KABANATA 6

1024 Words
BEAUTIFUL NIGHTMARE KABANATA 6 Pagpayag HABANG masayang naghahapunan ang pamilya ni David. Napansin nilang mag-asawa na may ibig sabihin ni Sabina. Pasulyap-sulyap si Sabina sa kanyang ama’t ina, parang atubili siyang magsabi at baka hindi siya payagan. “Mukhang may gusto kang sabihin ah Anak?” tanong ni Nancy sa anak, sabay sulyap kay Sabina. “Ano ba ‘yon ah?” tanong uli nito. Nakikiramdan lang si David sa mag-ina, habang sumusubo ng pagkain. “Ah-hmm, Pa, Ma magpapaalam po sana ako sainyo, kundi naman po kayo papayag okay lang po.” sabi nya. “At saan ka pupunta?” sagot at tanong ng ama. “Pa, Ma birthday po ni Rinna sa lunes, gusto ko po sanang samahan siya. Ipagpaalam din naman po nya ako sa inyo, pero inunahan ko na po sya para sakaling hindi nyo po ako payagan alam ko na po ang sasabihin ko sa kanya.” mahabang paliwanag ni Sabina. Nagkatinginan ang mag-asawa, sabay baling ng tingin sa anak. “Papayagan ka namin, pero huwag kang masyadong mag pagabi, delikado sa isang katulad mong babae ang abutan ng dilim sa daan” paalala ng ama. Natuwa si Sabina sa pagpayag ng kanyang ama. “At walang lalaki ha?!” sabi ng ina. “Wala po Ma, mamamasyal lang po kami ni Rinna at hindi po kami magpapagabi Pa.” sagot niya sa mga magulang. “Sige na jain na at nang makapagpahinga na tayo.” sabi ng ina. “Pa, Ma salamat po mahal na mahal ko po kayo.” madamdaming sabi ni Sabina. At pinagpatuloy na nila ang pagkain. Habang nakaupo sa sala si David, naisip niya na kung bakit pumayag sila sa kagustuhan ng anak. Lumapit si Nancy at naupo sa tabi ng asawa. “Anong iniisip mo?” tanong niya. “Naisip ko lang kung bakit ko pinayagan ang ating anak.” sagot ni David. “Hay naku! David, si Rinna naman ang kasama nya alam mo naman ang dalawang iyan para silang mag-kapatid at diba sabi ni Sabina na hindi sila magpapagabi.” paliwanag ni Nancy sa asawa. “Pumayag a na diba? Kaya huwag mo nang bawiin ‘yon.” dagdag na sabi ni Nancy. “Sabina anak.” tawag ni David. “Bakit po Papa.” palapit na sagot ni Sabina. “Huwag kang magpapakagabi sa Lunes ah?” paalala uli ng ama. “Opo Papa, kaagad po akong uuwi.” sagot ni Sabina. “Sige at pumasok kana sa kwarto mo.” sabi ng ina. “Good night po!” paalam niya. Habang inaayos ni Sabina ang kanyang higaan, naisip niya na tiyak na matutuwa si Rinna, dahil pinayagan sya ng kanyang mga magulang. Inayos ni Sabina ang damit na susuotin nya at naupo sa kanyang higaan. Kinuha niya ang kwintas sa ilalim ng kanyang unan. Pinakatitigan niya ito. “Napakaganda mong kwintas ka!” bulalas ni Sabina. Nahiga si Sabina habang hawak nya sa kanang kamay ang kwintas, kanyang itinaas ito at pinaka-sipat-sipat niya. “Maisusuot din kita.” sabi nya. Tuluyang pumikit ang mga mata ni Sabina at siya’y nakatulog. Kumislap ang kwintas ng kanyang hawak, nagbabaga ang kulay nito, nakakasilaw at nakakapangilabot! Nagising si Sabina sa katok ng pintuan ng kanyang kwarto. Pupungas-pungas na bumaba siya nang kanyang higaan para buksan ang pinto. “Bulaga! Good Morning my FBF!” bulalas ng nakatayo sa harapan nya. “Rinna ang aga mo naman ah!?” reklamo ni Sabina. “Tsaka ano naman ‘yang FBF na ‘yan?” tanong sa kaibigan. Naglakad papasok si Rinna sa loob ng kanyang silid at naupo sa higaan nito. ”FBF dimo alam?” “Hindi ko alam! Kaya ko nga tinatanong sayo eh!” pataray na sagot ni Sabina, habang inililigpit nya ang kanyang kumot. “FBF means… FOREVER BEST FRIENDS, o-di-ba?” sagot ni Rinna. Nailing na lang si Sabina sa kaibigan. “Halika na, labas na tayo!” yaya ni Sabina. At magkaakbay silang silang lumabas ng kwarto, nagtungo sila sa kusina at nadatnan nila doon sina David at Nancy. “O, mag-almusal na kayong dalawa, may pandisal kung ayaw nyo ng kanin.” yaya ni Nancy sa dalawa. “Maupo na kayo at mukhang may sasabihin ni Rinna ah.” sabi ni David. Naupo ang dalawa. “Daddy Deyvid, ipagpapaalam ko po sana si Sab, if you don’t mind Dadey? Can i ask you a question Dadey. Can you payagan her to be with me on my special day? Please can you Dadey?” pag-kengkog na sabi ni Rinna na may pakurap-kurap pang mga mata. Sumagot si David. “Okey, all right, no problem!” pakumpas-kumpas pang aksyon nito. Hagalpakan sila ng tawa, napuno ng halakhak ang umagang iyon. “O pa’no aalis na ako hinihintay ako saamin, pumayag na din namn si Daddyat okay naman din kay mommy Nancy, sa sabado na tayo magkita.” sabi ni Rinna kay Sabina. “Sige, Rinna magkita nalang tayo, huwag mo na akong sunduin dito.” sabi nya. “Okey FBF, sinabi mo eh.” sagot ni Rinna. “Dadey, Mamey, thank you so much po sa pagpayag, meanwhile i will go home po muna, love ya guys mwuah-mwuah tsup-tsup!” pausong na lakad nito at tuluyan ng lumabas ng bahay si Rinna. Naiiling at natatawa ang mag-asawa sa kaibigan ng kanilang anak. Panatag ang loob nila kapag si Rinna ang kasama ni Sabina, kaya naman pinapayagan nila ito. “David, paki-tingnan mo naman ang bintana at pintuan ng bahay.’’ lambing ng asawa. Tumalimasi David inayos nya ang dapat ayusin sa kanilang bahay, samantalang si Sabina ay tinutulungan ang kanyang ina sa paglalaba. Lumipas ang maghapon ng linggong ‘yon. Kinabukasan luluwas na naman ng maynila ang kanyang ama para magtrabaho. Excited si Sabina sa kaarawan ng kanyang kaibigan dahil bago ang bestidang kanyang isusuot at mamamasyal silang magkaibigan. “Sabina.” tawag ng ina. Lumapit si Sabina. “Mama bakit po?” tanong niya. “Heto nakakahiya namn kay Rinna kung sya lang ang mamlilibre.” iniabot ni Nancy sa anak ang limang daang piso. Kinuha ni Sabina, “Salamat po mama.” at niyakap niya ang kanyang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD