluwag. She smiled apologetically at him. “I’m sorry if I made you worry,” aniya rito. Humarap siyang muli sa mga lalaking nakatingin lang sa kanya, particular kay Greg na pakiramdam niya’y mas mataman ang pagkakatitig sa kanya kumpara sa mga kaibigan nito. “S-salamat ulit,” aniya rito. Then he smiled. “Paano ba iyan? Hindi ko pa makukuha ang napagusapan natin kanina? Bukas ko na lang kukunin okay?” he said with a conspirational smile on his lips. Alam niyang tinutukoy nito ang kabayaran niya para sa pagliligtas nito sa kanya. Alam niya na pizza lang ang ibig sabihin nito. Ngunit bakit tila tumalon yata ang puso niya sa ngiti nito? Dahil ba sa pandinig niya ay isa iyong pangako na magkikita pa sila? “O-okay. But how?” Makahulugan itong ngumiti. “I thought you hear rumors about me? Kaya kong diskartehan ang lahat ng bagay Ria. Lalo na kung interesado ako sa bagay na iyon,” makahulugang sabi pa nito. Ria…  It was the first time she heard him say her name. Ang sarap pakinggan kapag ito ang nagsasabi. Ah, marahil ay dahil sa napakagandang boses nito. Napakurap siya ng tumikhim si George. Napabaling siya sa mga ito. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang curious na tingin ng mga ito sa kanila ni Greg. She suddenly felt embarrassed. “Ahm sige. Salamat ulit,” muling paalam niya at lumakad na palapit sa sasakyan niya. Pinagbuksan pa siya ni Rene ng pinto. Nang nasa loob na sila ni Rene ng kotse ay muli niyang tiningnan ang mga ito mula sa tinted na salamin. Tila naman nahulaan ni Yuuji na nakatingin siya sa mgaito dahil ngumiti ito at bahagyang sumaludo sa kanya. Napangiti siya. They are the infamous biker’s club? Parang ang layo ng personalidad ng mga ito sa mga kumakalat na kuwento tungkol sa mga ito. And honestly, she liked them more in person. Nang bahagya ng nakalayo ang sasakyan nila ay muli niyang nilingon ang mga ito. Sumasal ang t***k ng puso niya nang makitang nakatayo pa rin doon si Greg habang sila George ay nagsimula nang lumakad papasok ng pizza house. Hindi na niya maaninag ng maayos ang ekspresyon sa mukha nito. But the fact that he was still standing there and following them with his eyes made her sigh. Pagkuwa’y bigla siyang napangiti. It was the first time she felt like that. Iyong pakiramdam na tila may mainit na kamay na humahaplos sa kanya. Iyong pakiramdam na gusto niya lang ngumiti kahit hindi niya alam ang dahilan. Muli ay napabuntong hininga siya. Ang sarap pala ng ganoong pakiramdam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD