KABANATA 9

1225 Words
BEAUTIFUL NIGHTMARE KABANATA 9 Sa kabilang dako, nagising si David dahil sa panaginip. “Bakit ganun ang aking panaginip?” usal niya sa kanyang sarili. “Naglalakad daw ako pauwi nang may nakita akong isang bahay. Pumasok ako do'n at nakita ko sa loob na may salamin. Humarap ako sa salamin, pero nakita ko si Nancy at hindi ang aking sarili?” kwento niya sa sarili. Ilang minuto rin siyang nagisip-isip tungkol sa kanyang panaginip. Pilit na hinahalungkat sa kanyang utak kung may ibig sabihin ba iyon, pahiwatig o kung ano. Nang wala siyang maisip na pwedeng konektado sa imahe na pumasok sa kanyang panaginip, bumalik sa pagkaayos ng upo si David. “Hmp makatulog na nga ulit. Panaginip lang naman ‘yon,” usal ulit niya sa kanyang sarili. “Mama, Mama, nandito na po ako...” Hindi na natuloy ang sasabihin at natigilan na lang bigla si Sabina. Nakita niya na magulo ang loob ng bahay na naging dahilan ng pag-usbong kaba sa kanyang dibdib. Unti-unting humakbang ang kanyang mga paa hanggang sa tumakbo na siya papunta sa may kusina, pero mas lalo siyang binundol ng kaba nang wala doon ang ina niya. May narinig siyang mga kaluskos at iyak. Hinanap niya kung saan at nakita niya ang kanyang ina na nasa loob ng kanyang silid, silid ni Sabina. Yakap-yakap nito ang mga paa at nakasubsob ang mukha nito sa tuhod. Nag-aalala na nilapitan niya ito. “Mama, Mama ko, ano pong nangyari?” Gulat naman na tiningnan siya ng kanyang ina. Nang makita siya nito, bakas sa mga mata ni Nancy ang takot at pag-aalala kay Sabina. “Shhh, shhh, anak! Magtago ka bilisan mo!” pabulong na sabi ni Nancy. “Bilis magtago ka sa aparador mo, anak. Ano man ang mangyari, ‘wag kang lalabas!” utos nito sa anak. Bumuka ang kanyang bibig, pero mabilis din na natigilan nang makarinig sila ng mga yabag na papalapit sa kinaroroon nila. Dali-dali na tumakbo si Sabina at binuksan ang kaniyang aparador, nagsumiksik siya doon. Hindi na niya nailapat ng husto ang pinto nito, kaya naaaninag niya ang nangyayari... at ang mangyayari pa. Mula sa siwang, nakita niya si Nancy na takot na takot, umiiyak na nakatingala sa pumasok. “Maawa ka sa akin! Pinakain na kita kanina gaya ng utos mo. Maawa ka!” “May gusto akong gawin, may trip ako," ani ng boses ng lalaki. May mala-demonyo itong tawa na naging sanhi ng hiklabot sa buong sistema ni Sabina. “Sino ka? At anong gagawin mo? Huwag mo akong sasaktan. Wala man kaming yaman, pero may makukuha ka kahit na magkano.” Narinig na sabi ng kanyang ina. “Hehehe!" Papalapit ang lalaki kay Nancy, may hawak itong maso. Gusto sumigaw ni Sabina, ngunit baka lalong maghisterikal ang kanyang ina. “Huwag! Maawa ka!” “Wala akong awa. Alam mo ba ‘yon, ha? Kapag gusto kong makakita ng utak, dugo, puso, pumatay ako.” Nakakabingi ang naging paghalaklak ng lalaki. Sumaybay iyon sa hagulgol ng kanyang ina at sa pagkabog ng mabilis ng kanyang puso. K inilibutan si Sabina, takot na takot siya, hindi para sa kanya, kundi para sa kanyang ina. Pagkalapit ng lalaki kay Nancy, hinablot nito ang buhok, at patingalang sinabunot. “Pero alam mo," humagikgik ito bago nagpatuloy muli sa pagsasalita, "gusto kong makakita ng langit bago ang dugo at utak,” sabi ng lalaki. “Huwag. Maawa ka.” “Ngayon pupunta ka muna sa langit.” Hinablot nito at pagpunit sa damit ni Nancy. Nakita ni Sabina kung pa’no manlaban ang kanyang ina. Dahil sa awa at takot para sa ina, napalakas ang hagulgol ni Sabina. Biglang tumigil ang lalaki at nilingon nito ang aparador kung saan nagtatago si Sabina. Bigla niyang tinakpan ang kanyang bibig, nang makita niyang papalapit ang lalaki sa pinagtataguan ng anak. “Huwag, maawa ka.” Ang tanging nasasabi ni Nancy. Natuptop ni Sabina ang kanyang bibig habang naririnig niya ang papalapit na yabag nito patungo sa pinagtataguan niya. Biglang binuksan ng lalaki ang aparador. Hindi pa rin niya naiwasan ang mapasigaw sa gulat at pag-angat ng kanyang puwit. “Bulaga!” panggugulat ng lalaki bago ito humalaklak ng tawa. Umalingawngaw iyon sa kanyang tenga. Nakakarindi. Nakakatakot. “Swerte nga naman. Halika rito.” Hinablot siya nito sa buhok at sapilitang nilabas mula sa aparador. Napakapit si Sabina sa pulsahan ng lalaki habang nararamdaman niya ang parang natutuklap niyang anit base sa higpit ng hawak ng lalaki sa kanyang buhok. "Huwag po!" sigaw niya, nagmamakaawa. “Napakagandang bata nito at mabubusog ako sa sarap nito,” komento nito, sabay labas ng dila nito. “Huwag ang anak ko! Maawa ka sa amin, kung sino ka mang demonyo ka!” sigaw ni Nancy. “Sa’yo ako nauna at ikaw na muna.” Binaling ng lalaki ang atensyon kay Nancy. Iniupo ng lalaki si Sabina sa kama nito at tiningnan muli ang ina ni Sabina. Nilapitan nito ang kanyang ina. “Halika at hindi pa 'ko nakaka-score sa iyo.” “Ikaw,” sabay baling kay Sabina. “Kapag kumilos ka diyan, patay ang nanay mo.” Pero hindi nakunteto ang lalaki, kinuha ng lalaki ang kordon at tinali niya ang mga kamay ni Sabina sa mga paa nito. “Manood ka, ha?! Panoorin mo kung pa’no mag-enjoy ang mama mo,” anito sa pagitan ng halakhak. Tuluyang hinubaran ng lalaki si Nancy, sa bawat pagsalag ni Nancy ay sinusuntok siya kung saan-saang parte ng katawan. Hanggang sa hindi na nakayanan ni Nancy, nilingon niya ang kaniyang anak at umiling ito. Ginahasa ng lalaki ang kanyang ina at sa nakikita pa niya, halos hipaypay at wala nang malay si Nancy nang lubayan ng lalaki. Hindi matanggap ni Sabina ang ginawa at sinapit ng ina. Halos magdugo ang mga kamay at paa dahil sa pagpuwersa ni Sabina para makawala. Hindi niya pinansin ang pag-ayos ng lalaki. Titig na titig si Sabina sa wala nang buhay na ina. Patuloy sa pagtulo ang kanyang mga luha. “Magpapahinga muna ako at ikaw na ang susunod,” sabi nito. “Pero dahil nakarating kami sa langit ng mama mo, gusto kong makakita ng dugo.” “Anong gagawin mo, demonyo ka?!” sigaw ni Sabina. Noon siya natauhan at tila nagkaroon ng lakas ng loob para salubungin ang kahindik-hindik na tingin ng lalaki. Tumawa muna ito bago sinagot ang kanyang tanong. “Manood ka.” Hinambalos ng maso ng lalaki sa may maselang bahagi ng p********e ni Nancy. Nanlaki ang kanyang mga mata. “Huwag!” sigaw niya. Ngunit walang naririnig ang lalaki, bagkus tuwang-tuwa pa siya sa ginagawang kasalanan. “Ngayon naman, gusto kong makakita ng utak na may kasamang pulang dugo.” Pinagpapalo ng lalaki ang ulo ni Nancy, hanggang sa hindi makilala ang kanyang nanay. Halos namatay na rin si Sabina sa nakita at sinapit ng ina sa kamay ng isang lalaking hindi nila kilala. “Dios ko po, tulungan niyo po kami. Nasaan ka po, Dios ko?” Halos panawan na nang ulirat si Sabina dahil papalapit na ang demonyong lalaki sa kanya. Nang itaas ng lalaki ang duguang maso sa kanya, unti-unti na siyang napapapikit. May naaninag o umatake sa lalaki. Dahil nagdidilim na ang kanyang paningin, naaninag niya ang umatakeng ‘yon. Nasambit pa niya. “Aso?” At tuluyan nang nagdilim ang lahat kay Sabina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD