Chapter 15

2719 Words
NASA playground ng foundation si Ria at abala sa pakikipaglaro sa mga bata kasama si Eryz nang makarinig siya nang paghinto ng isang sasakyan. Awtomatiko silang napatingin sa itim na bmw na huminto sa tapat ng building nila. At nang lumabas ang sakay niyon ay hindi niya napigilan ang pagsasal ng t***k ng puso niya. It was Greg, on his usual long sleeved polo and slacks, still formidable and gorgeous looking as ever. Pagkuwa'y sumunod na lumabas ng kotse si Del.           "Huh? Ano kayang ginagawa ni Mr. Ledesma dito? Madalas ay dalawang beses sa isang taon lang namin siya nakikita ah," takang tanong ni Eryz na nakatingin na rin pala sa mga ito. Bago pa siya makaisip ng isasagot ay nakita na niyang inilibot ni Greg ang paningin sa paligid. Pagkuwa'y huminto sa kanila. Napaderetso siya ng tayo sa paraan ng pagkakatingin nito. Lumingon na rin sa kaniya si Del na kumaway pa. Bigla siyang kinabahan nang lumakad ang mga ito palapit sa kanila ni Eryz. Siya ba ang kailangan ng mga ito? Then she remembered what happened last night. Awtomatikong nag-init ang mukha niya. "Hi Ria," bati ni Del sa kanya na katakatakang maaliwalas ang mukha. Kahapon ay mukhang pinagsukluban ito ng langit at lupa sa itsura nito. "Hello," alanganing ganti niya at pasimpleng tiningala si Greg. As always his face is grim. She wonders when she will see him smile again. "Ahm, may kailangan ba kayo? I thought you're busy," takang tanong niya. "I am busy," pagsusuplado nito. "Dumaan kami dahil mamayang lunch pa naman pupunta sa Malacañang si Sir," salo ni Del.  "You are going to work for me from now on," deretsang  namang singit ni Greg na nakapagpabalik ng tingin niya rito.       “Huh?" litong tanong niya.   "Well, Ria I saw how organize you are based on the papers that you gave yesterday. And you see, magleleave kasi ako at kailangan ko ng papalit na assistant ni Sir temporarily. Sinabi ko yon kay Sir at pumayag naman siya," nakangiting sabi naman ni Del. Kung naiba lamang ang sitwasyon ay parang nais na niyang matawa sa mga ito. Salitan kasi kung magsalita ang mga ito. Sa halip ay napatingin siya kay Greg. She's going to work for him? She will be always beside him? That thought excites and scares her at the same time. What would happen sa mga oras na palagi niya itong kasama? Would it be possible na magkapuwang siyang muli sa puso nito? Or was it a good chance for him to get even to her? He indolently looked at her. "You don’t have to think about it so much because I am not giving you an option to say no." Naitikom niya ang bibig sa sinabi nito. Tumikhim si Del at hinawakan ang kamay niya. Napabaling siya rito. "Please Ria. Hindi kasi ako makakaalis hangga't wala akong kapalit na mapagkakatiwalaan kong magagawa ang trabaho as Mr. Ledesma’s assistant. And I have this feeling that you can do it. Please I badly need this vacation," pakiusap ni Del na naging pabulong ang huling sinabi. Na para bang ayaw nitong iparinig iyon sa amo nito. Napabuntong hininga siya. "Kung papayag si Mrs. Zapanta ay wala akong karapatang tumanggi," sabi na lamang niya. Nagliwanag ang mukha nito. "Really! Wow. You are an angel sent from above Ria."   Narinig niya ang pagismid ni Greg. "An angel? I bet," sarkastikong komento nito. Sabay pa silang napatingin ni Del dito. "I'll talk to Wilma, brief her on what she will do Del. You know I hate it kapag hindi nagagawa ng maayos ang gusto ko," sabi pa nito at tiningnan muna siya ng matiim bago lumakad papasok sa building ng foundation.           Napahinga siya ng malalim. Parang nakikinita na niya ang mga darating na araw kung magiging assistant nga siya nito.           “Ria, can I ask a question?” biglang tanong ni Del nang wala na si Greg.           Napabaling siya rito. Bakas ang curiousity sa mukha nito. “Ano?”           “You and Sir, you two know each other am I right? Hindi totoong sa Fund Raising Party lang kayo nagkakilala. I could feel that there’s a familiar air around the two of you,” seryosong tanong nito. Maging si Eryz ay curious na ring nakatingin sa kaniya.           Saglit siyang hindi nakaimik. Pagkuwa’y pilit siyang ngumiti. “We were just schoolmates when we were on college. Pareho kami ng course kaya madalas kaming magkita noon,” sagot na lamang niya.           Mukhang hindi naman nakontento ang mga ito sa sagot niya pero hindi na lamang nagkomento. Mabuti na lamang at napatingin si Del sa wristwatch nito at nabaling ang atensyon nito sa pagsasabi sa kanya ng mga magiging trabaho niya. Nakinig naman siya.           Maya-maya pa ay may isang staff na lumabas sa building at tinawag na sila ni Del. Nang nasa loob na sila ay nalaman niyang pumayag si Mrs. Zapanta na “hiramin” siya ni Greg pansamantala. Alam niya na kahit ayaw nito ay hindi rin naman ito makakatanggi kay Greg.  Saglit pa ay lulan na rin siya ng sasakyan ng binata. Sa buong biyahe ay sila  lamang ni Del ang nag-uusap.           Not once did Greg talked to her. Ngunit hindi iisang beses na nagkasalubong ang mga tingin nila sa front view mirror ng sasakyan. His eyes grim. Hers hopeful. Kung ano man ang mangyayari sa mga susunod na araw ay wala siyang kasiguruhan. But she promised herself that she will never regret anything.             NGAYON ay alam na ni Ria kung bakit halos magmakaawa na sa kanya si Del para lamang pumayag siyang palitan ito kahit ilang linggo lang. It was hectic to be Greg’s personal assistant. Masyado itong maraming ginagawa at kailangang samahan ito sa lahat ng iyon. Bukod doon ay kailangan ding makipag-coordinate sa staff ng primetime news at maging sa producer, director at kung sino-sino pa.            Bukod doon ay palagi rin itong umaalis. Palagi itong nasa Malacañang, o kung hindi naman ay nasa senado o nasa crame.  Kung nasa station naman ito ay nakasubsob ito sa mga news articles na kailangan nitong basahin at mga sulat mula sa kung saan saan. Sa gabi ay board naman ito bilang anchor. Wala ring definite working hour sa trabaho nito.           Ilang araw pa lang siyang nagtatrabaho dito ay pakiramdam niya babagsak na siya sa pagod. Ngayon niya napatunayan na totoo ang sinabi nito na busy ito. Ang nakakainis lang ay kahit ganoon ito ka-busy ay hindi miminsan niya itong nahuli na kausap sa cellphone si Sylvie. Pagkuwa’y papauwiin na siya nito at ito naman ay aalis na rin.           That is what he was doing to her for the past few days. Ignoring her and treating her like a mere employee as she was. Palagi rin siya nitong sinisigawan kahit sa harap ng maraming tao. Hindi niya alam kung sadyang bugnutin lang itong boss o talagang sinasadya nitong ipahiya siya. It makes sense since he told her she will pay for what she did to him before.           Pero kung iyon lang ang pagganting gagawin nito sa kanya ay kayang-kaya niya iyong tiisin. Ang halos gabi-gabing pakikitpagtagpo lang naman nito sa nobya nito ang hindi niya masyadong matake. Kahit kasi anong tanggi niya ay nasasaktan pa rin siya kapag naiisip na may kaulayaw itong ibang babae. And that’s after he kissed her. Halik na sa kanya lang may halaga.           Ang araw na iyon ang ika limang araw niya sa trabaho. Tulad ng dati ay alas nuwebe pa lamang ng umaga ay nasa istasyon na siya. Kailangan mauuna siya kay Greg doon. Siya kasi ang nakikipagmeeting sa staff at sa mga nakatataas para sa plano sa araw na iyon. That day, Greg was not assigned an outside beat. Pero ayon sa schedule nito ay may party itong kailangang attendan, a gathering of influencial people in the society.           Nadismiis na ang meeting nang lapitan siya ni Ceasar, isa sa mga field reporter nila. “Hi Ria,” nakangiting bati nito.           Gumanti siya ng ngiti. Mabait ito sa kanya unang araw pa lamang niya roon. Palagi siya nitong binabati at palagay ang loob niya rito. May itsura ito at nasisiguro niyang ilang taon mula ngayon ay papasa na rin itong anchor. “Hello Ceasar. Ready for action na?”           Tumawa ito. “Yep. Sayang wala tayong libreng oras. Next time labas naman tayo,” aya nito.           Ngumiti siya. Aware siya na may gusto ito sa kanya. Ngunit dahil mabait ito ay hindi niya ito hantarang matanggihan.           “She’s busy at wala siyang panahong lumabas,” anang baritonong boses na nagpatalon sa puso niya. Na palagi namang nangyayari tuwing nalalaman niyang nasa malapit si Greg kaya nasanay na rin siya.           Awtomatikong napalingon siya rito kasabay ng iba pang tao roon. As always there is authority on his gait. Alanganin itong binati ng mga staff na saglit lamang nitong tinapunan ng tingin. Si Ceasar man ay bahagyang nawala ang ngiti. “Good Morning Sir Greg,” bati nito.           Huminto si Greg sa mismong tabi niya at tiningnan si Ceasar. “Hindi ka pa ba aalis? You already have your beat right?” aroganteng tanong nito.           Tila nabaghan naman si Ceasar. “Yes Sir. Sige ho,” sabi nito. Lumingon ito sa kanya. Apologetic na nginitian niya ito. Nakaramdam siya ng simpatya para dito. Ang aga aga nasabihan ito ni Greg kahit wala naman itong ginagawa.           “And you, stop flirting so early in the morning. We have lot’s of things to do,” inis na baling nito sa kanya.           Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. Nag-init ang mukha niya sa walang kaabog abog na pagsasabi nito niyon. “I’m not flirting,” she hissed at him. Hindi siya pwedeng magtaas ng boses dahil may mga tao pa rin sa paligid nila.           He smirked. “That’s not what I saw,” anito at tuluyang pumasok sa opisina nito. Manghang saglit siyang nakatunganga lamang doon habang nakasunod ng tingin dito bago niya napagalaw ang mga paa niya pasunod dito.           Dere-deretso ito sa lamesa nito at agad na hinarap ang mga memo at schedule nito na inilagay niya roon. Bahagya nitong niluwagan ang necktie nito at sinimulang basahin ang mga iyon.           Nakaramdam naman siya ng simpatya para dito. Malamang hindi pa ito nagaalmusal. Walang salitang lumakad siya patungo sa pantry. Noong unang araw niya roon ay napansin niyang walang percolator sa opisina nito. Malamang kapag gusto nito ng kape ay bibili na lamang ito sa coffee vending machine na malapit sa cafeteria doon. Hassle at mas masarap pa rin ang brewed coffee.           Kaya nang sumunod na araw ay dinala niya roon ang percolator niya at ang paborito niyang kape. Bumili rin siya ng tasa para dito. It was a simple mug with a design of a sunset on a beach. Nang una kasi niyang makita ang tasang iyon ay ang una niyang naalala ang araw na magkasama sila ni Greg sa beach. Although they weren’t able to see the sunset dahil umuulan noon. Tuwing umaga ay nagbubrew na siya para pagdating nito ay sasalinan na lamang niya ito katulad ng araw na iyon. Then she picked up the cup and walked towards him. Ni hindi ito lumilingon sa kanya. Inilapag niya sa gilid ng mesa nito ang tasa ng umuusok pang kape.           Natigilan naman ito at napatingin sa tasa. Pagkuwa’y tumingala ito. She smiled sweetly at him. “Enjoy your coffee Sir,” aniya rito at tumalikod na.           Papalayo na siya nang maramdaman niyang hinawakan nito ang kamay niya, marahil ay upang pigilan siya. Napasinghap siya nang pisilin nito ang kamay niya. Flashes of scene of them holding hands while walking on a beach came on her mind. Her heart suddenly beat wildly again. Nilingon niya ito.           Nang masalubong niya ang tingin nito ay tila napasong binitawan nito ang kamay niya. “I forgot to tell you to accompany me to a formal party later tonight,” he said with his usual bossy tone.           Napatingin siya rito. Bakit siya ang isasama nito? Ano ang ginagawa ng kasintahan nito? Pero hindi niya iyon maisatinig. Sa huli ay simpleng “okay” na lang ang naisagot niya rito.             DAMN you’re losing it Greg. s**t you should ban that smile. Frustrated na akusa ni Greg sa sarili habang nakasunod ng tingin kay Ria na lumabas na ng opisina niya. Huminto ito sa isang cubicle at nakipagusap sa kung sinong naroon. Manaka-naka pa itong tumango.           Nang marealize niyang matagal na siyang nakasunod ng tingin dito na parang gago ay iniwas na niya ang tingin. Napatingin siya sa mug na mukhang binili pa nito para sa kanya. Ang design na iyon ay sunset sa beach. Hindi niya alam kung intensyon ba nito o hindi na ipaalala sa kanya ang araw na iyon. Dahil iyon ang palagi niyang naalala kapag nakikita niya ang mug na iyon na palagi nitong inilalapag sa lamesa niya kapag nakaupo siya roon. Idagdag pa ang aroma ng kape. He remembered they both love coffee. He unconsiouly looked at his hand. Why does he always feel as if he wants to pull her close to him everytime he touch her? And last time, when he touched her hair due to habits that hasn’t died yet, he felt the urge to pull her close to him and kissed her senseless. Mabuti na lang at napigilan niya ang sarili niya. Because why in hell would he want to kiss her again? After the pain she caused him?           Ngunit nang muling magkalapit ang mukha nilang dalawa, matapos nitong sabihin sa kanya na minahal siya nito noon na muntik na niyang paniwalaan kung hindi lamang pumasok sa isip niya ang sinabi nito sa kanya noon ay hindi rin siya nakatiis. He kissed her. Angrily, not only because of what she did to him before but because he was angry with himself. Because despite all that happens, he still wanted her. At kung hindi pa niya napigilan ang sarili niya ay baka kung saan pa umabot ang halik na iyon. He swears he used all his self control not to pin her on the door and ravish her. Idinaan na lamang niya sa galit ang lahat. Wala na siyang ibang nais tanggaping dahilan sa inakto niya maliban doon.           At ngayon, pagpasok niya ay agad na nag-init ang ulo niya nang makitang nakikipag ngitian na naman ito sa isang lalaki. And when did she became friendly like that? Dati ay siya lamang ang kinakausap nito, ang nginingitian nito. And now, everytime he see her ay may kangitian itong lalaki. At nabubuwiset siya.            Napabuntong hininga siya at napasandal sa swivel chair niya. Geez, what the hell is happening to him anyway? He was suppose to forget her! He was suppose to get even. Pero anong ginagawa niya? Before he could think about it properly he agreed to Del’s suggestion na maging kapalit nito si Ria bilang assistant niya!  Noong una ay naisip niya na magagamit niya ang sitwasyon upang magantihan ito.  But what is he doing? All he did was nag at her and embarrass her infront of everyone. At pagkatapos ay ano? Siya pa ang nakokonsiyensya. Akala pa naman niya ay wala na siya ‘non. Kahit kung tutuusin ay walang wala ang sadyang pagpapahirap niya rito sa ginawa nito sa kanya noon. It’s so childish damnit! Naasar na talaga siya sarili niya.           He admits that she’s good at what she was doing. Ibang iba na ito sa Ria na nakilala niya noon. Hindi na ito prinsesa but an independent career woman. Though whenever he looks at her it doesn’t make any difference to him. For him, she’s still Ria, the beautiful girl he saved one cold night. The elusive beauty that is soft on the outside but strong willed on the inside, the girl who wanted to be free, who has so much dreams she wanted to fulfill, the girl who has been a part of his plans in the futute. His Ria.           And now, he is slowly realizing that when he agreed to her being his assistant, he dug his own grave. Dahil sa kabila ng lahat ng sakit na dinanas niya ng dahil dito ay hindi niya ito kayang saktan, no matter how much he wanted to. But believing everything she said like she loved him will be difficult for him. Forgiving her or her parents for what they did to him is not an easy thing to do too.           But hell, at the moment, he doesn’t want to think about all those things anymore. Gusto niya lang pagbigyan ang sarili niya. Because all he wanted at that moment is for her to be by his side.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD