KABANATA 12

1067 Words
BEAUTIFUL NIGHTMARE KABANATA 12 Halos hindi matanggap ni David ang nangyari sa kanyang asawa. Alam niyang ginawa lahat ni Nancy ang makakaya nito para huwag lalong mapahamak si Sabina sa kamay ng demonyong lalaking iyon. Pero nangyari ang hindi dapat mangyari. “Masyadong brutal ang ginawa ng demonyong ‘yon!” galit na sabi ni David. “Nancy, bakit nang-iwan ka? Nangako tayo sa isa’t-isa noon na walang iwanan. Bakit hindi ka tumupad sa pangakong iyon?” Humagulgol na siya ng iyak. “David, hindi taga-dito ang pumatay sa asawa mo, naligaw lang ang taong ‘yon.” “Patay na rin siya, David. Nadatnan naming wala ng buhay parang nilapa ng mabangis na hayop ang kanyang katawan.” paliwanag ng pulis kay David. “Hayop sa kapwa niya hayop!” poot na sabi nito. “Mama, Mama, Mama!” Nagkamalay na si Sabina, nilapitan siya ng kanyang ama at niyakap ito. “Anak, hindi ko alam kung anong gagawin at iisipin ko, bigla tayong iniwanan ng iyong ina.” “Papa, ang panaginip ko ay nagkatotoo.” takot na takot na sabi ni Sabina. Sa narinig na iyon ni David, kumalas siya sa pagkakayakap niya sa anak. At hinawakan niya sa magkabilang balikat si Sabina. “Anong sinasabi mo? Anong panaginip?” tanong ni David. “Ang panaginip ko po Papa, hindi po totoong hinahabol ako ng aso, sinabi ko lang po ‘yon kay mama.” titig na titig si Sabina sa kanyang ama. “Napanaginipan ko po, ‘yang nangyaring ‘yan kay Mama, dinadalaw po ako ng panaginip na ‘yan Papa.” kwento ni Sabina. Hinawakan ni David ang dalawang palad ni Sabina. “Anak, ano man ang mangyari, magpakatatag ka, mahal na mahal kita anak, ikaw ang kaligayahan namin ng iyong ina, ngayong wala na siya, lalo kang magpakatatag.” malungkot na sabi ni David sa anak. “Papa, huwag mo po akong iwan, mangako ka po!” “Hindi ako nangangako at hindi ako mangangako sa’yo, ayokong umasa ka at bandang huli ay labis ka lang masaktan kung iiwan kita. Katulad ng nangyari ngayon sa amin ng iyong ina, nangko kami sa isa’t isa na walang mang-iiwan. Pero wala na siya ngayon hindi niya tinupad ang pangako niya sa’kin. Iniwan niya ako, anak.” hinagpis ni David. “Kaya sobrang sakit ang ginawa niya kahit hindi niya ito kagustuhan, napakasakit anak!” hagulgol ni David. Niyakap ng mahigpit ni Sabina ang ama. “Dadey, kumain po muna kayo ni Sabina.” pukaw ni Rinna. “Rinna, nakita ko ang pagsasama ninyo ni Sabina, nagturingan kayong higit pa sa magkapatid, kaya ikaw na ang bahala sa kanya.” sabi ni David. Nagtataka si Rinna sa mga salitang mga sinabi ni David. “Ibang klase ang mga salita ni Dadey, kinukutuban ako ah.” usal niya sa sarili. “Rinna, maaari mo bang iwan mo muna kami ni Sabina?” “Opo.” sagot ni Rinna. Lumakad pabalik si Rinna sa mga taong nakikiramay. “Sabin, anak, may sasabihin ako sa’yo.” “Ano po yun, Papa?” “Noong gabing dinalaw ka ng iyong panaginip, nanaginip din ako noon, sinasabi ko ito sa’yo para ihanda ang ‘yong sarili anuman ang mangyari anak!” malungkot na sabi ni David. “Ano pong panaginip?” natatakot na tanong ni Sabina. “Sa aking panaginip, mayroon akong kamukha.” “Kakambal po, Papa?” “Basta kamukha ko, kung kakambal man ang tawag doon, magkamukha kami at isinama niya ang iyong ina, sa galit ko sa aking panaginip, pinatay ko ang kamukha ko.” kwento ni David. Makikita ang takot sa mga mata ni Sabina, naguguluhan man siya pero nang ngingibabaw pa rin ang takot sa sarili niya. “Kaya anak, ano man ang mangyari, magpakatatag ka.” paalala ulit ng ama. Doon biglang naalala ni Sabina ang matandang humihingi ng pagkain sa kanila ni Rinna noong kaarawan ng kanyang kaibigan. Naalala niya ang sinabi ng matanda na may malagim na mangyayari. Kinilabutan si Sabina sa naalala nyang iyon. Niyakap niya ang kanyang sarili at nakapa niya ang kwintas sa kanyang leeg. Wala sa sariling nilaro-laro niya ang nakapalawit na bato sa kwintas. Nakita ni Sabina na lumapit ang kanyang ama sa mag-inang Rosa at Rinna may inaabot itong puting sobre. Pumikit si Sabina ngunit buhay-na-buhay pa rin sa ala-ala niya ang sinapit ng kanyang ina. Humihikbi siya ng may maramdamang may tumapik sa kanyang pag-iyak. “Papa.” nagsimula na naman ng kanyang pag-iyak. “Anak, kakayanin mo ‘yan.” sagot ni David. Naaawa si David sa kanyang anak, ngunit pa’no nalang ang nararamdamang pangungulila niya sa kanyang asawa. “Magiging madamot at makasarili muna ako anak.” usal ni David sa kanyang anak. Unang gabi ng lamay ni Nancy. May mga tao ng nakikiramay sa sinapit ng pamilya ni David, blangko ang isip, tagus-tagusan ang titig sa ataul ng asawa. Sina Sabina at Rinna ay nasa isang mesa magkatabing nakaupo ang mag-kaibigan, pinipilit na pakainin ni Rinna si Sabina. Ngunit isinandig ni Sabina ang kanyang ulo sa balikat ni Rinna. Awang-awa si Rinna sa sinapit ng mahal na kaibigan. Nakatulog si Sabina sa balikat ni Rinna. Kahit nangangalay si Rinna sa pagkakasandig ni Sabina sa kanya, ay tiniis lang niya para kahit papaano ay nagpapahinga man lang ang isip at katawan nito. “Sa kabilang banda, nakaupo si David sa tabi ng ataul at upinatong niya ang magkasalikop na mga daliri at palad sa ibabaw ng gilid ng ataul at yumuko siya doon. Iginalaw niya ang kanyang kanang kamay may kinuha siya sa kanyang bulsa. At nang ilabas niya isang icepick, hindi niya iniangat ang kanyang ulo, walang sabi-sabing isinaksak ni David ang hawak niyang icepick sa kanyang lalamunan at hinugot ulit niya, ibinaon naman niya sa kanyang kaliwang dibdib halos isinigad niya ang haba ng icepick na hawak niya. “Patawad po, patawad anak ko.” usal ni David at tuluyan na siyang pumikit sa tabi ng ataul ng asawa. Nagmulat ang mga mata ni Rinna. “Naidlip pala ako, sige lang FBF Sabina ko, matulog ka lang.” bulong ni Rinna. Ngunit may napansin siya sa may tabi ng ataul. Nanlaki ang kanyang mga mata. “Anong… bakit may pula….? Diyos ko! Dugo ba’yon?” gimbal na sambit nito. “Inay! Inay si Dadey David, inay, inay!” histerikal ni Rinna. Nagising si Sabina sa sigaw ni Rinna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD