KABANATA 8

1378 Words
BEAUTIFUL NIGHTMARE KABANTA 8 May kung anong kabang naramdaman si David. “Hay naku! Lumakad ka na nga at baka tanghaliin ka pa.” “Sige na at magpahinga ka na lang ulit sobrang aga pa para gumawa ka ng gawaing bahay.” sabi ni David. “Mama, umalis na po si Papa?” ‘Oo anak kakaalis lang niya.” Hindi na uli bumalik sa silid si Sabina, napa-init ng tubig para magtimpla ng kape niya. At nang tuluyang magbuka na ang araw. Tinulungan na nya ang kanyang ina sa mga gawaing bahay dahil balak niyang maagang mag-paalam sa ina para makapunta na kay Rinna. “Mama, maaga po akong pupunta kay Rinna.” “Sige, anak basta ‘wag kang magpapagabi sa daan.” “Opo, Mama.” Pagkatapos nilang mananghalian, inilabas na ni Sabina ang kanyang damit na isusuot. Pagkapahinga niya ay pumasok na siya sa banyo para maligo. ”Anak, paki-linis mo na din ang banyo.” utos nng ina. “Opo.” At nang matapos siyang maligo’t nakapagbihis kinuha niya ang kwintas at kanyang isinuot. Hindi na niya itinali pa ang kanyang buhok para hindi makita ang suot kwinntas. Lumabas siya ng kanyang silid, nadatnan niya ang kanyang ina sa sala at abalang nananahi ng mga pumit na damit. “Mama, aalis na po ako.” “Sige anak at napakaganda mo sa suot mong ‘yan.” Tumango si Nancy at nilapitan ang anak. Pinakatitigan niya ito. At kanya itong niyakap. “Mahal na mahal kita, anak, lagi kang mag-iingat.” Gumanti ng yakap si Sabinasa ina, naramdaman niyang ibang klase ang yakap ng ina niya ng oras na ‘yon. Sobrang higpit para bang ayaw na siyang bitawan. “Mama, hahaha kina Rinna lang po ako pupunta. Uuwi din po ako.” biro ni Sabina. Kumalassa pagkayakap si Sabina sa ina. “Mama lalakad na po ako.” sabi niya at hinalikan niya ang kanyang ina. Gumanti ng halik si Nancy, hinalikan niya sa noo ang anak at tinitiganniya ‘to. Napakislot si Sabina sa titig ng kanyang ina sa kanya. Para bang may ibig itong pahiwatig. Ngunit dahil mayroon siyang siyang lakad, hindi na lang niya ito pinansin. Alas dos ng hapon nang lumakad na si Sabina para pumunta kina Rinna. “Buti na lang at hindi kainitan nang araw, kundi amoy suka na ako pagdating ko kina Rinna.” usal niya sa kanyang sarili. At nang sapitin na ni Sabina ang bahay nina Rinna, nakita na niya ang kanyang kaibigan na nasa labas ng bahay, mag-kausap nilang mag-ina. Lumapit siya sa dalawa. “Mamu, magandang hapon po.” bigay galang ni Sabina sa ina ni Rinna. “O, Sabina buti napaaga ka, mamasyal na lang kayo ni Rinna at kumain sa Jollibee, naging busy ako kaya hindi ako nakapagluto ng handa ni Rinna.” paliwanag sa dalaga. “Opo Mamu, wala naman pong problema, kahit tinapay lang po okay na sa amin ni Rinna.” “Sige at lumakad na kayo, may pupuntahan pa ako.” “Bahala ka na kay Sabina, Rinna, busugin mo siya hane?” bilin ng ina kay Rinna. “Halika muna sa loob, Sab.” “Rinna Happy Birthday!” bati ni Sabina. “Huwag na lumakad na tayo, para makadami tayo ng mga pasyalan at pagkain.” biro ni Sabina. At naglakad ang dalawahanggang makarating sila sa may sakayan ng traysikel sumakay sila at nagpahatid sa may bayan. Pagkababa nila sa may bayan, pumasok muna sila sa simabahan at umusal ng panalangin. “Saan tayo?” tanong ni Rinna. “Kumain muna tayo? O mamamasyal na muna?” tanong ni Sabina. Sabay na natawa ang dalawa dahil parehas silang nagtanong. Napagdesisyunan nilang mamasyal na muna sila. Nag window shopping sila sa SM Tarlac City. Halos naikot nila ang buong SM hanggang tingin lang sila dahil wala silang pero ipang shopping. “Kapag ako nakapag-work, magpapatayo ako ng sarili kong SM.” bungad ni Rinna. “Hay naku! Rinna gutom lang ‘yan.” “Kaya nga kanina pa ako nagugutom eh.” Pumila sila sa Jollibee. “Take-out na lang natin, sa amin na lang natin kainin.” sabi ni Rinna. “Sige, dagdagan na natin para pati si Mamu makakain din.” “Okay, sinabi mo eh, kaso baka kulangin ang pero ko.” “Odi kung magkano ang kulang, ako ng bahala, pa birthday ko na lang sayo.” sabi ni Sabiina. Bitbit na nila ang pagkain mula sa Jollibee at masaya na silang lumabas ng SM. Habang binabagtas nila ang daan patungo sa sakayan. May matandang humarang sa kanila. “Mga anak, pahingi naman ng inyong pagkain.” sabi ng matanda . Nagkatinginan ang mag-kaibigan. “Lola, kami din po hindi pa kumakain.” sagot ni Rinn. Sinoko ni Sabina ang kaibigan. “Ah, lola heto po bumili na lang po kayo.” sabay abot ni Sabina ng pera sa matanda. “Salamat, anak.” Inabot ng matanda ang binibugay na pera ni Sabina nang mapatitig ang matanda sa leeg ni Sabina. Napansin ni Sabina na titig-na-titig ang matanda sa kanya. Napahawak sa may leeg si Sabina. “Anak, may malagim na mangyayari.” at mabilis na umalis ang matanda. “Napano ‘yon?” tanong ni Rinna. Walang kibo si Sabina hanggang sa sila ay nakasakay na ng traysikel at nakaabot o nakarating na sa bahay nina Rinna. Pagkapasok nila sa loob ng bahay. Inayos na nila ang dala nilang pagkain. Hindi na nila nahintay pa ang ina ni Rinna, nagsimula na silang kumain. “Alam mo Sab, weird ‘yung matanda ano? Biruin mo may malagim daw na mangyayari. Heto nga may lagim ngang mangyayari…. Hahahaha malagim ang paglantak natin dito sa chicken joy!” biro ni Rinna. Natawa na rin si Sabina sa sinabi ng kaibigan. Halos ma-ubos ang oras. Hindi muna siya nagpaalam kay Rinna na maaga siyang uuwi, ayaw niyang ma-spoil ang kaarawan ng kaniyang kaibigan. “Sab, thank you hah? Kahit araw-araw ang birthday ko, hindi ako magsasawa kase lagi kang nandito kahit na walang handa masaya naman tayo.” “Oo na, may drama ka pa ba niyan?” “Sabina, Rinna.” Sabay ang paglingon ng dalawa. “Inay,” “Happy Bithday anak!” bati ng ina ni Rinna. “Salamat po inay, kain na po at may-uwi po kami ni Sab.” May ini abot na kahon ang ina ni Rinna. “Binili kita ng keyk, alamkong gusto niyo ni Sabina ‘yan.” “Wow.” sabay na bulalas ng dalawa. At binuksan na nila ang dala ni Aling Rosa. “Ang sarap po nito inay, ngayon ko lang nalaman na matamis pala ang keyk hahaha!” biro ni Rinna. “Alam mo inay, sana laging may keyk!” biro niya ulit. “Hay naku bata ka! Ang gulo mo, napaka ingay.” “Bilisan niyong dalawa at madilim na uuwi pa si Sabina, dalhan mo ang mama mo ng keyk para may pasalubong ha?” sabi ni Aling Rosa. “Opo Mamu, salamat po.” “Alas nuebe na pala, uuwi na ako, tiyak na mapapagalitan ako nito, inabot ako ng dilim.” sabi ni Sabina kay Rinna. “Ihahatid ka na namin, Sabina.” sabi ni Aling Rosa. “Naku! ‘wag na po mamu.” tanggi ni Sabina. Sab, heto paki-bigay kay Mommy Nancy, sa kanya lang ‘yan ah!” sabay abot kay sabina ng keyk. “Salamat, Happy Birthday ulit, pa’no lalakad na ako.” “Ayaw mo talagang mag-pahatid?” tanong ni Rinna. “Hindi na medyo maliwanag ang buwan kaya okay lang,” sabi niya. At tuluyan nang umalis si Sabina, medyo nagkalayuan ang kanyang nilalakad, sa tulong ng liwanag ng buwan ay naaanigan niya ang kanyang dinadaanan. Nang biglang nagkubli ang buwan sa ulap. Bigla siyang kinabahan. Napabilis ang kanyang lakad. Bigla na lang may humarang na aso sa kanya. “Hala, bakit may aso?” usal niya. Sa kanyang kabiglaan napahawak siya sa kanyang dibdib at nakapa niyaang kanyang suot na kwintas. Noon biglang tumakbo ang aso hindi para lapitan siya, kundi para umalis. Biglang nawaa ang aso kasabay ng pagsilip ng buwan. Nagmadaling naglakad siya, halos patakbo ang kanyang ginawa. Sa wakas at malapit na siya sa kanilang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD