NAGINAT si Ria at ginalaw galaw ang ulo upang bahagyag marelax ang mga muscles niyang nanigas na sa maghapong pagkakayukyok niya sa lamesa niya. Kaninang umaga pa kasi siya abala sa pagfafile ng mga profile information ng mga batang nasensus nila sa iba't ibang lugar sa maynila na maaring maging grantee ng scholarship na ipapamigay nila sa taong iyon.
Mahigit limangdaan ang nasensus nila. Mula roon ay kinailangan niyang ifile ang mga profile ng mga batang nasa elementarya at nasa high school. Mula sa limang daang iyon ay kailangan lamang nilang pumili ng isang daan. Limampu sa elementarya at limampu sa high school. At sa totoo lamang ay mahirap magdesisyon kung sino sa mga batang iyon ang bibigyan nila ng scholarship. But they have no choice since their budget is limited.
Nasa ganoong ayos siya nang lumapit sa cubicle niya si Mrs. Zapanta. "Tired already Ria?" nakangiting tanong nito.
Nginitian niya ito. "A little. But I can still handle. Malapit na ang schedule ng granting ceremony hindi ho ba? Kailangang mafinalize na ang list ng mabibigyan ng scholarship. For sure din ay hinihintay ng mga bata ang resulta. Kaunting buwan na lang naman kasi ay magpapasukan na naman."
Proud na ngumiti ito sa kanya. "I'm glad that you are so into this Ria. Lalo ko tuloy naiisip na hindi bagay sa iyo ang posisyon mo ngayon. Mas bagay sa iyo ang maging secretary ng isang presidente ng kumpanya o ng kung sinong powerful personality," pabiro pang sabi nito.
Tumawa siya. "I still prefer to take care of the kids that do that," aniya.
Gumanti ito ng tawa. "Anyways hindi naman tayo ang may last say sa kung sino ang magkakaroon ng grant. The founder is still the last to decide. All you have to do is prepare a list of the 200 most deserving in your opinion, file it according to school year level and that's it. "
Awtomatiko siyang nakaramdam ng curiousity pagkarinig sa founder ng foundation. "So buhay pa pala ang founder ng Future Hope. Why is it that I haven't seen him on our fund raiser party?" pabirong tanong niya.
Bumakas ang pagkabigla sa mukha ni Mrs. Zapanta. Pagkuwa'y natawa. Bigla naman siyang nalito. "Oh my, that's so funny Ria. Of course he was there. Well, hindi rin naman alam ng madla kung sino ang founder ng Future Hope. He wants to remain as anonymous as possible. Anyway, kailangan mo namang dalhin sa kaniya iyang ginagawa mo mamaya so you will meet him for sure. Pasensya ka na kung kailangan mong magovertime ha? Around nine p.m lang kasi siya libe kapag ganitong weekdays," apologetic na sabi nito ngunit may pilyang kislap sa mga mata.
Ngumiti na lamang siya at tumango kahit ang totoo ay nadismaya siya. Kung kailangan niyang hintayin ang founder nila ng alas nuwebe ng gabi ay hindi na niya maabutan ang primetime news ni Greg. Sa balita na nga lang niya ito nakikita.
Ilang linggo na rin mula nang makita niya ito ng personal. At kahit walang matinong pag-uusap na nangyari sa pagitan nila ay hindi niya pa rin maiwasang mahiling na sana mas naging matagal pa ang pag-uusap nila. Ngunit hanggang sa matapos ang party ay hindi na naghiwalay ito at ang nobya nito. Sabay pang umalis ang mga ito at ewan niya kung saan dumeretso. Ayaw na niyang isipin. Masasaktan lang siya.
Napukaw ang atensyon niya nang muling ngumiti si Mrs. Zapanta. Sa pagkakataong iyon kasi ay tila may laman ang ngiti nito, hindi lamang niya mawari kung ano. "Great, sige ituloy mo lang iyang ginagawa mo. Or better yet why don’t you take a coffee break? Ayain mo na rin si Eryz na nasa play ground pa rin kasama ang mga bata," alok nito.
"Tatapusin ko na lang ho muna ito. Malapit naman na."
"Okay."
Nang makaalis ito ay hindi niya naiwasang mapabuntong hininga. Wala sa loob na napatingala siya sa wall clock. Mag aalas singko na. Dapat ay labas na nila ng five thirty pero dahil marami silang ginagawa sa araw na iyon ay wala pang umuuwi sa kanila. At siya ay kailangan pang ihatid ang mga papeles na ginagawa niya sa founder ng Foundation na narealize niyang hindi man lang sinabi ni Mrs. Zapanta sa kanya ang pangalan. Ipinilig na lamang niya ang ulo at muling naginat. Pagkuwa'y muling itinutok ang atensyon sa mga papel na nasa harap niya.
HINDI naiwasan ni Ria ang pagbundol ng kaba nang mapatingala sa mataas na building ng numero unong tv station sa bansa. Ayon kay Mrs. Zapanta ay doon daw niya matatagpuan ang founder ng Future Hope. Nang tanungin niya ito kung ano ang pangalan nito ay sinabi lang ng matandang babae na hanapin niya ang nagngangalang Del na siyang assistant daw ng kakatagpuin niya. Kahit na gusto na niya itong sawayin sa pa-surprise effect nito ay hindi naman niya magawa. She was afterall, her superior. Bumuntong hininga na lamang siya at tuluyan nang lumapit sa guwardya.
Katulad ng sinabi ni Mrs. Zapanta, nang sabihin niya ang pangalan ni Del at kung saan siya galing ay agad na siyang pinapasok ng guwardiya at sinabihan ng direksyon. Maliwanag ang corridor na naadornohan ng mga light boxes kung saan nakapost ang mga larawan nang mga personalidad ng news and public affairs nang istasyon.Hindi niya naiwasang makaramdam ng kaba. Taga istasyong iyon si Greg. Paano kung aksidenteng makasalubong niya ito roon? Naiisip pa lamang niya ang posibilidad na iyon ay ayaw nang magtigil sa pagsirko ng puso niya.
Hanggang sa marating niya ang pinakadulong glass door sa floor na iyon kung saan ayon sa guwardiya ay makikita niya si Del. Lalong kumabog ang dibdib niya nang mabasa ang nakasulat sa malaking golden plate sa labas ng pinto - ang pangalan ng primetime news program kung saan kabilang si Greg. Napahinto tuloy siya sa harap niyon at napahinga ng malalim. Bigla siyang ninerbiyos. Bakit ba? Hindi naman si Greg ang ipinunta niya roon.
"Miss, may kailangan ka ba?" pukaw sa kanya ng isang security guard na mukhang nakapuwesto sa parteng iyon.
Nilingon niya ito at tipid na ngumiti. "Hi, I'm looking for Del. I'm from Future Hope Children's Foundation," pakilala niya.
"Ah, sige ho, umupo muna kayo. Malapit na ring bumalik sila ma'am Del dito," sabi naman nitong tila naintindihan na ang lahat. Itinuro pa nito sa kanya ang isang mahabang sofa na nasa loob ng silid. Muli niya itong nginitian at umupo sa sofa.
Saglit niyang iginala ang paningin sa paligid. Mula sa kinauupuan niya ay natatanaw niya ang dikit dikit na cubicle. May mangilan ngilan lamang na tao roon ngunit abala naman sa kung anong ginagawa. Manaka nakang may naglalabas masok roon at ni hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. Dahil doon ay itinutok na lamang niya ang pansin sa mga papeles na dala niya. Tulad ng sabi ni Mrs. Zapanta ay finile niya iyon ng maayos upang madali iyong mababasa at maiintindihan ng founder.
Nasa ganoon siyang posisyon nang maramdaman niya ang pagkataranta ng mga tao sa silid na iyon. Pagkuwa'y biglang tumahimik at ang naririnig na lamang niya ay yabag ng mga paa. Noon niya narinig ang boses ng guwardiya.
"Good Evening maa'm Del, may naghahanap po sa inyo."
Noon siya nag angat ng tingin. Nakita niya ang isang may katangkaran at kapayatang babae. Maganda ito sa kabila ng may kakapalan nitong salamin na may frame na kulay itim. A very prim and proper looking woman. She looks familiar. Ngunit hindi niya matandaan kung saan at paano niya ito nakita. Nang tumingin ito sa kanya ay ngumiti siya at tumayo na rin.
"You are looking for me?" she inquired.
"Yes. I'm Ria from Future Hope. Mrs. Zapanta made me deliver these papers that the founder needs to look at," sagot niya rito.
"Oh," anito at inabot ang mga papel. Sinasabi niya rito kung ano ang mga iyon habang pinapasadahan nito iyon ng tingin. Biglang nagliwanag ang mukha nito at tumitig sa kanya. "Wow, you organized all of these?" sabi nitong bahagyang tumaas ang tinig na sa tingin niya ay dahil sa excitement. Alanganing tumango siya. Malawak itong napangiti na parang nakahinga ng maluwag. Marahil ay natuwa ito na hindi na nito kailangan pang ayusing ang mga papeles na dalawa niya.
"Bago ka lang sa Future Hope?" tanong na naman nito. Muli ay tumango siya. "Hmm," tila naman nag-isip ito. Nasa ganoong akto ito nang muling may batiin ang guwardya. This time ay napansin niyang seryoso ang pagkakabati nito.
"Where's Del?" tanong ng baritonong boses na kilalang kilala niya.
Halos sabay pa silang napalingon ni Del sa nagsalita. Her heart did a somersault when she saw him, this time on a full black suit that made him look more formidable than ever. At nang mapalingon ito sa kanila at magtama ang kanilang mga mata ay huminto ito sa paglakad. Katulad ng dati ay saglit lamang bumadya ang pagkabigla sa mga mata nito. Pagkuwa'y napalitan ng kung ano pang emosyong hindi niya mabigyan ng pangalan. But this time, he didn’t turn away. Hindi niya alam kung ano ang iisipin, she just stared back at him, as if it was the most natural thing to do.
"Ah Sir, taga Future Hope po. She brought the papers that you have to look up to," sabi ni Del na lumapit pa dito.
Noon lamang nito binalingan ang babae. Kinuha nito ang mga papeles. Bigla siyang nalito. Why was Greg holding the papers that's suppose to be for the founder of Future Hope? Then a thought hit her. Nanlaki ang mga mata niya habang nakatitig rito.
Si Greg ang founder ng pinapasukan niyang foundation? Kaya ba ito ang special guest sa nakaraang fund raiser party? At kaya ba, nang masabi niya kay Yuuji kung saan siya nagtatrabaho ay tila natigilan ito? It all makes sense now. But, as far as she remembered, putting up a foundation was never part of his plan. It was…. her dream.
Ipinilig niya ang ulo. No, for sure he has his own reasons. At siguradong hindi siya kasama sa rason nito. Ngunit sa tagong parte ng pagkatao niya, ay may munting tinig na humihiling na sana, nang itatag nito ang foundation na iyon ay naisip siya nito kahit sandali lamang. That's all she asks for.
Napatingin siya kay Greg na saglit na pinasadahan ng tingin ang mga papel at muling lumakad papasok. When he walked in front of her, she smelled his natural scent that she could never forget. She sighed. Despite his success and fame, he's still not wearing any perfume. At least, there is still a part of him that hasn’t change. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng relief dahil doon.
"Follow me Miss Atienza," hindi lumilingong sabi nito na nagpagising sa diwa niya.
"Ah, yes," may bahid ng tarantang sabi niya at lumakad pasunod rito. Kaagapay naman niya si Del na may kakaibang tingin sa kanya. Ang balak niya ay ignorahin lamang ito. Ngunit sa huli ay hindi rin siya nakatiis. "Why are you staring at me like that?" alanganing tanong niya.
"Well, nagulat lang ako na kilala ka na ni Sir. He rarely calls people by their names or surnames. I even bet he doesn’t know all the staff here by name. In this office ako lang ang tinatawag niya sa pangalan," sabi nito.
Saglit siyang natigilan bago nakasagot. "Oh, that's - that's because we already met at the Fund Raser party," dahilan niya. of course hindi niya maaring sabihin na may nakaraan sila ni Greg. For sure, Greg never mentioned it to her either.
Tumango tango naman ito. Nang pumasok si Greg sa isang silid na marahil ay opisina nito ay pinauna pa siya ni Del na pumasok roon bago sumunod sa kanya. Nakita niyang hinubad ni Greg ang coat nito at niluwagan ang neck tie. Pagkuwa'y pabagsak itong umupo sa swivel chair nito na tila pagod na pagod. Hindi niya maiwasang makaramdam ng simpatya para dito. He looks so tired. At mukhang kinukulang din ito sa tulog. Mukhang nakakastress talaga ang trabaho nito.
Si Del naman ay mabilis na kumilos at may kinuhang mineral water sa lamesa at inabot kay Greg. Walang salitang ininom nito iyon pagkuwa'y tiningala si Del. "Ikaw na muna ang mag meeting sa staff na nasa labas. Then when everything is clear ay pauwiin mo na sila."
"Yes sir," sagot ni Del at mabilis na ring lumabas ng opisina at isara ang pinto. Naiwan silang dalawa ni Greg doon. Suddenly, she felt nervous more than ever. Napagsalikop niya ang mga kamay sa harap niya sa kaba. And when he looked at her, she felt as if her knees were about to lose its strength. His gaze was cold and hot at the same time.
"What are you doing? Sit down," walang anumang sabi nito.
Awtomatiko niyang inikot ang paningin. Maliit lamang ang opisinang iyon at ang maari lamang niyang upuan ay ang silyang nasa pinakatapat ng lamesa nito at ang sofa sa likuran niya na malapit sa pinto. She chose to seat on the latter. She saw his eyebrows darted a little upward ngunit hindi naman nagkomento at tiningnan na ang mga papel na nasa harapan nito. "You have to wait for these para madala mo na rin pauwi. Del and I are very busy and we have no time to bring this to Future Hope. Ikaw na lang ang magdala nito," hindi tumitinging sabi nito.
"Okay," tipid na sagot niya at pasimpleng huminga ng malalim upang pawiin ang kaba. The atmosphere around now that they are alone makes it hard to breathe. Inabala na nito ang sarili sa pagbabasa ng mga inayos niyang profile ng mga bata at siya naman ay walang ibang magawa kung hindi ang titigan ito. Wala siyang nararamdamang pagkainip. She loves staring at him anyways.
Kaya naman napaigtad pa siya nang may kumatok sa pinto. Napalingon siya roon. Sumungaw si Del. "Sir, I just dismissed them. May kailangan pa po ba kayong ibilin?"
"Wala na. Puwede ka na ring umuwi Del," sabi rito ni Greg na may bahagyang ngiti sa mga labi.
Saglit na bumakas ang pagkabigla sa mukha ni Del bago tumango. Muli ay silang dalawa na lamang ang naroon. Ni hindi siya nito tinapunan ng tingin at ipinagpatuloy ang ginagawa. He seemed to be concentrating seriously kaya hinayaan na lamang niya ito.
Makalipas ang hindi niya alam kung gaano katagal ay sumandal ito sa swivel chair nito. The papers were already piled in two sets in front of him. Then he looked at her. "This is done. The left one will be the children that will receive the scholarship. The one on the right will be the next project of Futute Hope. Pakisabi kay Wilma na hanapan ng sponsor ang mga batang ito," sabi pa nito na tinapik ang mga papel sa kanan.
Tumayo siya at tumango. Nagsimula siyang lumakad palapit dito sa kabila ng panginginig ng tuhod niya. Paanong hindi kung ganoon ito katiim makatitig sa kanya habang naglalakad siya? Nang sa wakas ay nasa harapan na siya nito ay tipid siyang ngumiti. "Then, I'll take these," aniya sa pilit pinakaswal na tinig. Dumukwang siya upang abutin ang mga papel. Tumakip ang mahabang buhok niya sa mukha niya nang gawin iyon.
Wala na siyang balak pansinin iyon. Ngunit napasinghap siya nang biglang umangat ang kamay nito at hawiin ang buhok niya para sa kanya. The feel of his hand touching her hair was electrifying. Awtomatikong napatingin siya sa mukha nito. At hindi niya alam kung magsisisi o hindi nang makitang ga dali lamang ang layo ng mukha nila sa isa't isa. Pakiramdam niya ay tatalon na ang puso niya palabas ng dibdib niya nang masalubong ang mga mata nito.