BEAUTIFUL NIGHTMARE
KANABATA 21
RANDALL
Habang nakahiga sa malambot na kama si Randall, bumalik sa kanyang ala-ala ang babaeng na nasa loob ng simbahan. Hindi sana siya makikibig sa hinanakit ng dalagang ‘yon, ngunit naagaw na ng pansin ito. Hindi sila nakakilos dahil sa iyak ng babae, naghalo ang galit sa puso ng babae, takot at pag-iisa. Gusto niya itong lapitan ngunit pinigilan siya ng kanyang ina.
May naramdaman siyang awa para sa babaeng ‘yon. “Bakit hindi ko siya napansin, kung lumabas siya ng simbahan.” tanong sa isip nito.
Nausal na lang siya sa kanyang sarili na “Sana ligtas siya saan man siya magpunta.”
Napabuntong hininga ito ng maalala naman niya ang kakambal na si Rado. Naalala niyang bigla ang namagitan sa kanila noon. Kung paano nagkaroon sila ng galit sa isat-isa.
Hindi halos maisip ni Randall na magagawa ng kanyang kambal ang mga nangyaring ‘yon noon. Inagaw ni Rado ang kasintahan ni Randall, pina-ibig niya ito, ginamit ang pagkatao ni Randall, nagkunwaring si Rado na siya si Randall.
Nakuha at lalong minahal ng babae si Rado na inakalang siya ay ang kasintahan na si Randall. Nabuntis ni Rado ang babae at tinakbuhan niya ito. Kasalukuyang nasa Cebu si Randall ng mga panahong ‘yon at ang hindi niya alam ay pinaglaruan ni Rado ang kanyang kasintahan.
Naalala pa niya ang pagbabalik niya sa Maynila at nagkita sila ng kanyang kasintahan ay naging mapusok ang babae na ipinagtaka naman ni Randall.
“Hon, akala ko hindi ka na babalik.”
“Sa Cebu lang ako nagpunta at alam mo ‘yon di-ba?”
Napatda ang babae. “Di-ba hindi ka naman natulog sa Cebu?”
“Sabi ko sa’yo 5 months ako doon.” sagot ni Randall.
Nagulat ang babae sa sinagot nito. “Paanong…. Nandito ka at hindi ka umalis.”
Napakunot noo si Randall sa sinabi ng kanyang kasintahan. “Randall, Hon, buntis ako, hindi ako makatanggi noon, ilang beses na may nangyari sa atin.” paliwanag ng babae.
“Alam mong ikaw lang ang mahal ko.”
“Hindi ako ang ama ng dinadala mo.” wika ni Randall.
“Ikaw, sa’yo ito, dahil ikaw ang kasama ko.” nagsisimulang umiyak ang babae.
“s**t! Rado!” nanliksik ang mga mata nito.
Ipinaliwanag ni Randall sa kasintahan na may kakambal siya at magkamukhang magkamukha sila. Napatda ang babae sa narinig niya. Isinama ni Randall sa Condo ni Rado ang babae. At lalong nagulat ang babae nung makaharap ang kakamabal nito. Nagkunwari pa noon si Rado na noon lang nakita ang kasintahan ni Randall.
“Panagutan mo siya, Rad!”
“Baket hindi ko naman siya girlfriend.”
“Pinakialam mo siya habang wala ako, ginamit mo na naman ako, Rad!” galit na sigaw ni Randall.
Nagulat si Randall ng may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto. Binuksan niya iyon. “Mom.”
“Randall, I’m so sorry sa inasal ng kakambal mo kanina.” hinging paumanhin ng Donya.
“Okay lang Mom, expect ko na ‘yon.”
“Huwag mo na lang siyang patulan ha?”
Nagkibit balikat lang ito. Alam niyang ang ina lang ang laging nakikiusap sa kanya na hayaan lang ang kanyang kakambal.
“Is Rado’s wrong, Rado’s always right.” natawa na sabi ni Randall.
“Mahabang panahon akong nawala dito Mom, parang lalo lang lumala ang pag-uugali ni Rado.”
Hindi kumibo ang Donya. Lahat ng magagawa niya para pagtakpan ang kanyang anak ay nagawa na niya lalo na sa kanyang ama. Magkaiba talaga sila ng kakambal na si Randall.
Mabait na anak si Randall, lalong naging makisig ito nahiyang talaga sa ibang bansa ang anak niyang si Randall. Sa edad na dalawampu't isa na taong gulang namuhay na siya na mag-isa at sa ibang bansa pa. Ayaw man niya na mawalay ang kambal ay napagdesisyonan na ng Don na ipadala siya sa ibang bansa para maturuan ng leksyon.
At hindi naman napasama si Randall, bagkus napa-asenso pa niya ang TWIN GOLD JEWELRY na hinahawakan niya para i-manage. Naging abala si Randall noon at dahil sa malapit ng malugi ang ibang JEWELRY nila sa pilipinas pinauwi siya ng kanyang ama.
Hindi lang yata ang TWIN GOLD ang magiging problema niya makakasama pa niya ang kanyang kakambal. Tinitigan ni Randall ang kanyang ina. Malungkot ito. “Why are you sad, Mom? Hindi ka ba masaya at nandito na ako?”
“I’m happy, son very happy dahil after so many years nasa harapan na kita.” madamdaming sabi ng Donya.
Niyakap niya ang kanyang ina. “Mom, it’s getting late na, matulog na tayo.” ngiti nito.
“Okay, son sleep tight.”
“I will, Mom.” ngiting sagot nito.
At lumabas na ng silid ni Randall ang Donya. Bumalik sa pagkakahiga si Randall at pumikit siya para makatulog na. At tuluyan na siyang nakatulog.
“Shit.” balikwas ni Randall.
Napaupo agad siya sa kanyang kama. Napaisip siya, nang bigla siyang may naalala. Naglakad siya papunta sa kanyang maleta. Binuksan niya ito at may kinuha doon.
Inilabas niya ito at tinitigan ang isang kwintas. Binigay iyon ng kanyang ama, hindi niya ito isinuot kahit kailan.
Ayon sa kanyang aman si Don Ramil ay dalawa ang kwintas na ‘yon at hindi alam ng Don kung nasaan ang isa, dahil ninakaw iyon sa kanila ng dalawang katiwala galing pa iyon sa kanikanilang ninuno. Ngunit wala na ang isang kwintas hindi na nila nakita pa ito.
Tinitigan ni Randall ang kwintas, kakaiba ang mga bato nito, lingid kay Randall sa labas ng mansion may malaking asong nagmamasid sa kanya.
Kumislap ang kwintas at akala ni Randall ay natamaan lang ito ng sinag ng ilaw, na nagmumula sa lampshade na nasa tabi niya. Bumalik siya sa kama dala at hawak ang kwintas. May narinig siyang ugong ng sasakyan at sumilip siya, nakita niya ang kanyang kakamabal ang sumating.
Tiningnan niya ang oras sa orasan na nakapatong sa may side table ng kanyang kama, pasado alas dose na ng hating gabi.
“That idiot.” nausal niyang sabi.
Inilapag niya ang kwintas sa ibabaw ng kanyang kama at lumabas siya ng kanyang kwarto saka bumaba na ng hagdan para salubungin ang kakambal.