" WAG kang bumigay, susukatin mo kung hanggang kailan ang panliligaw niya sayo." Sabi ni mrs Vasques sa kabilang linya ng sabihin niya rito ang nangyari kanina sa kanya at kay Sebastian.
" Maiba pala ako, bukas magpunta ka sa Hearty restaurant. Ipinakiusap kita sa kaibigan ko. Kaya mag sisimula kana raw bukas."
Natutuwa siya sa sinabi nito may bago na siyang trabaho." Maraming salamat talaga." tugon niya at hindi rin nag tagal ang kanilang pag-uusap nagpaalam na siya rito.
Kinakailangan niyang matulog ng maaga dahil maaga pa siyang gigising bukas, nakakahiya ka pag mahuli siya sa kanyang bagong trabaho.
" NAY, naka pag luto na ako ng agahan mo. Mauna na ako sa'yo baka ma late ako sa trabaho ko." paalam niya sa ina ng puntahan niya ito sa kwarto.
" Ayos ka lang ba nay?" nag alala niyang tanong ng makita itong naka higa parin. Maaga naman itong bumangon araw-araw dahil may mga daily routin din ito. Gaya ng maglakad-lakad sa labasan.
" 'wag kang mag alala okay lang ako anak. Tinatamad lang ako bumangon nitong umaga." bumangon ito at umupo sa gilid ng higaan nito.
" Sige, inay aalis na ako. 'wag mong kalimutan ang gamot mo." humalik siya sa noo nito.
Hindi pa siya tuluyan naka labas ng skinita nakita niya ang kakahinto palang na sasakyan ni Sebastian." Ang aga naman nito." mabilis siyang pumasok sa naka bukas na pintuan ng kanilang kapit bahay.
" Rhian, anong atin?"
"Wala, may pinagtatagoan lang ako." tugon niya.
Sumilip sa pinto ang may-ari ng bahay." Susme! Rhian, ang guwapo ng pinagtatagaon mo." naka ngiti nitong sabi sa kanya.
" Wag, kayong maingay." sinilip niya si Sebastian naglakad papunta sa kanila. Ka agad din siyang lumabas at nagmamadaling naglakad papunta sa skinita.
" Seneryuso niya talaga ang sinasabi ko mag punta rito. At inagahan pa niya talaga ha." sa kaloob-looban niya. Sakto din may huminto jeepney sa harapan niya kaya mabilis siyang sumakay roon.
"MAGANDANG umaga po aling Betty." Naka ngiting bati ni Sebastian sa ina ni Rhian.
"Hindi kayo nagka salubong ni Rhian sa labas?" kunot-noo tanong nito.
" Naka alis na po siya? hindi ko po nakita."
" Oo, kakalabas palang ng anak ko."
" Pinagtataguan ako ng babaeng iyon." Hindi naman kalakihan ang skinita para hindi niya ito makita.
Kinuha niya ang cellphone mula sa kanyang bulsa at tinawagan ang number nito. Pero naka ilang ring na siya ngunit hindi nito iyon sinasagot ang tawag niya.
Nag compose na lamang siya ng mensahi." Where are you? Bakit mo ako pinagtataguan? Is it part of your papahirap sa'kin?" binasa niya iyong muli bago niya na send.
Ilang minuto din pinaghintay niya pero hindi ito nagreply sa kanya." Ah! papagurin mo ako sa paghahanap sa'yo." sa kaloob-looban niya.
" Pasok ka dito hijo, mag kape ka muna." Alok ng ginang sa kanya.
Pumasok siya sa loob ng bahay, at pinag templa naman siya ng kape ng ginang.
" Ang sarap mo po talagang gumawa ng kape aling Betty parang hanap-hanapin kuna po ito." puri niya matapos mahigop ito.
" Maraming salamat hijo, kahit mumurahin kape lang iyan na appreciate mo, natutuwa naman ako." Naka ngiti nitong sabi.
Sa pag-uusap nila ng ginang nagkaroon siya ng idea. Kung gusto niyang ligawan ang anak nito, dapat unahin niyang ligawan ang nanay. Kung buhay lang ang ama ng dalaga liligawan niya rin ang ama nito para masungkit niya ang matamis na oo ni Rhian.
Tumikhim muna siya bago nagsalita." Aling Betty, may project po pala ako, ano po ba ang nagpapanatag ng kalooban ng isang may bahay?" pag kukunwari niya para makuha kung ano ang gusto ng ginang at 'yon ang gagamitin niya para makuha ang boto nito.
" Naku hijo, para sa akin makita ko lang ang anak ko masaya, panatag na ang kalooban ko." humigop ito ng kape.
" Si Rhian po, ano po ba si Rhian bilang anak niyo?"
" Sasabihin ko ito sa'yo hindi bilang isang nanay niya. Si Rhian mabait at mapag mahal na anak at maalalahanin, bago iyon lalabas ng bahay, sinigurado niya muna kung completo pa ba kami ng mga kakailanganin namin dito." mahabang paliwanag ng ginang.
Lalo siyang humahanga sa dalaga.
" Ikaw hijo, sigurado akong proud naman ang mga magulang mo sa'yo. At alam ko din mababait ang mga magulang mo dahil nakikita ko sa mga magagandang asal mo. Kahit mayaman ka pero napaka humble mo na bata. Magaan ang loob ko sa'yo." sabi nito sa kanya.
Natawa siya sa sinabi nito tila ba panalo na siya sa puso ng ina ng dalaga. " Aling Betty, magpapaalam po sana ako sa'yo aakyat ho sana ako ng ligaw kay Rhian kung papayag po kayo."
Tinapik-tapik nito ang kanyang balikat. " Sa akin hijo, wala akong problema pero nasa kay Rhian iyan. Hindi ako makikialam sa personal niya kahit gusto kita nasa kay Rhian, parin ang decision." naka ngiti nitong sabi.
Tumango-tango siya bilang pag sang-ayon sa sinabi nito. Matapos nang kanilang pag-uusap ay nagpaalam na siya sa ginang na umalis na dahil papasok pa siya sa kanyang opisina.
" MY GOD! Sebastian where have you been? late kana naman." bungad ni Charry sa kanya naka tayo sa hallway halatang hinihintay siya nito.
"Bakit ba?" nilampasan niya ito.
" Alam mo bang may problema sa isang branch natin?" naka sunod nitong tanong sa kanya.
Napahinto siya sa paglakad." Ano ang problema?"
" Binabawi ng ibang partnership ang shares nila dahil pa bagsak na ang branch na iyon."
Napa kunot noo siya." Diba ikaw ang naka assign roon? tell me what happen?" Saglit itong natigilan sa sinabi niya.
" Papaimbestigahan ko ang nangyayari roon kapag lumabas ang report ipagbigay alam ko sa'yo agad" ani Charry sa kanya.
"Good." Umupo siya sa kanyang upuan.
" Do you want something to drink?" offer nito.
"No, thanks."
" Kailan kaba hahanap ng bagong assistant mo?"
Napa angat siya ng tingin."Naka hanap na ako, sa ngayon sinusuyo ko pang bumalik rito."
Tinaas nito ang isang kilay" Sinusuyo? Sino ba iyan at parang napaka importanteng tao para susuyuin mo?"
" Si Rhian." tugon niyang naka tingin sa kanyang laptop.
" What? and why? tinanggal mo na siya bakit kailangan mo pa siyang pabalikin rito?" hindi maka paniwalang tanong nito.
" Because she know what I like."
" Ewan ko sa'yo!" naglakad itong lumabas ng opisina niya.
Kinuha niya ang kanyang cellphone, baka sa kaling nag reply na sa kanya ang dalaga pero bigo pa rin siya.
" Saan kaya nagpunta ang babaeng iyon. Tigas talaga ng ulo sinasabi ng bumalik na siya rito." tumayo siya at naglakad palabas ng kanyang opisina.
Sa kakaisip niya kung nasaan ang dalaga natapos niya ang araw na walang nagawang maayos na trabaho sa office niya.
GABI ng natapos si Rhian sa trabaho niya. Hinubad niya ang kanyang sout na apron at ipinasok niya sa kanyang locker. Ka agad niyang kinuha ang kanyang cellphone mula sa kanyang bag.
Natawa siya ng makita ang madaming misscall mula sa number ni Sebastian. At ang iilang mga mensahi nito.
" Kumusta kaya ang daliri nito, buo pa kaya?" naiiling siyang binalik sa loob ng bag ang cellphone.
"Mauna na ako ma'am." paalam niya sa kanilang manager.
" See you tomorrow Rhian, ingat sa byahe." naka ngiting sabi nito sa kanya.
Kinawayan niya lang ito at nagmamadaling umuwi. Buong maghapon siyang nakatayo sa trabaho niya dahil sa madaming mga costumer sila kanina. Gustong gusto na niyang makarating ng bahay.
" Magandang gabi nay." matamlay niyang bati sa ina ng maka uwi siya sa kanila.
" Mukhang pagud na pagud ka anak." tugon nito at ikinuha siya nito ng tubig.
" Salamat po nay." aniya, kinuha ang basong hawak ng ina ng maka balik ito galing sa kusina.
"Bakit hindi kayo nagkita ni Sebastian kanina umaga?" umupo ito sa tabi niya.
"Nag punta po ba siya rito kanina?" maang maangan niyang tanong.
" Oo, nag kape panga iyon rito kanina."
Bigla siyang kinabahan kung ano ang sinasabi nito sa ina niya.
" Nagtagal po ba siya rito nay?"
" Hindi naman, ka agad din iyon umalis. Anak siyanga pala bago ko makalimutan, 'yong bigas pala natin dalawang saing nalang iyon." nag- alala nitong sabi sa kanya.
Sumandal siya sasandalan ng kanyang inuupuan." Nay, 'wag niyo na alalahanin iyon ako na ang bahala. Uutang nalang muna tayo kay aling Teodora habang wala pa ang sahud ko. Basta wag niyo ng alalahanin ang bigas nay." Alo niya rito. Ayaw na ayaw niyang mag-alala ang ina sa ano mang bagay.
" Tao po."
Napalingon siya sa kanilang pintuan. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang binata naka tayo roon hawak ang bungkos ng bulaklak.
"Ano ang ginagawa mo rito?" ka agad niyang tanong.
" Ano pa aakyat ako ng ligaw sa'yo." naka ngiti nito sabi.
" Magandang gabi po aling Betty." baling nito sa ina.
" Pasok ka hijo." tumayo ang kanyang ina para iwanan sila nito.
" May dala po pala ako para sayo aling Betty."
" Para kay nanay ang bulaklak na iyan?" bulalas niya.
" Para sayo 'to." inabot nito sa kanya ang hawak na bungkos ng tulips.
" Ang mahal nito, sayang ang pera nalalanta lang din naman" hindi mapigil bulalas niya sa subrang pang hihinayang.
" Para naman po kay aling Betty." sabi nito at lumabas ng pinto. Maya maya pa bumalik ito hila hila ang isang sako ng bigas.
" Pasensiya napo, ito po dala ko para sa'yo aling Betty naging practical lang po ako." anito sa kanyang ina.
Hindi niya alam ano ang maramdaman ng mga sandaling iyon. Baka dinadaan siya nito sa pabigas bigas.
" Tumatakbo kana bang mayor, at may pa ayuda ka?" hindi mapigil ang sarili sabihin rito.
" Hindi ah! Practicalan lang naman itong akin, nanghihinayang ka nga sa bulaklak kaya bigas nalang pinagbili ko para sa nanay mo. Buti nga di ko na nilagyan ng sardines." natatawa nitong biro sa kanya.
Natawa naman ang ina ng dalaga sa sinabi niya.
" One point ka sa'kin hijo." natatawang bulong ni aling Betty kay Sebastian.