KABANATA 19

1140 Words
BEAUTIFUL NIGHTMARE KANABATA 19 DONYA CAMILLE Si Donya Camille Tolliaddo ay isang mabait at mayamang may bahay ni Don Ramil. Hindi siya mahilig sa mga sosyalan, gaya ng obang ginang na mayayaman. Tanging hilig ni Donya Camille ay tumulong sa mga nangangailangan. Magtayo ng mga bahay kalinga para sa mga matandang wala ng pamilya, mga bahay ampunan sa mga bata o sanggol na iniwan. Mga kabataang gustong mag-aral kanya ring tinutulungan. Sina Don Ramil Tolliaddo at Donya Camille Tolliaddo ay ang nagmamay-ari ng kilala at malalaking mga alahasan. Isa na rito ang “TWIN GOLD JEWELRY”, na kilala sa mga solidong ginto ang mga binebentang alahas. May mga jewelry store sin sila sa ibat-ibang bansa. Halos mga kilala at mayayamang tao ang mga pumapasok at bumibili ng mga alahas nila. Mabait si Donya Camille, napakalambot ng kanyang puso sa mga mahihirap at nangangailangan ng tulong. May kambal silang Anak si Rado at Randall. “Randall, iho kamusta ang TWIN GOLD JEWELRY sa Bahrain?” “As usual, Mom maraming kostumer.” sagot ni Randall sa ina. “Randall, ayusin mo ang TWIN GOLD na hawak ng iyong kakambal, mukhang walang pumapasok na pera.” utos ni Don Ramil. “Bakit wala, Dad? Di-ba si Rado ang may hawak sa apat na jewelry store dito sa Pilipinas?” nakakunot noong tanong nito sa ama. “Oo siya nga, pero ewan ko ba sa kakambal mong ‘yon, laging nasa labs hindi naman siya dating ganyan, kapag sinabihan ko siya lagi na lang ‘Oo Dad! Easy Dad!’ ang sagot niya.” ngitngit ng Don. “Apat ang hawak niyang store! Gumagalaw naman ang mga alahas pero hindi nadadagdagan ang kinikita.” Nakikinig lang si Donya Camille at Randall sa mga sinasabi ng Don. “Kaya kita pinauwi dito, tulungan mo ang TWIN GOLD, anak.” Bumuntong hininga si Randall, nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Huwag mo munang i-pressure ang anak mo, kadarating lang niya.” sabat ni Donya Camille. “Kailan pa ba siya kikilos! Kapag lugi na ang mga TWIN GOLD dito?!” sigaw ni Don Ramil. Napailing si Randall sa kanyang ama, kaya gusto niya na malayo sa ama dahil kapag nag-utos ito, ay dapat sumunod kaagad. Pero dahil na rin sa pakiusap ng kanyang ina na pagbigyan ang kanyang ama, kaya umuwi siya ng Pilipinas. “Hayaan mo Dad, kakausapin ko si Rado.” sagot ni Randall. “Randall anak, gusto mo na bang kumain? Pwede tayong kumain sa labas?” agaw ni Donya Camille. “No, Mom gusto kong magpahinga, sa bahay na lang.” “Okay, kung ‘yan ang gusto mo.” At may biglang naisip si Donya Camille. “Ramil, yung dalaga anina sa loob ng simbahan, kinilabutan ako sa mga hagulgol niya.” “Hayaan mo na ‘yon at tulad ng kwento ni Eco malaki ang naging problema niya at lalong lumaki nang umalis siya sa kanula di-ba?” “Gusto niyang makalimot kaya umalis siya sa kanila.” wika ni Donya Camille. “Kaso nga wala an lang siyang matutuluyan dito, napakagulo at maraming mga manloloko ngayon.” paliwanag ni Don Ramil. “Kundi sana siya umalis, nakausap ko na sana siya.” malungkot na sabi ng Donya. Nakikinig lang si Randall sa pag-uusap ng kanyang mga magulang. Nilingon naman ng Donya ang anak. “Ikaw Randall, narinig mo siya di-ba? Anong naramdaman mo?” tanong ng Donya sa anak. “Naawa ako sa kanya Mom, kaso sabi nga ni Dad, maraming manlolokongayon kaya kung totoo man ang sinasabi niya, kawawa siya.” sagot ni Randall sa ina. “Siguro naman, ank hindi siya manloloko at gaya ng kwento ni Eco malagim ang nangyari sa kanya.” saad ng Donya. Nagkibit balikat si Randall. “Tingnan mo yung tinulungan mo dati, pinatira mo sa mansion pero anong ginawa? Ninakaw tayo!” galit na sabi ni Don Ramil. “Tama si Dad, ang dami mong bahay-ampunan Mom bakit pinatira mo pa sa mansyon ‘yon?” “Dapat naging leksyon sa’yo ang insidenteng ‘yon.” hindi na kumibo ang Donya, nagtiwala siya at naawa sa babaeng kanyang kinupkop noon, pero ninakawan lang sila. “Kaya Mom, sa susunod, huwag sa mansyon.” banta ni Randall. Nakarating na sila sa isang kilalang subdibisyon, pawang mga bilang tao lang ang pwedeng pumasok doon, mga mayayamang tao ang mga nakatira sa lugar na ‘yon. Nasa may bungad lang ang kanilang mansyon at bumusina si Randall. Dali-daling nabuksan ang napakataas na gate at ipinasok ni Randall ang kotse. Bumaba si Donya Camille at tuloy-tuloy sa may kitchen at inutusan ang kusinera nilang magluto ng masarap na ulam. Pumasok din sa may kusina si Randall. Binuksan niya ang refrigerator kumuha siya ng tubig. Nilagok niya iyon dahil sa pagod. Nakaramdam siya ng ginhawa, kanina sa loob ng simbahan ay inip-na-inip siya. Sinundo siya sa airport ng kanyang ama’t ina, wala ang kanilang driver. Kaya ang ama na niya ang nagmaneho papuntang airport at hindi sila kaagad umuwi, dahil naglambing ang kanyang inang si Donya Camille na pumunta na muna sa simbahan. At doon narinig nila ang hinanakit ng isang babae, nakaramdam siya ng awa, pero bigla na lang itong nawala. At lalo pa siyang nakaramdam ng pagod nung mga sinabi ng kanyang ama, kaya nagsawalang kibo na lang siya, ayaw muna niyang mangatwiran sa kanyang ama, lalo na’t tungkol sa kanyang kakambal na si Rado. “Randall, umakyat ka muna sa kwarto mo para makapag pahinga ka muna, mamayang maghahapunan na kita tatawagin.” sabi ng Donya. “Thanks Mom, I love it! Felling ko sumabak ako sa giyera.” biro ni Randall sa ina. Natawa naman ang Donya sa sinabi ng anak. “ Talagang sasabak ka sa giyera! Ayusin mo ang TWIN GOLD.” palapit na sabi ng kanyang ama. Napalingon at nagkatinginan ang mag-ina. “Sige, anak akyat na sa taas, pinaayos ko na ang kwarto mo at gigiyerahin ko ang Dad mo!” kindat ng Donya sa anak. Napangiti si Randall at hinalikan sa pisngi ang kanyang ina. “Thanks Mom, see you later!” paalam ni Randall. Pagpasok ni Randall sa kanyang kwarto, napangiti siya dahil matagal na panahon na hindi siya nakakahiga sa kanyang kama. At sa baba ng mansyon, nag-uusap ang mag-asawang Don Ramil at Donya Camille. “Ramil, hayaan mo ang anak mo, alam naman niya ang kanyang gagawin kahit hindi mo diktahan o utusan.” “Alam ko ang ginagawa ko!” “Nasanay kang mag-utos, Ramil kaya si Rado minsan hindi ka na niya sinusunod.” wika ng Donya. Hindi na nakibo si Don Ramil dahil alam niyang papunta na sa away ang pag-uusap nila. Pagdating sa kanilang anak na kambal hindi siya nananalo kay Donya Camille. Masyadong mabait ang kanyang asawa. Minsan sa sobrang kabaitan nito ay may mga taong niloloko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD