BEAUTIFUL NIGHTMARE
KANABATA 18
ANG MAG-ASAWA
Tumango si Sabina at lumakad palabas ng simbahan. Tuloy-tuloy si Sabina sa paglalakad. Nadaanan niya ang nakaparadang magarang sasakyan, hindi niya naaninag ang taong nasa loob ng kotse.
Nagpatuloy siya sa paglalakad at nakayuko sa manebela ng lalaking nasa loob ng kotse, tila ba may iniisip. Napaangat siya ng ulo at lumabas ng sasakyan, patungo sa loob ng simbahan. Pagpasok niya sa loob ng simbahan iginala niya ang kanyang mga mata, pero wala na ang hinahanap niya.
“Father, kamusta po.”
“Awa po ng Dios mabuti po, Donya Camille.”
“Sabihan mo po ako Father kapag kailangan niyo ng tulong.” wika ng Donya.
“Opo, sasabihan ko po kayo.” sagot ng pari.
“Magandang araw po Donya Camille, Don Ramil.”
“O, Eco iho kamusta ka na.”
“Maayos naman po.” nakangiting sagot ni Eco.
May hinahanap si Eco, iginala niya ang kanyang paningin sa loob ng simbahan ngunit hindi niya makita si Sabina.
“Eco, may darating na tao, mamaya lang mag-uumpisa na tayo sa Thanks giving mass, maghanda ka na.”
“Opo, Father. Maiwan ko po muna kayo Don Ramil, Donya Camille.” magalang na paalam niya.
Sa may harapan sina Don Ramil at Donya Camille. Samantala, nasa dulo ng upuan ang lalaking kasama nila. Lumingon si Don Ramil at sinenyasan ang lalaki. Tumayo ang lalaki at lumapit sa dalawa.
Umupo ito sa tabi ng Donya at may ibinulong. “Mom, doon na lang ako sa dulo umupo.”
“Sige anak.”
At bumalik siya sa upuang kinauupuan niya kanina. Bawat papasok sa loob ng simbahan, ay napapalingon ito.
“Bakit wala na yung babaeng ‘yon?” tanong nito sa sarili.
Magsimula na ang misa. Hanggang sa patapos na ito, hindi nakita ni Eco si Sabina.
“Saan kaya si Sabina, bakit wala siya?” tanong siya sa sarili.
“Sabi ko naman ipapakausap ko siya sa taong kilala ko, bakit siya umalis.”
“Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espirito Santo, humayo kayo at sumainyo ang Panginoon, Amen.” pagtatapos ng pari.
Nagsilapitan ang mga tao kay Don Ramil at Donya Camille nag bigay galang ang mga ito. Madalang man magtungo sa kanilang lugar ang mayaman na mag-asawang ito. Kilalang-kilala sila sa pagiging mabait at matulungin. Lumapit sina Father at Eco sa mga ito. Nakamasid lang ang kanilang anak sa mainit na pakikiharap ng mga tao sa kanyang mga magulang.
Hinayaan lang nina Eco ang mga tao sa paglapit sa mag-asawa, sila man ay tawang-tawa dahil hindi matapobre ang mga ito. “Hanggang kailan pa kayo dito, Eco?’
“Dalawang araw na lang po kami dito ni Father, ililipat na po kami sa ibang lugar.”
“Kung saan man kayo mapunta, sabihan nyo lang ako, sa lugar na pupuntahan ninyo ni Father, magtatayo ako ng Foundation.” nakangiting paliwanag ng Donya.
“Opo, Donya Camille. Maraming salamat po.”
“Musta pala ang pag-aaral mo?”
“Mabuti naman po.”
“Talaga bang magpapari ka, iho?” tanong naman ni Don Ramil.
“”Opo, bukal na po sa aking puso ang maging pari.”
“Hindi na kamo magtatagal.” sabat ng Donya.
“Ah, Donya Camille, may gusto po sana akong tulungan niyo.” pahabol na sabi ni Eco.
“Sino? Bagay ka talagang mag-pari, matulungin ka.” nakangiting sagot ng Donya.
“Kaso po biglang nawala.” napakamot na sabi niya.
Napakunot noo ang Donya. “Anong biglang nawala.?”
“Umalis na po ata eh.”
“Taga-saan ba siya?” puntahin natin.”
“Iyon nga po, wala po siyang matitirahan at wala po siyang kakilala dito.
“Kaya gusto mong tulungan ko siya?” tanong ng Donya.
Tumango si Eco. ”Opo, alam ko naman pong handa kayong tumulong sa mga nangangailangan.”
“Nasaan nga?” tanong ni Don Ramil.
“Kanina po nandito lang, pero nung mag-umpisa na ang misa, hindi ko na po siya nakita po.” sagot ni Eco.
“Sige, kapag bumalik dito o kaya kapag nagkita kayo ulit, sabihin mo sa akin.” bilin ng Donya.
Bigla namang sumabat ang pari. “Si Sabina ba ang tinutukoy mo, Eco?’
“Opo, Father.”
Tumango-tango ang pari, sang-ayon siya sa ginawang paglapit ni Eco sa Donya para kay Sabina. “Father, sino ang gustong tulungan ni Eco? Babae ba o lalaki?”
“Babae.” sagot ng pari.
Tumang ang mag-asawa. “Hindi na kami magtatagal Father, dalawang araw na lang pala kayo dito.” at may dinukot sa bag niya ang babae. Iniabot niya sa pari ang tseke.
“Para may baunin kayo ni Eco, Father, tanggapin niyo ito.” tinanggap ng pari ang binibigay na tseke ni Donya Camille.
“Aalis na kami, Father.” paalam ng Don.
“Salamat, sa inyo.”
Habang naglalakad palabas ng simbahan, sinabayan nia Eco ang Don at Donya. Nang biglang may naalala ang Donya. “Ah, siya nga pala may dalagang umiiyak dito sa loob ng simbahan kanina. Narinig namin ang hinanakit niya, kawawa naman, hindi ko na siya nakita.” kwento ng Donya.
“Sino kaya siya?”
“Baka po si Sabina, siya po ang sinasabi ko sa inyo.” sagot ni Eco.
Napatingin ang lalaking naghihintay sa Don at Donya sa sagot ni Eco. Naghihintay pa ang lalaki sa susunod na usapan ng ina at ni Eco.
“Bakit siya umalis?”
“Marami po siyang iniisip, mahirap po ang pinagdaanan niya, wala po siyang kilala at mapupuntahan dito. Nagpalipas po siya ng magdamag dito sa simbahan.” kwento ni Eco.
Nakikinig lang ang lalaki sa usapan nila. “Bakit ano bang nangyari sa kanya? Wala na ba siyang pamilya?” tanong uli ng Donya.
“Wala na po, pinaty po ang ina niya sa karumal-dumal na pagpatay.”
“Baka bumalik siya mamayang gabi dito, sabihan mo ako at sabihan mo sa kanya na handa akong tulungan siya.” bilin ng Donya.
“Salamat po, Donya Camille.”
Napatingin si Father at Eco sa umakbay kay Donya Camille.
Napangiti ang Donya. “Siya nga pala ang anak ko, Father, Eco. Siya ang anak namin, pinapakilala namin siya sa inyo. Siya si Randall.” pakilala ni Donya Camille sa anak na si Randall.
Nagbigay galang si Randall nagmano siya sa pari at kinamayan si Eco.
“Randall sa akin hindi ka magmamano? Kase magiging pari din ako.” nakangiting biro ni Eco.
“Saka na kapag isa ka ng tunay na pari.” balik biro niya kay Eco.