THE next days has been a bliss for Ria. Pakiramdam niya ay ang gaan gaan ng trabaho niya. The magic of that night of the party didn’t waver. Si Greg ay istrikto pa rin ngunit hindi na tulad noon na kung ituring siya ay parang wala siyang halaga rito. Ngayon ay nginingitian na siya nito, inaayang magmerienda kapag may oras sila, inaalok ng kape at palaging inaayang kumain pag tapos na ang primetime news nito sa gabi. Hinahatid pa siya nito palagi sa apartment niya. And he never missed to give her a goodnight kiss. Ah, she was happy.
Maging ang mga staff ay napansin ang biglang pagiiba ng pakikitungo ni Greg sa kanya. Palagi rin siyang tinatanong ng mga ito kung ano ang ginawa niya at napapangiti niya si Greg. Sa tuwina ay ngiti lamang ang isinasagot niya sa mga ito. Si Del ay hindi iilang beses na tumawag sa kanya upang kumustahin sila. Natatawa siya rito dahil manang mana ito kay Greg sa pagkaworkaholic. Kahit nasa bakasyon ay trabaho ang iniisip nito. Sinabi rin nito sa kanya na malapit na rin itong bumalik kaya ilang araw na lang daw ang ipagtitiis niya sa ”amo” niya. Hindi na lamang niya sinabi rito na hindi siya nagtitiis. That she loves every moment that she was with him.
Sa araw na iyon ay nasa labas si Greg para sa isang beat. May bagyo sa araw na iyon, signal number 3 sa kamaynilaan. Iyon pala ang dahilan kung bakit umuulan nang gabi ng party. But even a strom could not change her good mood. Nahiling niya lang na sana ay nasa maayos na kalagayan si Greg. Sigurado kasing nababasa rin ito ng ulan. At hanggang mamaya pa ito sa labas dahil doon na rin ito maga-anchor para sa primetime news mamaya.
Kanina ay nagboluntaryo siyang sumama rito. Pero tumanggi ito. Mababasa lang raw siya at baka magkasakit pa. And he would not allow that he said. Ano naman ang isasagot niya sa ganoon? So she just stayed in the office at inaayos na lamang ang mga papel na nasa opisina nito.
Abala siya sa pagaayos nang mahagip nang paningin niya ang isang papel. It was an appointment letter na galing sa “The life in Politics”. Sa pagkakaalam niya ay isa rin iyong news magazine program ng istasyong iyon. Nacurious siya.
Natiglan siya nang mabasa iyon. Bigla siyang nanlamig. Nakalagay doon na nais ng show na maging guest host si Greg. At ang gusto ng mga itong interviewhin nito ay walang iba kung hindi ang kanyang ama! Pero bakit hindi iyon nabanggit sa kanya ni Del nang iorient siya nito sa mga schedule ni Greg?
Mabilis niyang dinaial ang number ni Del. Nakailang ring muna iyon bago niya narinig ang boses nito. “Ria? May problema ba?”
“Ahm, Del, may itatanong lang sana ako,” umpisa niya.
“Shoot.”
“Ahm, I saw a letter here from “The Life in Politics”, I’m wondering kung ano ang nangyari sa meeting na ito? Did G- Mr. Ledesma agreed to this?” tanong niya.
“Ah, iyan ba iyong interview with Ruelito Atienza? Yes he agreed to that. He seems to be interested in fact. Why?”
Tuluyan na siyang nakaramdam ng kaba. Pumayag si Greg? Pero anong mangyayari kung magkaharap ang mga ito? For sure hindi pa rin nakakalimutan nang mga ito ang nangyari noon. Or Greg is planning something?
“Hello? Ria are you still there?” pukaw sa kanya ni Del.
Napakurap siya. Nawala sa isip niyang kausap pa nga pala niya ito. “Ahm. Yes. Nagtataka lang ako kasi hindi nakalagay sa ibinigay mong sched niya ang interview na ito.”
“Ah that’s because he told me not to. I don’t know why though.”
Hindi siya nakahuma. Bakit? Ayaw ba nitong ipaalam iyon sa kanya? “Ah, okay. Thanks Del,” paalam niya rito.
Nang mawala ito sa linya ay napatitig siya sa mga papeles. Napukaw lang siya nang katukin siya ng isang staff para sabihing malapit na silang mag on board at kailangan siya sa studio. Dahil doon ay mabilis na niyang inayos ang mga papel. Wala rin namang mangyayari kung magiisip siya ng kung anu-ano. Wala si Greg para tanungin niya.
Then again, how could she open the issue about her parents with him in the first place? At siya, hanggang kailan niya ba iiwasan ang mga magulang niya? She wanted to have a happy future with Greg, she’s wishing for him to forgive her, to forget everything that happened on the past. But she realized na kahit siya mismo ay hindi pa napapatawad ang mga magulang niya. It was then she made a decision. It was time to tie all the loose ends of the past. She got to talk to her parents.
“Miss Ria,” muling tawag sa kanya ng staff.
“Ah yes I’m coming.” Tumayo na siya. Bukas na niya iisipin kung kailan niya pupuntahan ang mga magulang niya. There is still a job for her tonight.
“GREG, you’re soaked,” hindi maiwasang sabi ni Ria nang dumating sa station si Greg kasama ang mga news and public affairs crew.
“Yeah, could you get me an extra clothes? Nasa locker,” sabi nito nang pumasok sa opisina nito.
Agad naman niyang nakita ang sinasabi nitong locker. May mga tshirts nga doon. Kumuha siya ng isa at muling lumapit dito. Inabot naman nito iyon. “Coffee?” alok niya.
Tumingin ito sa kanya at ngumiti. Namumungay na ang mga mata nito. Mukhang pagod na pagod na ito. Sabagay, maghapon ba naman ito sa labas at sumuong sa malakas na ulan at baha. “Yes please.”
Tumalima siya at nagsalin nang kape sa mug. Kanina, pagkatapos ng airing nila ay tumawag ito sa kanya upang sabihin pabalik na ang mga ito. Sa boses pa lamang nito kanina ay nararamdaman na niyang pagod na ito. Medyo paos pa nga ito. kaya naman nagbrew na siya agad ng kape kanina.
Pagkasalin ay muli na siyang bumaling rito. Muntik na niyang mabitawan ang mug nang makitang nakahubad na ito. Maganda na ang katawan nito noon pero mas maganda iyon ngayon. He looked so manly. Ni walang kataba taba ang katawan nito. And that abs, when was it became that toned? Parang hindi naman iyon ganoon ka toned noon. Awtomatikong naginit ang mukha niya nang mapatingin ito sa kanya. Nahuli nitong binibistayan niya ang katawan nito! How embarrassing!
Ngumiti ito. “This is the second time you caught me on the act of changing clothes,” puna nito.
Nakaramdam naman siya ng pagkapahiya. “Hindi ko sinasadya,” aniyang iniwas ang tingin dito.
Malamya itong tumawa. “It’s okay. It’s not as if we are not familiar with each other’s bodies anyway,” makahulugang sabi nito. Pakiramdam niya buong katawan na niya ang namumula sa sinabi nito. “You can look now.”
Noon lamang siya tumingin dito. Naka tshirt na nga ito at may amusement sa mga mata. Huminga siya ng malalim at lumapit na rito. “O kape mo.”
“Thanks,” anitong inabot ang tasa. Their hands touched. Natigilan siya nang maramdaman niyang iba ang pagkainit nito. Tinitigan niya ito habang humihigop ng kape.
“Greg,” tawag niya rito.
Tumingin ito sa kanya. “Hmm?”
Lumipad ang kamay niya sa noo nito, pagkuwa’y sa leeg. Mainit nga ito. “You’ve got fever,” nag-aalalang sabi niya.
Tila hindi naman ito nabahala at ipinagpatuloy ang paginom ng kape. Lumakad ito at umupo sa sofa. “Relax, it’s just fever. Mawawala rin iyan bukas,” sabi pa nito.
Napakunot noo siya. Relax? Paano siya magrerelax? Oo nga at tila binabalewala nito iyon pero nakikita naman niya na namumungay ang mga mata nito, mas matamlay rin ang paraan ng pagsasalita nito. At habang tinitingnan niya ito ay parang gusto nang bumagsak ng katawan nito anumang oras. “How could you say that? Paano kung lumala iyan? Besides, it’s obvious that you don’t feel well. Malamang dahil maghapon kang basa sa ulan,” aniya pa rito.
Tiningnan siya nito. “Ria, it’s not as if this is the first time that this happens to me. For the past years that I am with this industry hindi iilang beses na nagkasakit ako matapos ang nakakapagod na beat. Hindi rin ito ang unang beses na sumuong ako sa bagyo okay. Kung palagi akong matataranta kapag sumama ang pakiramdam ko hindi ako tatagal sa trabahong ito. I’m used to this. As I have said, itutulog ko lang ito. That is if the head will allow me to go home tonight,” sabi nitong tumayo na. kahit ang pagtayo nito ay hindi na ganoon katatag. Lumakad ito patungo sa pantry at inilapag ang tasang wala ng laman.
“Let’s go. May meeting tayo with the head. Siya ang magdedesisyon kung papauwiin na niya ako o may ipapalit siya sa akin. In a calamity like this, a simple fever is the last thing we should think about,” aya nito sa kanya.
Napabuntong hininga na lang siya. Humahanga siya sa professionalism nito. Pero hindi pa rin niya maiwasang mag-alala. Napatingala siya rito nag gagapin nito ang kamay niya. He smiled lazily. “Maybe a kiss would help to make me feel better,” pabirong sabi nito.
Napailing siya. But gave him a kiss nonetheless.
NAIPAGPASALAMAT ni Ria nang napagdesisyunan ng pamunuan na pagpahingahin na si Greg. Napansin din ng mga ito na hindi maganda ang pakiramdam ni Greg at kung hindi raw ito pagpapahingahin ay baka lumala pa at hindi pa ito makapaganchor kinabukasan. Nasa sasakyan na sila nito nang mapansin niyang hindi na normal ang paghinga nito. Namumutla na rin ito at bahagyang nanginginig ang katawan.
“Greg,” nag-aalalang tawag niya rito at muli itong hinaplos. Napaigtad siya nang malamang sobrang init na nito. “My God you are burning.”
“Damn this fever,” mahinang anas nito.
Napabuntong hininga siya. Halatang ayaw nitong magpakita ng kahinaan sa kanya at maging sa iba. Kanina habang nasa meeting sila ay napansin niyang pinipilit nitong kumilos ng normal. “Ako na ang magdadrive,” sabi niya rito at binuksan ang pinto sa passenger seat upang makalipat siya sa kabila. Tila magrereklamo pa ito pero pinigilan niya ito. “You can’t drive on that condition. Baka maaksidente pa tayo. Just tell me where you leave,” sabi niya at tuluyan nang lumipat sa driver’s seat. Ito naman ay nakasandal na sa passenger’s seat.
“How would someone who’s used to having a driver could drive?” tanong nito.
Nilingon niya ito at tipid na nginitian. “I told you I’m no longer a helpless princess. I learned to do things on my own. Now tell me where to go,” aniya rito kasabay ng pagbuhay ng makita.
Bumuntong hininga ito at sinabi ang pangalan ng condo unit nito. Sa Makati pa pala iyon. Malayo-layo pa.
“Matulog ka muna diyan.”
“Yes Ma’am,” mahinang usal nito at tuluyan nang ipinikit ang mga mata.
Napangiti siya. She missed that side of him. Ah, the rain never fails to give her good fortune.
PASADO alas dose na nang makarating sila sa condo unit ni Greg. Hindi pa rin umaayos ang pakiramdam nito kaya hinayaan na niya itong humiga sa kama nito pagkatapos nitong magpalit ng damit. Siya naman ay dumeretso sa kusina nito na napakalinis at parang hindi ginagamit. Humanap siya ng palanggana at nilagyan iyon ng tubig mula sa gripo. Nang buksan niya ang ref nito para kumuha ng yelo ay nakita niyang puro tubig at beer lamang ang laman niyon. Napailing siya.
Nang muli siyang pumasok sa kwarto ni Greg ay nakapikit na ito. Inilapag niya sa lamesa ang palanggana. “Greg, how could you live in here na walang kahit anong laman ang ref? Wala rin akong makitang bigas. Paano ka kakain niyan?” tanong niya rito.
“I’m fine. I’m just going to sleep,” mahinang sabi nito.
“But you have to take a medicine,” giit pa niya. Hindi na ito sumagot. Napabuntong hininga na lamang siya. Kinalkal na niya ang cabinet nito para kumuha ng towel. Pagkuwa’y inilublob iyon sa malamig na tubig at ipinatong sa noo nito. Ganoon ang ginagawa nila sa mga batang nagkakasakit noon sa foundation nila sa amerika.
Saglit niya itong pinagmasdan. He looks so defenseless on his sleep. Ibang iba sa masungit at nakakatakot na news anchor na si Greg Ledesma. Habang nakapikit ito ay mas nagmumukha itong si Greg… ten years back. Bahagyang nanikip ang dibdib niya nang naisip na iyon.
Her hand moved to his face and lightly touched it. Mainit pa rin ito pati ang hininga nito. Bahagya lang itong umungol. Inalis na niya ang kamay at nanatiling nakaupo roon. Pagkuwa’y tumayo siya. Palakad na siya palayo nang bigla nitong hawakan ang kamay niya. Napalingon siya rito.
Pilit itong dumilat. “Stay with me,” bulong nito kasabay nang paggagap nito sa kamay niya.
Tila may humaplos na mainit na kamay sa puso niya sa simpleng pangungusap na iyon. She smiled and sat beside him again. “I will,” sagot niya.
He smiled faintly. “Be sure you’re still beside me when I wake up. Hindi tulad sa mga panaginip ko na palagi kang nawawala at iniiwan ako. Promise me.”
Nag-init ang sulok ng mga mata niya sa sinabi nito. Iyon ba ang nagawa niya rito sa loob ng mahabang panahon? Ang mangulila at magising ng disoras ng gabi mula sa ganoong panaginip? Katulad ng mga panaginip niyang ito naman ang nawawala? She leaned and kissed him softly on the lips. “I promise,” bulong niya.
“Mahahawa ka sa akin.”
Muli niya itong dinampian ng halik sa mga labi. “So what?”
He chuckled. “Don’t attack me while I’m this defenseless princess. Masama ako gumanti.”
Natawa siya. “I’ll look forward to that. Hala, matulog ka na. I’ll be just here.”
Himbis na sumagot ay hinatak siya nito pahiga. Natumba siya sa tabi nito. Niyakap siya nito. “Then let’s sleep,” bulong nito at humigpit ang yakap sa kanya.
Napangiti siya at gumanti ng yakap. Pagkuwa’y pumikit. Maya-maya pa ay nakatulog na siya.
And that was the most wonderful sleep she ever had after ten years.