KABANATA 14

1501 Words
BEAUTIFUL NIGHTMARE KABANATA 14 PAGPAPAALAM Nakauwi na ang magkaibigan, nadatnan nila si Aling Rosa na nag hahanda ng makakain nila. At nang mag-gagabi na wala pa ring kibo si Sabina. “Sabina, doon ka na sa kwarto matulog, dito na lang kami sa sala ni Rinna.” “Mamu, dito na rin po ako sa sala, hindi rin naman po ako kaagad na nakakatulog.” “Sige kung ‘yan ang gusto mo.” “Halika na Sabina.” yaya ni Aling Rosa sa anak. Habang nakadulog sila sa hapagkainan, walang imik si Sabina, sumubo lang siya ng isang kutsara at umayaw na. Kahit anong pilit ni Rinna at Aling Rosa na dagdagan niya ang kainin ay puro iling lang siya. “Sabina, ngayong mag-isa ka na lang dito ka na lang sa amin, tulal kami lang ni Rinna, kaso pagpasensyahan mo itong bahay namin at maliit lang.” “Oo nga Sab, dito ka na tumira sa amin.” “Salamat Rinna.” garalgal ang boses ni Sabina. Tumayo si Aling Rosa at tinapik sa balikat si Sabina. Napatingin ang dalawa kay Aling Rosa. “Ano po ‘yon, Mamu?” “Bago nangyari ang ginawa ng iyong ama, binigay niya sa akin ito at ibigay ko daw sa’yo.” saad ni Aling Rosa saka inabot ang puting sobre. Kinnuha ‘yon ni Sabina at pera ang nasa loob nito. “Para sa’yo daw ‘yan, pinag-ipunan niya, hanggang sa gawin niya ang ginawa niyang pagkitil sa kanyang buhay, ikaw pa rin ang naisip niya Sabina.” paliwanang ni Aling Rosa. Tumayo si Sabina at niyakap si Aling Rosa. “Mamu…” iyak ni Sabina kay Aling Rosa. “Tahan na, magpahinga ka na, naglalatag na si Rinna sa sala at tabi-tabi tayo.” haplos ni ALing Rosa sa likod ni Sabina. Inakay ni Aling Rosa si Sabina na may sla at nakalatag a doon at pinahiga na siya. Inilagay ni Sabina ang sobre sa ilalim ng kanyang unan. Titig na titig ang mag-inang Rosa at Rinna, awang-awa sila sa sinapit ng dalaga. “Inay, napakasakit ng nangyari kay Sabina.” sabi ni Rinna. “Oo nga Rinna, walang kasing sakit! Lalo na’t nakita niya kung pa’no pinatay ang kanyang ina. At ang ginawa pa ng kanyang ama. Sa loob ng isang araw, dalawang mahal niya sa buhay ang lumisan.” naluluhang sabi ni Aling Rosa. “Inay, paano na po siya?” tanong ni Rinna sa ina. “Tutulungan natin siya anak, dumito siya hanggat gusto niya at hanggang sa siya ay makalimot.” “Salamat po inay.” Lingid sa mag-inang Rosa at Rinna naririnig ni Sabina ang usapan ng dalawa. Napakakagulo ng kanyang isip, gusto niyang kalimutan ang nangyari ang malagim na pangyayari sa kanyang buhay. Nahiga na si Rinna sa tabi ni Sabina, tumagilid si Rinna para mapaharap sa nakatagiilid na Sabina. Tinitigan ni Rinna si Sabina. Kitang-kita ni Rinna ang takot, pangamba at pagod sa mukha ng kanyang kaibigan. Nang may mapansin si Rinna sa may dibdib nito. “Ang kwinta!” bulong ni Rinna. Pinakatitigan ni Rinna ang kwintas na suot ni Sabina. “Parang may nakapaloob na hiwaga sa kwintas na ‘to” bulong uli sa kanyang sarili. “Napakaganda ng kwintas pero… ewan ko ba!” usal ulit sa sarili ni Rinna. Dala nang pagod nakatulog na rin si Rinna. Maagang bumangon si Rinna, wala na ang kanyang ina at pumunta na ito sa palengke. Nagluto nang almusal si Rinna hinayaan lang niya si Sabina sa higaan. “Pa, Ma!” baligkwas ni Sabina. Unang umagang nagising si Sabina na hindi nila bahay at wala sa paligid ang kanyang ina’t ama. Pinigilan ni Sabina ang mapaiyak. Tinupi ni Sabina ang hiningaan nila at nagtungo sa kusina hawak ang sobreng bigay ni Aling Rosa. “O, Sab upo na at mag-alsumal na tayo.” yaya ni Rinna. “Salamat, Rinna.” “Puro ka na lang Salamat, masanay ka na dito sa bahay namin ay bahay pala NATIN!” sabi ni Rinna na nakangiti. “Ah…. Rinna ngayon pa lang gusto kong malaman mo na hindi ako magtatagal dito.” sabi ni Sabina sa kaibigan. Napahinto si Rinna sa paghahalo sa kapeng tinitimpla niya. “Tama ba ang narinig ko? Hindi ka magtatagal dito? Babalik ka sa bahay ninyo?” nakakunot-noo na tanong ni Rinna. “Hindi Rinna! Gusto kong umalis dito, pumunta sa ibang lugar, para mahanap ang aking sarili.. Hindi ko alam kung paano na ako? Kaya gusto kong lumayo muna, Rinna.” “At saan ka pupunta?” “Ewan ko Rinna, ewan ko. Itong perang iniwan ni Papa gagamitin ko, ayoko nang maalala pa ang nangyari Rinna…. Gusto kong kalimutan ang lahat. Kaya gusto kong hanapin at hrapin ang sarili ko.” paliwanag ni Sabina. “Ikaw ang bahala Sabina, igagalang ko kung ano ang desisyon mo at kapag nahanap mo na ang sarili mo, ang kapayapaan ng isipan at puso mo, bumalik ka dito.” ngiti ni Rinna. “Salamat sa pag-unawa mo Rinna.” wika niya. “Siya kain na tayo at mamayang gabi sasabihin mo kay inay ang desisyon mo.” sabi ni Rinna. “Sabina, gusto mo bang pumunta sa bahay ninyo?” biglang tanong ni Rinna. Napatingin naman agad si Sabina kay Rinna. “Ayoko.” sagot niya. Hindi na kumibo si Rinna. Lumipas ang mag-hapon nang magkaibigan, pilit inaaliw ni Rinna ang kanyang kaibigan. Ngunit bigo siya. “Ah, Sabina.” “Yang kwintas na suot mo, kapag umalis ka itago mo pansinin ng magnanakaw ‘yan.” paalala ng kaibigan. Tumango lang si Sabina sa kaibigan. Tinutulungan ni Sabina na magligpit ng pinagkainan nila. Hinayaan lang ni Rinna para kahit papano kumikilos na siya. Nang makatapos sila sa pagliligpit at paghuhugas ng plato. Pumunta sa sala si Sabina, naupo siya at malalim ang iniisip. Bigla na naman naalala ang dagok ng kanyang buhay. “Ayoko nang umiyak.” bulong ni Sabina sa sarili. Nilapitan ni Rinna ang kaibigan. Nakita ni Rinna na may namumuo na luha sa kanyang mga mata si Sabina. “Sab, magpakatatag ka.” sabi ni Rinna. At biglang humagulgol si Sabina sa balikat ni Rinna. “Hinang-hina ako Rinna, hindi ko alam kung saan ako magsisimula, hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko. Ibig kong lumayo takasan ang nangyari sa akin, ngunit naging bangungot na ito sa aking buhay at ala-ala. Marami akong gustong gawin ngayon Rinna, ngunit hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula.” mahabang paliwanag ni Sabina. “Kailangan kong umalis para mahubog ko ang aking sarili para maging matatag.” “Alam ko makakaya mo ang lahat Sabina, unti-unti kang makakalimot sa nangyaring ito.” haplos sa likod ni Sabina. “Salamat sa lahat.” “Saan ka man makarating lagi kang mag-iingat iyon lang ang masasabi ko sayo.” saad ni Rinna. Kumalas si Sabina sa pagyayakap ng kaibigan. “Ang kwintas mo Sab, ayoko man sa kwintas na ‘yan wag mong isusuot ah?” ulit ni Rinna sa kaibigan. Hinawakan ni Sabina ang palawit ng kwintas may naramdaman syang kakaiba, pero binalewala niya lang ito. “Rinna, Sabina!” Sabay silang napalingon. “Tulungan niyo ako dito.” Tinulungan nila sa dala ni Aling Rosa sa mga gulay at mga de-lata. Habang nakaupo si Aling Rosa, nilapitan ni Sabina ito. “Mamu.” “O, Sabina upo ka, may sasabihin ka ba?” “Opo, Mamu hindi po ako magtatagal dito.” “Ayaw mo ba dito sa amin? Babalik ka ba sa bahay inyo?” “Hindi po Mamu, gusto ko pong harapin ang aking sarili para maging matatag.” paliwanag ni Sabina. “Hindi naman ako mahirap kausap Sabina, kung iyan ang desisyon mo, ikaw bahala. Pero… saan ka pupunta?” “Kung saan po ako dadalhin ng aking mga paa.” “Katulad ng sinabi ng iyong ama, magpakatatag ka harapin mo kung ano ang magiging buhay mo saiyong paglalakbay.” saad ni Aling Rosa. NIyakap ni Sabina si Aling Rosanat pumatak ang kanyang luha sa balikat nito. Habang naghahapunan sila, nagtanong si Rinna. “Sab, kailan ka aalis?” “Bukas na.” sagot agad ni Sabina. Nagkatinginan sina Rosa at Rinna sa mabilis na sagot ni Sabina. “Ah, bibigyan kita ng damit.” “Huwag na Rinna, salamat na lang.” tangi ni Sabina. “Anuman ang desisyon at kagustuhan mo Sabina, iginagalang namin iyon.” ngiti ni Rinna sa kaibigan. “Salamat talaga sa inyo.” Nang gabing iyon, habang nakahiga na sila, nagsalita si Sabina. “Mamu, maari po bang pag-alis ko paki sunog po ninyo ang bahay namin, dadaan po ako sa Barangay Hall para hindi po kayo kasuhan.” “Kung ‘yan ang gusto mo Sabina, matulog ka na para magkaroon ka g lakas nang pag-iisip at lakas ng katawan, gagawin ko ang ibig mo, susunugin ko ang bahay ninyo.” sabi ni Aling Rosa. At pumikit na si Sabina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD