BEAUTIFUL NIGHTMARE
KANABATA 16
SIMBAHAN
Nakamasid si Eco kay Sabina habang kumakain ito.
Napansin ni Eco na walang gana sa pagkain ang dalaga. “Ah, Sabina ayaw mo ang pagkain? Bibili ako sa labas.”
“Naku! Huwag na, hindi lang ako nagugutom.”
“Kumain ka kahit konti lang, para magkalaman ang tiyan mo.”
“Salamat.” nakangiting sabi ni Sabina.
Tumalikod si Eco at lumakad palayo kay Sabina. At nang balikan siya ni Eco, may dala itong kumot at unan.
“Heto pala ang kumot at unan mo baka sumakit ang ulo mo at baka lamigin ka dito.” saad ni Eco at iniabot ang unan at kumot.
“Maraming salamat.”
“Ah, heto t-shirt pamalit sa damit mo, may banyo dyan sa gilid ng simbahan sasamahan kita para alam mo.”
“Salamat ulit, Eco.” usal ni Sabina.
“Tapusin mo na ang kinakain mo, para makapagpalit ka na ng damit at makapag pahinga ka na.”
Nakalahati lang ni Sabina ang pagkaing bigay ni Eco. “Busog na ako, pakisamahan mo na ako sa banyo.”
Naglakad sila patungong banyo at itinuro ni Eco sa kanya. Hinintay siya ni Eco, nakayuko ang lalaki nang lumabas sa banyo si Sabina. Nagulat pa siya nang magsalita ito. “Eco, tapos na ako, tara na.” yaya ni Sabina sa kanya.
Bumalik sila sa upuan kung saan matutulog si Sabina. Inayos ni Sabina ang unan at kumot na gagamitin niya. “Sabina, ang dami kong gustong itanong sa’yo, kaso baka isipin mo na tsismoso ako.” natawang wika ni Eco.
“Handa ko naman sagutin anuman ang mga tanong mo.” natawa na sagot ni Sabina.
May katangusan ang ilong ng lalaki, may mga matang parang laging inaantok, sa madaling salita ang mga mata ni Eco ay ‘mapupungay’.
“Hindi ako magiging sinungaling Eco, dahil nandito ako sa loob ng bahay ng Diyos at ‘wag ka nang magtanong at ikukwento ko na lang.” nakangiting sagot ni Sabina.
At wala siyang inilihim sa lalaki, kung ano ang nangyari sa kanya, kung bakit siya napadpad sa kinaroroonan niya ngayon, na wala siyang mga kakilala, walang malalapitan.
Gulat si Eco sa sinapit ng dalaga, hindi biro ang dinaranas nitto. Nakita ni Eco na nagpipigil humagulgol si Sabina. Tinabihan nya ito sa upuan at hinawakan ang kamay. Napapitlag si Sabina, ngayon lang may humawak sa kanyang mga kamay at lalaki pa. Napangiti si Eco at binitawan ang kamay ni Sabina.
“Hahaha, ‘wag kang matakot Sabina, magiging magkaibigan tayo at isa pa magpapari ako.” tumatawang paliwanag nito.
Napanganga si Sabina. “Magpapari ‘tong gwapong ‘to?!” sigaw ng isip ni Sabina.
“Ang masasabi ko lang Sabina, manalig ka sa Diyos.” pukaw ng lalaki kay Sabina.
Sa sinabing iyon ni Eco, bumigay si Sabina, humagulgol na siya. Niyakap siya ni Eco, hinayaan lang niyang umiyak ng umiyak si Sabina. Nasa ganun silang sitwason kaya hindi nila namalaya ang paglapit ng pari.
“Eco.” tawag ng pari.
Kumalas si Sabina sa pagkakayakap ni Eco. “Father.” tawag ni Sabina.
“Nadala lang po ako ng emosyon kaya nakita niyo po kaming ni Eco…” paliwanag ni Sabina sa pari.
“Alam ko iha at may tiwala ako kay Eco, nang makita kita kanina alam kong may tinatakasan ka.”
“Naikwento na po niya sa akin, Father.” sagot ni Eco.
Tumango ang pari. “Siya patulugin mo na si Sabina.”
“Sasamahan ko na lang po siya dito, Father.” sabi ni Eco.
“Ikaw ang bahala, kumuha ka na rin ng kumot at unan mo, iho.” utos ng pari at sabay silang naglakad. At habang naglalakad ang dalawa, pahapyaw na naikwento ni Eco ang nangyari kay Sabina. Awang-awa ang pari, alam niyang kailangan ni Sabina ng masasandalan at matitirahan.
“Samahan mo si Sabina at bukas maaga mo akong puntahan sa aking kwarto.” wika ng pari kay Eco.
“Opo Father, salamat po.” sagot ni Eco.
Nang balikan ni Eco si Sabina, ay mahimbing na itong natutulog. Tinitigan niya ang natutulog na babae. “Marami ka pang takot na nakatag Sabina, dapat kang maging matatag.” mahinang sabi ni Eco.
Nilapitan niya ang natutulog na si Sabina at kinumutan niya ito. At nahiga na rin siya sa kabilang upuang mahaba.
Maagang nagising si Eco at dumaretso sa kwarto ng pari. Nadatnan niya itong katatapos lang mag dasal. “Eco, halika maupo ka dito sa tabi ko.” yaya ng pari.
Lumapit si Eco at umupo sa tabi ng pari. “Si Sabina tulog pa ba?”
“Opo, Father.”
“Anong masasabi mo, Eco?”
Hindi nakakibo si Eco.
“Father, hayaan po muna natin dito sa simbahan si Sabina.”
“Hindi pwedeng magtagal siya dito, iho.”
Tumango si Eco, nauunawaan niya ang ibig sabihin ng pari. Binalikan ni Eco si Sabina, ginising nya ito.
“Sabina, ipahahanda kita ng almusal.”
“Huwag na ECo, aalis na rin ako.”
“Saan ka pupunta? Wala kang kakilala dito s Maynila.”
Napayuko si Sabina at nang mag-angat niya nang mukha may namumuo na namang mga luha sa kanyang mga mata. “Bahala na, Eco.”
“Hindi pwedeng bahala lang Sabina.” sabi ni Eco.
“Gulong-gulo ka pa rin Sabina, nagising ka ngayong magdamag na ligtas. Pa’no na lang kung sa lansangan ka magpalipas ng gabi.” paliwanag ni Eco.
“Ganito na lang, may kakausapin ako baka matulungan ka niya.” sabi uli ni Eco. “Gusto ka man namin magtagal ka dito pero hindi pwede, madedistino na si Father kasama niya ako sa ibang lugar, kaya hindi ka pwede dito.” dagdag pa nito.
“Salamat sa pagmamalasakit ninyo ni Father sa akin.” tanging nasabi ni Sabina.
Binuksan na ni Eco ang pinto ng simbahan at niyaya niya si Sabina na lumabas sila para bumili ng pandesal. Habang naglalakad sila nagtanong si Sabina. “Nasaan ang pamilya mo, Eco?”
Matagal bago naka sagot si Eco.
“Sorry sa tanong ko.”
“Hindi Sabina okay lang, sasagutin kita at magiging tapat din ako sa’yo. Bata pa kasi ako wala na akong mga magulang, may ibang lalaki ang ina ko at napatay sila ng tatay ko, nakulong ang tatay ko at nagkaroon ng gulo sa loob isa siya sa na patay. Kinuha ako ni Father, kapatid ng ina ko si Father, kinupkop niya ako, kaya heto ako ngayon.” ngiting kwento ni Eco.
“May isa pa akong tanong Eco.” nakangiti nitong wika.
“Sige, ‘wag lang Math ha, mahina kasi ako diyan.” biro nito.
“Bakit ka magpapari?’
Napatigil sa paglalakad si Eco at tinitigan niya sa mata si Sabina. “Kaya ako magpapari, aykong danasan ang dinanas ng tatay ko, baka makapatay din ako kapag ako’y niloko." gigil na sagot ni Eco.