"HINDI mo naman ako kailangan ihatid sa amin." ani, Rhian ng nasa loob sila ng sasakyan.
" Gabi na madilim na sa daan. Hindi safe sa ka gaya mo uuwi mag-isa." anitong hindi tumingin sa kanya.
" Taxi naman ang sasakyan ko, safe naman iyon."
Saglit itong tumingin sa kanya at muli rin ibinalik ang tingin sa daan." Paano kung kikidnapin ka nong driver? At, at.---
" Gagahasain ako?"putol niya sasabihin nito.
" Ang advance mo naman mag-isip. Mukhang cool naman iyon driver." Tangol niya sa taxi driver.
" Cool? Hindi mo nga nakita ang mukha niya." Isa pa, heto tandaan mo Rhian, wag ka mag papadala sa mga cool looking dahil kadalasan sa mga ganyan ay may tinatagong masamang ugali." seryuso saad ni Sebastian.
"Gaya mo." balik niyang sabi rito.
Napa iling-iling ito" Ganun ba ako sa tingin mo?"
Saglit siyang nag-isip." Oo. At Ano ba ang nakain mo at bigla kang bumait ngayon? Bakit ba bigla kang nagmamalasakit ka sa'kin ha? kahapon lang galit na galit ka?"
HINDI maka sagot si Sebastian sa tanong ni Rhian sa kanya. Ano nga ba ang nangyayari sa kanya at tila ayaw na niya itong mawala sa paningin niya. Is it because this woman was in his dream ? Or is it, because when she wasn't around, hinanap-hanap niya ang preseniya nito. " In love na ata ako." anas niya.
" Ano?" ulit ng dalaga ng hindi nito marinig ang sinasabi niya.
" K-kasi, napapaniginipan kita." nauutal na sabi ni Sebastian.
" Come on dude! You're an idiot!" sigaw ng isipan niya.
"Ano ang connect sa panaginip mo sa pagiging mabait mo ngayon sa'kin, namamatay ba ako sa panaginip mo, ha?"
Na apakan niya ang break. " Hindi ganyan." mabilis niyang tanggi.
" Ano ba ang napaniginipan mo tungkol sa akin?" Gustong gusto nitong malaman halata sa mukha nito ang curiosidad.
Nag isip siya saglit. " We were make--" Tumigil siya sa pagsasalita. Hindi niya pweding sabihin rito nagtatalik sila sa panaginip niya baka biglang lumipad ang palad nito at dumapo sa mukha niya.
Alam niyang nasabi niya noon na kapag makilala niya ang babae, sa panaginip niya, hinding hindi na niya ito papakawalan pa.
" Kapag sasabihin ko sayo, gusto kita maniniwala kaba?"
Napa- tingin ito sa kanya ng tuwid. " Kapag sinabi mong gusto mo ako. Marami ibig sabihin iyon. Gusto mo ako dahil madaldal ako." pagtatama ng dalaga sa sinasabi niya.
"Gusto kitang maging nobya."
Saglit itong natigilan. " Wag mo akong biruin, gusto mo ako maging nobya dahil sa napaniginipan mo lang ako." sabi nito.
" Hindi naman sa ganun."
" Sir Sebastian mabuti pa uuwi na po tayo, para makapag pahinga na tayo, bunga lang iyan ng pagud ang pinagsasabi mo." angal ni Rhian.
" Bakit, ba ayaw mong maniwala sa sinasabi ko?"kunot noo niyang tanong rito.
"Paano ba ako maniniwala? kahapon tinanggal mo ako, tapos ngayon sasabihin mong gusto mo ako? Are you kiddng me?" naiiling na sabi ni Rhian sa kanya.
" Papatunayan ko sa'yo, na totoo ang sinasabi ko." aniya. Pina-andar ang sasakyan.
Wala silang imikan habang binay-bay nila ang bahay ng dalaga.
GUSTONG maniwala ni Rhian sa sinabi ni Sebastian, pero paano niya ito papaniniwalaan parang hindi naman ito seryuso sa mga sinasabi nito. Kaya lang naman nito sinabi iyon dahil sa napanigipan siya nito.Paano kung hindi siya napapanigipan magugustohan niya pa ba ako? " Saka malaki ang pagkakaiba sa gusto at sa minamahal."pag didiinan niya sa sarili.
Nahihiwagaan na tuloy siya kung ano ang napapaniginipan nitong kasama siya. Kung bakit ba tila umasta itong nababaliw. " Mamaya hinuhubaran ako ng salbahing ito sa panaginip niya."
" May sinasabi ka?"ani Sebastian.
" Oo.Nag tataka ako kung ano ang napapaniginipan mo. Baka mamaya niyan ginawan mo pala ako ng masama sa panaginip mo." tinignan niya ito ng masama.
Napa ubo ito sa sinasabi niya.
" Bakit ka nauubo?" kunot-noo tanong sa binata.
Natatawa itong naiiling." Wala nasamid ako sa laway."
" Naku, pag ako pinag-luluko mo. Makikita mong hinanap mo." Banta niya rito.
" Bakit ka huminto?" Naitanong niya ng pinahinto nito ang sasakyan.
Hindi ito umimik, bigla nitong hinawakan ang magkabilaang pisngi niya." Heto ang hinahanap ko." sabi nito at siniil siya ng halik sa labi.
Gusto niyang kumalas mula sa paghalik nito sa kanya pero tinatraidor siya ng puso niya. Dahan dahan siyang gumanti sa mga halik nito at sinabayan ang bawat galaw ng mga labi ng binata.
Maya-maya pa kumalas ito sa pag halik sa kanya." Ngayon alam kuna paano ka patatahimikin." Natatawa nitong sabi.
Hindi siya makapag salita, natatameme siya sa ginawang paghalik nito sa kanya.
" I will prove it to you, that I deserve a yes from you." dagdag nito at muling pina-andar ang sasakyan.
Kung intresado ito sa panliligaw sa kanya, pahihirapan niya ito." Tignan ko lang kong hindi ka susuko."
" Wala pa akong sinusukuan laban babe." naka ngiti nitong sabi.
Gusto na niyang matunaw sa kilig tinatawag siyang babe.
Ayaw man niyang aminin pero pinakilig din naman siya ng damuhong ito. Pero papahirapan niya ito sa panliligaw nito. Baka gaya din ito ni Albert hanggang kilig na lamang pagkatapos, bigla kang iiwan dahil hahanap na naman ng ibang pakikiligin. Napa buntong hininga siya. Sa panahon ngayon, mahirap ng maniwala sa matatamis sa mga salita ng mga lalaki. Dapat ipakita nito iyon sa gawa.
" Here we are!" pukaw ni Sebastian sa kanyang pananahimik.
Kinalas niya ang seatbelt. Bago pa niya nabuksan ang pintoan ng sasakyan, naunahan na siya nito.
Binuksan nito ang pinto. " Baba kana my princess." naka ngiti nitong sabi.
inirapan niya ito "Salamat."
Hinubad nito ang coat at pinatong sa kanyang balikat." Ihatid na kita sa inyo." alok nito sumunod sa paglakad sa kanya.
" Magandang gabi po aling Betty." bati nito sa kanyang ina ng pagbuksan sila ng pinto.
" Magandang gabi din sa'yo hijo. Tuloy ka rito." alok ng ginang sa binata.
" Wag na nay, uuwi napo si sir, dahil gabi na." mabilis niyang sabad.
Pilyo itong ngumiti." Masarap po iyong kape niyo aling Betty."
Napa ismid siya tila nagpaparinig ito sa nanay niya para alokin ng kape.
"Pumasok ka ipag templa kita ng kape." naka ngiti sabi ng ginang.
" Nay, uuwi na po si sir, may pupuntahan pa po siya."
" Wala, wala naman akong pupuntahan."pilit nito.
Tinignan niya ito ng masamang tingin." matutulog na kami gabi na, alas nueve na." pigil ang galit sa boses niya.
" Maaga pa naman." anito.
" Buka, balikan mo ako." sabi na lamang niya para umalis na ito.
Napa kamot ito sa batok."Sinasabi mo iyan ha." anito, naka ngiti.
" Oo, sige na umalis kana." taboy niya.
" Pa kiss muna. Isa lang."
" Mag saya ka. Hindi pa kita nobyo ah. Abuso iyan." angal niya rito.
" Hindi ako aalis dito pag wala akong kiss." pamimilit pa rin nitong naka tayo sa pintuan.
" Iba din klaseng manliligaw ito." angal niya.
Nginuso nito ang labi palapit sa kanya. Mabilis naman niya itinulak ng palad ang mukha nito palayo." Wag kang abusado ui!" mabilis niya itong pinag sarhan ng pinto.