“WHAT the hell is happening to you Greg? You’ve been like this for days already! You are insulting me!” tili ni Sylvie na padabog na bumango sa kama at mabilis na nagbihis.
s**t. Frustrated na ibinagsak ni Greg ang katawan sa kama. Hindi na siya nagtaka kung nagagalit ito sa kanya. Ilang beses na silang nakarating sa kama ngunit sa tuwina ay walang nangyayari. He never gets excited anymore. And whenever he tries to kiss her, whenever he touches her, a vision of someone else’s face keeps on materializing on his mind.
Then his senses suddenly remember the taste of someone else’s lips, the feel of someone else’s skin. Pagkuwa’y makakaramadam siya ng guilt kahit kung tutuusin ay wala namang kaguilty guilty sa ginagawa niya. He was single with very active hormones. But he feels guilty just the same. So, how in hell could he get aroused with all those things bugging him?! No, isa lang talaga ang nakakapagpagulo ng isip niya. Isa lang. Si Ria.
“I hate to say this Greggy, but I think you have to let yourself get checked by a doctor. You seem to be losing it at that age. Then if you’re already cured call me again and compensate me sa lahat ng pambibitin mo sa akin,” sabi nito na lumapit pa sa kanya. She gave him a wet kiss on the lips then went out of his unit.
Iritableng pinunasan niya ang mga labi. He suddenly felt disgusted by her. In fact, he suddenly felt disgusted by everything. Damnit! Iritableng bumangon siya. Si Ria ang may kasalanan ng lahat.
Bakit ba kasi nagpakita pa sa kanya ang babaeng iyon ng bigla bigla? He was totally caught off guard. Samantalang matagal na niyang plinano ang magiging reaksyon niya kung sakaling magkita sila. He will just look at her as if she’s just a fling that came in his life and that’s it. He will be cool about seeing her, emotionless even. Ngunit walang nasunod ang plano niyang reaksyon. He felt defenseless when he saw her.
At ang mas nakakainis ay bakit ganoon ang naging reaksyon niya nang makita ito. It was as if… as if, he missed her. And when he was near her, he had the urge to grab her and put her close to him. When he held her arm, he fought hard not to hug her and kiss her senseless. Tuloy ay napapahigpit ang hawak niya rito. Which is wrong. So damn wrong! She hurt him! She made a fool out of him. There is no way he feels strongly for her still. After these years, after ten f*****g years! No way in hell!
It was then his cellphone rang. Magaspang na hinablot niya iyon mula sa bedside table. Hindi tinitingnan ang screen na sinagot niya iyon. “What?!” iritableng tanong niya.
“Whoah! Ang init ng ulo mo. Well, palagi namang mainit ang ulo mo lately,” sabi ng nasa kabilang linya na dinugtungan pa ng malakas na halakhak.
Napabuntong hininga siya nang marinig ang pamilyar na boses ni Yuuji. Maingay sa background nito. He was even sure he heard his other friend’s voice. Then, they must be together.
Kailan lamang sila muling nagkitakita dahil kailan lang umuwi mula amerika si George at Aio. Siya naman ay palaging busy at bihira magkadayoff na gaya sa araw na iyon. Naihilamos niya ang palad sa mukha niya. Why is he getting irritated so much anyway?
“And that was a long and deep sigh. Day off mo bakit parang pagod na pagod ka diyan?” natatawang pa ring sabi nito.
“I am tired,” he pointed out. “I spend the day by attending Future Hope’s Fund Raising Party,” dugtong niya.
Saglit na hindi ito umimik sa kabilang linya. “Sa Future Hope?” tila naniniyak na tanong nito.
Natigilan siya. “Yes. Why?” takang tanong niya.
Tumikhim ito. “Well, wala naman.”
Napakunot noo siya. Imposibleng wala iyon. Yuuji only hesitates like that everytime he knows something. “Pare, I know you. Spill it out bago lalong maginit ang ulo ko.”
Muli ay tumikhim ito. “Well, did you see… did you see Ria on the party?”
Natigilan siya sa tanong nito. “How did you know she’s there?”
“Well, nakita ko siya sa Sweet Fantasy noong nakaraan bumili ng cupcakes para sa mga bata. Doon niya nasabi sa akin na sa Future Hope nga siya nagtatrabaho. Should I told you?” alanganing tanong nito.
Hindi siya nakaimik. Was it better if Yuuji told him? Yes it should have been. Di sana hindi siya nabigla. But then hindi rin naman niya masisisi ang kaibigan niya kung mas pinili nitong huwag na lamang iyong sabihin sa kanya. No one mentioned her after what happened to him. “Nah, don’t mind it. What is this call for anyway?” pag-iiba niya ng usapan kasabay ng pagtayo. It is better to just stop thinking about her. Lumakad siya palabas ng silid niya patungo sa kusina.
“Well, we are in a bar near your unit pare. Kumpleto ang barkada. Baka gusto mong magpakita sa amin? Kung hindi susugurin ka namin diyan,” sabi nitong tila nakatunog sa ginawa niya.
Napahinto siya sa tangkang pagbubukas ng refrigerator. Hell why not? Mas mabuti pang makipagkita na lang siya sa mga kaibigan niya kaysa kultahin ang isip sa mga alaala ng nakaraan.
“Fine. Where’s that?” tanong niya. Sinabi naman nito ang pangalan ng bar. “I’ll be there in fifteen minutes.”
“GREGORIO!” nakangiting bati sa kanya ni Cedric nang makalapit siya sa lamesa kung saan naroon ang mga ito. Kumpleto ang mga barkada niya mula pa noong kolehiyo.
Tipid siyang napangiti. “Pare, congratz on winning the Asia Road Race Championship,” aniya rito at nakipagbungguan ng kamao. Cedric is now a professional international superbike racer. Sa kanilang lahat ay ito lang ang tumuloy sa pagiging professional racer.
Tumawa ito. “No sweat,” mayabang na sabi nito. Ngunit alam nilang lahat na may katotohanan ang sinabi nito. Minamani lang nito ang pagkarera. Noong college sila, kapag kasali silang lahat sa race ay alam nilang hindi nito sineseryoso iyon. Kaya madalas ay sila ang nananalo.
Umupo siya sa tabi ni Aio. “And how’s your angel?” tanong niya rito.
Ngumiti ito.”Still a pain as ever. But nothing that I can’t handle,” sabi nito dahilan upang kantyawan ito nila Yuuji at Cedric. Base naman kasi sa pagngiti nito ay mukhang hindi naman ito nahihirapan.
Hindi niya alam kung matutuwa para dito o mapapailing. When they were in college, Aio met a girl named Angelique. Noong una ay sinasabi sa kanila ni Aio na wala lang rito ang babaeng iyon. But as the days passed by, they all noticed how Aio fell for Angelique. Akala nila ay magkakatuluyan na agad ang mga ito. But for some reason ay nagkahiwalay ang mga ito. Aio went to the States at sila ay hindi na nagkaroon ng balita sa babae. Then they saw her again on their batch’s alumni homecoming. And the rest is history. He’s a lucky guy, to be able to find a woman like that.
Ipinilig niya ang ulo. Muntik na namang mapunta sa kung saan ang takbo ng isip niya. Tinawag na lamang niya ang isang waiter at umorder ng maiinom.
“Himala pala at nagka day off ka,” puna ni George sa kanya.
Nagkibit balikat siya. “Yeah,” tipid na sagot niya. “Ikaw? Himala rin na nakatakas ka sa opisina mo Mr. CEO,” may tipid na ngiting komento niya rito.
Tumawa si Yuuji. “He’s no longer as workaholic as you Greg. Mas mahaba pa nga ang oras niyang kasama si Patricia kaysa sa opisina niya,” pangbubuking nito.
Nagkibit balikat si George. “Patricia is more important than my job,” balewalang sabi nito.
Muli ay hindi niya maiwasang makaramdam ng pait. Mabuti na lamang at dumating na ang order niyang brandy. Mabilis na sumimsim siya roon. Didn’t he think that Ria is the most important among anything else in the world then too? Ngunit hindi tulad ni Patricia na walang ibang minahal kung hindi si George, Ria never loved him.
Sumipol si Yuuji. “Wow, parang kailan lang kung makadeny ka ng nararamdaman mo sa kanya ay parang krimen iyon ah. Ngayon may paganyan ganyan ka na,” biro nito. Tumawa si Aio.
“Isa ka pa Aio,” natatawang sabi ni Martin.
“Hey are we going to talk about your women the whole night?” iritableng singit ni Jet sa usapan. Mukhang tulad ng dati ay naiirita ito kapag ganoon ang usapan. And honestly he felt thankful to him because of that. Hindi na kailangang siya ang sumaway sa mga kaibigan niya. Dahil kung siya ang gagawa niyon ay malabong hindi mabuksan ang nangyari sa kaniya noong college sila.
Nang araw na bugbugin siya ng mga tauhan ni Ruelito Atienza at iwan siya ni Ria na parang wala lamang rito ang lahat ay halos hindi na siya makagalaw. He remembered he even lost consciousness then. When he woke up he was already on his apartment. His body and face aching.
Nalaman niya na dumating pala sila Martin, Aio at Yuuji para tulungan siya. Ang mga ito ang nag-uwi sa kanya at sa motosiklo niya. They never asked him questions. Marahil ay dahil alam na nito ang nangyari sa kanya. Binalaan na siya ni Martin nang tumawag ito sa kanya noon nasa resort sila sa kung ano ang maaring mangyari. Pinaghandaan naman na niya iyon. Kung sakit ng katawan ay ano lang naman ba iyon? Sanay siya sa bugbugan. Noong high school siya ay hindi iisang beses na napasabak siya sa rambulan. Noong kolehiyo na nga lang siya tumino kahit papaano.
Isa lang naman ang hindi niya napaghandaan at talagang nagbigay sa kanya ng matinding sakit. Ang malaman mismo sa bibig ni Ria na kahit kailan ay hindi siya nito minahal.
Lampas isang linggo siyang hindi pumasok sa eskwela dahil hindi agad naghilom ang mga sugat niya sa katawan at dahil ayaw niyang makita si Ria. Because if he do, he was sure he could not control his anger. Dahil doon ay naapektuhan ang grades niya sa ibang subjects niya dahil exam week iyon. Himbis na mag summa cumlaude siya ay naging magna c*m laude na lang siya. Well, that time, he doesn’t care about recognition anymore.
Bukod pa doon ay nalaman niyang nagdrop na si Ria at nagpunta ng amerika. She was such a coward leaving like that. Ngunit kung akala nito ay malilimutan niya ang lahat ng nangyari dahil lamang bigla itong nawala ay nagkakamali ito. Not once did he think of getting revenge. Not once did he think of making sure that one day, he will face her parents and show them how far he went. Hindi iisang beses na naisip niyang magkakaharap sila balang araw at makikita na nito kung sino na ang lalaking niloko at pinaglaruan nito.
“Oo nga pala. May naisip kasi akong magandang ideya ngayong kumpleto na tayo ulit dahil wala ng balak bumalik ng amerika itong dalawang ito,” sabi ni Yuuji na nakapagpabalik ng isip niya sa mga ito. Itinuro pa nito si Aio at George pagkasabi niyon.
“What idea?” tanong niya.
Kumislap ang mga mata ito. “We could do what we used to do back in college again. Buo pa rin naman ang mga bikes natin hindi ba? Jet is still racing in underground races kaya hindi tayo mahihirapang sumali ulit. Para din ito sa inyong mga maraming trabaho to loosen up a bit. Naawa ako sa inyo eh,” anitong tumawa pa. Sa kanilang lahat, ito pa rin ang hindi nagbabago. He’s still as carefree as ever.
Alam nilang lahat na marami din itong inaasikaso bilang Presidente ng Sweet Fantasy chain of cake shops ng pamilya nito. Bukod doon ay ito rin ang nagcoconceptualize ng mga produktong ibinebenta ng shops ng mga ito. Ngunit sa kabila niyon ay parang palaging wala itong inaatupag sa buhay kung makaakto. Ni hindi nila ito nakikitang stress at bad mood. It was as if he has no problems whatsoever. A one hell of a carefree man, that’s what he is. Thinking back, he used to be like him too. s**t, here we go again brain.
Ibinaling na lamang niya ang tingin kay Jet. “So, illegal races are still in till now?” tanong niya rito.
Ngumisi ito. “Yep. And it’s better than when we were young. There are more opponents and higher prizes now,” sagot nito. “Why, are you going to report us?” pabirong sabi nito.
Ngumiti siya. “Of course not. It’s not my genre anyways. Just be careful not to get caught by other reporters though,” paalala niya rito.
Tumawa ito. “That you don’t have to worry. Yakang yaka ko ang mga reporters na iyan.”
“Don’t let your guard down Jet. May mga reporter na sadyang makukulit at nakukuha ang lahat ng gusto. Yuuji has a friend reporter like that,” ani George na umiling iling pa na tila may naalala.
Natawa si Yuuji. “Sino si Coffee? Makulit talaga iyon at malupet humanap ng balita. But don’t worry as far as I know, illegal racing is not her concern. Celebrity lang ang hinahabol habol ‘non. Besides, she’s currently busy with her model boyfriend. I heard they are on a vacation. At pareng George kung hindi dahil sa kanya hindi kayo magkakabati ni Patricia,” balewalang sabi ni Yuuji.
“Yeah I know that. But I actually thought you’re an item,” komento ni George.
“No of course not. Coffee and I will never get there. Masyado kaming… magkapareho. Besides, I don’t have a plan to get serious with a woman at this point in time. Ayoko pang magaya sa inyo ni Aio na masyadong mushy,” natatawang sabi pa nito pagkuwa’y isa-isa silang tiningnan. “Well, so much for that. Ano na? Who’s in?” tanong nito sa kanila. Saglit na walang nagsalita sa kanila.
“I like that idea. I’ve been itching to ride my Yamaha V-max on a race track again,” sangayon ni Aio.
“I’m in too,” sagot ni Martin.
“Well, I guess its fine to me, as long as I’m free,” sagot rin ni George.
“Kailangan niyo pa ba akong tanungin? I like everything that has got to do with racing,” sagot ni Cedric.
Nang hindi siya sumagot ay tumingin ang mga ito sa kaniya. “Ikaw Greg?” tanong ni Yuuji.
Sinaid niya muna ang baso niya bago umiling. “I’m not in. Masyado akong busy sa trabaho at wala akong panahong sumali sa ganyan,” tanggi niya.
“Come on Greg loosen up a bit. Mabilis kang makakalbo at magkakakulubot na balat kung palaging nakakunot ang noo mo at palaging parang galit ka sa mundo. Relax,” pangaalaska ni Yuuji.
Napailing siya. Kahit asarin siya nito ay hindi siya papayag. Kahit pa siguro marami siyang libreng oras ay hindi pa rin siya sasali sa naiisip ng mga ito. He stopped riding a motorcycle after that tragic day. Nakatambak na lang iyon sa garahe ng bahay ng isang kamag-anak. His motorbike contains a lot of memories he so wanted to totally forget, memories of his stupidity and memories of her. “I stopped riding my bike a long time ago,” tipid na sagot na lamang niya.
Hindi na umimik ang mga ito. Tumikhim si Martin. “Well, ganoon talaga. Besides Greg is already a public figure. It would be bad kung makita siya sa isang illegal race,” sabi nito.
Sumangayon ang lahat at nagsimulang magkwentuhan tungkol sa ibang bagay. Obviously trying to avoid the topic of what happened to him long ago. Ngunit kahit ganoon ay tuluyan nang napunta roon ang isip niya. No matter how hard he avoided it his mind always ends up with his memories with Ria.
Ria, Ria, Ria, geez, she keeps on bugging his mind near to insanity! He has to do something to totally eradicate her on his mind. Ah, maybe the reason she keeps on coming back on his mind is because he was hasn’t gotten even to her yet. Yes, if he could just get even, if he could make her feel how he felt then, kung magagawa niyang maiparamdam rito kung paano siya nagmukhang tanga nang dahil dito, then maybe, no definitely, she will totally leave him in piece. Yes, that’s what he will do.