BEAUTIFUL NIGHTMARE
KABANATA 7
Nang gabing ‘yon maagang pumasok at nahiga sa kanyang silid si Sabina. Kaya naman kaagad siyang nakatulog. Sa katahimikan ng gabi a pagkubli nang liwanag ng buwan sa balumbon ng ulap. May isang nilalang na naka masid sa labas ng bahay nina David.
“Mama, mama ko! Maawa ka napo, huwag po! Para niyo na pong awa! Mama, mama, mama, tulungan nyo po kami, huwag niyo gagawin ‘yan! Maawa na po kayo! Mamaaa-mamaaa!” hagulgol ni Sabina.
Samantala sa kabilang kwarto, sa kwarto nina David, napabaligwas ng bangon ang lalaki dahil bigla siyang nagising dahil sa narinig na alulong ng aso at kasabay ng paghagulgol ng iyak sa kwarto ni Sabina.
Dali-daling lumabas ng silid si David at tinungo ang kabilang silid. Binuksan niya ang pintuan ng silid at nakita niya ang kaniyang anak na binabangungot dahil na rin sa reaksyon ng katawan nitong nakahiga, hindi makagalaw si Sabina, puro ungol at hagulgol lang ito at tinatawag ang kanyang ina.
Nilapitan ni David ang nakahigang anak at kanya itong niyugyog para magising, ngunit lalo lang naghistesikal si Sabina.
“Anak! Gumising ka! Sabina anak! Nananaginip ka! Gising anak!” yugyog nito sa magkabilang balikat nito.
Nagising si Nancy dahil sa ingay na naririnig, patakbo siyang lumabas ng silid at pumasok sa silid ni Sabina. Nakita niya ang kanyang asawa na hirap gisingin ang kanilang anak. “David, anong nangyari?” may takot sa boses nito.
“Nancy, binabangungot si Sabina, ayaw niyang magising.” histenikal ni David.
Tinabing ni Nancy si David at pinagpatuloy niya ang pagyugyog sa magkabilang balikat ng anak. “Sabina, anak, ano ba!!” sinampal ni Nancy ang magkabilang pisngi ni Sabina.
“Mama-mamaa koo!” balikwas ni Sabina, sabay yakap sa ina. Dali-daling lumabas ng silid si David at dumaretso sa kusina, pagbalik ni David may dala na itong isang basong tubig.
Pinakalma ng mag-asawa ang kanilang anak. Takot na takot si Sabina, ngunit hindi niya sinabi sa ina kung ano ang kaniyang napanaginipan. “Anong masamang napanaginipan mo anak?”
“Wala po mama, hinahabol daw po ako ng swang at nahuli daw po ako, kaya tinatawag ko po kayo dahil humabol din ka po mama.” pagsisinungaling nito. “Sige po Pa, Ma, matulog na po kayo, Okey lang po ako.” sabi niya.
“Magdasal ka muna bago ka matulog anak!”
“Opo, Mama.” hindi na nakatulog si Sabina, pilit niyang inaalis sa isipan niya ang kanyang napakasamang panaginip. Samantala sa kwartro nina David, hindi naniniwala si David sa kwento ni Sabina. Nararamdaman niya na nagsisinungaling ang kanyang anak, hindi ‘yon ang totoong napanaginipan niya.
Naging palaisipan kay David ang nangyayari kay Sabina nang gabing ‘yon. Hanggang sa dalawin na ng antok si David.
Maagang nagising ang mag-asawa dahil aalis na si David para bumiyahe. “Nancy, ngayon ang kaarawan ni Rinna, ulitin mo kay Sabina na huwag magpagabi.”
“Oo, uulitin ko uli sa kanya.”
“Aalis na ako, ikaw na ang bahala sa anak natin.” sabi niya.
Lumapit si David sa asawa at niyakap niya ito ng mahigpit, naradaman ni David na parang ayaw na niyang umalis muna nang araw na iyon. Gumanti ng yakap si Nancy. “Mahal na mahal kita, David lagi kang mag-iingat, mahal ko kayo ng ating anak.” nakangiting sabi ni Nancy sa asawa.