“YOU don’t really have to do this you know. Mayroon naman akong damit sa bahay. I just need to go home and fix myself quickly,” reklamo ni Ria pagkalabas niya ng fitting room ng isang mamahaling boutique kung saan siya dinala ni Greg sa kabila ng mariing pagtanggi niya.
Dahil kaninang umaga lamang siya nito sinabihan na siya ang isasama nito sa party mamayang gabi ay hindi siya nakapagdala ng damit. Nang magpaalam siyang uuwi muna upang magayos ay saglit lamang nitong tiningnan ang wristwatch nito at walang salitang hinatak siya palabas ng istasyon hanggang sa kotse nito. Before she know it ay nasa boutique na sila at walang anumang inaabutan siya ng mga dress na gusto nitong isukat niya. Nakailang palit na siya ng damit. Ang suot niya ngayon ay kulay puti na malambot ang tela at hanggang tuhod ang haba. Greek goddess style iyon at humahakab sa katawan niya. Personally ay mas gusto niya iyon kaysa sa ibang damit.
Nakaabang si Greg sa labas ng fitting room at kampanteng nakapamulsa. Ni hindi nito itinago ang pagsuyod nito ng tingin sa kanya mula ulo hanggang paa. Naconscious tuloy siya. Dumeretso ito ng tayo. “Don’t argue with me. I’m your boss,” sabi nitong lumapit pa sa kanya.
Napatingala siya rito. Kanina pa niya napapansing parang may iba rito. Though he still talks like that, his tone seems a little softer. Pagkatapos rin nang pagangil nito sa kaniya kaninang umaga ay hindi na siya nito pinagtaasan ng boses. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ng biglang pagbabago ng pakikitungo nito sa kanya. Hindi kaya may pinaplano ito?
Ngunit bago pa niya mapagisipan ng husto iyon ay nasa harapan na niya ito. Pagkuwa’y umangat ang kamay nito at hinaplos ang mahaba niyang buhok. She gasped. His touch is soft, just the way he touched her hair when they were in college.
“You are really beautiful princess,” he said just above whisper that warm her heart. Iyon ang unang pagkakataon mula ng magkita sila na ginamit nito ang endearment nitong iyon sa kanya na walang halong sarkasmo ang boses nito. “And just let your hair down. It would be a shame kung itatago natin yan,” mahinang sabi pa nito na nagpabilis ng t***k ng puso niya.
And when a soft smile curved his lips ay natulala siya rito. Was she dreaming? Or was he actually smiling at her? “Great, let’s buy that,” sabi nito.
Napakurap siya. Ilang sigundo pa siyang nanatiling nakatayo sa harap nito bago tumango at bumalik ng fitting room. Napahinga siya ng malalim bago hinubad ang damit.
MADAMI nang tao nang makarating sila ni Greg sa party. Sa bawat pagbaling niya ay nakakakita siya ng mga pamilyar na mukha. Mga mukha ng mga taong madalas niya ring makita noong kasama pa siya ng mga magulang niyang umaattend ng mga party. Bigla niya tuloy naisip ang posibilidad na naroon din ang mga magulang niya.
Napatingala siya kay Greg nang maramdaman niya ang palad nito sa likod niya, urging her to walk forward. Nasalubong niya ang mga mata nito. Ang guwapo guwapo nito sa tuxedo nito. He smiled a little to her. “Let’s go princess.”
Gumanti siya ng matamis na ngiti. Kung ganito ba naman ito palagi ay mas masaya. Magkaagapay silang lumakad papasok ng pavilion. Hindi nakaligtas sa kanya ang mga tinging ipinupukol sa kanila, mapalalaki man o babae. Sabagay, hindi niya masisisi ang mga ito kung mapatingin ang mga ito kay Greg.
Napaigtas siya nang maramdaman niyang pumulupot ang braso ni Greg sa bawyang niya pagkuway’ hinapit siya nito palapit dito. Napatingala siya rito. “What are you doing?” gulat na tanong niya.
Sinalubong nito ang mga mata niya. “Making sure they will all know that you are mine. Those men keeps on staring at you as if they want to go near you anytime and I will not allow that. Let’s go meet the host,” seryosong sabi nito at inakay siya patungo sa matandang mag-asawang siyang nagorganize ng party na iyon.
Ngunit wala naman siyang naintindihan sa mga sinasabi ng mag-asawa. Huminto ang isip niya sa huling sinabi ni Greg at sa braso nitong nakapulupot pa rin sa baywang niya. Making sure they will all know that you are mine… Does that mean that he already forgive her? Does that mean that she could hope for a bright future of them together? Sana… taimtim na hiling niya.
HINDI alam ni Ria kung mapapailing siya o kikiligin sa inaasal ni Greg. Sa kabila kasi nang pagikot ikot nito at pakikipagusap sa mga bisita ay palagi siya nitong akay akay. Talo pa nito ang mga bodyguard niya noong bata pa siya kung makabantay ito. At tuwing may bisitang lalaki na pupuri sa kanya ay nararamdaman niya ang paghigpit ng kamay nito sa baywang niya. As if he was telling them that she’s already off limits. Naiisip niya tuloy, may nailagay ba siyang kung ano sa kapeng pinainom niya rito kanina at nagkakaganoon ito? Kung alam niya lang kung ano iyon ay baka noon pa sana niya iyon ibinigay rito.
Nakita rin nila sa party si George kasama naman ang isang napakaganda at sexying babae na may blonde na buhok. Hindi naitago ni George ang pagkagulat na makita silang magkasama ni Greg ngunit hindi naman nagtanong. Marahil ay narealize din nitong hindi iyon ang tamang lugar upang buksan ang isyung iyon. Ipinakilala nito sa kaniya ang kasama nito na girlfriend pala nito. Nalaman niya na isa palang modelo si Patricia. Kaya naman pala napakaganda nito. Saglit lang din at nagpaalam na ang mga ito upang makihalubilo sa ibang bisita.
Nang mapagsolo siya ay binalingan siya nito. “Are you tired already?” tanong nito sa kanya.
She was caught a little off guard by his question. Lalo pa’t mas kaswal na ang paraan ng pagkakatanong nito. Hindi tulad noon na parang palagi itong may hidden bitter meaning sa bawat salitang binibitawan nito. Nginitian niya ito. “Not really.”
Tumitig ito sa kanya pagkuwa’y bahagyang tumango. Parang may nais pa itong sabihin ngunit hindi nito nagawa dahil lumapit sa kanila ang isa sa mga organizer ng party.
“Mr. Ledesma, can you give a short speech for us? There are many people here who wants to hear something for you,” tanong nito kay Greg.
Hinintay niyang sumagot si Greg. Ngunit bago nito gawin iyon ay tumingin muna ito sa kanya. “Is it okay if I leave you for a while Ria?” tanong nito sa kanya na may himig pagaalinlangan.
Hindi niya tuloy naiwasang matawa sa ginawi nito. “Of course. Go ahead,” nakangiting sabi niya.
Umangat ang gilid ng mga labi nito sa marahil ay ngiti. Pagkuwa’y bahagya siyang napaigtad ng bahagya nitong pisilin ang baywang niya bago bumitaw sa kanya. Nahuli niya ang nanunudyong ngiti at tingin ng organizer bago umalis kaagapay ni Greg.
Hindi pa rin nawawala ang ngiting sinundan niya si Greg ng tingn. Ang gaan gaan ng pakiramdam niya. She felt as if she had a part of her Greg back. At sana magtuloy tuloy iyon.
Proud na proud siya habang pinapakinggan ang maiksing mensahe nito. She remembered that she’s also staring at him like that the first time she heard him speak on their assembly. Ang weird, it has been a very long time pero ang nararamdaman niya para rito noon ay hindi pa rin nagbabago. In fact, mas tumindi pa nga iyon.
Nang matapos itong magsalita ay nagkaroon ng masigabong palakpakan. Kasunod niyon ang pagtunog ng musika. May mangilan ngilang bisitang nagsimulang lumakad sa gitna at nagsimulang sumayaw. Si Greg naman ay sinalubong ng mga taong gusto itong makausap. At mukhang nahihirapan itong makaalis sa mga ito. Gusto niyang matawa dahil maya-maya itong sumusulyap sa panig niya, na para bang nag-aalala itong baka mawala siya sa paningin nito. The attention he was giving her was overwhelming. She felt as if everything is just a dream.
Abala siya sa pagmamasid kay Greg nang makarinig siya ng boses mula sa likuran niya.
“Ria? Ria Atienza right?”
Lumingon siya. Isang pamilyar na lalaki ang nabungaran niya. Saglit niyang hinanap sa memorya niya. At nang maalala kung sino ito ay bahagya siyang nanlamig. “D-dustin?” tanong niya. Ito nga ba si Dustin? Ang lalaking gusto ng mga magulang niyang pakasalan dati?
Palakaibigan itong ngumiti. “Yes. Wow, it has been so long since I last saw you. Ni hindi kita agad nakilala.”
Alanganin siyang ngumiti. “I went to the states. Kailan lang ako nakabalik,” sagot niya.
Tumango tango ito. “I see. Wait, kasama mo ba ang mga magulang mo? It has been so long since I last saw them too. Mukhang nag laylow sila sa mga ganitong gathering for the past few years,” kaswal na kumusta nito.
Kung ikinabigla niyang makita ito ay mas nagulat siya sa balitang iyon. Her parents, especially her mother who loves to be always on the spotlight, has been laylowing on parties? Parang hindi kapanipaniwala. “R-really?”
“Yes.” Kumunot ang noo nito. “Why you didn’t know? Then hindi mo ba naitanong sa kanila?”
Umiling siya. “I’ve been busy lately at hind pa ako nagkakaroon ng pagkakataong makausap sila,” sabi na lamang niya. Ayaw na niyang ipaalam pa ng may hindi sila pagkakaunawaan ng mga magulang niya. “Ikaw kamusta?” pag-iiba niya nang usapan.
Lumawak ang pagkakangiti nito. “Well, I’m not the president of my family’s company just as expected. And happily married with one kid,” masayang kwento nito.
“Oh I’m so happy for you,” sinserong sabi niya.
“Yes. It’s rude to say this but, I am really glad na hindi natuloy ang plano ng mga magulang nating ipakasal tayo noon. Hindi ko sana nakilala at napangasawa ang misis ko,” he laughed good naturedly.
She smiled. Masaya talaga siya na maayos ang buhay nito at wala itong pagsisisi sa buhay. Kahit papaano ay may nagawang mabuti ang nangyari sa kanila noon.
“How about you? Kung hindi mga magulang mo ang kasama mo ay sino? I didn’t see your brothers around so malamang hindi rin sila ang kasama mo. So, you are with the guy na ipinalit mo sa akin dati I suppose,” pabirong sabi nito.
She smiled. “Well, you can say that,” aniya na lamang.
Lumawak ang pagkakangiti nito. “So you are married too? That’s great.”
Naging alanganin ang ngiti niya. Biglang parang may bumara sa lalamunan niya at hindi masagot ang tanong na iyon. Will they get married? Hindi niya alam.
“Ria.”
Napalingon siya nang marinig ang pagtawag sa kanya ni Greg. Mukhang nakatakas na ito sa mga taong gusto itong kausapin. Bahagyang nakakunot ang noon a lumapit sa kanya. Tumingin ito kay Dustin. Pagkuwa’y bahagya siyang napaigtad nang akbayan siya nito. “You find someone you know?” tanong nito sa kanya.
“Ahm, yes,” aniya rito at nilingon si Dustin na bahagyang bumakas ang pagkagulat. Marahil ay hindi nito inaasahang si Greg ang lalaking ayaw ng mga magulang niya noon para sa kanya.
“Oh, so si Mr. Ledesma ang kasama mo. Then?” takang tanong ni Dustin sa kanya.
Tumango siya. “Yes. It’s… a long story,” aniya na lamang dito.
Tumango tango naman ito at hinarap si Greg. “Dustin Medina Mr. Ledesma, I am a family friend of the Atienza’s,” anitong inabot pa ang kamay. Inabot naman ni Greg ang pakikipagkamay ni Dustin. Muling bumaling sa kanya ang huli. “Then I should be going. Say hello to your parents to me. It has been so long since we last saw them,” anito at umalis na.
She felt Greg’s body stiffen. Awtomatikong napatingala siya rito. Kinabahan siya nang makitang naging mas pormal ang mukha nito. Dahil ba iyon sa pagkakabanggit sa mga magulang niya? Then, that means he still haven’t forgiven her parents for what happened. But then, who was she to complain? Kahit nga siya ay hindi pa rin kayang harapin ang mga magulang niya nang walang halong hinanakit.
“Greg,” tawag niya rito.
Noon ito tila natauhan at niyuko siya. He stared at her. Pagkuwa’y bahagya itong ngumiti. “Hey, you want to dance?” tanong nito. Obviously avoiding the topic.
Gumanti na lamang siya ng ngiti at tumango. Ayaw niyang masira pa ang mood nito. Nagpaakay na siya rito hanggang sa gitna kung saan marami nang pareha ang sumasayaw.
Tila may mga paru-parong nagliliparan sa sikmura niya nang hapitin siya nito sa baywang at idikit sa katawan nito. Then, he held her one hand and put it on his shoulder. Ang isang kamay naman niya ay ginagap nito at bahagyang pinisil iyon. They began to move with the music. They move slowly amost gliding. Suddenly all the people around them faded in her vision. It was only her and Greg and the soft music on the air. It felt like dream.
“You can lean on me princess,” bulong nito sa tainga niya. She felt his breath on her ears. She inhaled deeply. Ni hindi na niya ito hinayaang magdalawang salita. Isinandal niya ang ulo sa dibdib nito. Naramdaman niya ang paghigpit nang hawak nito sa kanya, pulling her closer. She felt his hard and warm body. And it feels nice. At nang maramdaman niya ang magaang na halik na iginawad nito sa tuktok ng ulo niya ay parang sasabog ang puso niya sa saya.
“I hope that time would stop at this moment, with just you in my arms and nothing else,” muling bulong nito.
She really felt like crying. “I hope so too,” ganting bulong niya. Kung maari lang sana iyon.
They continued dancing in silence. Ngunit kahit ganoon ay wala siyang naramdamang pagkailang. She just savored the moment that she was in his arms, that she could feel him, that she could hear his heatbeat, his breathing, that at that moment everything about him is hers.
Hanggang sa lumalim ang gabi at nagdesisyon na silang magpaalam. Para pa rin siyang nakalutang sa ulap habang magkahawak kamay silang naglalakad palabas ng venue.
Nang nasa tapat na sila ng entrance at hinihintay ang valet na maglalabas ng kotse ni Greg ay noon lamang nila napansin na umuulan pala. Awtomatiko siyang napatingala sa madilim na kalangitan. She closed her eyes and inhaled the scent of the rain. I love this night.
“You seems to be enjoying the rain,” puna ni Greg.
Dumilat siya at nakangiting nilingon ito. Nakatitig ito sa mukha niya. She smiled lovingly at him. “Yes. I love the rain ever since I was a child. But since I went to the states, the rain has a much deeper meaning to me. Because whenever it rains, I always think of you and that day on the beach. Because that was the most special memory I have, my memory with you,” she softly said.
Hindi ito sumagot. For a moment ay walang ibang tunog na maririnig kung hindi ang pagbuhos ng ulan. At bago pa niya maisip kung ano ang gagawin nito ay bigla na siya nitong hinatak palapit dito at siniil ng halik. Saglit lamang siyang nagulat. But when she felt the passionate way he was kissing her, she didn’t think twice and responded to his kisses. Ikinawit niya pa ang mga braso niya sa batok nito at siya na ang nagkusang hatakin ito upang lalong mapalapit ang mukha nila sa isa’t isa. They kissed like there was no tomorrow. And she swears they could have kissed forever.
Napahinto lang sila nang marinig ang tunog ng sasakyan at nang pagtama ng liwanag ng headlights sa panig nila. Dumating na ang kotse nito. Hinihingal pa sila nang maghiwalay. They stared at each other’s eyes for a while bago nito pinaraanan ng daliri ang gilid ng mga labi niya.
“God Ria, I don’t know what to do with you anymore,” he wisphered. Ramdam niya ang pagtatalo ng iba’t ibang emosyon sa kalooban nito.
She smiled at him and touched his face. “You know what to do Greg. Deep inside your heart you knew. But I will wait. I promised you I will wait,” she wisphered back.
Dahil sa gabing iyon ay sigurado siya, na sa pinakatagong bahagi ng puso nito, ay mahal pa rin siya nito.