KABANATA 13

1000 Words
BEAUTIFUL NIGHTMARE KABANATA 13 Paglilibing Nagulat ang mga nakikiramay sa biglang pag sigaw ni Rinna. At lalo silang nagimbaw sa nakita nila. Si David tumutulo ang dugo at wala nang malay. Gimbal-na-gimbal si Sabina, halos ayaw nang bitawan ni Rinna ang kaibigan dahil nagpupumiglas ito sa pagkakayapos ni Rinna. Pagtulong-tulungan maihiga ang wala nang buhay na lalaki. Nilapitan ni Aling Rosa sina Rinna at Sabina saka niyakap niya ito. “Sabina, magpakatatag kaa!” “Papa koo, ayoko ng ganitong panaginip! Gisingin niyo akoo! Sampalin niyo ako! o kaya patayin niyo na rin ako!” sigaw ni Sabina. “PA, Ma, bakit?” “Makakaya mo ang lahat ng ito, Sab.” “Paano? Sabihin mo nga kung paano? Nasasabi mo lang ‘yan dahil hindi sa’yo nangyari ang nangyaring ‘to sa’kin!” sigaw ni Sabina sa kaibigan. Awang-awa ang mga nakikiramay kay Sabina.Hindi pa inilibing ang kanyang ina, pero heto na naman ang isang pangyayari. Ayaw palapitan si Sabina sa bangkay ng kanyang ama. Ngunit nagpupumilit siya. “”Mamu, Rinna, gusto kong mayakap si Papa huwag niyo siyang ipagdamot sa akin…. Pakiusap.” malumay na sabi niy. Inalalayan ni Rinna ang kaibigan palapit sa hinihigaan ng wala ng buhay na si David. Napatakip si Sabina sa kanyang bibig dahil sa ginawa ng kanyang ama sa sarili. Butas ang lalamunan nito at kaliwang dibdib. Halos hindi makapagsalita at makakilos si Sabina. Gusto niyang sumigaw pero bakit napakadamot ng tinig niya. Gusto niyang tumakbo para takasan ang malagim na insidente pero hindi siya makakilo. Ramdam niyang may parang mabigat na nakadagan sa kanyang mga paa. Tanging sa isip lang siya nagtatanong ng puro ‘Bakit?’ “Bakit mo nagawa ‘to, Papa? Hindi mo na ba ako mahal? Bakit mo ako iniwan?” sunod-sunod na tanong ni Sabina sa kanyang isipan. “Sabina, uminom ka muna.” iniabot ni Aling Rosa ang isang basong tubig sa kanya. Inabot ni Sabina at tiningga niya ang laman ng baso. Ramdam ni Sabina na parang nun lang siya nakatikman ng tubig. Nakaramdam siya ng ginhawa, pero nandon pa rin ang sakit nang kanyang nasaksihan at nangyari sa kasalukuyan. “Sabina, naayos na ang bangkay ng iyong ama at ilalagay na siya sa loob ng kabaong.” sabi ni Aling Rosa sa kanya. Tumango lang si Sabina. Pinagtabi ang dalawang ataul. Halos ayaw nang lapitan ni Sabina ang mga iyon. Pero hindi niya matatakasan ang katotohanan. “Sab, tinatanong ng mga taga purerarya kung kaylan ang libing?” pukaw ni Rinna sa kaibigan. “Buksa na sila ililibing.” walang emosyon na sagot ni Sabina. Tumango lang si Rinna bilang pangsang-ayon sa gusto ni Sabina. Hating-gabi na sila na lang ang natira sa pagbabantay ng mga nakaburol. “Mamu, Rinna, magpahinga na muna kayo. Maraming salamat sa oras na ginugol ninyo.” sabi ni Sabina. “Inay, matulog ka po muna kahit ilang oras lang.” sabi ni Rinna sa kanyang ina. “Sige, iidlip lang ako, kayo na muna diyan, dito lang ako sa may likuran niya sa upuan na lang ako.” sabi ni Aling Rosa. Maya-maya ay nakarinig na sila ng mahinang hilik, tulog na si Aling Rosa.sta “Rinna, salamat sa’yo at kay mamu.” sabi ni Sabina. “Sab, huwag kang magpasalamat nagtuturingan tayong magkapatid kaya nandito lang ako o si mamu para sa’yo.” sabay hawak ni Rinna sa palad ni Sabina. Nilingon ni Sabina ang kaibigan, nakita niya ang awa sa mga mata nito. “Huwag kang maawa sa akin Rinna, huwag mong itatanong kung bakit? Saan, paano, kailan at ano ang gagawin ko. Ako man ay hindi ko alam.” walang emosyon na sabi ni Sabina. “Hindi ko alam kung magiging matatag ako.” naiiling na dagdag na sabi ni Sabina. “Magiging matatag ka dahil hindi sa gusto ng iyong ama, kundi sa kagustuhan mo Sabina, huhubugin ka ng panahon. Unti-unti mong kalimutan, iwaglit mo sa isipan mo ang mga nangyaring ito.” sabi ni Rinna sa kaibigan. Niyakap n Rinna ang kaibigan. Ramdam ni Rinna na napapalooban ng takot ang pagkatao ni Sabina ngayon. Hindi na natulog ang dalawa, hinintay na nila ang bukang liwayway. Habang papalapit ang oras ng paglibing ang kanyang mga magulang, ramdam ni Sabina na pati siya ay gusto na ring ipalibing ang kanyang sarili. Halos wala na siyang iluluha pa. Lumapit siya sa dalawang kabaong. “Mama, salamat po sa lahat.” pumiyok ang boses ni Sabina humikbi siya at tuluyang umiyak. Bumaling siya sa isang kabaong. “Papa, napakarami ko pong tanong, pero alam ko pong mahal mo si Mama, ayoko pong isipin na naduwag kang mag-isa, ayoko pong isipin na hindi mo po ako mahal. Papa, patawad po hindi ko po nasunod ang pakiusap mo na maaga akong uuwi.’” sabi ni Sabina sa kabila ng kanyang mga hikbi. Humantog ang oras nang paglisan ng kanyang mga magulang ni Sabina, napapalagitnaan siya ng mag-inang Rinna at Aling Rosa. Hinang-hina ang kanyang nararamdaman, kundi lang siya hawak sa magkabilang bising ng mag-ianang Rosa at Rinna, baka tamimbuwag na siya. Nakarating na sila sa paglilibingan, hindi na niya tinignan pa sa huling pagkakataon ang mga labi ng kanyang mga magulang. “Sabina, tayo na.” boses ni Aling Rosa. “Mauna na po kayo, mamu.” “Sige po inay sasamahan ko po muna si Sabina.” “Kaagad kayong umuwi hah?” sabi ng ina ni Rinna. “Samahan mo na si Mamu, Rinna… dito muna ako.” “Sab, sasamahan kita dito at huwag ka nang kokotra pa.” Hindi na nakipagtalo pa si Sabina sa kaibigan. Lumipas ang mahabang oras, hapon na ngang mag-yaya si Rinna. “Sab, halika na.” “Rinna, ayokong umuwi sa bahay namin.” “Hindi ka sa bahay niyo uuwi, Sab, sa amin ka uuwi.” sabi ni Rinna. “Halika na at nagugutom na ako.” yaya ni Rinna. “Rinna, makikitira muna ako sa inyo, natatakot ako.” pag-amin ni Sabina. Niyakap ni Rinna ang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD