“GREG!” malakas na sigaw ni Yuuji mula sa isang panig ng bar kung saan siya nito pinapunta. Agad niya itong nakita at maging an iba pa nilang kaibigan. Gusto niyang mapailing habang lumalakad palapit sa mga ito. Kagagaling lang niya sa meeting para sa “The Life in Politics” at sa totoo lang ay uwing uwi na siya nang bigla siyang tawagan ng kaibigan niyang ito.
Naglalakad siya nang may lumapit sa kanya. “Hi Greggy. It has been so long since we last saw each other,” sabi ni Sylvie.
Saglit lamang niya itong tinapunan ng tingin. “I’m busy Sylvie,” iyon lang at tuluyan na siyang lumapit sa mga kaibigan niya.
Umupo siya sa tabi ni Aio. “This better be good,” agad na sabi niya.
Tumawa si Yuuji. “Ano ba iyan di pa rin nagbabago ang mood. No actually nagbago e, parang hindi ka masyadong gloomy ngayon. And did I saw it right? Pinagpag mo ang flavor of the month mo kani-kanina lang? Wow sino kaya ang dahilan,” nanunudyong sabi nito at tumawa pa.
Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. “What was that?”
“Naichismis ka na ni George,” sagot ni Aio.
“Nakita ka raw niya sa isang party na kasama si Ria. Kailan pa kayo nagkabalikan? Di mo man lang sinasabi sa amin,” dugtong naman ni Martin.
Nalinawan siya. “Oh that,” tanging nasabi niya.
“Anong oh that? Ang tipid ng sagot ang putsa,” sabi pa ni Yuuji.
“Huwag ka na nga lang tsimoso,” asar na sabi niya rito. Iginala niya ang paningin at hinanap ang waiter. Kinawayan niya iyon at umorder ng brandy. Hindi na niya pinansin ang pangaalaska pa ni Yuuji.
“Pare, does that mean you’re no longer angry at her? Hindi ka na rin galit sa mga magulang niya sa lahat ng ginawa nila sa iyo noon? O may iba kang plano kaya nakikipaglapit ka kay Ria ulit? ” biglang tanong ni George. Seryoso ang mukha nito. Natahimik si Yuuji. Maging siya ay natigilan sa tanong nito.
Ano na nga ba ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon? Galit pa rin ba siya? Kanina habang nakikinig siya sa meeting nang pagfafinalize ng interview niya kay Ruelito Atienza ay ano ba ang naramdaman niya? Nothing. Wala ang bitterness na nararamdaman niya noong una niyang tanggapin ang interview na iyon. Yes, he still wants the old man to see where he is now pero bukod doon ay wala na. Where did his anger and hatred gone to? Tinangay na yata nang bagyo. O nakalimutan niya na iyon nang muli niyang makasama si Ria? Or maybe ganoon lang ang naiisip niya dahil hindi pa niya ito nakikita ulit? Kapag nakaharap niya ito bukas ay malalaman niya ang tunay na sagot.
“Ano na Greg? Baka naman may balak kang gumanti kay Ria kaya pinapaasa mo siyang may patutunguhan pa kayo? Tell me. You see, I know I was not there when that incident happened. Alam ko rin na kayang kayang gawin ng mga magulang niya sa iyo ang nangyari noon. But they are still a family friend. At nakita kong naglaylow ang mag-asawa nang huli ko silang makita. And Ria, Ria is someone who would never hurt you. For sure she has a reason why she left you before,” seryoso pa ring sabi nito.
Nakipagtitigan siya kay George. He makes sense. Geez, pakiramdam niya ngayon lang nagiging matino ang takbo ng isip niya. Ngumiti siya. “Pare, you don’t have to worry so much about me daig mo pa ang tatay ko,” aniya rito.
Nagtawanan ang mga ito. Kumunot ang noo ni George. “I’m serious here Gregorio.”
Natawa na rin siya at tinapik ito sa balikat. “Seryoso din ako. As I have said, You don’t have to worry. I’ll fix everything,” aniya rito.
Saglit na nanatili itong nakakunot noo at nang tila makuha ang nais niyang sabihin ay nakangiti na. “Great. Anyways dahil diyan ay pangungunahan na kita,” sabi nitong inilapag sa harap niya ang isang sobre. Umangat ang kilay niya at kinuha iyon. “That’s an invitation for my engagement party. Huwag kayong mawawala,” nakangising sabi nito.
“s**t, sabi ko na nga ba kaya parang ayaw kong pumunta ngayon! A wedding talk, damnit to hell!” biglang bulalas ni Jet sabay tayo. Nagkatawanan sila. Expect Jet to always have a violent reaction everytime that topic comes.
“Kailan ang kasal?” tanong niya rito.
Biglang nalukot ang mukha nito. “Next year pa. Hindi pwede ngayong taon dahil sabi ni Patricia magpapakasal daw ang isang co-model niya sa Agency niya. Zander something. Ayaw niyang sumabay sa kasal ng lalaking iyon,” sabi nitong halatang inis.
Tumango tango siya. Hearing about weddings suddenly brings Ria back on his mind. Oo nga pala. For sure, the moment he enters his unit, ay makikita niya ito roon. Just thinking about it makes him so excited to go home. “O sige mga pare. Alis na ako,” sabi niya at tumayo. Ni hindi na niya ininom ang kakarating lang niyang order at naglapag na lang ng pera.
“Oy kararating mo lang ah,” reklamo ni Cedric.
Ngumisi siya. Nakita niyang napamaang sa kanya ang mga kaibigan niya. Hindi niya masisi ang mga ito. After ten years, it was only then he felt like smiling widely like that. “Someone’s waiting for me at home,” aniya sa mga ito.
Si Yuuji ang unang nakabawi. Tumawa ito. “Langya. O George, ikaw nga ang unang magpapakasal mas nakakascore naman si Greg sa iyo,” buska nito kay George na umiling na lang.
Tinapik niya ang mga ito isa-isa at lumakad na. Saglit siyang natigilan nang makitang nakatayo di kalayuan si Sylvie. Nakatingin ito sa kanya. “You seems so happy Greggy,” sabi nito sa kanya na makalapit siya rito.
“Yeah. You should find someone who you could be happy too. Because I could not play with you anymore,” aniya rito at nilampasan na ito.
His mind is already on the beautiful face and smile that he will see when he gets home.
RIA looked at the dining table one last time and smiled proudly. Pagkagaling niya sa bahay nila ay dumeretso siya sa supermarket para bumili ng maari niyang lutuin. Dinagdagan na rin niya para magkalaman naman ang kusina ni Greg. Tonight she cooked her specialty. Burger steak with mushroom sauce at buttered vegetables. Simple lang iyon pero at least naman nageffort siya. At dahil pinoy naman sila ay naghain siya ng kanin himbes na tinapay. Napalamig na rin niya ang wine na pinadala ng papa niya sa kanya kanina. She wanted that night to be special. Dahil sa araw na iyon nawala ang bigat sa dibdib niya na dala dala niya sa loob ng sampung taon. At siyempre para din iyon kay Greg. Nasa dinner na iyon ang wish niyang maging okay na ang lahat.
Napatingin siya sa parte nang pinto nang marinig niya ang pagbukas niyon. Napangiti siya at lumakad palapit doon. Agad naman niyang nakita si Greg. “Welcome home!” masayang bati niya rito.
Tumingin ito sa kanya at malawak na gumanti ng ngiti. Her heart swell because of the smile. “Hello princess,” bati nito at hinatak siya palapit dito para sa isang mahigpit na yakap. Pagkuwa’y naramdaman niyang dinampian siya nito ng halik sa ulo. Nalulunod sa labis na kaligayahang gumanti siya ng yakap dito. “Hey, I think I am smelling something delicious,” biglang sabi nito makalipas ang mahabang sandaling yakap siya nito.
Tiningala niya ito at matamis na ngumiti. “You got it. I cooked something,” aniya rito at hinatak na ito patungo sa kusina.
Isang malakas na wow lamang ang nasabi nito nang makita iyon. Natawa siya at pinaupo na ito. Natuwa siya nang makita niyang maliwanag ang mukha nito. “You really cooked these princess?” manghang sabi nito.
She blushed. “Yes. Iyan lang ang kaya kong lutuuin na sure akong masarap e. Let’s eat?” nakangiting tanong niya.
Malawak itong ngumiti at pinisil ang kamay niya. “Whatever you will cook will always taste good to me princess,” he affectionately said.
She beamed. Masaya nilang pinagsaluhan ang niluto niya at ang wine na siyempre hindi niya binanggit na galing sa papa niya. Matapos silang kumain ay lumipat sila sa sala at doon nagpatuloy sa paginom ng wine. Nagsimula itong magtanong sa kanya kung ano ang pinagkaabalahan niya noong nasa amerika pa siya. Ito naman ay nagkwento tungkol sa mga pangyayaring naibalita na nito. She felt as if they went back through time when all they do is talk about each other.
“Kaya pala ang sarap mong magluto dahil ikaw na ang nagluluto para sa sarili mo. Ako palagi akong sa labas kumakain,” natatawang sabi nito.
She proudly smiled. “Of course.”
Ibinaba nito ang baso sa center table at tumingin sa kanya. “Come here, I’ll give you a reward for cooking me dinner,” anitong iminuwestra ang kamay na lumapit siya rito.
Bahagyang tumaas ang kilay niya. “Ano namang reward iyan?” nangingiting tanong niya.
He smiled sexily. “Come here and you’ll know,” he said in a husky voice.
Kinilabutan siya sa paraan nito nang pagkakasabi niyon. Ngunit walang pagdadalawang isip na inilapag niya ang baso niya sa lamesa at lumapit dito. She sat beside him.
Hinawakan nito ang baba niya at marahan iyong inangat. Nasalubong niya ang mga mata nito. He smiled and kissed her, soflty at first, as if savoring the taste of her lips. Gumanti siya ng halik sa ganoon ring paraan. She could taste the wine on his lips, it was intoxicating.
Bahagya nitong itinigil ang paghalik sa kanya at tiningnan siya. “That’s only an appetizer princess,” mababa ang boses na sabi nito.
She smiled. “Then, where’s the main course?”
Himbis na sumagot ay tumayo ito. Napatili siya nang bigla siya nitong buhatin. “Greg!” tili niya.
“Tara na sa main course,” natatawang sabi nito at binuhat siya papunta sa kwarto nito. Napuno nang tawanan nila ang buong unit nito.
That night, they made each other feel how much they missed each other.
NAALIPUNGATAN si Ria nang makaramdam ng magaang na halik sa mukha niya. Sa una ay sa noo niya, pagkatapos ay sa mga nakapikit niyang mga mata, sa tungki ng ilong niya at sa mga labi niya.
Napangiti siya at dumilat. Nakangiting mukha ni Greg ang agad na nakita niya. “Good morning princess.”
“’Morning,” aniya at bahagyang nag-inat. Bahagya masakit ang katawan niya. In a sweet kind of way. “What time is it?” inaantok pang tanong niya.
“Eight.”
Napadilat siya at napatingin dito. “We have work today right?” aniya at tinangkang bumangon.
Pinigilan siya nito. “You don’t have to go. I know how tired you are right now,” anitong walang bahid ng panunudyo.
Umungol siya. “Greg, hindi mo na nga ako pinapasok kahapon,” reklamo niya.
Dinampian siya nito ng halik sa mga labi. “Basta. You stay here. Besides, tumawag sa akin si Del kahapon. Magrereport na raw siya ngayon sa office. Kaya wala kang dapat ipagalala okay? Just sleep the whole day,” sabi pa nito.
Hindi siya sumagot. Sabagay, nanakit nga ang katawan niya at hindi niya rin alam kung makakasabay siya sa napakabusy na schedule nito. bumuntong hininga na lamang siya at tumango.
Ngumiti ito. “Great.” Pagkasabi niyon ay tumayo ito. Nagsuot ito ng roba at tumingin sa kanya. “You want coffee?” nakangiting sabi nito.
Napangiti siya. Mukhang pareho sila nang naalala. “Pass. I want to sleep,” aniya at tumagilid upang yakapin ang unan nito.
Tumawa ito. “Huwag mo akong akiting huwag umalis. Importante ang lakad ko ngayon,” sabi nitong lumakad na patungo sa banyo.
“Hindi kita inaakit no,” natatawang sagot niya. Napasunod siya ng tingin dito. “Anong lakad mo ngayon?” kaswal na tanong niya. Sabado kaya alam niyang wala itong primetime news nang araw na iyon pero alam niya na kahit ganoon ay may ginagawa pa rin ito pag sabado.
“An interview,” tipid na sagot nito at tuluyan nang pumasok sa banyo.
Hindi na siya nakapagsalita. Siguradong ang papa niya ang kakausapin nito. Hanggang sa mga oras na iyon ba ay wala itong balak sabihin sa kanya ang tungkol doon?
Napabuntong hininga na lamang siya at nahiling na sana maging maayos ang lahat.
NANG makaalis si Greg ay muling bumalik sa pagtulog si Ria. Ngunit hindi pa man lumalalim ang tulog niya ay narinig niya ang pagbukas ng pinto ng unit. Napadilat siya. May nakalimutan ba si Greg?
Bumangon siya at isinuot ang roba na nilabas ni Greg para sa kanya. Masyado iyong malaki pero ayos lang. Iinat inat na lumabas siya ng kwarto. “Greg, may naiwan ka ba?” tanong niya habang naglalakad patungo sa may pintuan.
Ngunit natigilan siya nang makitang hindi si Greg ang dumating. Isang babae ang pumasok sa unit ni Greg nang hindi kinakailangang magdoorbell. Pakiramdam niya tinakasan ng kulay ang mukha niya nang makilala ito. Si Sylvie.