BEAUTIFUL NIGHTMARE
KANABATA 20
RADO
“Mantha, pakitawag mo ang senyorito Randall mo at kakain na.” utos ng Donya sa kasambahay.
Sumunod ang kasambahay sa utos ng Donya, umakyat siya sa hagdan papunta sa taas ng kwarto ni Randall.
Kumatok ito. “Senyorito Randall, Senyosito.” tawag nito.
Nagising si Randall sa tawag ng nasa labas ng kanyang kwarto. Bumaba siya ng kanyang kama saka tinungo ang pintuan at binuksan ito.
“Senyorito, pinapatawag ka po ng Mommy niyo at magdi-dinner na daw po.”
“Sige at susunod na ako.”
Bumaba na ang kasambahay. At tumulong sa paghahanda ng hapunan. Parang pista ang ibabaw ng mahabang mesa ng mga Tolliaddo, iba-ibang puntahe ang naka-hapag sa magara at mahabang mesa.
Pababa na ng hagdan si Randall, kanina pa kumakalam ang kanyang sikmura. “Oh, anak dumulong ka na dito.” yaya ng Donya.
“Hi, Dad.” bati ni Randall sa ama.
Tumango lang ang Dn, nagsimula ng maglagay ng pagkain sa kanyang plato si Randall.
“Anak, lahat ng ‘yan dapat kainin mo, alam kong nasabik ka sa mga inihahanda naming pagkain ng ating kusinera.” sabi ng Donya.
“Bakit ang dami naman ng mga ito Mom, parang ayaw mo na akong pakainin sa darating na mga araw ah.” nakangiting biro ni Randall.
Ngumiti naman ang Donya. “Gusto ko lang maging magana ka, anak.” wika nito.
At nagsimula ng sumubo si Randall.
“Helloooo, everybody!” sigaw ng papasok na lalaki.
“Is anybody here?!”
Diretso sa dining area ang lalaking sumisigaw at nang makita ang Donya. “Mommy, Mommy!” sabay bukas ng mga bisig para mayakap ang Donya. Tumayo naman ang Donya at yumakap ito.
Patuloy lang ang pagsubo ni Randall. “Hi Dad!” sabay halik sa noo ng Don.
Tumango lang ang Don sa bagong dating. “Oh no! My twin brother is here!” pamulagat na biro nito.
“Oh yes! I’m here.” sagot ni Randall.
“Maupo ka Rado at sumabay ka na sa amin.”
Hinila ni Rado ang upuan sa tabi ni Randall. “So, how’s life?” tanong ni Rado habang sumasandok ng pagkain.
Nagkibit lang ang balikat ni Randall. Tuloy lang ang pagsubo niya ng pagkain.
“Rado, how’s TWIN GOLD in Baguio?” tanong ng Don.
“Hmmm, so ayon goin’ good Dad.” sagot ni Rado sabay subo ng pagkain.
“Is that all, Rado??’ maigting na sabi ng Don.
Nagkibit balikat lang si Rado. “Mom, so yummy and delicious foods!” nag thumbs-up pa si Rado sa Donya.
“What about the TWIN GOLD in Cebu?’ tanong ulit ng Don.
“Ramil, after eating na lang ‘yan.” sabat ng Donya.
“Hayaan niyo lang si Dad, Mom sasagutin ko naman lahat ng mga tanong niya eh.” sabay subo nito.
“What’s more question, Dad? Just go on Daddy.” kindat ni Rado, sabay sulyap sa kanyang kakamabal.
“What’s about Randall, Dad tinanong-tanong mo na ba siya about TWIN GOLD in Bahrain, Qatar, Abu-Dhabi at UAE?” sabay baba ng kutsara at tinidor ni Rado.
Napatigil si Randall at tinitigan si RAdo. “I’m not irresponsible like you, Rado!” maigting na sagot ni Randall.
“Enough!” sigaw ng Donya.
“Madalang lang tayong magsasabay-sabay kumain tapos ganyan pa ang inaasal niyo!hindi na kayo mga bata para bawalan kayo mismong sa harapan ng pagkain.” naluluhang sabi ng Donya.
Tumayo naman si Randall at nilapitan ang ina. “I’m sorry, Mom.” haplos niya sa magkabilang balikat ng ina.
Masamang tinitigan ni Randall ang kakambal. Nagkibit balikat lang si Rado at ipinagpatuloy ang pagkain. “Mom, Dad magpapahinga na ako, marami pa akong gagawin at pupuntahan bukas.” paalam niya sa mga magulang.
“Okay, iho just take a rest.” sagot ng Donya.
“Thanks, MOm, good night to all.” sabay talikod nito.
“Wait!” boses ni Rado.
“You don’t miss me, Rand?” tanong nito.
Humarap si Randall sa kakambal at tiim bagang na tinitigan ito. “I don’t.” walang emosyon na sagot nito.
Tumalikod kaagad si Randall at mabilis na umakyat sa kanyang kwarto. Naiwan ang tatlo sa harap ng hapag-kainan. “I’m done too, Mom.”
Tumayo si Rado, dumiretso siya samay garden at minamasdan niya ang pool na naging saksi sa paglaki nila ng kanyang kakamabal na si Randall. Nauna ng dalawang minuto si Randall kay Rado noong isinilang sila ni Donya Camille. Naging mabait na kuya si Randall kay RAdo, magkasambwat sila sa mga kalokohang ginagawa nila.
Babae ang dahilan kung bakit nagkaroon ng lamat ang pagsasama ng kamabal. Si Randall na lang ang lumayo at hinyaan na lang si Rado sa gusto nito. Maski ang mga magulang nila ay hindi na maawat si Randall ng hilingin nito na ipadala siya sa mga JEWELRY STORE nila sa iba’t ibang bansa at naging matagumpay naman siya nagkaroon ng mga branches ang TWIN GOLD JEWELRY na hawak ni Randall
“Why are you here, Rand?” tanong ni Rado sa sarili.
Naikuyom ni Rado ang kanyang palad at napasuntok sa hangin. Nagkaroon ng malaking kasalanan si Rado noon kay Randall, nagastos niya ang malaking halagang kinita ng TWIN GOLD mahilig sa nightlife si Rado, gimik dito, gimik doon halos siya na ang bumubuhay sa kanyang mga barkada. Bigay luho siya sa mga ito. At nagalaw niya ang kinita at pera ng TWIN GOLD JEWELRY na hawak ni Randall. At nang malaman ng kanyang ama, ang itinuro niya ay si Randall, halos hindi pinakinggan ng Don si Randall, pinaniniwalaan niya si Rado. Halos mamatay si Randall sa p*******t ng ama. Hindi biro ang limang daang milyong pisong halaga ng perang naagaw ni Rado.
At si Randall ay itinuro niya dahil lahat ng transection sa bangko ay ang nakapirma si Randall. Ayaw pakinggang si Randall sa paliwag niya na hindi siya ang pumirma sa mga naiwiwidraw na pera.
At ang pangalawang nagawang kasalanan ni Rado kay Randall ay nang agawin ni Rado ang girlfriend ng kanyang kakamal. Doon na napuno si Randall nasaktan nasaktan niya si Rado.
Hindi na sila nag usap pa noon, dahil nalaman ng lang ni Rado na ipinadala na sa Bahrain si Randall dahil iyong ang hilig ni Randall sa kanyang ama.
Samantala sa itaas ng ansion nasa may bintana ng kanyang kwarto si Randall, kita niya ang kanyang kakambal na nasa tabi ng pool at tila may iniisip.
“You’re not getting any younger, Rado and your age wala ka pang nararating.” bulong ni Randall.
“After 15 years ngayon lang ulit tayo nagkita.” bulong uli nito.
“Why are you here, Rand?” bulong ni Rado sa sarili.
Tumingala siya sa taas ng mansion at iginala niya ang kanyang paningin at nakita niya si Randall na nakatayo sa may bintana ng kwarto ni Randall.
Ngumiti si Rado at itinaas ang kanyang kamay. “Fvck you, Randall.” halakhak nito.
Hindi na nagulat si Randall sa ginawa ng kakambal. Lumabas ng kwarto si Randall at pinuntahan si Rado sa tabi ng pool.
“Why you hated me, Rado?’ bungad ni Randall, papalapit sa kakambal.
Hindi humarap si Rado at hindi siya sumagot, nag-umpisang maglakad si Randall pabalik sa kanyang kwarto nang marinig niyang magsalita si Rado.
“Why are you here, Rand?”
Napatigil sa paghakbang si Randall. “Because of the TWIN GOLD.” sagot nito.
“Is that all?”
“Yes, Rad.” sagot ni Randall. Hindi na nakakibo si Rado.
“By the way Rad, starting tomorrow I'm your boss!”
Hindi nakakibo si Rado, pero malinaw ang kanyang narinig, magiging boss niya si Randall? Samantalang siya ang boss!
“Are you kidding me?!” napasigaw na tanong ni Rado.
“No, I’m not.” nakangising sagot ni Randall.
Galit na dali-daling umalis si Rado at masamang tinignan si Randall. Natatawang sinundan ni Randall ng tingin ang kakambal.
“After so many years you don’t change enough Rad, lalo ka pang lumala.” bulong ni Randall sa sarili.
Dumiretso si Rado sa kanyang sports car. “So be it Rand, your not my boss, I'm your boss!” ngisi ni Rado. “I will ruin your life Rand, and i assume you babalik ka kung saan ka nanggaling.” bulong ni Rado.
“Rado! Saan ka pupunta?” nagulat si Rado sa biglang pagsulpot ng ina.
“Mom gigimik, hinihintay ako ng ga barkada ko.”
“Bakit barkada a naman?!” bulalas ng ina.
“Mom, matulog ka na, maaga akong uuwi!” sabay halakhak nito.
Tuluyang umalis si Rado.
“Hindi mo napigilan at hindi siya nagpatigil ‘no Mom?” napalingon ang Donya at nakita niya si Randall na nakahalukipkip.
“Anak, hindi ka pa nagpapahinga ah.”
“Nope, Mom.” lapit ni Randall sa ina. Inakbayan niya ito at pumasok na sila sa loob ng mansion. Papanhik na sila sa itaas ng mansion nang nakasalubong nila si Don Ramil sa hagdanan.
“Randall, bukas sa Baguio ka pumunta.” utos agad ng Don.
“Yes, Dad.” sagot niya.
“Where’s Rado? Magsabay na kayo bukas.” sabi ulit ng Don.
“No Dad thanks, magbibiyahe akong mag-isa.” sagot niya.
“Ikaw ang bahala, Camille nasaan si Rado?” tanong ulit nito.
“Umalis ang anak mo.” sagot ng Donya.
Nagkibit balikat ang Don at sumabay na rin siya sa pag akyat sa kwarto nilang mag-asawa. Mabilis na binabaybay ni Rado ang highway papuntang hinde-out nilang magbabarkada. Hindi niya matanggap na makakasama niya ang kanyang kakamabal sa trabaho at magiging boss pa niya ito
“s**t! Boss!” galit na sambit niya
“Go to hell, boss Randall!” sigaw ni Rado.