MAAGA umalis ng bahay si Rhian, aagahan niya ang pagpunta sa kumpanya sinasabi ng kanyang kaibigan, para mag-apply ng trabaho. Saglit na huminto ang jeepney sinasakyan niya ng mag red light.
Umagaw sa kanyang pansin ang familiar na tindig ng lalaki naka talikod sa kanya may kausap na babae.
“ Hinding hindi ako magkakamali si Albert 'yan." anas niya.
Hahayaan nalang niya sana ang dalawa subalit biglang kumabog ang dibdib niya sa galit ng makita yumakap ang babae sa nobyo niya at hinalik halikan pa nito.
“ Hindi pwedi lukohin mo ako Albert. Para!” Napa-lakas ang boses niya dulot ng matinding galit.
Nagulat ang lahat ng naroon sa loob ng jeepney at napatingin ang mga ito sa kanya, pero wala siyang pakialam niluluko siya ng kanyang nobyo.
“ Paki abot po ang bayad ko please.” nagmamadali siyang bumaba para lapitan ang kasintahan.
Bigla siyang natigil sa paglakad ng sumagi sa isipan niya, hindi siya ang tipong babaeng hahabol-habol sa taong manluluko. Ngunit tina-traidor siya ng kanyang puso, nasasaktan siya sa ginagawa ng lalaki.
Humakbang siya palapit sa dalawa para ipaglaban ang kanyang pagmamahal pero, nakaalis na ang mga ito.
Hindi niya mapigil ang sarili mapaluha sa ginagawa ng nobyo. Wala sa sariling nagpalakad-lakad siya sa gilid ng kalsada. Napapitlag siya sa gulat ng may bigla humablot sa kanyang shoulder bag.
“ Snatcher, saklolo!” Pagtitili niya, at hinahabol ang lalaki kumaripas ng takbo, papasok sa loob ng skinita.
Kailangan ma bawi niya ang bag dahil ang perang naroon ay para iyon sa gamot ng kanyang ina at andu’n din ang mga requirements sa papasukan niyang trabaho.
“ Bubugbugin talaga kita kapag maabutan kita.” Binilisan niya ang pagtakbo. Nasa malayo na ang magnanakaw pero abot tanaw pa rin niya ito.
Palabas na ito sa dulo ng skinita ng may biglang bumundol na sasakyan at natumba ang magnanakaw. Agad na bumaba ng sasakyan ang matangkad na lalaki at sinapak nito ang snatcher, ng tangkain nitong bumangon, muli itong natumba agad na dinampot ng lalaki ang bag.
Mabilis naman naka tayo ang magnanakaw at kumaripas ito ng takbo palayo.
Nagulat pa siya ng makilala ang lalaki ng tuluyan siyang makalapit rito.
“ Heto na ang bag mo.” Ani, Sebastian inabot sa kanya ang bag.
“ S-salamat.” Kinuha niya ang bag mula rito.
Napaisip siya kung paano napunta ang binata dito, paano nito nalaman hinahabol niya ang snatcher?
“ A-ano pala ang ginagawa mo dito? S-sinusundan mo ba ako?”nauutal niyang tanong.
Nag salubong naman ang mga kilay nitong tinitigan siya.” Bakit naman kita susundan?”
“ Kung hindi mo ako sinundan ano ang ginagawa mo rito?”
Napa kamot ito sa ulo.” Ang lakas talaga ng triping ng babaeng ito. May sa tupak talaga." mahinang sabi nito pero rinig na rinig niya.
" For your information, daanan ito ng lahat ng tao at nagkataon napadaan ako ng hablutin ang bag mo. Kaya nag short cut ako at inabangan ang magnanakaw na 'yon sa dulo ng skinita, ayos naba ang explanation ko ma’am?” Nang uuyam nitong tanong sa kanya.
Napa simangot siya sa sinabi nito “ Kahapon lang ang galang galang nito, ngayon naman? Maysa tupak ata ang lalaking ito.” Sa kaloob looban niya.
" Nag tatanong lang naman ako, tapos bigla kang nagagalit riyan.”
Tumawa ito ng mapakla. “ Iba ang nagtatanong sa nag-aakusa, baka hindi mo alam. Amanos na tayo, naligtas mo ang buhay ko, siguro naman bawing bawi na ako sa’yo." saad nito.
Nagkaroon siya ng idea sa isipan, “ Ahhhh! kaya mo talaga ako sinusundan para kapag napahamak ako, kunwari ililigtas mo ako, para makabawi kana sa pagligtas ko sayo, nang sa ganun hindi ka uusigin ng kunsensiya mo sa ginawa mong pagpatanggal sa'kin."
Napa iling-iling ito sa kanyang sinasabi at bigla nitong tinapat ang palad sa noo niya.” Kung sino kaman spirito sumanib sa katawan ng babaeng ito umalis, kana dahil mapapahamak ka lang sa kanya.” Natatawa nitong sabi.
Mabilis niyang tinabig ang kamay nito." Aba'y eh g*go to ah!" bulalas niya sa inis.
Sumeryuso ang mukha nito “ Alam mo, magpasalamat kana lang, kaysa kung ano-ano pa ang ibinibintang mo sa 'kin. Kakaiba karin.” Sabi nito sabay talikod sa kanya.
“ Antipatiko!” Naiinis niyang sabi pero, hindi na siya pinatulan nito.
Himbis na magpunta siya sa kumpanya sa sinasabi ng kaibigan, ay nagtuloy na lamang siya sa tambayan nila ni Totsie. Sirang sira na ang araw niya, gusto niya ng may makakausap.
“ Uhm...Rhian, pabayaan mo nalang ang Albert na iyon.” Alo ng kaibigan sa kanya ng sabihin niya rito ang ginawang panloloko ng kasintahan.
“ Hindi mo deserve ang lalaking iyon.”
“ Ang sakit sakit Totsie, parang pinagtutusok ng karayom ang puso ko sa kanyang ginawa.” Umiiyak niyang sabi rito.
" Alam ko, sinasabi ko noon na hindi ako gagaya ng iba babae maghahabol at iiyak sa mga manluluko pero nasasaktan pa rin ako eh!"
Niyakap siya nito“ Normal lang 'yan nararamdaman mo, pero magiging okay ka rin. Maka move on ka rin sa walang hiyang iyon.”
“ Hindi ko kaya, ang sakit sakit dito.” sabay turo niya sa kanyang dibdib.
“ Ibaling mo nalang ang attention mo sa trabaho para makalimutan mo siya.”
Hindi na siya umimik pa, tanging mga hagolhol niya ang namayani sa kanilang dalawa ng mga sandaling iyon. Inilabas niya ang sama ng loob sa pamamagitan ng pag-iyak.
Hindi niya inakala na magawa siyang lukuhin ng kasintahan. Nangako pa naman ito sa kanya, pero binali nito ang mga pangako binitawan nito nong nililigawan pa siya.
Parang gusto na niyang maniwala sa kasabihan" Promise are made to be broken."
PINILIT niya ang sarili bumangon kinabukasan, para ipagpatuloy ang pag apply niya ng trabaho. Ayaw niya sana lumabas ng bahay, pero wala siyang magagawa.
Kinakailangan niya kumayod dahil kung hindi, pare pareho silang mamatay sa gutom ng kanyang ina.
Nasa entrance na siya ng building kung saan siya mag-apply, naka salubong niya si Ally ang nobyo ng kanyang kaibigan.
“ Rhian, bakit ngayon kalang nagpakita? Kahapon kapa inasahan." ani Ally sa kanya.
Nahihiya siya rito, ito pa naman ang tutulong sa kanya." Pasensiya na Ally."
" Anyway, tumuloy kana lang dun’ sa office niya. Pasensiya kana hindi kita masamahan kasi nagmamadali din ako.” Paliwanag nito.
“ Okay, lang Ally ako nalang magpunta roon. Salamat.”
“ Tatawagan ko na lang siya, para ipaalam sa kanya dumating kana.” Kinuha nito ang cellphone mula sa bulsa sa sout nitong pantalon. Naka ilang dial na ito pero walang sumasagot.
“ Baka busy." sabi nito sa kanya.
"Magtuloy ka nalang sa opisina niya, tawagan ko nalang din ang secretary na papasukin ka.” Pagka sabi n'yon ay nagmamadali na itong umalis.
Tulad ng sabi ni Ally, napapasok siya sa loob ng building. Binaybay niya ang daan papunta sa opisina ng kanyang magiging boss kung sa kali man matanggap siya nito.
Nakita niya ang opisina, sinasabi ng secretary nilapitan niya kanina. Mula sa bildong pintuan nakita niya ang lalaking naka yuko tila Abala ito nagsusulat oh may pinipirmahan. Hindi niya masyado na aninag kung ano ang ginagawa nito.
Humugot muna siya ng malalim na hininga bago kumatok sa bildong pintuan. Itinaas nito ang isang kamay, hudyat na pumasok siya, ni hindi ito nag angat ng tingin.
Tinulak niya ang pinto at nagtuloy na lumapit sa mesa nito.
“ Magandang umaga po sir." pasiuna niya.
" Mag apply po sana ako ng trabaho bilang assistant niyo.”
Nag angat ito ng tingin, laking gulat nito ng makita siya, ganu’n din ang kanyang naging reaction.
Napalunok laway siya, habang nakikipag titigan kay Sebastian. Hindi niya akalain na ang lalaking ito ang kanyang magiging amo.
Napapailing itong nakatingin sa kanya,” Mag apply ka sa akin ng assistant?”
Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa tanong nito.
“ Hoy! Rhian, kailangan mo ng trabaho, 'wag kang choosy.” Sigaw ng isipan niya.
“ O-opo sana.” mahinang tugon niya.
Nakangiti lang itong naka tingin sa kanya at sinabayan nito ng pag sunod-sunod na iling.
Nakita niya ang pag-galaw ng adams apple nito. “ Unang araw palang na mag apply ka ng trabaho absent kana, paano nalang kaya kapag, naka pasok ka rito?" Umiling itong muli." It’s a no for me.” Mariin nitong sabi.
“ Sir, baka pwedi po, bigyan niyo ako ng chance. Hindi po ako naka punta dito kahapon dahil may nangyari lang po.” Paliwanag niya sa mahinang boses.
Tumayo ito at itinukod ang dalawang kamay sa mesa. “ The last time I check, kahapon 'yon nang umaga nangyari, bukas ang opisina ko hanggang alas singko ng hapon. Saan ka nagpunta pagkatapos sa nangyari? Bakit hindi ka nagtuloy mag apply dito kung intresado ka talaga?"
Napa isip siya kung ano ang isasagot niya rito.
" Kaya it’s a big fat no for me.” Giit nito.
Nakaramdam siya ng inis pero nagtimpi siya,“ Kailangan ko pa pala ereport dito kung ano ang ginagawa ko buong maghapon?” Sa kaloob-looban niya.
“ You may go now.” pasimpleng taboy nito.
Tahimik siyang lumabas ng opisina, ayaw niyang mamilit sa taong ayaw sa kanya.
" Na sarhan man ako ng pinto, naniniwala pa rin akong may ibang pintuan magbubukas para sa'kin." motivate niya sa sarili habang naglalakad siya palabas ng building.
Nasa hallway na siya ng makita ang babaeng kaharutan ng kanyang nobyo kahapon. Sinundan niya iyon ng tingin, pumasok ito sa isa pang opisina.
“ Dito siya nagtatrabaho? hmmmm... Better to keep the enemy closer.” Bulong niya sa sarili.
Naglakad siya pabalik sa opisina ni Sebastian. “ Hindi ako ang tipong tao, madaling sumuko.” Determinadong sabi sa sarili.
Natanaw niya si Sebastian lumabas ng office nito, sinundan niya iyon.
HINDI mawala sa isipan ni Sebastian, ang paghaharap nila ni Rhian kanina, habang naglalakad siya papunta sa maliit na silid kung saan naka lagay ang kape at iba pang mga inumin.
“ Bawing bawi na ako sa kanya, saka isa pa, ang nanay lang naman nito ang mabait.”
Hindi niya ma imagine ang sarili magkasama sila ni Rhian sa iisang opisina.
” May pagka tigasin pa naman ang babaeng 'yon, mapapanot ako sa stress pagtatangapin ko.” Tuluyan siyang pumasok sa loob ng silid.
Inabot niya ang tasa mula sa kabinet ng biglang bumukas ang pintuan at napalingon siya roon.
“ Ikaw na naman, ano ang ginagawa mo dito?” Salubong ang kanyang mga kilay.
Nginitian siya nito ” Sir Sebastian, please? Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon.” Pakiusap nito sa kanya.
Napangiti siyang naiiling sa tigas nito, humakbang siya papunta sa pintuan.
Bigla nitong hinarang ang katawan sa kanya, kaya napahinto siya sa paglakad.
“ Get out of my way.” Taboy niya.
“ Please sir Sebastian, kahit ngayon lang. Kung hindi ako karapat dapat sa trabaho na ito, pwedi mo ako tanggalin agad.” pangungulit nito.
" Pero sana subukan niyo po muna ang serbesyo ko, bigyan niyo lang po ako ng pagkakataon maipakita sa'yo ang kakayahan ko."
Lihim siyang napa-ngiti sa mga pinagsasabi nito. " Okay, you are hired."
Nagliwanag ang mukha nitong nakatingin sa kanya. " Po? tanggap na ako?" panigurado ni Rhian.
Tumango-tango siya," Yes, but now you're fired! Kaya tumabi kana diyan." sabi niya sa matigas na boses.
" Sir, naman." mahinang sabi nito pero hindi pa rin ito natinag sa kinatatayuan.
Inilapit niya ang mukha sa mukha nito habang naka sandal ito sa pinto. Napatitig siya sa mukha nito, noon niya lang napansin ang mahaba nitong pilik mata pinapayungan ang magandang mata ng dalaga.
Bumaba ang tingin niya sa labi nito at du'n nagtagal ang kanyang paningin.
Maganda ang hugis ng labi nito at mamula-mula. “ Kissable lips.” Sa kaloob-looban niya.
“ Ahem!” pukaw nito sa kanyang pananahik at umalis sa harapan niya.
Pinulot nito ang basahan nasa ibabaw ng maliit na lababo at pinunasan ang bildong pinto.
“ Magaling akong maglinis sir, hindi po kayo magsisi pagtinatanggap mo ako.” desidido talaga ito pumasok sa opisina niya.
Napahawak siya sa kanyang batok. “ Miss Rhian, assistant ang a-aplayan mo, hindi janitress.” sabi niya at lumabas ng silid.
“ Sebastian, kanina pa kita tinatawagan.” Bungad ni Ally ng makita siyang naglalakad pabalik sa kanyang opisina.
“ Ano na?” tanong nito at tumingin sa kanyang likuran.
“ Kumusta na ang pag-apply mo?” Baling nito kay Rhian naka tayo sa kanyang likuran.
Muling ibinalik ni Ally ang tingin sa kanya at nagtatanung ang mga mata nito.
“ Ayaw niya akong tanggapin.” Ani Rhian.
“ Pinsan naman, baka pwedi bigyan mo ng chance.” Pakiusap ni Ally.
Tahimik siyang nagtuloy sa paglakad papasok sa kanyang opisina.
“ Sir Sebastian, kahit para man lang sa nanay ko, kailangan ko po talagang makahanap ng trabaho.” Patuloy na pakiusap ng dalaga sa kanya.
Bigla siyang nakaramdam ng pagka bahala ng maalala ang nanay nito na may sakit.
Tumingala muna siya sa bubong bago nagsalita, “ Okay, kapag pumalpak ka hindi ako magdadalawang isip na tanggalin ka rito.” babala niya.
Napangiti ito sa tuwa. “ Salamat po sir Sebastian. Maraming salamat din sa’yo sir Ally.” baling nito sa nobyo ng kaibigan.
“ Magsisimula kana ngayon araw na 'to. Kailangan ko ng kape kaya ipagtimpla mo na ako.” Utos niya sa dalaga.
Kampante siyang susundin ng dalaga at magiging behave ito sa kanya dahil boss siya nito.
WALANG paglagyan sa tuwa ni Rhian may trabaho na siya at higit sa lahat makasama niya ang babaeng umagaw sa nobyo niya. Tinungo niya ang kinalagyan ng kape para ipagtimpla ang amo.