Chapter 2

2427 Words
MAKULIMLIM ang paligid sa araw na iyon. Umaambon at ang maliliit na patak niyon ay tumatama sa tinted na bintana ng itim na Mercedes Benz kung saan nakasakay si Ria. Kasalukuyang binabaybay ni Rene, ang driver c*m bodyguard niya ang daan papasok ng unibersidad na pinapasukan niya. She was silently sitting at the backseat, her eyes outside the window, watching the same scenery for the past two years since she entered college. Ni hindi man lang maisipan ni Rene mag-iba ng ruta paminsan-minsan para maiba naman.           Ganoon ang routine niya tuwing may klase siya. Ihahatid siya ni Rene sa building ng una niyang klase at hihintayin siya. Pagkatapos ay ihahatid na naman siya sa susunod na classroom niya. Ni hindi niya magawang makipagkwentuhan ng mas matagal sa mga kaklase niya o sumama man lang sa mga itong magmerienda tuwing tapos na ang klase nila dahil nakaabang kaagad ito sa kanya.           Tuloy wala siyang maituturing na kaibigan. Noong first year siya ay maraming gustong makipagkaibigan sa kanya. Lalo na kapag nalalaman ng mga ito na anak siya ni Senator Ruelito Atienza at ng high society queen na si Agatha Elizalde. Idagdag pa si Rene at ang kumikinang nitong Mercedez. Ngunit tulad noong bata pa siya, sa umpisa lamang iyon. Kasi curious ang mga ito kung anong klaseng tao ang tulad niya. Ngunit sa katagalan ay nagsawa rin ang mga ito at hindi na tinangkang mapalapit sa kanya. Paano naman ay ni hindi man lang niya matanggap ang mga imbitasyon ng mga ito dahil may oras ang uwi niya. Her mother has always been unfairly strict to her.           Worst, bad rumors started to spread about her. Kahit naman hindi siya palatambay sa school ay hindi naman niya naiiwasang makarinig ng mga chismisan sa restroom. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang nakarinig ng usapan ng mga babaeng estudyanteng inis sa kanya. Maldita raw siya, bratinella, suplada, matapobre at hindi raw siya basta-basta kumakausap ng kung sino. They even call her b***h and other obscene words and curses. Noong una ay nasasaktan siya dahil ganoon ang tingin ng mga tao sa kanya. Ngunit sa katagalan ay nasanay na siyang balewalain iyon. Tutal, eskuwelahan bahay lang naman ang routine niya. Hindi niya kailangang mag-alala na baka makasalubong niya ang mga ito at mauwi sa away ang lahat.           But then, she could not help but feel lonely sometimes. Kahit naman ipinanganak siyang parte ng isa sa mga pinakamaimpluwensyang pamilya sa alta sosyedad ay normal na babae rin naman siya. Pinangarap niya rin na magkaroon siya ng kaibigan, kahit isa o dalawa lang na pwede niyang makausap sa araw-araw, makatawanan at makasama sa galaan na tulad ng ginagawa ng iba. She wanted to enjoy her youth to the fullest and realize her dreams. Ngunit wala siyang magawa kahit isa sa mga iyon. Sure, she has a huge amount of allowance, she could take a vacation abroad, pero bukod kay Rene o sa kanyang ina at mga pinsan ay wala naman siyang pwedeng makasama. Samantalang ang dalawa niyang kapatid na lalaki ay nagagawa naman ang gusto.           Napabuntong hininga siya sa itinatakbo ng isip niya. Aalisin na sana niya ang tingin sa bintana nang biglang may mga motor na nagovertake sa sasakyan nila. Sa mismong parte ng kalsada kung saan siya nakatingin pa dumaan ang mga ito.  Napaatras siya nang bahagyang gumewang ang sasakyan kasabay ng pagmumura ni Rene. Mukhang kahit ito ay nabigla sa nangyari at tarantang napamenor.           Pumalatak ito.  “Mukhang mga estudyante yon ah. Hindi na inisip na baka makaaksidente sila. Ayos lang ho ba kayo ma’am?”           Kumurap siya. “I-I’m okay,” tipid na sagot niya. Manghang nasundan na lamang niya ang papalayong mga motorsiklo na ni hindi man lang nag-abalang lingunin sila. Base sa magagarang motorsiklo ng mga ito at sa walang pakielam na disposisyon ng mga lalaking iyon ay parang may ideya na siya kung sino ang mga iyon. There is only one group on their campus that would drive motorcycles recklessly like that. None other than the infamous biker’s club, the most popular gang in their University.           Freshman pa lamang siya ay naririnig na niya ang tungkol sa mga ito. Paanong hindi e ayon sa mga naririnig niya noon ay binubuo raw ng mga gwapong lalaki ang grupong iyon na hindi naman talaga pormal na organisasyon sa school. But for some reason, students recognized them as one. No, in her opinion, students consider them as idols than an org. Patunay niyon ang dalas na ang mga ito ang topic ng usapan ng mga estudyante.           Ayon sa mga naririnig niya ay mga estudyante lang din ang nagbansag sa mga ito na biker’s club. Madalas raw kasing makita ang mga ito na sabay sabay na sakay ng mga motorsiklo ng mga ito.  Bukod doon ay sumasali rin daw ang mga ito sa mga illegal motor racing. That gave them a bad boyish reputation. So, as far as she knows, they are the most admired and feared men in the campus.           Aminado siya na noon ay curious na curious talaga siya sa mga ito. But not to the extent na magaya siya sa mga kaklase niyang halos mag astang groupie na para sa mga ito. Even the rumors that they were all extremely good looking doesn’t appeal to her.  Sanay siyang makakita ng guwapong lalaki. In fact, even her brothers are good looking, super gorgeous in fact, pati na rin ang mga anak ng mga amiga at amigo ng mga magulang niya. So, for her, they are just simple students like her. Until she saw one of them in person.           “Ma’am, nandito na po tayo.”           Awtomatiko siyang napasilip sa bintana nang marinig ang boses ni Rene. Nasa tapat na nga sila ng building ng College niya. May ilang mga estudyanteng patakbong  pumapasok sa loob ng building dahil lumakas na ang ulan. Akmang baba si Rene ng pigilan niya ito.           “I can manage. Huwag ka ng lumabas,” aniya rito at isinukbit na ang bag niya sa balikat at kinuha ang payong niya.           Bubuksan na niya ang pinto nang muli itong magsalita. “Pero ma’am –           “Rene please, I can walk all by myself. Ang lapit lapit na lang oh. Magmerienda ka na lang muna somewhere,” aniya rito at lumabas na ng kotse bago pa ito makapagsalita.           Binuksan niya ang payong niya at saglit na nanatiling nakatayo roon hanggang sa paandarin na nito palayo ang sasakyan. Pagkuwa’y nagsimula siyang mabagal na lumakad. Hindi niya alintana ang talsik ng tubig sa sapatos niya. She inhaled the scent of the rain. Oh, how she loves the rain. Kung ang iba ay nalulungkot at naiinis kapag umuulan, siya ay hindi. Rain has always had a calming effect on her.           Malapit na siya sa entrance ng building ng makarinig siya ng tunog ng motorsiklo. Bago pa siya makalingon ay may motor nang lumampas sa kanya. Napaatras siya sa gulat. Pakiramdam niya muntik pa siyang mahagip niyon dahil ga hibla lamang ang layo nito sa kanya. Mabilis pa rin ang t***k ng puso niya sa nerbiyos nang sundan niya ng tingin ang walang pakundangang motorista na iyon na dere-deretso sa loob ng building.           “Ledesma! Hindi parking lot ang corridor. Ilabas mo iyang motor mo!” nage-echo pang narinig niyang sigaw ng kung hindi siya nagkakamali ay dean nila.           Tuluyan na siyang pumasok sa building nila nang nakarinig siya ng malutong na tawa. “Dean, easy ka lang. Umuulan. I don’t want my baby to get wet you know,” said the masculine and cold voice of the man who just got down the black motorcycle. Natigilan si Ria nang makilala ang motor na iyon. Kung hindi siya nagkakamali ay isa iyon sa mga motor na nag-overtake sa kanila kanina. Then, her eyes darted to its owner. Napatitig siya rito nang alisin nito ang helmet nito at bahagyang hawiin ang buhok nitong bahagyang basa. Tall and well built body, a gorgeous face, a hot motorcycle, hindi pa man ay alam na niya kung sino ito. Sinong hindi nakakakilala kay Gregorio Ledesma? College of Mass Communication’s very own Biker’s Club member. Ang siyang dahilan kung bakit biglang nagbago ang opinion niya tungkol sa grupong iyon. Yes, if she hadn’t seen him in person when she was just a freshman, she would not believe that Biker’s Club’s infamous reputation. But she saw him on their College’s General Assembly. Noong una ay hindi niya pa ito kilala. Ngunit kahit ganoon ay hindi niya pa rin napigilang mapalingon dito at sundan ito ng tingin ng dumating ito sa assembly. She could clearly remember how he entered then. He was just wearing a simple black shirt, worn out jeans, vans shoes and a baseball cap. Yet, the way he stands and walks were full of confidence and masculinity that all eyes went to him like he was some kind of a magnet. And magnet he is. He has that strong presence as if he was the center of the universe. Then when he went up to the stage to have an opening speech, she was enthralled. He had the most wonderful voice she had ever heard. Noon niya nalaman na ito pala ang numero unong estudyante sa college nila. He was not only good looking, he was also extremely intelligent. At mas lalo siyang namangha nang marinig niya sa ibang estudyante na isa nga ito sa miyembro ng biker’s club na usapan ng halos lahat ng estudyante sa campus. Ngunit ayon sa mga usapan ay bihira raw makita si Greg sa kolehiyo nila at maging sa buong campus. Madalas daw ay naroon lang ito at ang mga kaibigan nito sa tambayan ng mga ito. Bukod doon ay bihira na raw makita ang mga ito. Maliban na lamang daw kung suwerteng pareho ng schedule nito ang schedule na makukuha nila.           Then maybe she was lucky. Dahil hindi iisang beses niyang nakita ito pagkatapos ng assembly. She could always find him even in the most crowded place in the most unexpected time. Tuwing nasa classroom siya ay palaging tila may magtutulak sa kanyang lumingon sa labas ng bintana at makikita niya ito, madalas may kausap ng masinsinan, minsan naman ay mag-isang naninigarilyo. She finds it weird actually. Was it only coincidence why she could always find him? And now, he was infront of her. Muntik pa siya nitong mahagip kanina. At kahit gusto na niyang mainis dahil hindi man lang ito nagsorry sa kanya ay hindi niya magawa. “I don’t care about your motorcycle Ledesma. You are getting unnecessary attention because of your actions,” patuloy sa panenermon ng dean nila. She saw his lips formed an amused smile. Maging ang maliit nitong mga mata ay lalong sumingkit habang nakatingin sa dean nila. “Dean, you are over reacting. Anyway, I’m going to be late for my class kaya mamaya mo na ako sermunan o’ryt dean?” sabi pa nito. Gusto niyang mapailing. Ganoon ito makipag-usap sa dean nila dahil alam nitong hindi ito matatanggihan ng dean. Palibhasa ito ang pinakamagaling na estudyante sa college nila, ang ipinagmamalaki at inaasahan ng dean nilang magiging isa sa matagumpay na bunga ng college nila. And dean is not over reacting. Dahil totoong nakakakuha ito ng atensyon. Ngayon nga ay marami ng babaeng estudyanteng nakatingin dito habang may mga nangangarap na ngiti sa mga labi.           Nasa ganoong isipin siya nang bigla itong humarap sa direksyon niya. Huli na upang umiwas siya ng tingin. Nasalubong niya ang mga mata nito. It was just for a few seconds bago may isang malambing na tinig na tumawag rito. Dahilan upang alisin nito ang tingin sa kanya.           “Greg, class is about to start. Let’s go,” sabi ng isang babaeng kumapit pa sa braso ni Greg.           Iniwas na rin niya ang tingin dito at akmang lalakad na sa classroom niya nang bigla niyang marinig ang boses nito. “Wait, are you okay?” tanong nito. Siya ba ang tinutukoy nito? Pero kung lilingon siya at hindi pala siya iyon ay mapapahiya lang siya kaya nagpatuloy na lamang siya sa paglakad.  “Hey, miss wearing white,” muling sabi nito dahilan upang mapahinto siya. She was wearing a white blouse.           Alanganing nilingon niya ito. He was still standing there with the woman on his arm. Bahagyang nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa kanya. “Are you talking to me?” mahinahong tanong niya.  She saw the woman beside him smirk. Ngunit saglit niya lang itong tinapunan ng tingin. She was used to people like her. She bet she was one of those women who spread bad rumors about her. Kay Greg siya tumingin.           “Well, ikaw iyong naglalakad kanina na muntik ko ng masagi right?  I just wanna make sure na hindi kita natamaan,” sabi nitong pinasadahan pa siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Kahit alam niyang walang malisya ang ginagawa nitong pagmamasid sa kabuuan niya ay hindi niya pa rin maiwasang makaramdam ng pagkailang. Nakakapagtaka dahil hindi naman ito ang unang lalaking hayagan siyang tiningnan ng ganoon. But somehow, his stare has a different effect on her.           She remained poker faced and answered. “I’m perfectly fine. But you should be more careful next time. Kaunti na lang muntik mo na akong maaksidente kanina,” she calmly said. Bumakas ang pagkamangha sa mukha nito pagkuwa’y nagkaroon ng ibang kislap sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya, a combination of amusement and curiousity. Tiyempo namang nakita na niya ang professor niya para sa unang klase niya na palapit na sa classroom nila. Mabilis na siyang tumalikod upang unahan ang prof niya.             Hindi nakaligtas sa kanya ang iritableng boses ng babaeng nakakapit sa braso ni Greg kahit palayo na siya. “She’s really a b***h. Just because she’s filthy rich she thinks she can talk to you like that? Let’s go na nga Greg.”           Kahit ayaw niya ay hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkapahiya sa kaibuturan ng dibdib niya. She was used to be told things like that. But why does she felt embarrassed knowing that Greg heard that? Bahagya niyang ipinilig ang ulo sa isiping iyon.           She was already on the door of their classroom when she had the urge to turn his way again. And as always she followed her urge, only to be caught off guard when she saw him still staring at her. Katulad kanina ay bahagyang nakakunot ang noo nito. But there was something about the way he looked at her at that moment that made her pulse beat a little faster than usual. Dahil doon ay mabilis niya ring iniwas ang tingin dito at tuluyan ng pumasok sa classroom.           She doesn’t have any time to waste analyzing the reason why her heart was beating abnormally because of him.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD