Chapter 3

2727 Words
NAPABUNTONG HININGA si Ria nang sa wakas ay matapos na niyang gawin ang lahat ng assignments niya para sa mga subjects niya sa araw na iyon. Nasa library siya at doon siya gumawa dahil malabong makapagaral siya sa bahay nila pag-uwi niya. Ang alam niya ay may pa-party ang mama niya sa bahay nila sa gabing iyon. Kapag ganoon ay siguradong pipilitin siya nitong lumabas ng kanyang silid at makisalamuha sa mga anak ng mga bisita nito. Bagay na pinakaayaw niya. Alam kasi niya ang tunay na intensyon ng mama niya. She wants her to marry one of her acquantance’s son.  Para dito ay iyon lamang ang papel niya sa pamilya nila. Bilang nagiisang anak na babae, ang tanging silbi niya para sa mga ito ay ang maging asawa ng isang lalaking mula rin sa mayamang pamilya.           Bumuntong hininga siya at wala sa loob na napatingin sa labas ng bintana. Madilim na sa labas. Kanina pa rin niya nararamdaman ang pagba-vibrate ng cellphone niya sa bag niya. Malamang kanina pa siya tinatawagan ni Rene. Kanina ay sinamantala niya na wala ang propesor niya sa huling subject niya kaya hindi na niya hinintay si Rene at dumeretso na sa library. Nagiwan lang siya rito ng isang simpleng text na may pupuntahan siya pagkatapos ay inilagay niya sa vibrate mode ang cellphone niya.           Saglit pa siyang tumitig sa labas ng bintana bago nagdesisyong tumayo na. Wala naman na siyang gagawin. Mabuti pa nga sigurong magpakita na siya kay Rene. Mabait naman sa kanya ang bantay niya kaya ayaw naman niya itong mapagalitan ng mga magulang niya. Bagay na mangyayari kapag nalaman ng mama at papa niya na natakasan niya ito. Kinuha niya ang cellphone niya para sabihan si Rene na sunduin na siya. Ngunit nadismaya siya nang makitang lowbat na iyon. Bigla niyang naalala na hindi nga pala niya iyon na-charge bago siya pumasok kanina. Wala naman kasi siyang ibang contacts maliban kay Rene at sa mga kamag-anak niya.           Napabuntong hininga na lang siya at tumayo na. Susubukan na lamang niyang tingnan kung nasa parking lot na madalas pagparkan nito si Rene. Sana lang ay hindi ito maparanoid at maisipang tawagan ang mga magulang niya na hindi siya nito makontak.           Nang makalabas siya ng library ay awtomatiko niyang nayakap ang sarili sa pagihip ng malakas at malamig na hangin. Mas malamig pa sa labas kaysa sa full airconditioned library nila. Muli siyang napatingala sa madilim na kalangitan. Oo nga pala. Disyembre na pala. Ilang araw na lang ay Christmas vacation na. Ano na naman kayang gagawin niya sa loob ng dalawang linggong walang pasok? Malamang ang mama na naman niya ang magdedesisyon kung ano ang gagawin niya.           Napailing siya at nagsimulang bagtasin ang daan palayo ng building ng library nila. Hindi na niya alintana kung madilim at walang katao-tao ang daan na iyon. Minsan lang niya nagagawang maglakad sa campus kaya sasamantalahin na niya iyon.             Matagal-tagal na rin siyang naglalakad ng makaramdam siya ng tila may sumusunod sa kanya. Bigla siyang kinilabutan. Was it just her imagination that someone is following her? Saglit niyang inignora iyon. Ngunit nang makarinig na siya ng mga yabag ay noon na siya nakaramdam ng takot. Hindi lang iisang tao ang sumusunod sa kanya!           Binilisan niya ang paglakad. Bumilis rin ang mga yabag. Oh my God! Naging mailap ang mga mata niya, humahanap ng taong maaring tumulong sa kanya. But to no avail. There was no one around! Ni wala siyang marinig na tunog na magsasabing may mahihingan siya ng tulong sa malapit. Ang tanging naririnig niya lang ay ang mga yabag ng mga taong sumusunod sa kanya at ang malakas na kabog ng dibdib niya. Nang maramdaman niyang palapit na ang mga yabag sa kanya ay tumakbo na siya kasabay ng pagdalangin na sana ay may tumulong sa kanya.           Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay may humarang na sa harapan niya. Napaatras siya at lalong nakaramdam ng takot nang makita ang limang lalaki na hindi niya mawari kung estudyante rin ba roon o hindi. Sa kabila ng dilim ay hindi nakaligtas sa kanya ang masangsang na amoy ng alak mula sa mga ito at ang namumulang mga mata ng mga ito. They must be on drugs! My God.           “G-get out of the way!” aniya sa pilit pinatatag na tinig.           Nagtawanan lang ang mga ito. “Miss, pagkatapos mo kaming pagurin sa kakasunod sa iyo sa tingin mo ba ay paaalisin ka namin. Halika sumama ka na sa amin,” sabi ng pinakamatangkad sa mga iyon at hinawakan siya sa braso.           Nagpumiglas siya. “Bitawan mo ako!” asik niya rito.           Lumapit na rin sa kanya ang isa sa mga iyon. Nanginginig na ang katawan niya sa takot. Please Lord send someone to help me please!  “Sumama ka na lang kasi. Huwag mo na kaming pahirapan,” sabi nito.           “Oo nga naman. Sisiguruhin naman naming mag-eenjoy ka rin sa gagawin natin,” sabi ng pinakamataba sa mga ito na ngumisi pa ng malaswa.           Gusto na niyang maiyak sa labis na takot. But crying will not help her she knew. Inipon niya ang lahat ng tapang at lakas niya.  Buong lakas siyang pumalag. “Bitiwan niyo ko! Ano ba?! Bitiwan niyo ko! Tulong!” sigaw niya.           Himbis na mabahala ay tumawa pa ang mga ito. “Miss, gabi na, Wala ng makakarinig sa iyo ng ganitong oras. Unless biglang susulpot si superman na malabong mangyari,” sabi ng pinakamalaki at tumawa pa. “O, buhatin na natin iyan –           Naputol ang pagsasalita nito nang may malakas na tunog silang narinig. Pagkuwa’y may nakakasilaw na liwanag na tumama sa kanila. Napapikit si Ria dahil sa liwanag. Pagkuwa’y narinig niya ang malutong na pagmumura ng mga lalaki at isang malakas na lagabog ng mga katawang tila tumilapon sa sahig. Sa isang iglap ay naramdaman niyang binitawan siya ng lalaking may hawak sa kanya.           “Sino ka bang pakielamero ka!” asik ng lalaking may hawak sa kanya kanina.           Noon siya dumilat. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang inundayan ng suntok ang lalaki at deretsong bumagsak sa sahig kung saan nakahandusay pa ang tatlo sa mga kasama nito at isang nakabagsak na motorsiklo, a very familiar looking motorcycle. Manghang napatingin siya sa dumating. Kumabog ang dibdib niya nang makita ito. Nakasuot pa ang helmet nito ngunit hindi maaring hindi niya makilala ito. He was – Napasinghap siya nang biglang sugurin ito ng isa pa sa mga lalaki. Mabilis itong nakaiwas at naundayan iyon ng suntok. Pagkuwa’y tumingin ito sa kanya. “Come here!” pautos na sabi nito.           Hindi na ito nagdalawang salita. Tumakbo siya palapit dito. Kasabay niyon ang pagbangon ng mga lalaking namamaga na ang mukha.           “Damnit. Nahihirapan akong makita ang mukha ng mga hinayupak na to,” sabi nito at marahas na hinubad ang helmet nito, revealing his gorgeous face. She knew it, he was Greg. Ni hindi tumitingin sa kanyang inabot nito sa kanya ang helmet nito at sinugod ang mga lalaki. Manghang nakatitig lamang siya sa mga ito. Lima sa isa. Malabong manalo si Greg sa mga ito.           Ngunit sa kanyang pagkamangha ay walang kahirap hirap na pinagsusuntok at sipa nito ang mga lalaki. Mabilis rin nitong naiiwasan ang mga tirade ng mga ito. Iyon nga lang may mga suntok na hindi nito naiwasan at sa tuwina ay napapatili siya tuwing tinatamaan ito. Ngunit agad din naman itong nakakaganti. It was as if he was used to fighting. Hanggang sa iika-ika pang nagtakbuhan palayo ang mga lalaking pinagtangkaan siya ng masama.           Nakita niyang pinahid ni Greg ng likod ng palad ang parte ng mukha nitong may bahid ng dugo. Pagkuwa’y agad nitong nilapitan ang motorsiklo nitong nakatumba. “s**t, nagasgasan. Malilintikan talaga sa akin ang mga hinayupak na iyon,” frustrated na sabi nito at itinayo ang motorsiklo nito. Pinasadahan nito ng haplos ang katawan niyon na para bang iyon ang pinakaimportanteng bagay para dito. “Are you all right?” tanong pa nito sa motor nito.           Siya ay napatitig na lamang dito. A combination of fear and relief floods on her nerves. Bigla siyang nakaramdam ng panghihina dahilan upang mabitawan niya ang helmet nito. It made a thud sound.           Noon ito tumingin sa kanya. Saglit na bumakas ang rekognisyon sa mukha nito pagkuwa’y kumunot ang noo. “Ikaw! Bakit ba kasi naglalakad kang mag-isa sa madilim na lugar na ito ha! Those guys are on drugs! They could have raped you then killed you afterwards. It doesn’t mean that you are inside the school premise you are entirely safe. Maraming daan papasok dito na hindi mahuhuli ng guwardiya,” galit na asik nito sa kanya.           Hindi siya nakasagot. Naumid na rin yata ang dila niya sa labis na takot sa naranasan niya. Malay ba niyang may mga ganoong tao sa loob ng university nila! At ang lalaking ito ay mas inuna pang tingnan kung ayos lang ang motorsiklo nito kaysa sa kanya! How rude!           Lalong kumunot ang noo nito at mabilis na lumakad palapit sa kanya. “Ano na mahal na prinsesa? Bakit hindi ka na makapagsalita diyan? Nasaan ba kasi ang karwahe mong chedeng at bodyguard at mag-isa ka rito?” sabi nitong may himig ng sarkasmo.           Pakiramdam niya lalo siyang tinakasan ng dugo sa mukha sa sinabi nito. Patunay iyon na kilala siya nito. At mukhang ang alam nito sa kanya ay tulad din ng alam ng mga estudyanteng pinagtitsimisan siya. Lalo siyang nakaramdam ng panghihina sa kaalamang iyon. Idagdag pa ang takot na naramdaman niya kani-kanina lang. Before she knew it, she felt her knees wobble.           “Hey!” gulat na sabi nito at maagap siyang sinalo. Nahinto ang muntik na niyang pagkahandusay sa sahig. She felt his strong arms around her. The heat from his body made her feel a little warm from the cold breeze of the night. Bahagyang napanatag ang loob niya sa mga bisig nito. Wala sa loob na naisubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Naramdaman niyang natigilan ito. Pagkuwa’y naramdaman niya ang marahang paghaplos nito sa buhok niya. “It’s okay now. Hindi ka na magagalaw ng mga iyon. I’ll make sure they will pay for it. So calm down now,” he said in an almost soothing voice.           Napakurap siya. Hindi niya inaasahan na may ganoong side ito. She knew him as the wild and almost carefree Greg. Someone who doesn’t have any soft side in him. But now, he was comforting her. She sighed. “Thank you. I don’t know what could have happened to me if you didn’t arrive,” she said just above whisper.           Muli naramdaman niyang tila natigilan ito. Pagkuwa’y tumikhim ito. “Well, nagkataon lang naman na nagshort cut ako dito dahil malelate na ako dahil may kikitain ako sa Hot Gimmik. But I heard a scream kaya nagmenor ako. I didn’t know that it was you. I mean, who would think you’re still here at this time and alone? Nasaan na ang bodyguard mo? Dapat siya ang nagligtas sa iyo. O hindi niya alam na nandito ang amo niya?” sabi nito na may bahid na naman ng sarkasmo.           Noon siya natauhan. So, kung alam ba nitong siya ang nangangailangan ng tulong ay hindi siya nito ililigtas? Mabilis siyang kumalas dito at dumistansya. Muli ay nakaramdam siya ng pagkapahiya sa sarili dahil sa inakto niya sa harap nito. She was never the damsel in distress type of woman. She always acted strong and indifferent in front of other people. Kaya nga nasasabihan siya na masamang ugali at kung anu-ano pa. Ah, it was because she was really scared. Who would not be?           Tiningnan niya si Greg na matamang nakamasid sa kanya. Huminga siya ng malalim at pilit pinatatag ang sarili na sinalubong niya ang tingin nito. “Thank you for saving me. Hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang ginawa mo but thank you nonetheless. I have to go now,” aniya at tinalikuran na ito. Mas madilim na ang paligid at lalong lumamig ang simoy ng hangin. Awtomatiko niyang nayakap ang sarili. Lalakad na sana siya nang maramdaman niya ang paghawak ni Greg sa braso niya. Napasinghap siya ng pihitin siya nito paharap. Bahagyang kumabog ang dibdib niya nang mapatingala rito. His face was too close for comfort. Napaatras siya sa pagkagulat sa reaksyon ng puso niya rito. Why did it have to leap like that? Napakunot noo ito. “What’s with that reaction? It’s not as if I’m going to do anything to you,” anitong may bahid ng sarkasmo at kaarogantehan ang tinig. Na para bang nais nitong ipabatid sa kanya na hindi ito magkakainteres na gawan siya ng kung anuman kahit na hilingin niya. Because for sure, he was used to women swooning over him and begging him to do things to them. My God what am I thinking? Kailan pa siya nag-isip ng masasagwang bagay na tulad ng naiisip niya habang nakatitig sa lalaking ito? Binawi niya ang braso niya na binitawan naman nito. “I-I know that! Nagulat lang ako sa ginawa mo. Why did you do that anyway?” tanong niya. “Ano pa? Para pigilan ka. Ang dilim dilim na balak mo pa bang maglakad mag-isa? Hindi ka man lang ba nadala sa nangyari kanina? Go and call your body guard para masundo ka na niya. I’ll wait with you,” anitong humalukipkip pa. Saglit siyang napatitig dito bago sumagot. “I can’t call him. Lowbat ako,” pag-amin niya. Bumakas ang pagkamangha sa mukha nito bago naiiling na may dinukot sa bulsa. “Then use my phone. Dalian mo at may pupuntahan pa ako.” Tiningnan niya lang ang cellphone nito. “Hindi ko kabisado ang number niya.” “What?! Then call any number na natatandaan mo,” sabi nito na tila hindi makapaniwala kung makatingin sa kaniya. She suddenly felt embarrassed by the way he looks at her. Na para bang isa siyang kakaibang specie. Well, ever since she was little everyone looks at her the way he was looking at her at that moment. Na para bang kakaiba siya sa iba. Unfortunately, in a not so good way. Muli niya itong tinalikuran. “That’s why I told you that I will just walk. Wala akong kabisadong numero. I never thought that I will need to memorize numbers dahil palagi namang nakasunod sa akin si Rene. And you can think whatever you want about me I don’t care,” she formally said and started walking. Nagitla siya nang bigla na naman siya nitong pigilan. Sa pagkakataong iyon ay kamay na niya ang hawak nito. Siya na ang kusang napalingon dito dahil sa kakaibang pakiramdam ng pagkakalapat ng mga palad nila. Weird. He had touched her just a while back on her arm, but why does the fact that he was holding her hand now feels different? It feels… warmer than usual.           “Hey, you don’t have any friends don’t you?” biglang tanong nito. Manghang napatingin lang siya sa mukha nito. Bago pa siya makaisip ng isasagot ay muli itong nagsalita. “You don’t have to answer. Judging from your attitude I could pretty much tell that you don’t have any friends mahal na prinsesa. You don’t even know how to treat the person who saved you,” sabi nitong may bahid na naman ng sarkasmo ang boses.           Nakaramdam na siya ng inis. Kanina pa siya nito kinakausap sa ganoong paraan. Na para bang inis ito sa kanya at kung ito ang masusunod ay ayaw siya nitong kasama.  Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat. Greg doesn’t like her. At sa hindi niya mawaring dahilan ay naiinis siya sa kaalamang iyon. Bukod doon ay tinamaan siya sa sinabi nito na wala siyang kaibigan. Because it’s true. She doesn’t have any people she could call close friends. Pero hinding hindi niya aaminin dito na tama ito.           “Fine! Then what should I do to compensate you from saving me then?” taas noong tanong niya rito kasabay ng pamamaywang. Wala na siyang pakielam kung magtunog mayabang siya. Tutal mukhang masama naman na talaga ang tingin nito sa kanya. Papanindigan na lang niya ang mga chismis tungkol sa kanya na base sa paraan ng pakikipagusap nito sa kanya ay siguradong nakarating dito, and worst ay pinapaniwalaan nito. Inaasahan niyang kukunot na naman ang noo nito at magpapakita ng pagkainis sa inasal niya.  Ngunit ang inaasahan niyang ekspresyon sa mukha nito ay hindi niya nakita. Sa halip ay tila nag-isip pa ito. Then, she was spellbound when he smiled sexily. Pakiramdam niya huminto ang oras sa ngiting iyon. “Then, how about you spend the night with me?” tila nangaakit na sabi nito kasabay ng pagpisil nito sa kamay niyang hawak pa rin nito.           Napanganga siya sa sinabi nito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD