GREG was awakened by the smell of brewed coffee. Wala pa siyang balak bumangon at bahagyang gumalaw. Ngunit nang marealize niya na hindi normal sa umaga niya ang amoy ng kape sa unit niya ay napadilat siya at napabangon.
Nahulog ang towel na hindi niya namalayang nasa noo niya. Nailibot niya ang paningin sa paligid. He was alone in the room. Pagkuwa’y bigla niyang naalala si Ria an gang pagaalaga nito sa kanya kagabi.
Tuluyan na siyang bumangon at napatingin sa wristwatch niya na nakapatong sa lamesa. Alas siyete. That means he slept for seven hours straight. Iyon ang unang pagkakataon na nakatulog siya ng maayos. Noon ay tatlo hanggang apat na oras lang ang tulog niya at pahirapan pa iyon, may sakit man siya o wala. And that was because he could feel Ria on his arms the whole night.
Nang muling maalala ang babae ay lumabas siya ng silid niyang hindi pala nakasara ang pinto. Kaya naman pala amoy na amoy niya ang kape. Iginala niya ang paningin sa sala. Wala ito roon. Lumakad siya.
Nang makarating siya sa kusina ay doon niya nakita si Ria. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi siya nito nakikita. May tasa ng kape sa dining table na umuusok pa, amoy na amoy niya ang aroma niyon. Mukhang inilabas nito ang percolator niya na sa pagkakaalam niya ay nakatago sa isa sa mga cabinet sa kusina. Sa pagkakatanda pa nga niya ay nakakarton pa iyon.
Ria was infront of the stove busy frying hotdogs while humming. A warmth suddenly run through his veins as he looked at her moving comfortably on his kitchen that he never used since he bought that place. At mukhang binili pa nito sa malapit na grocery ang mga niluluto nito dahil wala namang kahit anong laman ang refrigerator niya kung hindi tubig at beer.
He silently leaned on the wall and stared at her. Mukhang hindi pa rin nito namamalayan na naroon siya at patuloy sa paghum ng kantang hindi niya alam kung ano. Malamang ay bagong kantang lamang iyon. He lost track of the latest music already. But the song has a happy tune. Hindi niya rin naman ito magawang istorbohin. He just want to stare at her like that. In fact, he could spend his lifetime just staring at her.
Habang pinagmamasdan niya ito ay hindi maiwasang tumakbo sa kung saan ang utak niya. He could not help but think that she looks… she looks like a wife happily preparing breakfast for her husband. He remembered that he dreamed of her to be his wife. He even imagined himself waking in the morning with her beside her, spending every waking moment of his life with her, he imagined forever with her. And while looking at her like that, he could not believe he had lived a decade without her.
Natigilan ito at napalingon sa kanya. At last, she realized his presense. Saglit lamang na bumadya ang pagkagulat sa mukha nito. Pagkuwa’y malawak na ngumiti. “Good morning Greg. Coffee?”
Ah, I lost.
“ANONG oras ka pa gising? At mukhang lumabas ka para bumili ng mga ito,” sabi ni Greg na humatak ng silya sa dinig table.
Ngumiti siya. “An hour ago. Mabuti na lang may malapit na 24hour grocery dito sa unit mo,” sagot niya at mabilis na sinalinan ito ng kape. Ipinatong niya iyon sa harap nito. “Are you feeling better?” tanong niya.
He smiled. “Ahuh, thanks nurse,” anitong humigop ng kape.
Napahagikhik siya. “Wait lang malapit nang maluto ang mga ito. Nakasaing na rin ako. Grabe ka ang rice cooker mo at percolator mo mga nakakarton pa at nakatago sa cabinet. And ref mo walang ibang laman kung hindi tubig at beer. What kind of life are you living these past years?” tanong niya rito.
Tumitig ito sa kanya. “Like hell,” he quietly said.
Natigilan siya sa sagot nito. Bakit ba niya naitanong iyon? Of course he was living miserably. At dahil iyon sa kagagawan niya at ng mga magulang niya. Tumikhim siya. “Teka, ipaghahain na kita,” sabi na lamang niya. Nararamdaman niya ang pagsunod nito ng tingin sa kanya. Noon naman pumailanlang ang tunog ng cellphone nito.
Tumayo ito. “Wait, I’ll take that,” sabi nito at lumabas ng kusina. Napasunod ang tingin niya rito at napabuntong hininga. Ipinagpatuloy niya ang paghahain. Narinig niya ang pag hello nito nang makuha ang cellphone.
“Ah, the interview yes I know. Meeting at twelve okay.”
Muli ay napatingin siya sa panig nito nang marinig iyon. Ang interview ba nito sa papa niya ang pinaguusapan ng mga ito? Iniwas na niya ang tingin dito at tinapos ang paghahain. Maya maya lang ay bumalik na ito sa kusina at umupo sa silya nito. “Wow, I haven’t had a decent breakfast before,” sabi pa nito.
Pilit siyang ngumiti at umupo sa tapat nito. “Kain na tayo.”
Pinagmasdan niya ito habang sumusubo. Masaya siya na nasasarapan ito sa luto niya. Ngunit hindi pa rin niya mapigilan ang pagkabagabag niya. “Greg tungkol saan ang tawag na iyon?” kaswal na tanong niya at pinilit sumubo.
Natigilan ito at tumingin sa kanya. Lumunok ito bago nagsalita. “Ah tungkol sa napirmahan kong agreement with another show. May meeting mamayang lunch tungkol doon,” sabi nito. “Masarap ka magluto,” puri nito sa kanya at ngumiti pa. Pero halata namang iniiwasan nito ang mga tanong niya.
Ngumiti na lang siya. “Siyempre naman. Kain ka pa,” sabi na lamang niya. Mukhang wala rin naman itong balak sabihin sa kanya ang lahat.
“Oo nga pala. You don’t have to go to work today. Dito ka na lang muna at matulog. Alam kong napuyat ka sa pagaalaga sa akin. Tapos ang aga mo pa nagising,” sabi nito.
“Pero paano ka?” tanong niya.
He smiled reassuringly. “I’m fine. Basta gusto ko paguwi ko mamaya rito nandito ka pa okay? Promise me.”
Gumanti siya ng ngiti. “Okay I promise.”
“Great.”
Pinigilan na lamang niyang mapabuntong hininga. May pakiramdam siya na ayaw lang talaga siya nitong isama sa meeting na iyon.
BUMABA mula sa taxi si Ria at pinagmasdan ang ga mansion sa laking bahay na nasa harapan niya. The Atienza residence. It has been ten years since she last saw it. Napansin niyang bagong pintura iyon. Naalala niya na taon taong nagpapapalit ng pintura ang mama niya. Gusto nito na palaging maganda ang bahay nila.
Matapos makaalis ni Greg ay nagayos na rin siya at umalis. Mabuti na lamang at binigyan siya nito ng spare key kung sakali raw may gusto siyang bilhin sa labas. Sumaglit siya sa apartment niya upang magpalit ng damit at pagkatapos ay dumeretso na roon. She wanted to talk to her parents, for once after so many years.
Huminga siya ng malalim at nagsimulang lumakad patungo sa gate ng bahay nila. Katulad ng inaasahan niya ay may guwardiyang sumalubong sa kaniya. Hindi niya ito mamukhaan. Mukhang bago lamang ito.
“Ano hong kailangan nila miss?” tanong pa nito sa kanya.
“Let me in, I need to talk to my parents,” sagot niya.
Kumunot ang noo nito at mukhang may balak pang sabihin nang makarig siya ng boses.
“Ma’am Ria?”
Napalingon siya. Agad niyang namukhaan si Rene. Mas maputi na ang buhok nito ngunit matikas pa rin. Namumutla ito habang manghang nakatitig sa kaniya.
“Rene, nandiyan ba sila papa?” tanong niya.
Mukha naman nakabawi na ito. “Oho. Baldo papasukin mo siya si Ma’am Ria iyan,” utos nito sa guwardiya na tumalima naman.
Lumapit sa kanya si Rene. “Ma’am, m-matagal rin ho kayong hindi napasyal dito,” alanganing sabi nito.
Tiningnan niya ito. “Oo nga.”
Nakita niya ang pagdaan ng guilt sa mukha nito. “Ma’am, Sorry ho sa mga nangyari dati. Alam ko hong malaki ang tiwala niyo sa akin noon pero binigo ko kayo. At.. hindi ko ho kayo tinulungan noong panahong kailangan niyo ko,” sabi nitong bakas ang pagsisisi.
Nakaramdam siya ng simpatya para dito. Pati ito ay naapektuhan sa mga nangyari sa nakaraan. Nginitian niya ito. “Kalimutan mo na iyon. You just did your job at wala kang kasalanan.”
“Ma’am Ria.”
Tinapik niya ito sa braso. “It’s okay. Sila papa?” tanong niya rito.
“E nasa master’s bedroom ho yata. Hindi ho kasi maganda ang pakiramdam ni Senator. Inaalagaan ho siya ni Madam,” sagot naman nito.
Tumango siya at pumasok sa mansion. Saglit niyang iginala ang paningin sa paligid. Wala pa ring ipinagbago ang lugar na iyon. Pati mga kasangkapan nasa parehong pwesto pa rin. Pagkuwa’y huminto ang tingin niya sa hagdan. Huminga siya ng malalim at tinalunton iyon patungo sa master’s bedroom.
Kakatok pa lang sana siya nang bumukas na iyon. Iniluwa niyon ang mama niya na bumakas ang pagkabigla sa mukha. Siya man ay nagulat ng mabistayan ang mukha nito. Mas nagmukha na itong matanda lalo pa’t hindi ito nakapostura. Wrinkles are evident on her face. When was the last time she saw her mother that close? Five years ago?
“Ria anak,” usal nito na parang nakakita ng isang aparisyon.
“Mama,” sagot niya. Then, she saw her eyes grew teary. At bago pa siya makahuma ay yakap yakap na siya nito. Parang may kung anong tumusok sa puso niya nang yakapin siya nito. Thinking back, it was the first time she hugged her like that since she became a grown up.
“My God, I thought you will never want to see us again. Oh my God,” anito sa pagitan ng pag-iyak.
She was caught off guard. Hindi niya inaasahan na ganoon siya sasalubungin nito. She expected to see the same authoritative mother she has years before. Hindi niya napaghandaan ang ganoong pagsalubong. And seeing her mother cry like that makes her want to cry too. Nasa pag-iyak na iyon ang pagsisisi at paghingi ng tawad na hindi nito masabi. Bigla, nawala ang mga sama ng loob na mayroon siya dito.
Gumanti siya ng yakap dito. “Ma, why are you crying? I never expected you to cry,” aniyang hindi napigilang humikbi.
“I’m so sorry hija. I’m sorry for everything. My God I’m sorry,” paulit-ulit na sabi nito.
Noon niya narinig ang boses ng papa niya sa loob ng silid. “Agatha, anong ingay iyan?”
Kumalas sa kanya ang mama niya at pinunasan ang luha. “Oh dear, may bisita tayo,” malakas na sagot nito at tumingin sa kanya. “Come your father is dying to see you,” sabi nito at hinatak siya papasok sa silid.
Tuluyan na siyang napaluha nang makita sa kama ang kanyang ama. Namayat ito ng husto at namumutla. Halatang naging masasakitin ito. Hindi na niya makita ang dating Senator Ruelito Atienza na puno ng kompiyansa at awtoridad. All she see is her father. Bigla nakonsiyensya siya na nagmatigas siya at hindi man lang dinalaw ang mga ito sa loob ng maraming taon. Ang sama niyang anak.
Nakita niya ang pagbakas ng pagkabigla sa mukha ng papa niya. Pagkuwa’y tulad ng mama niya ay namasa ang mga mata nito. “Hija,” garalgal ang boses na tawag nito sa kanya.
Hindi na siya nakatiis. Patakbong lumapit siya rito at niyakap ito. “Papa,” tawag niya rito.
Naramdaman niya ang pagalog ng mga balikat nito pagkuwa’y nanginginig ang mga brasong niyakap siya nito. “My unica hija, you came. You… still haven’t forgotten us.”
Napahikbi na siya. She realized that for the past years, hindi lamang siya o si Greg ang nasasaktan. Maging ang mga magulang niya ay ganoon din ang pakiramdam. They were all trapped by the past, by hatred, by guilt that they never lived their lives to the fullest. Lalo na siya, nagmatigas siya masyado.
“I’m sorry for everything hija. Kung alam mo lang kung gaanong pagsisisi ang nararamdaman namin ng mama mo. All we wanted was for you to have a good and happy life in the future. But we end up snatching that happiness away from you.”
Umiling iling siya. “I-I understand now papa. I’m sorry too. Sa pagmamatigas ko na hindi kayo makita sa loob ng mahabang panahon, for being blind that all you wanted if my own good. Pero papa, mama, I hope you know already how much I love Greg. Siya lang talaga ang kailangan ko. With him, I know my future will be the happiest days of my life,” aniya sa mga ito.
Ngumiti ang papa niya. “We know that hija. That’s why I requested the producer of that show that I want Greg Ledesma to be the one to interview me. Gusto ko siyang makausap ng maayos. At ito lamang ang paraang naisip ko para kausapin niya ako. Alam kong galit siya sa akin. I want to ask for his forgiveness,” sabi nito na ikinalaki ng mga mata niya.
Kung ganoon ay ang papa niya ang may gusto na si Greg ang maginterview dito. His father is willing to ask for forgiveness. Pero paano si Greg? Handa na ba itong patawarin ang mga magulang niya? Handa na ba itong patawarin siya?
Hinaplos ng papa niya ang buhok niya. Mukhang nabasa nito ang mga iniisip niya. “Handa ako kung hindi niya pa ako mapapatawad anak. But I will just make sure na maayos ang kung anuman sa inyong dalawa. Because I want you to be happy Ria. I want both of you to be happy,” bulong nito.
Muling nangilid ang mga luha niya. “Oh papa,” usal niya at muli itong niyakap. Tumabi sa kanila ang mama niya at ngumiti. Her mom was never good with words, ngunit sapat na ang pagpisil nito sa balikat niya upang iparating sa kanya ang lahat ng hindi nito masabi. And the three of them cried that day. But afterwards, they all felt better.
Ah forgiveness. It was like a big hand that lifted a heavy weight from all their hearts. And she wished, oh how she wish, that it will lift Greg’s too. And just like in fairy tales, it will be only then, could they live happily ever after.