The woman in my dream Episode 6

1716 Words
“ SINO ka?” Tanong ng babae kay Rhian, ng mapasukan siya nito sa coffee area. Natigil siya sa kanyang ginagawa at nilingon ang babaeng nagsasalita. Nagulat pa siya ng makita, malapitan ang babae kaharutan ni Albert. Muling bumangon ang galit sa puso niya. “ Sa wakas nagharap din tayo.” Bulong niya sa sarili. Gustong gusto niya itong sabunutan.” Rhian, ‘wag kang gumawa ng ikakapahamak mo.” Saway ng isipan niya. “ Keep your enemy close.” Paalala niya sa sarili. ” Hi! Ako pala si Rhian Andilao, ako ang bagong assistant ni sir Sebastian.” Pagpakilala niya sa sarili pilit itago ang galit sa pamamagitan ng pagngiti. Tinaas nito ang isang kilay at pinag cross ang mga bisig sa dibdib nito “ Oh? Hindi ko alam na may bago na pala siyang assistant ngayon.” Sabi nito sa maarte na boses. “ Gusto mo ng kape?” Alok niya rito. “ Para mahimasmasan ka sa pang-aagaw mo sa nobyo ko.” Gusto niya sana idagdag rito pero pinigilan niya ang sarili. “ Sure! paki dala nalang sa opisina ko." sabi nito at agad na tumalikod sa kanya. Naiirita siya sa kaartehan ipinakita nang babae. Pinagpatuloy niya ang ginagawa at habang hinahalo-halo niya ang tinimplang kape, ang daming naglalaro sa isipan niya. “ Ano ba Rhian, kung ano-ano nalang ang iniisip mo.” Saway niya sa sarili ng makisip ng masama, pero sa huli ginawa niya pa rin ang tama. Binitbit niya ang tasa at dinala sa among si Sebastian. “ What took you so long?” Bungad ng amo ng nasa pintuan na siya. “Kinausap po kasi ako nong babae.” Tugon niya, nakalimutan niyang itanong kung ano ang pangalan nang babaeng naka-usap kanina. Napa kunot ang noo ni Sebastian at napatitig sa kanya.“Nakikipag daldalan kana sa unang araw ng trabaho mo?” Hindi makapaniwalang tanong nito. Nilapag niya ang tasa sa harapan nito.“ Sir naman, nilapitan niya po ako hindi naman pweding hindi ko kakausapin 'yon tao." pangatwiran niya. Kinuha nito ang kape at dinala nito sa bibig, bigla kumalma ang mukha nito ng matikman ang gawa niyang kape. Naglakad siya pabalik sa kanyang table at umupo, tinitigan niya ang binata nakayuko abala sa katitig sa mga papeles. “ Sir, ano po pala ang gagawin ko?” naitanong niya. Inangat nito ang tingin at tinignan siya.” Wala! Diyan ka lang at titigan mo lang ako.” Sarcastiko sabi nito. “ Suplado naman nito.” anas niya sa mahinang boses. “Ayan kana naman, kumikibot-kibot naman iyang bibig mo ikaw lang ang nakakaalam kung ano ang pinagsasabi mo.” Puna nito sa kanya ng mapansin ang bibig niyang gumagalaw ngunit walang mga katagang lumalabas. “ Eh, kasi po eh! Nagtatanong lang naman ako ng maa—-“ Natigil siya sa pagsasalita ng tignan siya nito ng masama. Tinikom na lamang niya ang bibig, amo na niya ito ngayon kaya kahit magagalit siya rito hindi siya pweding sumagot-sagot. “ Sorry na po sir Sebastian.” Sabi niya at yumuko, nag-iisip kung ano ang pwedi niyang pagka-abalahan. “ Puntahan mo si Martha ang secretary, siya magsasabi sa’yo sa mga dapat mong gawin.” basag nito sa kanyang pananahimik. Napa ngiti siya." Salamat po sir." aniya, at tumayo para puntahan ang nasabing secretary. Mula roon kinuha niya ang mga information sa kung ano ang dapat niyang gagawin. " Miss Andilao, wag mong kakalimutan sabihin kay sir Sebastian, may meeting siya mamayang gabi." anang secretary sa kanya. Tumango-tango siya." Copy!" nakangiti niyang sabi rito at nagpaalam na bumalik sa opisina ng amo. Itinulak niya ang pintuan pabukas, natigilan siya ng makita ang babae kausap kanina ay nasa likuran ng amo at minamasahe nito ang balikat “ Charry, meet my personal assistant, Rhian.” Pakilala ni Sebastian sa kanya. Tinigil ni Charry ang ginagawang pagmasahi kay Sebastian. “ Nakilala ko na siya kanina sa coffee area.” Sabi nito. “ Ah, Charry pala pangalan mo ha.” Sa kaloob-looban niya at naglakad palapit sa mesa ng amo. “ Sir, may dinner meeting kayo mamayang alas syete kay Mr, Vasquez.” sabi niya at nilapag ang papel sa harapan nito kailangan nitong pirmahan. Bumalik na siya sa kanyang upuan. “ Ano ba Charry, tigilan mo na kamamasahi sa’kin.” Narinig niyang angal ni Sebastian. “ Ang landi talaga ng babaeng ito, matapos landiin si Albert heto na naman si boss.” sigaw ng isipan niya. “ Sasama ako, Sebastian.” Ani Charry. “ Talagang sasama ka dahil magaling ka sa pananalita, kailangan mahikayat natin si mr, Vasquez na mag invest sa’tin.“ “ Kung ganun, maaga akong lalabas mamaya para ma paghandaan ko ito. Kailangan magiging presintable ako tignan.” Sabi nitong hinawi ang hanggang balikat na buhok. Naka isip siya ng idea, ” Kailangan magpakitang gilas ako kay sir, para hindi ako madaling matanggal dito.” napa ngiti siya sa isiping 'yon. “ Rhian, ikuha mo ako ng maiinom at ihatid mo sa opisina ko.” Maarteng utos ni Charry sa kanya at kuminding-kinding itong naglakad palabas ng silid. " Yes ma'am!" Ka agad siyang tumalima papunta sa coffee area para ikuha ito ng juice na maiinom. Binuksan niya ang refregeretor at tinignan kung ano ang laman. May tatlong water jag siyang nakita puno iyon ng mga hinihiwang lemon, apple at cucumber kinuha niya iyon at tinikman. “ Eeeew!” naibuga niya 'yon dahil sa kakaibang lasa nito. Halatang sira na ang mga prutas na pinaghalo sa loob ng water jag. " Kailan pa kaya ito dito sa ref?" Napangiti siya ng may biglang sumagi sa isipan niya. Maya-maya pa lumabas siya ng coffee area bitbit ang lagyanan na tubig, na may mga laman cucumber at apple nilagyan niya rin 'yon ng tatlong slice ng orange. “ Ma’am Charry, heto na po ang inumin niyo.” naka ngiti niyang sabi ng nakapasok sa office nito. Inilapag niya sa table nito ang hawak niyang water jag. “ Thank you Rhian.” Dinampot nito ang lagyanan ng tubig at ininom nito. Bahagya itong natigilan at ninamnam ang lasa, muli rin nitong ininom. “ Paki sabi kay Sebastian, na umalis na ako antayin ko na lang siya sa bahay mamaya dadaan pa ako sa parlor.” Bilin nito sa kanya. " Yes, po ma'am." tugon niya at nagmamadali bumalik sa opisina ng amo. Inabala niya ang sarili sa pagsusulat sa dapat pa niyang gawin hanggang sa dumating ang oras ng kanilang uwian. “ Sir, ako nalang ang magmamaneho sasakyan mo.” Alok niya rito. Bahagya itong natigilan at nagtataka sa sinasabi niya.”Bakit, marunong ka ba magmaneho?” Napangiti siya sa tanong nito.” Sir, kahit mahirap lang kami nakapag maneho naman po ako ng sasakyan, sa dati ko pong pinagtatrabahuan sir, pinagmaneho ko po ang amo ko. Take note sir, Strada pa 'yon.” Pagmamayabang niya. Naiiling ito sa kanyang kadaldalan. “ Hindi na kailangan Rhian, umuwi kana lang sa inyo.” “ Hatid ko na lang po kayo sir.” giit niya rito. Napa hawak ito sa batok.” Sige, ikaw ang bahala.” Tuwang-tuwa siya kinuha ang susi na inabot ni Sebastian sa kanya. ” Siguraduhin mong safe tayo, makapunta sa bahay ni Charry.” Paalala ni Sebastian ng nasa parking lot na sila. “Huwag kayong mag-alala sir, ako ang bahala. Mag seatbelt lang kayo, para hindi ka lilipad sa harapan ng sasakyan." pa bulong niyang sabi. “ Ano ang sabi mo?” Kunot ang noo nitong nagtatanong sa kanya. “ Ang sabi ko po, wag kayong mag alala dahil mag-iingat ako. Sakay na po kayo ng makaalis na tayo.” Aniya, umupo sa driver seat. Ipinasok niya sa ignition ang susi at pinaandar ang kotse. Kampanteng kampante siya sa kanyang pagmamaneho hanggang sa dumating sila sa kalagitnaan ng daan ay, pahinto-hinto na ang kanyang pagpatakbo sasakyan. “ Ano ba 'yan Rhian?” Sita ni Sebastian sa kanya. “ kasi sir, ‘yong nasa unahan natin bigla nalang nag o-over take eh.” Paliwanag niya. Naiiling ito. “ Itabi mo ang kotse.” “ Hindi na po sir, iiwas nalang po ako sasakyan iyon.” “ Itabi mo nga sabi.” Pilit nito sa kanya. Itinabi niya ang sasakyan at mabilis na bumaba sa passenger side si Sebastian, umikot ito papunta sa kanyang kinaupuan. ” Bumaba ka Rhian.” Ng uutos na sabi nito. Hindi siya natinag sa kanyang kina-uupuan. " Last nalang sir." pakiusap niya. “ Sabi ng bumaba ka eh!” ulit nito medyo, tumaas na ang boses. “ Sir, naman! sakay na po kayo uli aayusin ko na ang pagmamaneho ko.” “ Rhian, bumaba ka nga.” Hindi na nito naitago ang inis sa kanyang pagmamatigas. “Bababa na po sir.” Nakangiti niyang sabi at bumaba ng sasakyan, tinungo niya ang passenger seat. Katahimikan ang namayani sa kanila habang binaybay ang daan papunta sa bahay ni Charry. “ Hanggang dito nalang Rhian, pwedi kana umuwi sa inyo.” Ani Sebastian ng makarating sila sa bahay ni Charry. “ Sigurado po ba kayo sir? Ayaw mo ihatid ko kayo sa restaurant?” paniguradong tanong niya. “ Hindi na. Kami nalang ni Charry.” Kinuha nito ang pitaka at naglabas ng three hundred pesos. “ Mag taxi ka nalang pauwi sa inyo.” sabi nito at inabot sa kanya ang pera. " Salamat po." saad niyang tinanggap ang pera. Naglakad siya sa unahan na hindi naman kalayuan mula sasakyan ng amo. Nilingon niya si Sebastian, nakita niyang lumapit ito sa gate nina Charry, ilang sandali lang ay bumukas ang gate at dumungaw ang may ka edaran na babae naka uniforme. Pumasok si Sebastian sa loob. Nagmamadali siyang naglakad palapit sasakyan nito. Hindi niya inalis ang mata sa gate, baka lalabas ang kanyang amo. Ilang minuto lang ang lumipas ay narinig niya ang mga iilang yapag naglakad palabas ng gate at biglang bumukas iyon. “ Taxi!” Sigaw niya sa papalayong taxi. Nilingon niya uli si Sebastian naglakad palapit sasakyan nito. “ Sir, na saan po si ma’am Charry?” tanong niya. “ Hindi makasama dahil masama ang tiyan niya." Sabi nitong binuksan ang pintuan sa driver side. “ Sumakay kana sasakyan ko.” Sabi nito bago umupo sa loob. Lihim siyang napangiti sa sinabi nito at mabilis na sumakay, baka magbago pa ang isip ng amo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD