KABANATA 17

1050 Words
BEAUTIFUL NIGHTMARE KANABATA 17 PAKIKINIG Nalaman ni Sabina ang buhay ni Eco. At katulad niyang pagpatay din ang ikinamatay ng kanyang mga magulang. “Ah, Eco paano na lang kung buhay ang mga magulang mo, sino ka ngayon?” tanong ni Sabina. Tinitigan ni Eco si Sabina, nginitian niya ito. At pilyong kinindatan. “Isa akong ‘Macho Dancer’ hahahaha.” biro nito dahilan para mamula si Sabina, kahit laking probinsya siya ay alam niya kung ano ang tinutukoy ng binata. “Joke lang! Masyado ka kasing seryoso eh!” natatawa na sabi ni Eco. “Huwag mo na lang sabihin.” nakalabing sabi ni Sabina. “Seriously, Sabina simple lang ang gusto ko, pangarap kong maging sundalo o di kaya guro.” “Simpleng tao ka nga.” “Kaso eto ako ngayon, gusto ko na ring maging pari, lalo na’t sa pagtulong sa kapwa. Tsaka noong panahon na nakay Father na ako lahat ng hinanakit ko sa Diyos ko isinusumbong pinatatag ako ng aking pananampalataya, unti-unti kong nakakalimutan ang sinapit ng buhay ko.” kwento ni Eco. “KAya ikaw Sabina, maging matatag ka manalig ka sa KANYA, iyan lang ang masasabi ko.” dagdag pa nito. “Hanggang kailan ko makakalimutan ang lahat ng yon?” “Nasa iyo na ‘yon Sabina.” Hindi na kumibo si Sabina. Tinulungan niyang maglinis si Eco, sa loob ng simbahan. Nang lumapit na pari. “Eco, may thanks-giving-mass mamaya, ayusin mo ang harap ng altar.” bilin ng pari. “Opo, Father.” “Eco, pwede ba akong pumitas ng mga bulaklak, para mailagay ko sa mga imahen?” “Oo naman Sabina.” pagpayag ni Eco. Inayos ng dalawa ang loob ng simbahan mula sa altar hanggang sa mga imahen. “Sabina, lagi kang mag-iingat.” wika ni Eco. “Huling gabi ko na dito Eco, aalis na ako bukas.” “Alam kong wala kang mapupuntahan, may kakausapin akong tao para tulungan ka, hindi pwedeng lagi ka sa lansangan. Maganda ka Sabina baka kung anong mangyayari sayo.” nag-aalala na sabi ni Eco. “Salamat, Eco, napakabuti mo.” ngiti ni Sabina. “Hahaha, puro ka na lang salamat, wala bang kiss?” sabay nguso ni Eco. “Hala! Isusumbong kita kay Father.” “Tara! Samahan kita.” bulalas ni Eco. Nagbibinan ang dalawa nang lumapit uli ang pari. “Eco, tigilan mo si Sabina sa mga biro mong ‘yan, mamaya maghanda ka ng meryenda.” sabi ng pari. “Opo, Father.” sabay kindat ni Eco sa pari. Naiiling na iniwan ng pari ang dalawa. Tuloy pa rin ang pagbubuska ni Eco kay Sabina. “Alam mo Sabina kung hindi lang ako magpapari, liligawan kita.” hirit uli ni Eco. Nanlakiang bibiluging mga mata ni Sabina. “Hindi naman kita type.” seryosong sabi ni Sabina. ”Bakit, Sabina? Pangit ba ako?” papalapit at titig-na-titig niya kay Sabina. “Lokong Eco na ‘to ah.” sabi sa isip ni Sabina. “Bakit hindi mo ako type?” “Kase di-ba sabi mo, kundi ka magpapari, ano ka ngayon… ano ba ‘yon ‘macho dancer’ diba?” pigil na pagtawa ni Sabina. “Hahaha, sineryoso mo naman.” sabay sayaw ni Eco sa aktong pana macho dancer. “Father!” malakas na sigaw ni Sabina. Tawang-tawa si Eco sa nagiging reaksyon ni Sabina, kahit isang araw pa lang silang magkakilala parang kilalang-kilala na niya si Sabina. Kahit papano nagkaroon siya ng kausap hindi puro si Father. Naisip ni Sabina na may pagka-kalog na pilyo itong si Eco. Napaka masayahin nito, biglang naalala ni Sabina ang kanyang kaibigan na si Rinna. Nakaramdaman siya ng lungkot. Naisip niya na matatagalan bago ulit sila magkita ng kanyang kaibigan. “Sabina.” tawag ni Eco. “Ano?” “Walang lang, may crush ka sa akin ano?’ “Ganda mo, Eco.” biro niya sa binata. “Kase titig mo sa akin may something.” biro ulit ni Eco. “Father oh si Eco po.” kunwaring sumbong ni Sabina sa pari. Nang biglang may sumagot. “Bakit inaano ka ni Eco?’ Sabay silang nilingon ang nagsalita. “Father, inaasar po niya ako.” sabay sulyap ni Sabina kay Eco at inirapan nita ito. Natawa ang pari at si Eco sa inasal ni Sabina. “Ang….” hindi na natuloy ni Eco ang kanyang sasabihin. “Tama na ‘yan Ec, maghanda ka na ng meryenda at may darating tayong bisita sila ang sponsor sa Thanks-giving-mass na gaganapin mamaya.” wika ng pari. “Ngayon na po Father?” “Oo, iwan mo nasi Sabina dito.” Bago tuluyang iniwan ni Eco si Sabina, sinabihan niya ito ng “Sabina, kundi ako magpapari!” biro ulit niya sa dalaga. Nakuha naman agad ni SAbina ang ibig sabihin ng binata. “Heee.” At iniwan na ni Eco si Sabina. Umupo si Sabina at tinitigan ang mga imahen. Napahawak siya sa kanyang dibdib at nakapa niya ang suot niyang kwintas, naalala na naman ang kanyang ama’t ina. Hindi napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Tuluyang humalagpos ang emosyon ni Sabina. Nag-umpisa sa hikbi, hanggang sa napahagulgol na siya ng iyak. Iyak na lahat ng kanyang hinakit ay naibulalas niya. “Naging mabuti akong anak! Mahal ko ang aking mga magulang sa kabila ng simpleng kabuhayan namin, hindi kami nag-hangad ng yaman! Kuntento ako sa anuman ang kanyang ibigay ng aking ama, kuntento ako sa anu pa mang meron kami. Pero…. Bakit? Panginoon bakit ako?!” bulalas ni Sabina. “Bakit mo hinayaang mangyari ang lahat ng ‘to saakin?” “BAKIT AKO?!” hagulgol ng dalaga. Lingid kay Sabina, may nakarinig sa mga hinaing niyang iyon. Mababasa sa mga mata ang awa nito kay Sabina. Narinig niyang lahat, gusto niya itong lapitan para yakapin ngunit may pumigil sa kanya. “Mom, Dad, dun muna ako sa sasakyan.” paalam nito. Tumango lang ang dalawang may edad na babae at lalaki. Narinig nilang lahat ang sinabi ni Sabina. Awang-awa ang mga ito. Alam nilang napakalaki ng dinadalang problema ng dalaga, lalapitan na sana nila ang dalaga ngunit nakita na nilang palapit ang pari kaya nilampasan na lang nila ang nakaupong dalaga at sinalubong ang papalapit na pari. “Donya Camille, Don Ramil.” tawag ng pari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD