PAKIRAMDAM ni Rhian hinuhubaran siya ni Sebastian habang naka titig ito sa kanya naglalakad.
Nagsisi tuloy siyang dumating pa siya. Wala sa isip dinilaan niya ang hawak na ice-cream inabot ng bata sa kanya.
" Ulitin mo." ani Sebastian mabilis naka lapit sa kanya.
Napa kunot ang kanyang noo sa sinabi nito." Ang ano?" nagtatakang tanong niya rito.
" Ulitin mong dilaan ang ice-cream." utos nito
Sinimangutan niya ito." Bakit ko naman iyon gagawin, aber?" naka pamaywang niyang sabi.
" Basta, kahit isang dila lang."
Lalo siyang naguguluhan sa inasta nito." Adik ka ba? bakit mo ako uutusan dilaan ito, Ikaw ang dumila!" inilapit niya sa bibig nito ang hawak niya.
Inilayo naman nito ang mukha." Kapag gagawin mo iyan, bayad kana sa utang mo."
" Ano ba ang nakain nito at gusto niyang dilaan ko ito. Ano ba ang meron?" naguguluhan tanong sasarili.
" Eh, kung ayaw ko?" pagmamatigas niya.
" Kung ayaw mo, di bayaran mo iyong utang mo." giit naman ni Sebastian.
" Sarap nitong e-untog ng mahimasmasan ito sa kabaliwan. Bahala ka sa buhay mo!" aniya, at naglakad palayo rito.
Mabilis siyang hinawakan nito." Kapag ayaw mo, bubuhatin kita." papanakot nito sa kanya.
Ngali-ngali siyang inud-nod ang hawak na ice cream sa mukha nito ng madilaan nito ng madilaan hanggang sa magsawa ito.
" Sige na please, isang beses lang." pakiusap nito. Na curious siya kung ano ba ang meron at umasta itong nababaliw.
" Ano ba ang meron at para kang nababaliw sa padila dito ha?" nairita niyang tanong.
" May gusto lang akong e confirm."
Sumimangot siya,"Kapag nagawa ko ito bayad na ako ha? usapan matino iyan." aniya. Naka ngiti itong tumango-tango sa kanya.
" Dito ka, at maghihintay ako sayo dun." sabay turo nito sa dulo. " habang naglalakad ka dilaan mo ang ice cream. Pagka lapit mo sa akin, tanungin mo ako ng, are you alone?" utos nito.
Para sa ika-ayos ng buhay nito na tila ba nawawala na ito sa katinuan pinag-bigyan na lamang niya ito.
"Sige, sige na umalis kana." taboy niya.
Naglakad naman ito papunta sa dulo. Para matigil at ma bayaran niya ang utang na advance niya ginawa niya ang gusto nito. Dahan dahan siyang naglakad habang kumain ng ice cream palapit rito.
" Are you alone?"Walang kalambing lambing niyang tanong.
" Lagyan mo naman ng kunting lambing." sabi nito.
" Ng uutos kaba? Baka nakalimutan mo hindi na kita boss." naiinis niyang sabi.
Natawa ito sa kanya." Okay, okay ulitin mo." anito.
"Inu-uto muna ako, bahala ka diyan sa buhay mo. Baliw! " iniwan niya ito.
" Last nalang." pakiusap nito naka sunod sa kanya.
Inis siyang nilingon ito." Las-lasin mo mukha mo. Luko ka! Kung ano-ano nalang pinapagawa mo sa akin, pinatalsik muna nga ako sa opisina tapos uutuin mo pa ako, abuso kana."
Hinawakan siya nito sa siko." I want you to go back to my office tomorrow."
Inismiran niya ito." Ano naman kapalit? dilaan ko ito ng dilaan, tapos tatanungin kita kung nag iisa ka? Ano bang usok ni langhap mo, para umasta kang baliw?" inis siyang tumalikod.
Naka ilang hakbang palang siya ng maisipan lingunin ito. Napa subsub pa siya sa dibdib nito ng hindi niya namalayan naka buntot pa rin pala ito sa kanya. Napa pikit siya ng maamoy ang pabango nito.
" Enjoy much?" pukaw nito sa kanyang diwa.
Nag angat siya ng tingin." Hindi ako babalik sa opisina mo period!" matigas niyang sabi at nagmamadaling iniwan ito.
" Sebastian."
Narainig niyang boses lalaki tumatawag sa binata. Hindi na siya lumingon pa ka agad niyang nilapitan si mrs Vasquez kanina pa naka tingin sa kanila ni Sebastian.
" Ano ang nangyari du'n, sunod ng sunod sayo?" tanong ni mrs Vasquez ng maka lapit siya rito..
" Ewan ko du'n parang baliw kung ano-ano nalang pinapagawa sa akin eh."
"Baka inlove na iyon sayo Rhian." kinikilig nitong sabi.
Napatingin siya sa gawi nito, naka tingin din ito sa kanya habang kinakausap ito ng lalaki.
" Inferness naman sa damuhong iyon, lalo gumuwapo sa sout nitong, formal attire." hindi mapigil puri niya.
"Bagay talaga kayo, kung saka-sakali magiging kayo." natatawang tukso nito sa kanya.
" Tita, Rhian." tawag ng bata ng makita siya nito.
Niyakap niya ito." Happy birthday Shaola. Pasensiya na wala akong dalang regalo."
" Ayos lang 'yon, ang mahalaga andito ka." si mrs Vasquez ang sumagot sa kanya.
Kinuha ng yaya ang bata at hinila siya ni mrs Vasquez, papunta sa mesa para makakain siya ng hapunan.
Masaya silang nag ku-kwentohan ng wala sa isip nilingon niya ang kinatayuan ni Sebastian, subalit wala na ito roon." Saan kaya iyon nagpunta?" sa kaloob-looban niya.
" Hinahanap-hanap na niya." tukso nito ng mapansin may hinahanap ang kanyang mga mata.
" Hindi ah! iba ang tinitignan ko." tanggi niya.
" Talaga lang ha?" tukso nito. " Saglit lang Rhian, may kukunin lang ako." ani mrs Vasquez at tumayo na ito.
Pinaikot-ikot niya ang mga mata sa kapaligiran kung nasaan na ang binata." Tignan mo iyon, kanina lang kinukulit ako, tapos ngayon bigla nalang nawawala." anas niya.
" Ako ba ang hinahanap mo?" biglang tanong ni Sebastian naka tayo mula sa kanyang likuran.
Nilingon niya ito," Hindi ah! Bakit naman kita hahanapin?" tinuon niya ang kanyang mata sa spaghiti.
Umupo ito sa tabi niya." I will not let this night finish without saying, you look so beautiful tonight. " tinitigan siya nito ng malagkit.
Pakiramdam niya, hindi niya malunok ang kinakain niya dahil sa titig nitong nakakatunaw. " Ano ba, du'n ka nga tumingin." naiilang niyang sabi.
"Paano kung ayaw ko?" anitong inilapit pa ang mukha sa mukha niya.
" Sebastian, nakakahiya ang daming tao." angal niya.
Nginitian lang siya nito" Hahalikan pa kita eh."
Pinamulahan niya ito ng mukha, gusto na niyang magpa kalunod sa kilig sa sinabi nito." Pigilan mong bulbul mo Rhian, 'wag kang papadala sa papogi effect niyan. May kailangan 'yan sayo kaya iyan nagaganyan." bulong niya sasarili.
" May sauce ka sa bibig." anito, at pinahid ng kamay nito iyon.
" Juice-colored Rhian, 'wag kang bibigay." sa kaloob-looban niya.
" Sabay na tayong uuwi mamaya, ihahatid kita sa inyo." Anito sa kanya hindi parin inalis ang mga tingin nito.
" Wag na, okay naman akong umuwi mag-isa." mabilis niyang tanggi.
Ayaw niyang magpahatid rito, baka hindi niya mapigil ang sarili at madala siya sa mga bula nito sa kanya..
" I insist."
" Bahala ka!" aniya, kinuha ang basong may laman juice at ininom niya iyon.
" Can, I barrow Sebastian for a while?" anang babae lumapit sa table nila. Hindi niya kilala ang babae, tinanguan niya lang ito.
" Mukhang may nagkaka mabutihan na ah!" naka ngiti sabi ni mrs Vasquez sa kanya ng makabalik ito mula sa kusina.
Nginitian niya lang ito at nilingon si Sebastian nakikipag usap sa dalawang babae at dalawang lalaki sa iisang mesa.
" Ma iba pala ako, may na hanap na akong trabaho para sa'yo."masayang sabi nito sa kanya.
" Maraming salamat sayo, ang dami ko nang utang sa'yo." nahihiya niyang sabi rito.
"Unang sahud mo ililibre mo ako." naka ngiti nitong biro sa kanya.
" Oo ba, pero sa mumurahin lang iyon, lang kaya ko eh."
Natatawa itong hinampas siya sa balikat." kahit saan."
Nilingon niya muli si Sebastian, naka talikod ito sa kanila halatang seryuso ang mga pinag-usapan ng mga ito.
Naka hanap siya ng pagkakataon umalis na sa party. Agad siyang nagpapaalam kay mrs Vasquez.
Dahil nasa pribado subdivision ang bahay ng mga Vasquez, at walang dumadaan na jeepney roon, wala na siyang nagawa kundi ang sumakay ng taxi muli pauwi sa kanila.
Nanghihinayang siya sa kanyang pamasahi naka dalawang taxi na siya ngayon araw na ito. "Okay lang Rhian, may trabaho kana naman ulit bawi kana lang." Pinara niya ang dumaan taxi.
Binuksan niya ang pintuan at akma sasakay, Na bigla siya ng may biglang humila sa kanya.
" Ano ba?" angal niya.
" Diba sinasabi ko sayong ihatid na kita sa inyo?" ani Sebastian, naka sunod sa kanya kanina.
" Larga na, hindi siya sasakay sa'yo." baling nito sa driver at sinara nito ang pinto ng taxi.
Lihim siyang kinilig ng mga sandaling iyon. Ang akala niya sa tv niya lamang mapanood ang mga eksina na ganun, hindi niya inasahan mangyayari din ito sa buhay niya.
" Clap! Clap! ang sabi ng aking taenga." lihim siyang napa kanta sa kilig naramdaman ng mga sandaling iyon.