TILA pinako si Ria sa kinatatayuan. Bakit ba nawala sa isip niya na may babae nga pala sa buhay ni Greg? Pakiramdam niya ay mawawalan ng lakas ang tuhod niya. Napahigpit ang pagkakasalikop niya sa mga braso niya sa dibdib niya.
Ngumiti ang babae na tila hindi nasorpresa na makita siya roon. “Hi, Ria right?”
Wala sa loob na napatango siya. “H-how did you –
“Are you wondering why I know you and why I am not surprise to see you on my boyfriend’s unit?” salo nito sa nais niyang sabihin. Nagkibit balikat ito at tuluyang pumasok. Huminto ito sa sala at muling humarap sa kanya. “Simple. Because Greggy talked to me about you. And I mean he talked about everything. Kasama na ang ginawa mo sa kanya dati at ng parents mo,” sabi nito.
Lalo siyang hindi nakagalaw. Ano ang nais sabihin ng babaeng ito? Nakita niyang lumawak ang pagkakangiti nito, a sarcastic smile. Pagkuway pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
“As far as I can see ay mukhang nagawa na niya ang gusto niyang gawin. Then maybe we could continue our plan to get married already,” sabi pa nito.
“G-get married?” mukhang tangang ulit niya.
Tinaasan siya nito ng kilay. “Yes. Come on, we met on the fund raising party right? You know we are together. Pero nagpakatanga ka pa rin at hinayaan siyang magawa ang plano niya? Darling all he wanted from you is to get revenge for what you have done before. Didn’t you realize that?” sabi pa nito.
Parang bombang bumagsak sa harapan niya ang sinabi nito. Pagkuway bigla niyang naalala ang mga sinabi ni Greg sa kanya.
“You were the one who made a fool out of me Ria. And I will not let you go just like that! You will pay for it! Do you get me!" At noong may sakit ito ay natatandaan niyang nasa nitong masama itong gumanti.
Napalunok siya upang pigilan ang luhang nagbabadyang pumatak. So, everything, everything that happened between them and the night that they shared… were all for revenge?
“I suppose you understand now. Kaya kung ako sa iyo darling, aalis na ako bago mo pa marinig sa sarili niyang bibig ang lahat. Leave before he dumps you. I’m just warning you since I’m also a woman here,” sabi pa nito. Tinignan niya lang ito. Wala siyang makapang sabihin. Ngunit mukhang wala na rin naman itong balak pakinggan pa siya kung may sasabihin siya. Nagkibit balikat ito at muling lumakad patungo sa pinto. “Well, I think I said enough. Babalik na lang ako rito kapag wala ka na,” sabi nito at iwinagayway pa ang susi nito ng unit na iyon na para bang ipinapangalandakan nito sa kanya kung ano ito sa buhay ni Greg.
Nang mawala ito ay nanghihinang napaupo siya sa sofa. She could hear the shattering of her dreams that everything will be okay between her and Greg. Bukod sa naghihiganti lang ito sa kanya ay ikakasal na pala ito at ang kasintahan nito.
Naihilamos niya nang mga palad ang mukha. God, it hurts. Napahagulgol siya. Now she felt how it is to be betrayed. It was as if everything was broken into pieces. Ganoon ba ang naramdaman ni Greg nang araw na tapusin niya ang kung anumang namamagitan sa kanila? Nang araw na iwan niya itong bugbog sarado ng mga tauhan ng kanyang ama? If this is how he felt, then she could not blame him for getting revenge. Because it hurts. It really hurts she felt like dying.
She cried for she doesn’t know how long. Nang mahimasmasan siya ay para siyang zombie na lumakad pabalik ng kwarto at naligo. Nanginginig pa rin ang kamay niyang nagbihis siya at lumabas ng kwarto. Pagkuwa’y napabaling siya sa lamesa kung saan nakapatong ang landline phone nito. May ballpen at notepad doon. Lumapit siya roon. She wrote him a letter then left the key that he gave her and walked out of his unit, and unfortunately, out of his life. Until he’s ready to forgive her for real.
ALAS DIYES nang makarating ang team ng “The Life in Politics” sa mansion ng mga Atienza kung saan napagdesisyunang gawin ang interview. Hindi pa raw kaya ng katawan ng dating senador ang bumiyahe kaya inoffer nito ang garden ng mga ito upang doon ganapin ang interview. Naunang pumasok ang production crew na magaayos ng garden at magseset up ng lighting at camera.
Si Greg ay bumaba na nang sasakyan niya at napatingala sa bahay. Walang salitang inilibot niya ang tingin sa paligid. Huminto iyon sa tapat ng gate ng bahay. Natatandaan niyang hanggang doon lamang ang inabot niya noong una siyang magpunta roon.
Suddenly, memories of that tragic day came to him mind. Yes, he still feel a little pain while remembering that day. Ngunit hindi tulad noon na halos manginig ang katawan niya sa sobrang galit, ngayon ay kataka-takang kalmado pa rin siya. It was as if everything was blurry, as if it was just a very distant memory that didn’t have any impact on his life whatsoever.
Napalingon siya nang tawagin siya ng floor director. Lumapit na siya rito. Nagsimula itong ibrief siyang muli sa kung ano ang magiging flow ng interview. Pagkuwa’y lumapit sa kanya ang isang production assistant at inabot sa kanya ang script kung saan nakasulat ang mga tanong. Saglit pa ay niyakag na siya ng floor director papasok ng bahay.
Sa loob ay agad niyang nakita si Senator Ruelito Atienza, may hawak na baston at naka barong tagalong. Sa tabi nito ay si Agatha Atienza, ang asawa nito na nakaalalay rito. Halos hindi na niya makita sa matandang lalaki ang walang pusong politikong nanakit sa kanya sampung taon na ang nakalilipas. Maging ang aristokratang babaeng sumapal at sinigawan siya noon ay hindi niya rin makita sa matandang babaeng katabi nito. It was as if they were just.. two normal old couple.
Napahinto siya at napatingin lamang sa mga ito. Maging ang mga ito ay nakatingin lamang sa kanya. Wala na ang mapagmataas na kislap ng mga mata nito na nakita niya noong tinitingnan siya ng mga ito noon. Instead, their eyes speak of something else. As if they want to tell him something.
“Mr. Atienza, salamat ho sa pagpapaunlak niyo sa amin,” narinig niyang sabi ng producer nila na nakapasok na pala.
Ngumiti ang dating senador. “No, the pleasure is mine. Believe me,” anitong kinamayan pa ang producer nila. Pagkuwa’y muli siyang binalingan. “I hope to have a good talk with you Mr. Ledesma,” sabi nitong inilahad din ang kamay sa kanya.
Awtomatiko siyang napatingin doon. Was it real? The high and mighty former Senator Ruelito Atienza is asking to shake his hand? Napatingin lamang siya sa kamay nito, that same hand that gave him a hard blow ten years ago. Somehow, it didn’t trigger any emotion from him anymore. Tumikhim ang producer nila. Napatingin siya sa mukha ng matanda. At tama ba ang nabasa niya sa mga mata nito? Was it sadness and regret?
Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. “I am looking forward to that Mr. Atienza,” pormal na sabi niya.
“Then let’s start,” palakpak ng floor director nila.
NAGING maayos ang takbo ng interview. Saglit lamang ay natapos na nila iyon. Mrs. Atienza offered a festive lunch for the whole staff. Pagkuwa’y nagpack up na. Magpapalam na sana si Greg nang lapitan siya ni Mr. Atienza. “Can we talk Greg?” kaswal na tanong nito.
Nilingon niya ito. “What for?” malamig na tanong niya.
“About… the past.”
Nanigas siya sa sinabi nito. Tinitigan niya ito. Nakipagtitigan ito sa kanya.
“Mr. Ledesma, napack up na po ang lahat. Aalis na po tayo,” sabi ng P.A na lumapit sa kanila.
“Here me out Greg,” muling sabi ng matanda.
Pormal pa rin ang mukha niyang nilingon ang p.a. “Mauna na kayo,” sabi niya rito. Mukha man itong nagtaka ay hindi na rin ito nagkomento at muling umalis. Muli niyang tiningnan ang matanda. “Don’t waste my time Mr. Atienza,” pormal pa rin sabi niya.
Ngumiti ito. “Thank you. Come,” anito at hirap na lumakad. Umupo ito sa garden chair na inuupuan din nito kanina. Nang makaupo ito ay pinasadahan siya nito ng tingin. “I can see that you are very successful already. Tama si Ria nang sabihin niyang malayo ang mararating mo noon.”
Napatiim bagang siya. Umupo siya sa katapat nitong silya. “And I bet you didn’t believe her,” malamig na sagot niya.
Saglit na hindi ito nakapagsalita. Hindi rin siya nagabalang magsalita. “Tell me Greg, do you still love my daughter?” malumanay na tanong nito.
Mapait na tiningnan niya ito. “I cant believe I will hear that question from you.”
“But could you answer it young man?”
Nakipagtitigan siya rito. Pagkuwa'y malamig na sumagot. “If I said yes what would you do? Gagawa ka na naman ng paraan para ilayo siya sa akin? I’m sorry to tell you but you could no longer do that now. I will not allow you anymore.”
Tumitig ito sa kanya. ang inaasahan niyang galit na ekspresyon nito ay hindi niya nakita. Bagkus ay ngumiti ito. “I like that answer. Just make sure you will never hurt her and will take care of her more than we did at magkakasundo tayo,” sabi nitong nagpakunot ng noo niya.
The mighty Ruelito Atienza, who nearly killed him because he doesn’t like him for his daughter a decade ago is chatting with him about him being together with his daughter. Bagay na labis nitong tinutulan noon.
“I know what you are thinking Greg,” sabi nito. Nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ito. "I am sorry hijo. Believe me I regret everything I did before. Kung alam mo lang kung gaano ako hindi pinapatulog sa gabi ng konsiyensiya ko sa tuwing naiisip ko ang ginawa ko sa iyo noon, sa inyo ni Ria. Hindi rin iilang beses na nagtalo kami ng asawa ko tuwing napaguusapan ang nangyaring iyon sampung taon na ang nakalilipas. That's why I want to have a chance to talk to you. kaya nirequest ko sa producer na kumausap sa akin ng kung pwedeng ikaw na lang ang maginterview sa akin."
Napatiim bagang siya. "So, you are talking about the past to clear your conscience is that it?" malamig na tanong niya.
"Not just that. I want to fix the thing we destroyed long ago. The connection between you and Ria. Nais kong ibalik ang bagay na ipinagkait namin ng asawa ko sa inyo noon. I want both of you to be happy."
Tila may bumikig sa lalamunan niya habang nakatitig dito. Parang may sumuntok sa dibdib niya sa sinabi nito. "Why? Because I'm no longer a nobody? Because you realize that I will be a very good asset that you could add to your clan?" sarkastikong sabi niya.
Muling bumanaag ang lungkot sa mga mata nito. At kung hindi lang niya ito kilala ay baka maisip niya pa na may nagbabadyang luha sa mga mata nito.
"No. Because my daughter still loves you. And I know that you still love her Greg. After all these years she still loves you. She came back for you. Kahit na alam niyang galit ka sa kanya at hindi gugustuhing makita, she decided to come back to see you.” sinserong sabi nito.
Saglit siyang natigilan sa sinabi nito bago umiling. “Why would she do that? Malinaw niyang sinabi sa akin noon na hindi niya ko minahal,” aniyang hindi naiwasang makaramdam ng pait. Tanggap na niya na hindi siya minahal ni Ria noon. But he swear he will make her fall for him now. Dahil hindi na siya papayag mawala itong muli sa kanya.
"There is no other reason that will make her go back in the philippines other than you. Malabong dahil sa amin. Dahil sa loob ng sampung taong naroon siya sa amerika ay never siya naginitiate na kontakin kami. Hindi niya pa rin kami napapatawad sa nangyari sa inyo noon. At ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit nasa tabi mo siya ngayon? Because of guilt ganoon lang ba?”
Saglit itong huminto sa pagsasalita, marahil ay upang hintayin ang magiging reaksiyon niya. But he didn’t move. What he said hit him. Muli itong nagsalita.
"The thing you said a while ago. That time when she said she want to end everything you have, we forced her to do so. Sinabi namin sa kanya na kapag hindi ka niya hiniwalayan ay hindi ko ipapatigil ang pagpapahirap sa iyo hanggang sa hindi mo na kayanin. And because she doesn’t want that to happen, she said those things to you. Wala siyang kasalanan Greg. It was all our fault. And we are sorry. We were so judgemental. Since she is our only daughter , we thought we know what to do to give her the best life possible. We thought what we are doing is for the best. But it was too late when we realized na mali ang ginawa namin. You might not forgive us, kayo ni Ria, but at least, be happy together now," anitong biglang gumaralgal ang boses.
Napatitig lang siya rito. Then, all along Ria loves him? Yet he didn’t believe her even if what she said was true? Napatayo siya. Walang salitang tinalikuran niya ito. Hindi pa man siya tuluyang nakalalayo ay nakasalubong na niya si Agatha. Ni walang bakas ng pagkagulat sa mukha nito na makita siya. She stared back at him for a moment. “Hijo, a-aalis ka na?” tanong nitong halatang may iba pang gustong sabihin. Tipid siyang tumango at nilmapasan ito. naramdaman niyang saglit siya nitong sinundan ng tingin bago lumapit sa asawa. He could even hear their conversation.
“Have you told him everything darling?” tanong ng babae.
“Yes. As far as I could. Nasa kaniya na ang huling pasya,” ani ng lalaki na tila hapong hapo.
“It’s okay darling. You did what you can do. If only I am as brave as you I could have talk to him too.”
“Do you think he will forgive us now? Do you think they will be happy now?” tanong muli ng senador na puno ng pag-aalinlangan.
“I hope so darling. I hope so.”
Parang may kung anong pinipiga sa dibdib niya na tuluyan na siyang lumabas ng mansiyon ng mga Atienza. Pumasok siya sa kotse niya at pinaandar iyon. Bigla niyang naalala ang araw na binagtas niya ang daang iyon gamit ang motor niya at angkas niya si Ria.
Suddenly, he had the urge to ride his old motorbike that he stopped using after that tragic night. He wanted to feel the fast wind on his skin again, to remember those times that he feels so carefree and young. Then, he remembered the sensation he felt when Ria first ride behind him. That feeling of tightening on his chest, that fluttery feeling on his stomach when she encircled her arms around his waist and the warmth that enveloped his heart. He knew then, that one night is not enough for him to be with her. That night, he wanted all of her.
Bigla ay gusto na naman niya itong makita. Suddenly he wanted to forget everything that had happened and to start all over again.
Because damn, but ten years of his life without her, of pure hatred and bitterness because of what happened, was pure hell.
He just wanted to be with her again. For real, without any reservations, wholeheartedly as before. Because just what her father said, despite his anger, of his pain, of his bitterness, he never stop loving her.