The woman in my dream Episode 7

1795 Words
TAHIMIK siyang nakasunod naglakad kay Sebastian, papasok sa loob ng restaurant. “ Good evening, mr and mrs Vasquez.” Naka ngiting bati ni Sebastian sa mag-asawa at inabot nito ang kamay para makipag kamayan. “ Good evening po.” naka ngiti niyang sabi. “Assistant ko.” pakilala ni Sebastian sa kanya at pinaghila siya ng upuan. “ Hi!” Magiliw na bati sa kanya ni mrs Vasquez “ Ang ganda po ng damit niyo ma’am.” Puri niya.” Bagay po sa’yo.” dagdag niya at umupo sa kaharap nitong upuan. “ Naku, salamat. Ikaw din naman kahit simple lang ang sout mo pero bumagay pa rin sa’yo.” Balik na puri nito sa kanya. Napayuko siya at tinignan ang kanyang sout. Puting t-shirt lamang ang sout niya at lagpas lang ng kaunti sa pusod niya, pinarisahan niya ng fitting na maong. “ Pasensiya, na po hindi pormal ang sout ko. Kaka-apply ko lang ngayong araw eh. Unexpected po na matanggap ako kanina.” nahihiyang sabi niya. Natigil siya saglit ng maramdaman ang palihim na pagsiko ni Sebastian sa kanya. “ So, mr Vasquez sana ay matutuloy ang pag invest niyo sa kumpanya namin.” ani Sebastian. “ Actually, pinag iisipan ko iyan ng maigi.” Tugon ng kausap nito. Saglit silang natigil sa pag-uusap ng may lumapit sa kanilang batang babae at isang babae may kaedaran na. “ Shaola.” Nakangiting sambit ni mrs Vasquez at kinalong ito. “ Anak ko.” Sabi nito sa kanya. “ Ang gandang bata naman nito. Ilang taon na po siya?" Hinawakan niya ang kamay nito ngunit hindi siya pinapansin. Naramdaman niya special ang bata. “ Pitong taon na. Pasensiya kana, medyo may sariling mundo ang anak ko.” Hinalikan nito sa noo ang bata. “ Hi! Pwedi ko bang hawakan ang kamay mo?” Naka ngiti niyang tanong at kinuha ang isang kamay ng bata. Hindi pa rin ito gumagalaw. Binuklat niya ang palad nito at isa isang hinawakan ang mga daliri. Nilalaro niya ito sa tungkol sa limang piggy. At pinag kikiliti niya ito ng nasa ipanglima piggy na siya. Natatawa ang bata sa kanyang ginagawa. Muli nitong inabot ang kamay sa kanya hudyat na ulitin niya ang ginagawa pagkiliti rito. “Omg! Nagustuhan niya ang ginagawa mo Rhian, gusto niya makikipaglaro sa'yo.” Natutuwa sabi ni mrs Vasquez. Masaya siyang nakuha niya ang loob ng mag asawa. Halata sa mga mukha ng mga ito natutuwa ito sa kanya. “ Ma’am, nag-aaral po ba si Shaola?” Naitanong niya. Tinapik nito ang kanyang kamay naka patong sa ibabaw ng mesa.” Wag mo na akong tawagin ma’am hindi naman ata malayo ang edad natin, Victoria nalang ang itawag mo sa'kin.” Nakangiti nitong sabi sa kanya. “ Kapag wala kang trabaho, bisitahin mo ako sa bahay. “ aya nito sa kanya. “ Oo, ba kapag day off ko.” masaya niyang sabi. Napalingon sila pareho sa kakaupo na dalawang babae sa kabilang mesa. Umagaw pansin sa kanila ang malalakas nitong mga halakhak. Nakita niya ang pag rehestro galit sa mukha ni mrs Vasquez, habang nakatingin sa dalawang babae. “ Ayos lang po ba kayo?”mahinang tanong niya rito. Tumango-tango lang ito sa kanya at nilingon ang asawa nakatingin kay Sebastian. Muli nitong binaling ang tingin sa dalawang babae. May naramdaman siyang kakaiba, sa ikinakilos ni mrs Vasquez habang nakatingin ito sa asawa at sa dalawang babae, pero pilit niyang iwinawaksi iyon sa kanyang isipan. “ Kaya, nangaliwa ang asawa dahil sa walang ka kurte-kurteng katawan nito.” Narinig niyang sabi ng babae naka upo sa kabilang mesa. Sinundan pa ng mga ito ng tawa. Nakita niya ang pagbulong ng isang babae sa kasama nito habang ang mga mata nakatingin sa kanya. Naka ramdam siya ng inis sa ginagawa nito. Tinignan niya si mrs Vasquez.” kapag ulitin pa niya 'yan. Liliparin ko ang mesa nila.” Anas niya. “ Kaya siguro, naghahanap ng bago putahi si Vasquez dahil hindi niya mabigyan ng lalaking anak.” Pabulong nitong sabi pero abot naman iyon sa kanyang taenga. “ Excuse me, kailangan ko muna magpunta ng male comfort room.” Ani Sebastian at sinabayan nito iyon ng pagtayo. “ Uy! si Sebastian oh.” Sabay turo ng nguso ng babae. “ Sino iyang kasama niya? Nobya ba niya iyan?” Tanong ng isang babae sa kasama nito. “ Baka tsimay niya.” natatawang tugon ng babae. Hindi na siya nakapagpigil pa mabilis siyang nakatayo sa kanyang kina-uupuan at nilapitan ang dalawang babae. “ Kanina pa kayong mga bastos kayo ha!” Hinablot niya ang buhok nong nagsasabi tsimay. Sa pakiramdam niya ito ang kabit ni mr Vasquez. “ Rhiana!” Saway ni Sebastian at hinila siya nito. Hindi na siya nagpa awat pa, malakas na sapak ang pinakawalan niya sa mukha ng bastos na babae. “ Iyan ang bagay sayo. Siguro naman magtanda kana ngayon, babae ka!” “ Ano ba ang ginagawa mo, Rhiana? Nakakahiya.” Maktol ni Sebastian hinihila siya palabas ng kainan. “ Sir, pasensiya na po, siya naman itong nauna eh pinagtanggol ko lang naman po ang sarili ko.” Paliwanag niya. Bigla siyang kinakabahan na baka sesantihin siya nito. “ Rhiana, ano ba kasi ang nakain mo at inatake mo ang babaeng iyon?” Bulong niya sa sarili. Nagsisi tuloy siyang nagpadalos-dalos siya sa kanyang naramdaman. “ First day, first offend.” Naiiling na sabi ni Sebastian naka pamaywang sa kanyang harapan. " Sir, sorry po talaga hindi na po mauulit." hiyang hiya siya sa kanyang nagawa. “ Mr, Dela Torre, everything is okay, my husband taking care of it already.” Sabad ni mrs Vasquez ng lapitan sila nito. “ Mrs, Vasquez, this is very embarrassing, I'm very very sorry.” Nahihiyang hinging umanhin ni Sebastian. “ Like what I said, everything is fine, walang kasalanan si Rhian, sila naman ang nauna. Kanina pa nambastos ang mga iyon.” Pagtatangol ni mrs Vasquez sa kanya. Nilingon siya nito at lihim siyang kinindatan. “ I’m sorry.” Pabulong niyang sabi rito. Niyakap siya ng babae.” I like what you did, those bitches deserved it sana kinalbo mo pa.” Hindi niya mapigil ang sarili matawa sa sinabi nito, ka agad naman napawi iyon ng makita ang pagsalubong ng kilay ni Sebastian naka tingin sa kanya. " Let's go Rhian, I'll take you home." Aya ni Sebastian, galit pa rin ang mukha nito. " Okay, po." tugon niya at nagpaalam na rin siya kay mrs Vasquez. Naka yuko siyang sumunod kay Sebastian naglakad papunta sa naka paradang sasakyan. “ Sir, sorry po talaga sa nangyayari kanina, hindi na po mauulit.” Hinging umanhin niya uli ng makarating sila sa lugar nila. Tinignan siya nito.“ I will give you, another chance and if its happen again. I will not hesitate to fire you.” Seryuso saad nito. “ Opo.” Pagka sabing 'yon nagmamadali na siyang bumaba ng sasakyan. DAHIL ikalawang araw niya ngayon, inagahan niya ang pagpasok sa trabaho niya. “ Good morning sir, Sebastian.” Bati niya sa amo pagkapasok niya. Tinignan lang siya nito at muling binaling ang tingin nito sa ginagawa. Muli itong nag-angat ng tingin ng may maalala.” Rhian, ano ang regalo mo sa akin ngayon pasko?” Napa tingin siya rito ng tuwid seryuso ang mukha nitong naka tingin sa kanya, hindi niya alam kung seryuso ba ito sa sinabi nito o binibiro lang siya.” Ano kaya ang nakain nito? mabait ito sa 'kin ngayon.” sa kaloob looban niya. “ Never mind its just a joke.” Bawi nito ng hindi siya maka sagot. Na agaw ang kanyang pansin sa tumutunog na cellphone. Binasa niya ang mensahi pinadala ng kaibigan, “ Change gift tayo ha?” anito sa mensahi. “ Lukaluka ka talaga.” Anas niya. “ Rhian, nagsasalita ka nanaman riyan mag-isa.” Puna ni Sebastian sa kanya ng gumagalaw ang kanyang mga labi. “ Wala po sir, ito po kasing ka text ko.” Umiling iling nalang ito at inabala na nito ang sarili. Maaga siyang pinauwi ni Sebastian dahil may lalakarin daw ito hindi siya nito pinasama. Dumaan na muna siya sa mall bago umuwi sa kanila. Nalilito siya kung ano ang bibilhin niya, puro may kamahalan ang mga naroon. Nagpa ikot ikot muna siya, hanggang sa nakapag decision na siya kung ano ang bibilhin para sa amo at sa kaibigan. Hindi naman mamahalin ang binibili niya, sapat na sa kanya ang makapag bigay, basta galing sa puso. Hindi niya alam kung dinadaan lang nito sa biro ang sinasabi. Pero ayos na rin 'yon, sa paraan ng pagbibigay niya ng regalo rito ay makabawi man lang siya sa kasalanan niya rito. Binalot niya muna ang pinamili regalo bago siya natulog. Dahil sa may kamahalan ang paper bag sa mall, sa tindahan na lamang siya bumili ng pang balot dahil mas mura sa tindahan. Lalagyan na sana niya ng pangalan ang dalawang regalo na magkapareho ang kulay ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Inabot niya 'yon mula sa kanyang likuran. Napa-ismid siya ng makita ang pangalan ni Albert sa screen. Uminit bigla ang ulo niya, muling bumangon ang galit para sa nobyo nanluko sa kanya. Mula ng makita niya ito kausap si Charry, hindi pa sila nagkita nitong muli. “ Maghaharap din tayong dalawa.” Nilapag niya ang cellphone at muling binaling ang pansin sa dalawang regalo bahagya pa siyang nalito kung saan ang para sa boss niya at kung saan ang para sa kaibigan. “ Ito talaga ang problema kapag pareho ang kulay. Bakit naman kasi wala ng ibang kulay natitira.” Maktol niya at nilagyan ng pangalan ang mga regalo. Niligpit niya ang kanyang mga kalat saka na tulog. " GOOD morning my friend." text ni Totsie sa kanya. " Dala ko na ang regalo mo, mamayang tanghali ibibigay ko sa'yo." tugon niya sa text. Nagtuloy siyang naglakad papasok sa opisina ng amo. " Good morning sir Sebastian." bati niya rito. Nag angat ito ng tingin," Ano iyang dala mo?" naka tingin ito sa bitbit niyang plastic bag. " Ah, wala po ito." nahihiya niyang tugon at umupo sa upuan niya. Nahihiya siyang i-abot rito ang regalo para rito, antayin na lang niya lalabas ito ng office. Binalingan niya ang kanyang trabaho. " Aalis na muna ako, wag ka nalang sumama sa'kin." ani Sebastian sa kanya. "Sigurado po kayo hindi ako isasama?" Tumango-tango lang ito at naglakad palabas ng opisina. Tinapos niya ang kanyang ginagawa hanggang sa sumapit ang pananghalian. Nilabas niya ang regalo mula sa plastic, binasa niya ng maigi ang pangalan naka lagay sa card na idinikit niya sa regalo. “ Merry Christmas sir, Sebastian. Smile before you open.” nilapag niya 'yon sa mesa at nagmamadaling lumabas ng building para puntahan ang kaibigan sa tagpuan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD