The woman in my dreame Episode 8

2170 Words
SAGLIT na huminto sa paglakad si Sebastian ng matapat sa mesa ng dalaga. Sinulyapan niya ang orasan pambisig. " Ala una na wala pa ito sa mesa niya, saan kaya nagpunta ang babaeng 'yon?" Nagtuloy siya sa paglakad papunta sa kanyang mesa. Napa kunot ang kanyang noo ng makita ang regalo naka patong sa ibabaw ng mesa. dinampot niya iyon. Tinignan niya ang card kung kanino galing ang regalo. Napangiti siya ng makita ang pangalan ng dalaga. " Seryuso talaga ang babaeng 'yon, hindi ma biro." muli niyang nilapag ang hawak na regalo. Umupo siya sa kanyang swavil chair at pinaikot-ikot ito. Hindi sadyang pumasok sa isipan niya ang dating kasintahan. Sa tatlong taon nila magkasintahan wala siyang natanggap na regalo mula rito. Siya lang ito laging nagbibigay. " Hindi naman mahalaga kung ano ang laman ang mahalaga lang naman ay iyong effort. Bakit hindi ko manlang iyon napansin. Para noon pa naka iwas na ako agad. Hindi ko na sana hinayaan mahulog ang puso ko ng tuluyan para hindi ako nasaktan." Napa buntong hininga siya at muling tinoun ang pansin sa regalo. " Ano kaya ang laman nito?" Kinuha niya 'yon para buksan," Don't expect it expensive." sigaw ng isipan niya. Akma buksan ito ng bigla bumukas ang bildong pintuan at iniluwa mula roon si Charry. " Hmmm... What a cheap gift." anito ng makalapit sa kanya. " Charry, kumatok ka naman. A-atakihin ako sa puso sa gulat eh!" inilapag niya ang hawak sa ibabaw ng mesa. " Ang tagal natin magkaibigan ngayon, ko lang nalaman magulatin ka pala." dinampot nito ang regalo at tinignan nito kung saan galing. " No wonder, mumurahin ang pambalot nito." ani Charry. Mabilis niyang kinuha mula rito ang regalo" Hindi na mahalaga kung mamahalin or mumurahin, ang importante galing sa puso." Tanggol niya sa binigay ng dalaga sa kanya. Umismid lang ito." Well, hindi naman 'yan ang sadya ko. Kumusta ang lakad mo kay mr Vasquez?" umupo ito sa upuan nasa harap ng kanyang mesa. Napa simangot siya ng maalala ang nangyari. " Something happend?" kunot noo tanong ni Charry ng mapansin ang pagsimangot niya. Napa iling-iling siya" Nothing. Magkikita naman kami uli ni mr Vasquez, this coming Saturday." sabi na lamang niya. " That's good! Makasama na ako n'yan." naka ngiti nitong sabi at tumayo na para lumabas ng opisina. " NAKU kailangan ko nang umalis mag-ala una na." balisang sabi ni Rhian kay Totsie ng mapansin ang orasan nasa kanyang bisig. " Ako din malalagot ako nito sa manager ko. Alam mo naman 'yon." naka ismid nitong sabi. " Napa sarap ang kwentohan natin hindi ko tuloy namalayan ang oras." tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan. " Sige, see you when I see you." naka ngiting biro nito. " Sa inyo mo nalang buksan ang regalo na 'yan." bilin niya kay Totsie bago siya tuluyan umalis. Nasa hallway na siya ng building papunta sa opisina ng amo nang makita siya ni Charry. " Rhian hali ka muna rito." tawag nito sa kanya. Nagmamadali siyang nilapitan ito." Bakit po?" Pinag cross nito ang dalawang braso sa dibdib" Gaano naba kayo ka close ni Sebastian, para magbigay ka ng regalo sa kanya?" Napa kunot noo siya sa tanong nito, hindi niya gusto ang tono ng pananalita nito " Ikaw ba gaano mo kakilala si Albert para maniwala kang nag-iisa ka lang sa buhay niya?" gusto niyang itanong rito pero isinantabi na lamang niya iyon. " Kailangan pa po ba ma'am maging close ang tao para bigyan mo ng regalo? Christmas po ngayon." tugon niya. " Ang cheap ng regalo mo." maarte sabi nito. Naiinis na siya," Hindi po mahalaga ang presyo, ang mahalaga bukal po sa puso ko ang pagbibigay."pigil na pigil niya ang galit. " Abay, sinasagot-sagot mo ako." naka pamaywang nitong sabi. " Dahil hindi po kasali sa sahud ko ang maliitin mo ang regalo ko." palaban niyang sabi rito. " Baka hindi mo alam, matalik kung kaibigan si Sebastian. Kaya may karapatan akong sabihin ang gusto kung sabihin. Malay ko nilalandi mo na siya at dinadaan mo lang sa pagbibigay ng regalo." tinaasan siya nito ng kilay. Gustong gusto niyang hilahin ang buhok nito, para alam nitong saan ito lulugar. Kaibigan lang ito ni Sebastian hindi niya amo. " Pigilan mo ang sarili mo Rhian, dahil may notice of dissconection kana mula sa amo mo. Baka bigla kang ma disconnect sa kumpanyang ito." biro niya sa sarili para alisin ang namuo tension sa pamagitan nilang dalawa ni Charry. Pinilit niyang ngumiti rito." Naku! ma'am Charry, hindi ko po nilalandi si sir at wala po akong balak na landiin siya. Napapansin ko nga mas bagay kayo ni sir eh! kung saka-sakali po maging kayo." sinundan pa niya iyon ng matamis na ngiti. Umalma ang mukha nito sa sinabi niya at napangiti na rin, " Talaga, bagay kami?" hindi maka paniwalang tanong nito. " Upo ma'am sa ganda mong 'yan. Si sir naman ay guwapo din." dagdag niya, " Uto-uto din pala ito eh!" anas niya. " Ano ang sabi mo?" tanong nito ng hindi marinig ang sinasabi niya. " sabi ko po, bagay na bagay po talaga kayo ni sir." Hinawakan siya nito sa siko" Dahil diyan gusto na kita. Mamaya pag wala kanang ginagawa puntahan mo ako sa office ko para makapag kwentohan tayo." Napangiti siya sa sinabi nito. Bigla siyang nagkaroon ng idea sa kanyang isipan. " Sige po. Tutuloy na ako." paalam niya at tinalikuran na ito. " YOU'RE late!" galit na bungad ni Sebastian sa kanya ng maka pasok siya. Tinignan niya ang orasan. Ala una y medya na. " 30 minutes late po sir, pasensiya na po." nagmamadali siyang umupo sa kanyang upuan. " This will be the last time na malate ka. Dahil pag ma late ka uli, wag kana pumasok dito." ani Sebastian at yumuko sa laptop nito. " Bakit, ba mainit ang ulo nito ngayon." mahinang sabi niya. " I heard you mumbling." anito hindi tumingin sa kanya. " Sorry po hindi na po talaga mauulit." tinuon niya ang kanyang pansin sa mga papers nasa kanyang harapan. Naramdaman niya tumayo ito at naglakad " Saan po kayo pupunta sir?" tanong niya ng na sa pintuan na ito. " May pupuntahan ako." " Saan po? Sasama po ako sir." mabilis siyang tumayo at lumapit rito. " Rhian, pwedi ba dito kana lang? gusto kong umalis mag-isa." " Hindi po pwedi sir, personal assistant n'yo po ako, kailangan sumama ako sa'yo." giit niya. Napa sunod-sunod ang iling ng binata sa kanyang kakulitan. " Rhiana mag c-c.r ako gusto, mo ba akong panuurin paano -iire, ha?" Napa ngiti siya" Ah, eh...Hindi niyo naman po kasi sinasabi agad eh." " Kailangan ko pa bang magpaalam sa'yo, papasok ako ng comfort room ha?" naiinis nitong tanong. " Hindi naman po. Pe---" hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil iniwanan na siya nito. Lumapit siya sa mesa ng binata ng mawala na ang amo sa paningin. " Hindi niya gusto ang regalo ko?" tanong niya sasarili ng makita naka patong pa rin ito sa ibabaw ng mesa. " Baka ayaw niya sa ganitong klase regalo. Anyway mayayaman kasi hindi sanay sa ganitong klasing balot." naglakad siya pabalik sa kanyang mesa. Ginugol niya ang oras sa trabaho. Napangiti siya sa isipin paglapitin niya si Charry at ang kanyang sir, para lubayan na nito si Albert. " Ibig mo sabihin tatanggapin mo pa rin si Albert, sa kabila ng kanyang panloloko sa'yo?" napa ismid siya sa isiping 'yon. " Everyone deserve a second chance. Once a cheater will always be a cheater." nagtatalong damdamin at isipan niya. " Bahala na si batman." aniya, at sinundan ng pagbuntong hininga. Mabilis lumipas ang mga oras at sumapit ang uwian. " Naisahan ako ni sir ah!" bulalas niya ng hindi pa rin makabalik ang kanyang amo. Niligpit niya ang kanyang mga gamit para maka-uwi na. Nasa labas na siya ng opisina ng maka salubong ang amo. " Huwag ka muna pumasok bukas." Bigla siyang kinakabahan sa sinabi nito." Bakit po sir? Kalahating oras lang naman ako na late, tanggal ako agad?" malungkot niyang tanong. " Pupunta ka sa bahay bukas ng gabi dahil may Christmas party, tayo at sa bahay namin idaraos 'yon. " anito sa kanya. " Gabi pa naman po 'yon, pwedi pa po akong pumasok bukas dito sa office." giit niya. Umiling-iling ito " No need na, ginagawa ko talaga iyan every Christmas so, everyone have time to prefare for their self. Gaya niyong mga babae." pag diinan nito. "Hindi naman po lahat sir. Hindi ako mahilig magpa parlor." saad niya ng maunawaan ang ibig nitong sabihin. Sa kabilang banda napanatag din ang kalooban niya. " Hay salamat akala ko tanggal na ako!" naibulalas niya sa tuwa. " Ganun talaga kapag may kasalanan nagi-guilty." ani Sebastian ng umabot sa taenga nito ang sinasabi niya. " Sir naman...Ang lalim po noun." naka ngiti niyang sabi. " Hindi ako nakikipag biruan." anitong hindi ngumingiti. " Be there at 7:pm" sabi nitong sinabayan ng pagtalikod. " Okay po." tugon niya. " Sir, hindi ko po alam ang bahay niyo." pahabol niya sa nakatalikod na amo. " Use, google." anitong hindi siya nilingon. Napa-kamot na lamang siya sa ulo at tumalikod na rin. " Rhiana!" Natigil siya sa paglakad ng tawagin siya ng amo. Ngumiti siyang nilingon ito" Bakit po sir?" " May pupuntahan ako malapit sa inyo, daanan nalang kita para maisabay kita sa bahay ko" iyon lang at tuluyan na itong umalis. " Rhian, maaga ata ang uwi mo ngayon?" tanong ng kanyang ina ng makapasok siya sa kanilang bahay. " Wala po kasi kaming lakad ni sir nay." ipinatong niya ang kanyang bag sa ibabaw ng kanilang mesa. " Kumain na po ba kayo?" kinuha niya ang nakatakip na plato. " Tapos na, binigyan tayo ng fried chicken ni Magda." tukoy nito sa kapit bahay. Kinuha niya ang naiwan na isang hiwa ng manok at nilantakan niya iyon. " Kumusta naman ang trabaho mo kay sir Sebastian?" Saglit siyang natigil sa pag nguya. Gusto niyang sabihin rito masungit ang amo" 'wag nalang kakampi pa naman ito sa suplado 'yon." sa kaloob looban niya. " Okay lang naman po. Bukas daw dadaanan niya ako rito sa bahay, may party kasi sa kanila nay kaya nainvitahan ako." saka siya ngumuya muli. Pagkatapos niyang maghapunan kumuha siya ng bihisan at pumasok sa maliit nilang banyo para makapag ligo. Ilang minuto din siya sa loob ng banyo saka lumabas. " Nay, maauna na ako matulog sa'yo napagud ako sa trabaho ko." humalik siya sa noo nito bago tuluyan pumasok sa kanyang silid. Maaga siyang gumising kinabukasan, at dahil wala siyang pasok ay nag general cleaning siya sa kanila at nilabhan niya ang kanilang maruruming damit. Hapon na ng matapos siya sa kanyang ginagawa. " Nay, kumain napo kayo at magbibihis na ako, baka kasi darating na si sir, nakakahiya paghintayin siya." paalam niya sa ina. Sout niya ang asul na dress hanggang tuhod ang haba at backless ang style nito. Sinuklay niya ang lagpas balikat niyang buhok. Pagkatapos ay lumabas na siya ng kanyang silid. Humarap siya sa salamin naka dikit sa kanilang dingding. Naaliw siya sa kanyang ayos, ng biglang marinig ang tugtug ng kapit bahay. " Sway by p***y catdoll." Hindi niya mapigil ang gumiling habang nakaharap sa salamin. Nilapat niya ang dalawang palad sa salamin at nakikipag cha-cha sa kanyang reflection. TAWANG-Tawa si Sebastian habang pinanood si Rhian nakikipag sayaw sa sarili nito nakaharap sa salamin. " Luka-luka talaga ang babaeng ito." Insaktong umikot ito at nakita siyang naka tayo sa pinto." Kanina ka paba?" nahihiya nitong tanong sa kanya. " Mula simula ng pagsayaw mo hanggang dulo kitang kita ko." natatawa niyang sabi. " Galing mo makipag sadsaran sa kakambal mo ah!" tukso niya. Natawa siya lalo ng makita ang pamumula ng pisngi nito. Halatang nahihiya ito sa kanya. " Hijo, mabuti na gawi ka dito." agaw pansin ng ina ng dalaga nakatayo mula sa kanyang likuran. Nilingon niya ang ginang." Magandang gabi po, dinaanan ko si Rhian, para maisabay kuna siya sa amin." " Okay, wag kayo masyado mag papagabi." " Wag po kayong mag alala aling Betty, ihatid ko po si Rhian mamaya." pagka sabi niyang iyon, inaya na siya ni Rhian umalis. " Alis napo kami inay." anito at naglakad palabas ng bahay. Naka ngiti pa rin siyang sumunod sa paglakad ng dalaga palabas na sila ng skinita. "Tandan-dandan." natatawa niyang tukso rito. Naka simangot na nilingon siya ni Rhian, " Paghindi ka titigil hindi ako sasama sa'yo." banta nito sa kanya. " Ang galing mo ngang gumiling. Ngayon lang ako nakakita nakikipag cha-cha la partner ang reflection mula sasalamin, Pwedi pala 'yon?" sinundan niya iyon ng tawa. " Ano ba, nakakainis kana!" " Hahhaha sorry, sorry nakakatawa lang kasi." napa hagalpak siya ng tawa. " Bahala kana nga sa buhay mo. Umalis kang mag isa!" naiinis na sabi ng dalaga at naglakad pabalik sa bahay nito. " Rhian!" Sabay silang napalingon ng dalaga mula sa pinanggalingan ng boses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD