BEAUTIFUL NIGHTMARE
KANABATA 15
PAGLISAN
Maagang nagpaalam si Sabina. Wala siyang dala kahit na ano, tanging ang suot lang niya. Umiiyak na niyakap ni Rinna si Sabina.
“Sab, pasensya na hindi ko mapigilan na umiyak, ayoko sanang pagbaunin kita ng mga luha pero…” iyak ni Rinna, kumalas si Sabina at nilapitan si Aling Rosa.
“Mamu, marami pong salamat.” niyakap ni Sabina si Aling Rosa.
“Sabina, mag-ingat ka saan ka man makarating, ingatan mo ang iyong sarili.” bilin ni Aling Rosa.
Sinulyap ni Sabina ang kaibigang si Rinna at tumango siya lalo naman naiyak si Rinna. Lumabas na ng bahay si Sabina. Walang lingon na naglakad siya. Lingid sa mag-inang Rosa at Rinna. May takot na nararamdaman si Sabina, takot na kung saan siya tutungo, kung sino ang lalapitan niya. Hindi na dumaan si Sabina sa pinaglilibingan ng kanyang mga magulang.
“Patawad po Pa, Ma hindi na po ako nakapag-paalam sa inyo sa inyong puntod. Ayoko na pong lalong bumigat ang aking dibdib. Aalis po ako dito para makalimutan ang trahedya na nangyari.” saad ni Saniba sa isipan. Nakarating siya sa sakayan. Sumakay siya ng dyip at bumaba sa terminal ng bus. Nagdadawalang isip si Sabina kung tutuloy ba siya, kung sasakay siya sa bus.
Huminga ng malalim si Sabina at sumakay na siya sa bus patungong Maynila. Pagkaupo ni Sabina, pumikit ssiya at nakatulog. May tumapik sa kanyang kamay. Ang konduktor nagbayad siya at tumingin sa labas. Kabado siya kung anong mangyayari sa kanya.
Saan siya pupunta? Naisipan ni Sabina na makikisabay siya sa agos ng mga tao kung saan sila pupunta.
Hindi niya alam kung saan. “Saan ako pupunta? Diyos ko po. Gabayan niyo po ako.” usal ni Sabina.
Nakarating ang bus sa destinasyon. Nakisabay si Sabina sa mga bumababa. Pagkababa niya, nahilo siya sa puro’t parito ng mga tao. Maingay bawat sasakyan, mausok. Sa nanlalabo niyang paningin nakalapit pa siya sa isang tindera sa may giling ng kalsada.
“Maari po bang makiupo?”
“Sige maupo ka, napano ka ba?”
“Medyo nahilo po kasi ako.”
Binigyan ng tindera ng tubig si Sabina. Walang sabi-sabing nilagok niya ang tubig. “Salamat po.”
Ayaw pong tumayo ni Sabina dahil nangangatog naman ang kanyang mga tuhod. Napansin niya na may tindang tinapay ang tindera at bumili siya.
Habang kinakain niya ang tinapay, naisipan ni Sabina na ganito pala kagulo at karaming tao sa Maynila.
“Ineng bagong salta ka dito ano?” tanong ng tindera.
Tumango si Sabina. “Naku! Mag-iingat ka, maganda ka pa naman.” saad ulit nito.
“Salamat po.” sagot ni Sabina.
“Dalawang uri ng taxi ang mga nandito, isang ‘manloloko’ at isang ‘nagpapaloko’ sabi ng tindera.
Nakikinig lang si Sabina sa sinasabi ng tindera. At ng makaramdam ng ginhawa si Sabina, tumayo na siya sa kanyang kinauupuan.
“Maraming salamat po.”
Tumango na lang ang tindera. Naglalakad si Sabina, hindi niya alam kung saan siya pupunta dahil wala naman siyang kilala sa Maynila. “Isa akong estranghero dito, saan ako magpapalipas ng gabi nto?” napakamot na tanong ni Sabina sa sarili. Halos hindi alam ni Sabina kung saan siya pupunta. Sumasabay siyasa mga tao.
“Sino ang susundan ko sa mga taong ‘to?” bulong niya.
MAy nakita siyang isang karinderya, pumasok siya doon at umorder ng pagkain. Kumain siya at nag-iisip kung anong gagawin niya. Bumili at pinagbalot niya ang extrang pagkain para kapag inabutan siya ng dilim ay may makakain siya. “Saan ako pupunta?” tanong ni Sabina.
At lumabas na siya ng karinderya at naglakad na naman ulit. Naisipan niya na sa simbahan siya magpapalipas ng gabi, naglakad siya at nakakita siya ng simbahan. Pumasok siya doon at naupo. Habang nakatitig siya sa imahen ng Birhen, may naramdaman siyang tumabi sa kanya, ngunit hindi niya ito pinansin. Nagulat na lang siya nang may tumapik sa kanyang balikat.
“Miss, yung pagkain mo kinuha nung pulubi., hayun oh!” sabi ng isang binatilyo. Napalingon sa direksyong itinuro ng binatilyo sa kanya.
“Ano Miss, hahabulin ko ba?”
“Huwag na tutal kumain naman ako.” napailing na sagot ni Sabina.
Iniwan na ng binatilyo si Sabina. Samantalang si SAbina ay walang balak umalis ng simabahan. Wala man siyang dalang kahit na ano, tanging ang bigay na sobre ni Aling Rosa na galing sa kanyang ama na ang laman ay pera.
Lumingon si Sabina sa may labasan ng simbahan, nakita niya na may mga ilaw na sa labas.
“Papagabi na, dito na ako magpapalipas ng gabi.” usal niya sa sarili. Nakaramdam ng antok si Sabina, kaya nahiga na siya sa upuan. Gulong-gulo ang kanyang isip. Pumikit siya at tuluyang nakatulog.
May naramdaman siyang humaplos sa kanyang buhok, kaya napabalikwas si Sabina. Ang kura-Paroko ng simbahan. “Iha, pasensya na at nagising ka at talagang gigisingin kita.” sabi ng pari.
“Pasensya na po!” hinging paumanhin ni Sabina.
“Umuwi ka na iha at magsasara na itong simbahan.” sabi ng pari.
Napayuko si Sabina at naunawaan ng pari ang inasal niya.
“Iha?”
“Father, pwede po bang magpalipas ng gabi dito?”
“Bakit iha? Wala ka bang uuwian?”
“Meron po kaso medyo malayo po dito?” pagsisiningaling ni Sabina.
“Sige, dito ka na magpalipas ng gabi, kesa sa labas at baka kung ano pa ang mangyari sa’yo.” sabi ng pari.
“Salamat po, Father.” naiiyak na pagpapasalamat ni Sabina.
Lumakad ang pari palapit sa pinto ng simbahan at isinara niya ito. Binalikan niya si Sabina. “Iha, kumain ka na ba?”
Umiling si Sabina. Umalis ang pari may pinasok siyang isang pintuan at pagbalik niya may kasama siyang isang binatilyo na may dala itong pagkain.
“O, heto kumain ka muna iha, ligtas ka dito sa simbahan ng Diyos.”
“Maraming salamat po.” naiiyak na sabi ni Sabina.
“Siyanga pala ito ang Sakristan ko siya si Eco.” pagpapakilala ng pari sa kasama niyang binatilyo.
“Ako po si Sabina.” naka ngiting pakilala nito.
“Sige Sabina, sasamahan ka ni Eco dito, huwag kang mag-alala mabait syang bata.”
Ngumiti si Sabina at tinignan niya si Eco.
“Sabina, kumain ka na.” sabi ni Eco.
“O siya iwan ko na kayo at Eco samahan mo muna si Sabina dito at mamaya ka na bumalik sa kwarto mo.”
“Opo, Father.” magalang na sagot ni Eco.