Chapter 11

2365 Words
DAMN. If there is one thing Greg hates the most it is surprises. He hates getting surprised and caught off guard. And that’s what happened to him when he unconsciously looked up and met her eyes, the eyes of the last woman he expected to see on that party. Ang babaeng kailan lang ay ginulo ang sistema niya nang magpakita sa panaginip niya. Ang babaeng tila aparisyon lamang sa paningin niya. Ria.           Muli niyang ibinalik ang tingin kay Wilma, ang OIC ng foundation dahil naisip niya na baka namamalikmata lamang siya. It makes sense, since he hasn’t slept yet because of work.  But then he realized that after meeting her eyes for a long time, he knew she was no longer a dream. She was the real Ria, in flesh, with that same innocent looking lonely eyes of hers. Though he hates to admit it, he felt as if time stood still while their eyes were connected. Gusto niyang murahin ang sarili nang bigla siyang makaramdam ng kakaibang kaba habang nakatitig dito. Kabang matagal na panahon na niyang hindi nararamdaman. When was the last time he felt nervous? Hindi na niya matandaan. O mas tamang sabihing ayaw na niyang maalala pa iyon. Because those times still involves her.  Then, when he looked again and scanned the party he saw her near the buffet table with an actor and there was a soft almost shy smile on her lips. Nakaramdam siya ng pagbugso ng galit. Mukhang hindi pa rin ito nagbabago. She’s still beautiful despite her simple jeans and t-shirt and innocent look. Idagdag pa ang ngiti nitong animo’y pag-aari ng isang angel maging ang kiming kilos na tulad ng sa isang babaeng maharlika na siyang totoo naman. Na para bang hindi ito makabasag pinggan. But he knows otherwise. That face, that smile, that movements, were poisonous. Minsan na siyang nabihag ng mga iyon. And it nearly killed him, literally and figuratively. Sa naisip ay nakaramdam siya ng galit habang nakatitig siya sa mga ito. Tapatiim ang bagang niya nang makitang hinawakan ng lalaki ang braso nito. “May bago kang staff Wilma?” hindi inaalis ang tingin sa mga itong tanong niya sa kausap. Nakasuot si Ria ng tshirt na tumatayong uniporme ng mga staff ng Future Hope, patunay na staff ito roon. Paanong ang prinsesang gaya nito ay naroon bilang staff himbes na guest?           “Ah yes. Her name is Ria. Actually she’s overqualified. Galing siyang amerika at dating nagtatrabaho sa World’s Children International. Nalaman niya na affiliated ang Future Hope kaya nag-apply siya. She said she’s okay with a simple position dahil ang nais naman daw niya ay makatulong sa mga bata,” proud na sabi ni Wilma at nagsimulang ibida ang laman ng resume ni Ria.           Napatingin siya sa matandang babae. Worked for a foundation? At paano naman kaya ito napayagan ng mga magulang nito? He thought she must be married to some rich guy in the states. O paraan na naman nito iyon to get loose for a while? He smirked bitterly. Kung anu-ano man ang dahilan nito ay wala na siyang pakielam.           Nagpaalam na si Wilma na may kakausapin saglit. Tumango siya. Nang lumayo ito sa kanya ay hindi na naman niya naiwasang hindi hanapin si Ria. She’s already on the table where the children were eating. And so is the guy who was still holding on to her arm. May sumulak na namang galit sa dibdib niya sa nakikita.           Before he could stop himself and analyze what the hell was happening to him, he started to walk to them.                     BAKIT ba ang kulit ng lalaking ito? Frustrated na sabi ni Ria sa sarili. Wala siyang planong makipagmabutihan sa kahit na sino ngunit ang lalaking ito ay ayaw siyang tantanan. Hinayaan na niya itong sumama sa kaniya hanggang sa lamesa ng mga bata. At base sa tuwa ng mga bata at pagtawag ng mga ito rito ay nalaman niyang isa palang artista ito. Pero ano ba namang malay niya sa mga artista sa pilipinas? Bukod sa kauuwi lamang niya ng pilipinas ay nagbubukas lamang siya ng telebisyon kapag balita.           “So kids pwede ko ba munang hiramin si tita Ria?” nakangiting sabi nito sa mga bata. Hawak na naman nito ang braso niya. Tinukso sila ng mga bata kahit ang gusto niya sana ay sabihin ng mga itong hindi. At dahil nasa harap sila ng mga bata ay hindi niya ito lantarang matanggihan. Tangkang aakayin na siya nito palayo nang makarinig sila ng boses.           “I believe you could not borrow her since she’s currently working Bien,” anang baritonong boses na kilalang kilala niya. Awtomatikong sumasal ang t***k ng puso niya lalo na nang maramdaman niya ang presensya nito sa likuran niya. Her body tensed up.           Ilang sigundo ang pinalipas niya bago siya lakas loob na lumingon sa likuran niya. And there she saw Greg, standing just few inches from her. His face is grim while looking straight at Bien. Kahit nakakaintimidate ang aura nito sa mga oras na iyon ay wala siyang naramdamang takot para dito. Kung may nararamdaman man siya sa mga oras na iyon ay dalawang bagay lang. Longing and love.           Bahagyang tumawa si Bien na napansin niyang nailang sa presensya ni Greg. “Oh come on this is a party. There’s nothing wrong if we mingle a bit,” katwiran ng lalaki na hindi pa rin siya binibitawan.           Lalong nagdilim ang mukha ni Greg. This time, she was sure he’s angry. Then his eyes darted on her arm where Bien is holding her.  Pagkuwa’y muling tumingin sa lalaki. “Of course there’s nothing wrong,” he said in a quiet voice.  “But you have a lot of people to go to now aren’t you? Everyone is waiting for you and wanting to talk to you. There is no way they will like it if they see you with some woman,” kaswal na sabi nito at tinapunan siya ng sulyap.           She wanted to wince. Some woman? Ganoon na lamang ang tingin nito sa kanya? Nakita niyang bumakas ang pagaalinlangan sa mukha ni Bien. Bahagya ring lumuwag ang hawak nito sa kanya.           “But if you still worry then –” napasinghap siya nang biglang hawakan ni Greg ang isa niyang braso at hatakin palapit dito. Bahagya siyang nabundol sa katawan nito. Nabitawan siya ni Bien. “I’ll be her company,” suhestyon ni Greg na may halong pinalidad. Na para bang walang sino man ang pwedeng bumali roon.           Tumikhim si Bien at bumaling sa kanya. May alanganing ngiti sa mukha nito. “Then, see you later Ria.” Tinanguan niya ito. Pagkuwa’y lumakad na ito palayo. Nakita nga niya na maraming sumalubong rito. Sa isang iglap ay napalibutan na ito ng mga babaeng bisita.           “Don’t tell me nanghihinayang ka pa na pinaalis ko siya?” sarkastikong pukaw ni Greg na humigpit ang hawak sa braso niya.           Napakurap siya sa sakit ng hawak nito at tiningala ito. She met his eyes. Anger and coldness were written on it. Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Nababanaag niya ang galit sa mga mata nito para sa kanya. But she braced herself. Hindi siya dapat maintimidate dito. Hindi siya gaya ng ibang tao sa paligid nito. She knew him better than them. And she loves him more than anyone else. And he has to know it somehow.           “Of course not. In fact, nagpapasalamat ako sa iyo sa ginawa mo. I have been trying to get away from him pero hindi ko magawa. You are my savior,” aniya rito na bahagyang lumabot ang boses ng sabihin ang huling pangungusap. Because for her, that sentence means so much. Hindi lang basta pagliligtas sa isang alanganing sitwasyon ang nagawa nito sa kanya.           Tila may dumaang kakaibang damdamin sa mga mata nito. Ngunit saglit lamang ay nawala na iyon at napalitan ng aloofness na sa tingin niya ay imahinasyon lamang niya ang nakita niya. Muli nitong pinisil ang braso niya. Napangiwi siya sa sakit. Mahina itong nagmura at mabilis siyang binitawan. As if, he was battling with something she could not phatom. “It’s not that I intend to save you. It just doesn’t look good that a staff of the foundation is flirting with a guest. And why are you doing a blue collar job anyway princess? Sa pagkakaalam ko naman ay hindi nawala sa kapangyarihan ang pamilya mo na tulad ng gusto nila hindi ba?” puno ng panguuyam na sabi nito. Nasaktan siya sa paraan nito nang pagbigkas sa endearment nito dati sa kanya. Na para bang napakapait niyon sa panlasa nito. “I’m – I’m no longer a princess. I am living on my own the way I want it since I went to the states. Hindi na ako pumapayag na pakielaman ng mga magulang ko. I’m just… normal now,” mahinang sagot niya na hindi inaalis ang tingin dito.           Hindi ito nagsalita at nanatiling nakatitig sa kaniya. Hindi niya mabasa ang naiisip nito. Hindi tulad noon na halos bawat galaw nito ay alam niya ang ibig sabihin. It was as if there is a huge wall between them. Well, mayroon naman talaga. A ten year old wall. Pagkalipas ng ilang sandali ay walang emosyong nagsalita ito. “Good for you then. It doesn’t concern me though.”           Hindi niya maiwasang makaramdam ng sakit sa malamig na sagot nito. Na para bang wala naman talaga itong interes sa sinasabi niya. Noon ay bihira ito magkaroon ng ganoon katipid na sagot. He has always been talkative, always willing to tell her stories about almost everything. He’s always prepared to encourage her whenever she opened up to him. Hindi na niya makita ang lalaking iyon sa taong nasa harap niya. He even looks so bored in fact. Kung hindi lamang sumisikdo ang puso niya na tulad ng pagsikdo niyon noon ay magdadalawang isip siya kung si Greg na minahal nga ba niya ang nasa harapan niya o hindi. Aside from his gorgeous face, he seems to be a different person.           She stared at him. Sinalubong nito ang tingin niya. Then his lips twitched. “What’s with that look? Do you expect me to say more? I’m sorry to tell you that I’m no longer the nobody you knew before,” sabi nito. Hindi nakaila sa kanya ang pait sa bawat salitang binitiwan nito. “And I’m no longer stupid.”           Napalunok siya.Tila may kamay na pumipiga sa puso niya sa mga oras na iyon. “I-I know. I always knew you would be great someday. And now you are,” she soflty said.           Naging matiim ang titig nito. “Really? Then why did you throw me away like trash then?” matalim na tanong nito.           Napamaang siya rito. I did not!             Bago pa siya makasagot ay may tumawag na rito. Napalingon siya sa magandang babaeng papalapit sa kanila. “Greggy darling, good to see you here!” masayang sabi nito. At sa panlalaki ng mga mata niya ay kumapit ito sa batok ni Greg at binigyan ang binata ng smack sa mga labi. Hindi siya nakatinag.           “Sylvie. I didn’t know you’re into charity,” bati rito ni Greg ni hindi tinangkang alisin ang braso ng babae. Isang tingin pa lang ay alam na niyang may kakaibang namamagitan sa dalawa. Nais niyang tumalikod sa mga ito ngunit hindi niya maigalaw ang mga paa. Tuloy, she looks so stupid watching them.           Sylvie laughed seductively. “Oh, I can do anything as long as I can see you darling,” prankang sabi nito.  Tipid lamang na ngumiti si Greg. Kumalas sa leeg nito ang babae at kumapit sa braso nito at biglang tumingin sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagsuyod nito ng tingin mula ulo hanggang paa niya. At mukhang wala naman itong balak itago iyon. “Oh, you’re talking with someone darling?” baling nit okay Greg.           Tumingin sa kanya si Greg. “Just checking the new staff. She’s newly hired and I want to see if she’s worth the money we donate to pay for her. You can go back to what you’re doing now Miss Atienza,” anito sa kanya at inakay ang babae. She saw the victorious glint on the woman’s eyes bago ito tuluyang tumalikod kaagapay si Greg.           Naiwan siyang hindi pa rin nakapagsalita. Nainsulto siya sa sinabi nito ngunit ano namang magagawa niya? Totoo namang ang mga donasyon ng mga mayayamang guest doon at kaunting government support ang nagpapasweldo sa kanilang staff sa foundation na iyon. Ganoon ang kapalaran ng buhay na pinili niya. Napasunod siya ng tingin sa dalawa na magkadikit pa rin ang katawan. She could not help but flinched while looking at them. Was that Greg’s girlfriend? Mukha. Napakaganda at napakasexy ng babae. Parang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib niya habang nakasunod ng tingin sa dalawa.           Habang naglalakad ang mga ito ay nakita niyang kinalas ni Greg ang braso sa pagkakahawak ng babae at pinadulas iyon sa baywang ng huli. Her eyes slightly grew wide when she saw his hands went down to the woman's butt, almost touching it bago mabilis na inangat rin iyon sa baywang nito. The woman looked up to him with a dreamy smile.  Marahas na iniwas niya ang tingin.  Hindi ba ito ang nagsabi kanina sa kanya na hindi dapat nakikipagflirt sa party na iyon dahil para sa mga bata ang party? Then what is he doing?!           Ngunit bigla ring nawala ang inis niya. Napalitan ng lungkot. Ano naman ang karapatan niyang magalit kung gawin nito iyon sa kasintahan nito? They were no longer related to each other. And what is she thinking anyway? That he still feels the same way he felt for her before? After everything that happened? Masyado naman siyang ambisyosa para umasa. Besides, sinabi naman niya sa sarili niya bago siya umuwi ng pilipinas na sapat na sa kanya na tingnan ito sa malayo. That she wished for his happiness with someone else. Bakit ngayon ay para siyang tinutusok ng karayom ang dibdib niya sa nakita? Huminga siya ng malalim. Siya lang naman eh. Siya lang naman ang hindi makamove on move on. Because till now she loves nobody else but him.  Habang ito ay marami ng babaeng dumaan sa buhay nito. And now, he has a girlfriend.           Napabuntong hininga siya. That’s the consequence of her decision to leave him years before. Dapat ay makuntento na lamang siya na nakikita niya itong successful. Yeah, that should be enough isn’t it?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD